jump to navigation

perapogi Pebrero 13, 2008

Posted by gasti in kwentong pasahero, muni-muni moments.
trackback

grabe ang lamig ngyon. ang hirap maligo lalo na sa madaling araw. para kang nagbubuhos ng tubig na galing ref. paglabas mo ng bahay ay mahahanginan ka pa. ayos! kumikislot na naman.

mukhang nanumbalik ang simoy pasko sa kapaligiran pero hindi katulad nung disyembre eh marami kang makikitang krismas dekoreysyen sa mga bahay-bahay. kami na lang ata ang tanging bahay na merong nakalambitin na parol sa may bintana (wala ng alisan to! all year round). nagtaasan na rin ang presyo ng mga bulaklak..hindi lang doble, triple pa! chicharon bulaklak na nga lang ang tanging hindi nagtaas ng presyo. haaay kamote talaga yang supply-demand kadugasan na yan.

habang nasa byahe na ko, as usual eh tamang pakinig lang ako sa mga usapan ng may usapan. this time eh mga barako naman ang nagkukwentuhan. isang maliit na lalaki na mukhang mapera at malapit ng magretiro na itatago natin sa bansag na “money man” at ang kanyang dating opismeyt na tatawagin nating “kakusang tunay”. narito ang takbo ng usapan.

money man: pards valentines day na pala bukas noh?! may nahanap ka na bang ka-date?
kakusang tunay: wala nga eh! hirap na maghanap ngyon..wala pang pera. ikaw siguro meron na noh?!
money man: wala nga rin eh! nakakatamad na nga pumasok bukas..baka tanghali na ko papasok.
umepal na ginang: hindi ba kayo magdi-date ng misis mo? asan na ba sya?!
money man: ahh yun? wala. nakakasawa na rin kasi..gusto ko iba naman. hehe!
kakusang tunay: syempre si kumpare ko pa..madami pera pang chiks yan eh! nga pala pre ba’t di mo subukan yung nakakasabay natin kapag hapon..ok na yun ah!
money man: ahh yung maputi? yung tisay? wala na yun..di ko na nakikita baka lumipat na ng sinasakyan.
kakusang tunay: sayang yun. ok pa naman sana..di mo na kelangan maghanap pa.

umepal na ginang: kayo talaga mga chicboy pa rin kayo.

marami talagang nagagawa ang pera sa itsura ng isang tao. hindi mo na kelangan magparetoke ng mukha para pumogi. iwagayway mo na lang ang mga kaperahan mo sa harap ng chiching oks na yun. malakas rin ang dating mo kapag mamahalin ang suot mo lalo na kung bagong plantsa. magmumukha kang mabango at maharlika sa paningin ng iba. dagdagan mo pa ng angas mala-“asyong aksaya” paniguradong head over heels na sayo ang binobola mo. yun nga lang wala ka rin kasiguraduhan sa loyalty. quits lang. pareho naman kayo naglolokohan eh! pakiramdaman na lang kung sino ang unang bibigay. gamitan lang yan.

ito lamang ay isang obserbasyon ko. hindi ko naman nilalahat pero aminin nyo mga girls..umaasa kayo sa isang mala-fairytale lovestory sa totoong buhay. kaya nga mabentang mabenta rin ang mga romantic novels and movies dahil sa inyo. nakakita na ba kayo ng magbabarkadang lalaki (straight guy) na magkakasamang nanood ng pelikulang gaya ng serendipity, jerry maguire, wedding singer, pretty woman, the notebook, 50 first dates, a walk to remember o di kaya ay mga pinoy romantic films? meron siguro kapag erotic hindi romantic.

sige nga pili ka rito.

a. panget, galisin, habulin ng langaw – pero ubod naman ng yaman. maraming magagarang sasakyan gaya ng ferrari, porsche, chevy camaro, hummer, chopper, yacht at private jet. maraming lupain at mansyon sa iba’t ibang sulok ng mundo.

b. super ganda at nag uumapaw sa kaseksihan / macho gwapito makalaglag panty – pero dukha. nakatira sa ilalim ng tulay at nagdidildil ng asin para makakain.

c. cute naman, ok lang, pwede na – pero pulpol ang utak. maliit ang sweldo. maliit ang pututuy(kung lalaki),ga-pasas ang boobs (kung babae) at may kanser sa dila.

pa-showbiz na sagot. “hindi ako tumitingin sa itsura kundi sa ugali”. ok fine.
lokohan na to.

Mga Puna»

1. wacky - Pebrero 13, 2008

ako ang una… haha…. para sa ‘kin, yung ano… letter b.

Ang pera naman kase hindi nawawala, habang buhay na yang naandyan. Sikap ka lang, yayaman ka din. Pero ang chicks, habang buhay mo yang makakasama, kaya kung pipili ka na rin lang, yung maganda at malibog na. Hehehe… nice entry….

Ngayon lang me napadaan dito kase busy me sa thesis… actually, hanggang ngayon busy pa rin me… siyeet!!!

gasti: haha! galeng ah! di ko man lang naisip na mapapadpad ka ngyon sa blog ko..salamat sa pagdaan kahit busy ka. malapit na finals nyo noh😀
teka wala naman ako nabanggit na malibog yung babae sa titik b. hehe!

2. nickname™ - Pebrero 13, 2008

hahah! nice entry..

imposible naman yata yung A.. heheh.. mayaman, walang pambili ng cologne or parfum? o di kaya pang derma? hehe..😆 cge, A nalang… kukunin ko lahat ng pera, saka ko iwan.. wahahah!👿


gasti: ano kasi eh hindi lahat ng mayaman ay malinis sa katawan…baka hindi naturuan ng proper hygiene😀

3. beer-O - Pebrero 13, 2008

pang-balentayms na talaga post mo, dude! parang choose-a-date to ah!😆 letter B na lang siguro gusto ko. para may kasabay na kong magdildil ng asin. bwahaha! astig naman siguro ang tumira sa tulay. okay lang yon kasi ayon sa kasabihan, “…mas mabuti pa ang kubo na ang nakatira ay tao”😆

gasti: haha! gusto mo rin magdildil ng asin at tumira sa ilalim ng tulay? lols! at may nalalaman ka pang kasabihan ngyon..aminin mo na..katawan lang talaga habol mo.

4. camilleeee - Pebrero 13, 2008

letter “D”, ol op de abab! nyahaha

totoo nga siguro yung sabi nilang, ‘money makes d world go round’.. eh.. yung gulong?… panu natakbo yun? ❓

la lang, natanong lang nman🙂

gasti: aha! gusto mo marami karelasyon ah! uu pera pera lang yan..ahhmm yung gulong, gumugulong ng paikot tapos maeleng.

5. beer-O - Pebrero 13, 2008

haha😆 mahirap na kasing mag-expect. baka “asin at tulay” ang maging kapalaran ko ten years from now (God forbid) hehe. yong kasabihan naman turo pa yun ng Filipino teacher ko nun. di pa ko madalas ma-late nun kaya may natutunan naman kahit konti. di lang naman katawan ang dapat i-consider dito. kasi ano naman gagawin mo sa katawan kung kasing-baho ng dump site sa payatas at kasing-dumi ng pasig river, di ba?😆 para sa kin, “cleanliness is next to sexiness”. bwahaha😆


gasti: haha! korek ka dyan..kapag maantot ang inihain sa harap ko hindi ko talaga kinakain.

6. beer-O - Pebrero 13, 2008

see…di sumang-ayon ka rin😆 may natutunan din pala ako sa persuasive communication class namin. lols! maitanong ko lang, eh pano mo ika-classify si Mrs. Gasti? A, B, or C?

gasti: syempre wala sa choices si kumander. ispesyal offer yun eh

7. randomdemeanor - Pebrero 13, 2008

acshuli, ala akong mapili sa choices mo..
pero kung kelangan….cge..letter A..tapos ire-request ko na gawan nya muna ng paraan para maging kabaliktaran sya ng sarili nya..pwera yung pagiging mayaman na..saka ko sya pwedeng patulan…nyahahaha!!! alang plastikan to…ganun talaga ang TOTOONG babae sa panahong ito…pero like you bosing, hindi ko nilalahat…(defensive)
at di rin maitatanggi na ganun din kayong mga lalaki…cge nga, pumili nga din kayo sa choices nakaset….

uso din naman kasi ang matrona at mamasang ngayon..quits lng talaga..

kaw bosing, if ever wala pa si Kumander…ano san ka sa choices mo…walang all of the abab…INTRIGA itoh!!!!!

gasti: haha! defensive! kaw talaga iniintriga mo na naman ako. oy! never ako papatol sa mga matrona at mamasang na yan. kaya ko namang kumita ng pera sa sarili ko..mas importante sakin ang ugali at itsura syempre yung nakakapagpatigas naman. i choose letter b. iaahon ko sya sa kahirapan.

8. ellieshe - Pebrero 13, 2008

a. panget, galisin, habulin ng langaw – pero ubod naman ng yaman. maraming magagarang sasakyan gaya ng ferrari, porsche, chevy camaro, hummer, chopper, yacht at private jet. maraming lupain at mansyon sa iba’t ibang sulok ng mundo.

haha…buti nlang msaya na ako sa kung anong meron ako ngayon :-)…nyaaaaah

gasti: good for you🙂 pero kung wala ka pa bf pwede na rin yan patulan…

9. madbong23 - Pebrero 13, 2008

gasti sama kita sa links ko ha

gasti: sure madbong! salamats!

10. rhapsody - Pebrero 13, 2008

hindi po ako showbiz pero pang-showbiz tlga ang sagot ko hehehe… i swear di ako nakikipaglokohan. pero cyempre nung mga tipong hayskul pa lang ako syempre none of d above ang sagot ko.. kasi dapat gwapo na mapera pa. hehehe

gasti: mga kabataan nga naman talaga..hehe! ako never ako nangarap magkaron ng syota na mayaman..baka kasi matahin lang ang pamilya ko eh.

11. linglingbells - Pebrero 13, 2008

ako letter A ang gusto ko! hahahaha! madami naman siyang pera, mapaparetoke naman ang mukha niya, mapapagamot niya mga galis niya at mapapapatay niya lahat ng langaw sa mundo.. ganun talaga ang nagagawa ng pera! hehe!

gasti: hindi na mawawala ang mga galis, langaw sa kanya at naninindigan din syang hindi sya magpaparetoke kelanman sa buhay nya kaya kelangan mo tiisin yun kung gusto mo talaga si letter a. hehe!

12. wei vines - Pebrero 13, 2008

naalala ko sinabi ng mommy ko : MAS madaming babae hahabol sayo pagka graduate mo..(?) na hindi ko naman alam kung totoo…

and of course tama ka dun…sa mga mall pa nga lang eh..sino makikita mong boyfriends nila?! AKO! joke. mga ‘papable’ <(term ng utol ko) hehehe

happy v-day nga pala sayo dude😉


gasti: hmmm..sa panahon kasi ngyon, ang hinanahanap ng babae ay yung pangmatagalan na relasyon at financial security. kapag estudyante pa lang kayo, wala pang kasiguraduhan yun. kaya pag igihan mo ang pag aaral mo bata..magpayaman ka. happy v-day din sayo pards!

13. koreanmine - Pebrero 13, 2008

eh sa inde ako tumitingin sa ichura kundi sa ugali eh , bat ba, showbiz ako eh ! Lols😆

kaw ha,balemtyms na balemtyms, chinugi mo pa kaming mga babae, eh sa mahilig kami sa nakaka kilig eh, kayu mahilig lang sa nakaka kislot! LOls😆

*** ayaw ko sa mayaman kc di ako sanay magpa sosi, magmumuka akong shushunga shunga lalo, ayaw ko din sa wafu kc bka mapagkamalan akong achay nya😀 gus2 ko yung ka level ko lang , mga tipong orlando bloom ba LOls😆

gasti: hehe! di ko naman chinugi ang mga girls..sinabi ko lang yung totoo. uy sa romantic films meron din namang kislutang nangyayari😀
ka-level mo si orlando bloom? diba bakla yun? may pic ako nakita yun na may kahalikang lalaki habang nasa autograph signing.

14. bakal - Pebrero 13, 2008

hirap ata nun letter A tsong, lalo na sa lalaki… pare, sakit sa ulo nyan pag kasama mo, matinding imahinasyon ang kelangan. baka magkasakit pa ako sa kaiisip, mahal magkasakit… letter B na lang. kelangan b talaga asin? may patis at toyo naman e. Mahirap din ako, kaya dun na lang ko sa level ko. hehe

gasti: hehe! uu tama ka dun mukhang mahirap kasama yung letter a. tagabugaw ka ng langaw.😀 nice choice..

15. KC - Pebrero 13, 2008

Ang hilig mong makinig sa usapan ng iba…kunsabagay, ganun din ako. Korek, nakakaganda ng image ang salapi. May kakilala nga ako na hiniwalayan ang boyfriend para lang palitan ng lalakeng de tsikot

…pero kamukha naman ni Ben Deatha ng Salbakuta.

Pucha, lokohan yata yang choices mo. Pero dahil good sport ako, letter b na ang pipiliin ko…kesa habulin ako ng langaw at mawalan ng pasensya sa kasama kong utak talangka.

gasti: hehe! nakapikit naman mata ko habang nakikinig sa mga usapan. no choice eh katabi ko kasi sila kaya maririnig ko talaga.
nakow kamukha ni ben deatha? nakakakita rin ako ng de-tsikot na ganyan..tipong pormang hiphop pero wala namang hiphop abs puro bilbil.
haha! ok maganda yang napili mo.

16. lilmiz - Pebrero 14, 2008

naku, ok lang talaga sakin gwapo basta mayaman LOLz .. seriously, gusto ko lang yung gifted… hahaha

gasti: ayun naman pala…sige goodluck sa paghahanap mo. try mo mga african-american.😀

17. brath - Pebrero 14, 2008

ahm pwede na siguro sakin yung letter B…. ahahaha

xiao!

gasti: ayos! mayaman ka naman eh..kaya mo ng buhayin si letter b.😉

18. einn0c - Pebrero 14, 2008

ei dinala ako ng mouse ko dito nakita ko kc entry mo sa top post of the day🙂

join me ha. i’ll choose B. Sawa na kasi ako sa pangit gusto ko naman ng wapo😉. Ay wait, I change my mind yung A na lang. Gagamitin ko yung kayamanan nya para maging mabango, makinis at gwapo sya tapos the rest ng kayamanan nya gagamitin ko sa pagpapaganda ko!yehaa!😆

i like your site. I’ll link you up🙂 tenchu


gasti: wow top post? haha! perstaym yun ah. ngyon lang kasi ako nagtransfer ng language term used..buti na lang napansin ni pareng jeck. ey kung gusto mo si b. pagtyagaan mo yung kapangitan nya dahil panata na nyang maging ganun itsura nya habambuhay..kung ano raw pagmumukhang ipinagkaloob sa kanya ng Diyos ay maluwag nyang tatanggapin. salamat sa pag link ah! ano nga pala link ng blog mo?

19. linglingbells - Pebrero 14, 2008

hmmm.. Letter A pa rin! mapagtitiisan na yan.. hahahaha!

gasti: haha! ibang klase ka. mukhang matindi pangangailangan mo.

20. homebodyhubby - Pebrero 14, 2008

ahehe. B — kasi madali namang makaahon sa kahirapan 🙄
hi, pards… nag-ikot-ikot lang. para bumati. hapi valentines sa inyo ni misis.
(yang lamig ng hangin, huling hirit na yan. pagpasok ng marso, sus ang init naman)

gasti: uu nga pards sipag at tyaga lang yan…happy valentines din sa inyo dyan! ineenjoy ko na lang din ang lamig dahil nalalapit na nga ang summer.

21. nickname™ - Pebrero 14, 2008

napapansin ko, dami atang mukhang pera sa mundo..

wala.. napansin ko lang.. marami-rami din pala kami nuh?? hhmm… hehehe…😆

gasti: haha! uu marami talaga. praktikal na talaga ang mga tao ngyon.

22. beer-O - Pebrero 14, 2008

ah ganun ba. one in a million ika nga. para pala syang nilako sa bahay nyo. nagustuhan mo naman at sinunggaban agad. lols!

gasti: hehe! kasalukuyan ako nagwi-window shopping nun at naispatan ko sya. napagastos agad ako.

23. magayunon man - Pebrero 26, 2008

pwede pa? valentine mons.pa naman eh!!

ako un letrang A
pero ang nakuha ko kalbo na kurteng halfmoon,mabangong amoy bebyng matanda,me kotseng oldtimer,pensionado,matalino,seksi pa din sa ehem,,,saka etc.etc.
well,ganon talaga,praktikal na ang buhay,atleast meron kesa sa wala,o diba?

gasti: haha! mukhang nakadale ka nga ng madatung..oks na rin yan kung nagmamahalan ba talaga kayo eh! just keep the fire burning…seksi pa din sa ehem? saka…lols! hinay hinay lang ah

24. bebenibadoodles - Marso 12, 2008

Yay. Ang hirap naman ng options mo. Lahat may pros and cons. Ahh dun na lang siguro ako sa B. May itsura para magandang lahi. Yung kahirapan naman ng buhay, magagawan iyan ng paraan. Sipag, tiyaga saka lakas ng loob lang iyan na mag take ng risk.

gasti: uy napadaan ang reyna ng kwentong barbero😀 salamat sa pagbisita. ayos yang napili mo ako rin eh mas pipiliin ko na yung maganda ang lahi. gaganahan kang mabuhay.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: