jump to navigation

napakasakit kuya J Pebrero 18, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

tutal eh may mga nakabuking na pala ng real name ko..eh bahala na kayo kung ano itatawag nyo sakin dito sa wordpress. wala namang kaso yun dahil marami naman akong kapangalan. lols! (pati ba apelyido?)
masakit ang mga kasu-kasuan ko bunga ng pagbubuhat kahapon. eto ang mga napapala ng nag eehersisyo. sana lang bumalik na ulit ang sipag ko para naman maipagpatuloy ko na ang aking nasimulan. para mamanhid na sa sakit ang katawan ko. hmmm..pwede kaya magturok muna ng anesthesia bago magbuhat? wat u think?!

sumakit naman ang ulo ko nung byernes dahil sa isang pasaway na demanding na kliyente. hanggang ngyon ayaw pa rin akong tigilan. sumasakit na ang uten ko…kelangan ko na ipa-check kung tama pa rin ang bilang ng sperm count ko…baka marami na ang nagtatampo.

lagi na ring masama ang pakiramdam ng anak ko ngyon dahil may tumutubo na namang ngipin sa kanya. taas baba tuloy ang lagnat at kadalasang nagko-concert sa bahay. ano ba ang mas masakit? yung tinutubuan o tinatanggalan ng ngipin? nakalimutan ko na kasi.

absent si kumander ngyon kaya mag isa lang ako umalis ng bahay. sa totoo lang tinatamad na rin ako pumasok dahil napuyat kami kagabi pareho sa pagbabantay. at isa pa malamig ang simoy ng hangin. ang sarap matulog. ang sarap makipag…

as usual ubos na naman ang pera kong panluho dahil sa dumaang weekend. kakasweldo pa lang pero tama lang pamasahe ang pera ko. napakasakit kuya J. hindi na ako makabili ng laruan. marami pa naman akong gusto…ay nga pala bibili pa pala ako ng vitamins mamaya.

♫♪ Itay umuwi ka dalian mo lang sana..si Inay ay may iba nagtataksil sa’yo ama….♪ napakasakit kuya J….
yikes! makapag half day na nga…hindi talaga ako makapag isip ng maayos ngyon.

Mga Puna»

1. beer-O - Pebrero 18, 2008

nabuking na pala real name mo! hahaha. marami pa ring di nakakaalam. medyo safe ka pa…

sa pagkakaalala ko mas masakit ang bunutan ng ngipin. naalala ko tuloy nung bata pa ko. tinatalian ng sinulid ang ipin ko tapos biglang bubunutin. ouch!😥


gasti: hehe! syempre naman safe pa rin. naexperience ko na rin yan magsariling sikap sa pagbubunot ng ngipin…syempre masakit yun kapag napwersa kaya dapat sobrang mauga na talaga ngipin mo bago mo gawin yan.

2. Fau Rafili - Pebrero 18, 2008

ako nga di ko pa din alam eh… mas masakit nga naman talagang mabunutan ng ngipin… baby ka pa nung tinutubuan diba?

gasti: uu nga eh kaya di ko na maalala ang pakiramdam ng tinutubuan ng ngipin. bungal na kasi ako ayaw na tumubo. lols!

3. menggay - Pebrero 18, 2008

takOt ako sa dentista huhuhu!!!!!

masakit yun pareHo kuya…..

gasti: wag ka na umiyak dyan. hindi naman ako dentista eh😀

4. randomdemeanor - Pebrero 18, 2008

mas masakit ang tubuan ng ngipin kasi di malalagyan ng anesthesia yun..

samantalang yung bubunutin ang ngipin, anesthesia lang ang katapat…

cge half day ka na bossing..halata ngang wala ka sa maayos ng pag-iisip ngayon..hehehehe

oi, salamat sa tip mo dun sa post ko…may clue na kaming mga babae…lolz!

gasti: sabagay may point ka..hindi naman kelangan turukan ng anesthesia kapag papatubo ang ngipin eh.
oks ba yung tip ko sayo? marami pa ako ituturo sayo next time.😉

5. karmi - Pebrero 18, 2008

sinong nakabuking tol? heheh.. galing naman nya. ^_^

so pede na kitang tawaging, papa j.. lol

may sakit-sakitan din ako ngayon, sakit ng katam.. di na ata talaga maiaalis un sa akin….

gasti: haha! papa J amp! college days..wala na talagang gamot yang katam…

6. Geisha - Pebrero 18, 2008

wala akong maalala sa mga ganyan.. sensitive ako sa mga usaping iyan..actwali takot ako both..heheh🙂 (ang labo!)

at talagang mga uten ka pang nalalaman! pa check up mo yan baka hindi na uten yan kundi uod!


gasti: yikes! wag naman…malinis naman ako eh!

7. beer-O - Pebrero 18, 2008

haha. pasalamat ka! akala ko kung anong sariling-sikap na yon. hehe😆

di rin ako makapag-isip ng maayos ngayon. natutuyo na utak ko.😆 kaya eto, nakikitambay na lang (para lalong matuyo utak ko)😎

gasti: hehe! magbasa ka kasi ng tiktik para ma-stimulate yang utak mo.

8. nickname™ - Pebrero 18, 2008

masakit ba ung matubuan ng ngipin?? hmmm… ma-try nga.. pano ba magpatubo ng ngipin?? wahaha!😆 cguro mas masakit parin yong mabunutan ng ngipin.. ako nga eh, takot parin sa dentist hanggang ngayon.. wahaha! takot din ako sa tooth fairy.. waaahh!😐


gasti: imaginin mo na lang na maganda at sexy ang tooth fairy..aalagaan nya ang ngipin mo at tatabihan ka pa sa pagtulog.
gusto mo magpatubo ng ngipin? ngumuya ka ng lupang may ebak ng pusa 3 x a day.

9. Maldito - Pebrero 18, 2008

kawawa ka naman ____________……hhehee…..ilang letters ba yan..lols…ako kagagaling din ng bakasyon….kaya sabog ang utak dahil sa pagod….gumamit ka ng kutsarita…indi na kailangan ang sperm count..if mapupuno mo yun..normal ka..lols..kung indi…..well…………….wat u think sa hypothesis ko?ahaa

gasti: tinry ko yan kahapon sa isang sandok, siksik, liglig at umaapaw. ibig sabihin sobrang normal ako? lols!

10. linglingbells - Pebrero 18, 2008

masakit pag wisdom tooth ang tumutubo.. ilang taon na ba anak mo?

gasti: 2 yrs old pa lang naman. hindi pa naman siguro wisdom tooth yun noh? hehe! pero sa may bagang yung patubo ngyon.

11. koreanmine - Pebrero 18, 2008

hmmn, bat ako inde ko p din alam😀 J as in jawo? Lols😆
alam mo kung ano ang masakit? ang mabunutan ng B… Bagang!😀
at anong laruan kaya ang gus2 mo? lyfsyz ba?😀 peaceeee😀

gasti: gusto ko yan guessing game..B as in bulbol? burnik? bayag? bumper? buhok sa ilong? lols! masakit nga yan.
lyfsyz? yoko nga nun sisikip na bahay namin isang laruan pa lang.

12. twiger - Pebrero 18, 2008

kabibili ko lang ng laruan. ano sayo? asar yung eric draven ko ang kumuha lang pala yung crew ng comic alley tapos not in good condition na daw. hirap pa naman ng action figure nun.

*twiger napadaan ulit. tagal ko rin di nakapasyal dito at nagbasa


gasti: haha! inunahan kang crew..loko yun ah! ang natipuhan kong laruan ngyon eh kotse..mas mura kasi yun kesa action figure😀
nakabalik ka na pala noh? sige papasyal na rin ako sa bahay mo mamaya.

13. Cliogoddess - Pebrero 19, 2008

bwahahaha. mas masakit tubuan, bwahheeheh, ako natatandaan ko p yun. anu ba yan, pero hindi rin masarap pag binubunot, nakakabitin. teka iba yata sinasabi ko, hehehe, sarap

gasti: haha! mukhang ibang bunutan nga yan parang mas akmang hugutan eh😀

14. randomdemeanor - Pebrero 19, 2008

wag mo kong turuan, susumbong kita sa Tatay ko!!! May blog din yon!!! nyahahah!!!

kumusta na baby mo bosing? sabi ng Mama ko, ganun daw talaga pag tinubuan ng epen yung mga baby…minsan nga daw, nagkakasakit sila at worse, pumapayat kasi alang ganang kumain…

sabayan mo nlng magconcert..para duet kayo, father and…son or daughter???..nuvah!!

gasti: haha! strict ang tatay naman pala. uu nga daw eh ganun talaga kapag patubo ang ipen nakakawalang gana kumain..napapagaya na ga ako minsan sa lyrics nun eh nagbaby talk na ko pag kausap ko sya. toinks! baby boy nga pala yun. “mini me”

15. KC - Pebrero 19, 2008

Nabuking ka na pala. Buti na lang walang blogger na mala-Jobert Sucaldito at baka dun na niya maisiwalat ang tunay mong katauhan.

Naku tinutubuan pala ng ngipin si Junior! Punas-punasan nyo na lang ni Kumander ng face towel na may tap water kapag nilalagnat…


gasti: wag naman sanang mala-jobert..katakot lalo yun. itsura pa lang..
salamat sa tips mo kc. yan nga ang classic na panggamot sa lagnat.

16. lilmiz - Pebrero 20, 2008

wahaha sori na kuya J! di ko sinasadya malaman yun haha, natalisod lang ako talaga sa blog na yun, pati name ni mrs. gasti andun nga eh haha, and i think pati name ng anak mo andun haha.. waah inde ako stalker, nakita ko lang talaga😦 wala naman ako sinabhan😦 niblog ko lang! haha joke😛

mas masakit tubuan ng ipin noh! kasi mas matagal yun na process hehe.. yung pabunot ay saglit lang tapos may anesthesia pa😀 wawa naman yan anak mo, pero kaya nya yan.. suporta-an nyo lang haha😉


gasti: yikes! wala ako maalalang blog na ganun..tsk tsk! paalala mo nga sakin. mabait ka naman eh hindi mo ipagsasabi sa iba diba?🙂 tnx.

17. KC - Pebrero 20, 2008

Lol. Buti na lang walang katulad yun dito kaya seyp ang totoo mong katauhan. Mahal na sa 85 pesos ang paracetamol drops ni junior. Haha! Lintek. Ang kunat.

gasti: hehe! uu nga buti naman at mukhang seyp pa rin ako kahit papano. makunat = wais😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: