jump to navigation

hulaan na naman Pebrero 20, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, pass muna.
trackback

sino ba sa atin ang hindi nakaranas ng panghuhula? favorite past time ko yan kapag sumasagot ng mga exam. minsan kung ano yung pinakakaiba sa choices, yun ang pinipili ko..minsan naman yung pinakamahabang sagot..o kaya pag tinatamad na talaga ako mag isip, binibigkas ko na lang ang katagang…eto-o-eto-eto-na…(pag hindi pa nakuntento) sinabi-ba-ng-Dyos..oo-nga..pagkatapos naman ng exam umpisa na ng hulaan ng grade..kung pasado ba o hindi.

nakaranas na rin ako magpahula..isang beses dala ng pakikisama sa mga bagong kapitbahay, pinapasok ni kumander ang isang matandang babae.. nabanggit nyang marunong syang manghula at marami na rin ang kanyang naloko nagkatotoo sa mga hula nya sa iba..naengganyo naman magpahula ang mga kasama ko noon sa bahay. pero ako nagkulong sa kwarto at nagkunyaring tulog. maya-maya naulinigan ko ang sinabi nung matanda na ”pakiramdam ko ay may taong galit sakin sa bahay na to”…aysus! nagparinig pa. 4 lang kami run..si kumander,nanay nya,anak ko na hindi pa siguro nakakaramdam ng galit dahil sanggol pa lang at ako na hindi nakikihalubilo sa hulaan session nila. di naman obvious na sakin patungkol yun noh?

naramdaman ko na lang na hinihila na ako palabas sa kwarto ni kumander para lang magpahula. “siguro natatakot kang mabuking ang mga kalokohan at pambababae mo noh? sige na magpahula ka na!”. aysus! propeta ba yang kapitbahay natin? nakngtinapa naman. wala rin akong nagawa kundi ang magpahula sa ikapapanatag ng kanilang kalooban.

“magkakapera ka. makakapag abroad. magkakaron ng sasakyan”…ok sige tama na to. “mag ingat sa mga matutulis na bagay, saka sa kalsada, wag ka ring makiki-epal sa away ng iba dahil baka mapagbuntunan ka ng galit at ikaw pa ang madisgrasya. umiwas ka rin sa mga tukso dahil meron talagang mga lalapit sayo “. bawat sabihin ng matanda ay may katumbas na kurot sa tagiliran ko. haays..hirap ng ganito wala kang kalaban laban.

syempre hindi rin mawawala ang paniniwala ng iba dyan sa mga horoscope, feng shui at tarot cards…lagi naman nilang sinasabi na kelangan mo rin kumilos para magkatotoo yang mga hula sayo…ganun rin. wala talaga sa guhit ng palad yan or watsoever. pero dahil sa tinag ako ng aking friendly neyborhud na si ling ling ng defunct batibot..(aliw na aliw ako sa kanya nung bata pa lang ako)..ay ging ging pala yun. lols! ipapaskil ko na rin dito sa blog ko ang mga prediksyon sa sign ko ngyong 2008..

Capricorn Horoscope 2008

The Capricorn horoscope 2008 brings much success and good things for Capricorn people as compared to the year 2008. In addition there would be higher income growths as well as growth opportunities in the year ahead.(wow! magpapamisa ako pag ngyari to!) The year may also bring along some problems, which can be removed only with the positive attitude of Capricorn people. However these problems would remain only for a short period. The Capricorn horoscope 2008 also opens many growth opportunities for people born under this zodiac sign. They can get leadership position in the companies where they are working. (hindi ko na nga maintindihan kung anong position ko rito eh)
Those Capricorn people who own their business can witness many positive gains as well as chances to grow their business.

The horoscope 2008 calls for expansion of horizons in the professional field. The horoscope 2008 talks of an exciting love relationship for Capricorn people (well wat can u say? exciting talaga magtago). The horoscope says that the people born under this sign would be admired and loved (i’ll make love to you like you want me too! lols!). People who are in a relationship may expect love to grow in their relationships, (ibig sabihin magsasanga na ang pag iibigan? or tutubuan ng ugat.) while those who are planning to grow their family can also expect something positive (positive sa pregnancy test? ohhh..gastos yan.). Those Capricorn people who are single can be sure to get married or get associated in a relationship..
The horoscope says that the Capricorn people should try to convert their hobbies into work, so that life can become all the more enjoyable for them (ibig sabihin kelangan ko na magbenta ng katawan? or pagtrabahuin ko na lang ang mga laruan ko. ang hirap talaga kumita ng pera). The Capricorn people should learn to accept opportunities as they come and work according to it.

kung gusto nyo rin tingnan ang hula sa zodiac sign nyo, punta kayo rito.

o ayan lingling tapos ko na ang assignment ko sayo. pareho naman pala tayong capricorn eh hehe!

Mga Puna»

1. beer-O - Pebrero 20, 2008

here’s da first koment…

“Capricorn people should try to convert their hobbies into work, so that life can become all the more enjoyable for them” – ano ba ibang hobbies mo, magluto? sige mag-carinderia business ka…lols!…maglaba? magtayo ka ng laundry station. hehe😆

seryoso na to. walang masama kung maniniwala tayo sa hula. pero wag nating iasa ang lahat sa hula. tayo pa rin ang dapat humulma ng ating kapalaran at magdesisyon para sa ating sarili. ako ba to? bwahaha


gasti: magluto ng lucky me insant pancit canton..ayan minaster ko na pagluluto nyan.😀 naglalaba lang ako pag maysakit ang tagalaba..ahehehe!
uu tama ang yong tinuran. dapat samahan ng sipag at tyaga.

2. twiger - Pebrero 20, 2008

ahaha.. iisa lang naman lalake ko haha.. kaso mukhang pera lang ang habol sakin. kaya nagpapayaman ako ngayon eh haha..

mahilig akong manghula. pero yung personality ng tao. pinag-aaralan ko kasi. tapos may mga sasabihin ako sa kanya na mga points tapos surprisingly, tama ako. pde na nga ko magtayo ng pwesto sa quiapo eh ahaha..

gasti: sige magtayo ka ng istol mo sa quiapo…magpapahula ako. gandahan mo ah!😀

3. beer-O - Pebrero 20, 2008

haha😆 eh di magtayo ka ng pancit canton business: “Gasti’s Special Pancit Canton”. di ba astig? i’m sure magki-click yan kasi ala pang ganyang business.

ako minaster ko na rin yan. magluto ng pancit canton at magbukas ng de lata.

tama yan! aasenso ka sa sipag at tiyaga…hehe!


gasti: hehe! walang kwentang kainan yun puro noodles at de-lata ang ihahain..:D

4. koreanmine - Pebrero 20, 2008

hehe naalala ko 2loy, dati inaya ako ng ex ko, sabi nya papahula daw xa kc kailangan sa project nya, sabi ko samahan ko xa at di ako papasok kc di ako niniwala at bwal samin,

so xa mag isa pumasok, paglabas sabi ko o ano kamusta, sabi nya palpak tong manghuhula!!! sabi ko, baket? kc sabi nya, malapit na daw kitang machukchak!😀

amf! palpak nga!!! Lols😆

gasti: haha! ayos sa panghuhula ah pati chukchakan sinali..di nga palpak talaga?😀 mahina…

5. randomdemeanor - Pebrero 20, 2008

bawat sabihin ng matanda ay may katumbas na kurot sa tagiliran ko—hahaha, kamusta nman ang tagiliran natin bosing??? buo pa ba o mukhang napapak na sa kakakurot??!!lolz!

hirap naman nun, wala ka namang ginagawang masama (wla nga ba?)..hinuhulaan ka lng naman, tapos kinukurot ka na?, tsk tsk tsk…di mabuti bisyo yan…

KAYA MAGPAKABAIT KA NAH!!!!!!

bwaaahahahaha!!

gasti: hey! matagal nako mabait…since birth.

6. repah - Pebrero 20, 2008

aba.. mganda pla ang vibrations mo ngayong 2008.. di ako naniwala sa manghuhula kc… my naghula skin hindi nagkatotoo… pinerahan lng nila ako.. kya ngayun ako na ang manghuhula.. hehehe

gasti: uu tama ikaw na lang manghula para ikaw naman ang kumita..madali namang gumawa ng kwento eh😀

7. camilleeee - Pebrero 20, 2008

“…The horoscope says that the people born under this sign would be admired and loved…”

naks, eh di dadami chikabebs mo nyan? 😉 hehe

na try ko card reading.. impernes, nagkatotoo sya.. kasi kakutsaba nung reader tsaka yung boylet na nakikita nya sa card ko kuno. langya.

gasti: nakow! iwas pusoy tayo dyan sa mga chikabebe…ok na yung mga friends😉

8. KC - Pebrero 20, 2008

Since pareho tayong Kapre-korn, The horoscope says that the people born under this sign would be admired and loved

Pakiningshet. Medyo natakot ako dyan. Di ba ang pinapalo mahal ng magulang. Takte, baka mabugbog ako. Lolz.

gasti: uu nga noh? buti naman at hindi na rin ako pinapalo ng nanay ko..kaya lang si kumander pala namamalo rin…lols!

9. wei vines - Pebrero 20, 2008

aheheh..adik din ako sa hula… ng mga intsik. kaya pag sinabi ng lolo ko na ‘eto para iwas malas’, ‘gawin mo to para iwas malas.’ sumusunod ako..😀


gasti: hehe! feng shui expert ata yung lolo mo ah! masunuring bata.

10. McRey - Pebrero 20, 2008

Tanong: Bakit wala pang manghuhula na tumama sa lotto?

Sagot: Plastik kasi sila. Ayaw daw nila manalo ng easy-easy lang. Walang thrill kapag hinulaan nila.

Tanong: Bakit wala pang manghuhula na namamatay?

Sagot: Kasi hindi pa kumukulo ang dugo ng nagpapahula sa kanila.

Hay naalala ko tuloy si Madam Auring… malapit lang kasi yung pwesto niya sa mall sa amin…

gasti: ang malas naman ng mall na yun..haha! lagi mo pala syang nakikita..malay mo naman kayo pa ang magkatuluyan.

11. Lenggai - Pebrero 21, 2008

naknang… intro pala sa tag. hehe!

gasti: wehehe! hindi naman obvious na tag noh? napeke kita.

12. ponchong - Pebrero 21, 2008

kaya pala todo gwardyado ka ha..iba pala talaga dating nating mga capricorn. ganyan lang siguro pag mahaba ang …………sungay!

ahehe..

gasti: pag mga capricorn daw kasi mala-kapre ang size ng…kamay.

13. brath - Pebrero 21, 2008

wow parehas pala tayo ng zodiac sign!!!! hahaha

xiao!


gasti: hehe! akalain mo yun? magkasunod lang naman tayo ng birthday eh😀

14. linglingbells - Pebrero 21, 2008

aba! capricorn ka din pala.. uy, LING-LING, hindi ging-ging.. paaalala ko lang ulet.. hahaha! salamat sa paggawa ng tag na ito..🙂

gasti: hehe! binibiro lang naman kita eh😉 madami pala tayo capricorn na nagba-blog.

15. Fau Rafili - Pebrero 21, 2008

ayoko maniwala sa hula… nya hahahaha!

gasti: yan tama yan. magsugal ka na lang.

16. lilmiz - Pebrero 21, 2008

parang pwede naman mangyari sa lahat ng tao yung hinula sayo eh ahehe.. pero lam mo bang magandang business yan? lolz baraha at laway lang puhunan mo, kikita ka na hahah

gasti: kaya nga dumadami sila eh kasi walang manghuhula kung walang nagpapahula. pwede mo ring gawing sideline yan.

17. MisyeL - Pebrero 22, 2008

Di ako naniniwala sa hula, pero may natatandaan ako noon nung nandyan pa ako. Napilitan ako pahula kasi lola ng celebrant yung nandun, sabi nya makakaalis daw ako ng bansa (uyy nagkatotoo!) tapos magkaka-asawa daw ako pero mabubyuda agad (nak nang!) at huli mag-ingat daw ako kasi meron daw taong may kursunada sa akin na sobrang obsess at baka umabot sa trahedya. Syempre natakot ako pero mas malakas pa din faith ko sa taas kesa sa manghuhula.🙂


gasti: uu nga eh mga ganyang kaso ng sapilitan..hehe! hindi naman talaga dapat seryosohin ang hula.

18. karmi - Pebrero 22, 2008

masusundan na si bebi boy nyo? wow.. hehehe, gastos nga!🙂

eto pinakagusto ko..

“They can get leadership position in the companies where they are working”

nak ng teteng tol, baka di na kita ma-reach nya! hehehe.. manlilibre ka paguwi ko ha..😀

gasti: teka wala anman ako sinabing masusundan ah. lols! wala nga ako kapera-pera ngyon..cotton candy lang pwede ko ilibre sayo😀

19. madbong23 - Pebrero 22, 2008

yung dati kong kapitbahay ganyan ang racket, madami ding naging customer. pero kung tunay siyang manghuhula, bakit hindi niya mahulaan yung mga baraha niya pagnaglalaro siya sa casino (adik sa gambling kasi e). parating talo! lols

gasti: hehe! hindi umeepekto ang panghuhula nya sa sugal..

20. magayunon man - Pebrero 26, 2008

sali ko dito….patok eh!

nahulaan din ako,magkakapera dw aq malaki,tanong q paano dq tumataya ng luto?tapos di na daw ako maghihirap dahil aabrod aq,dina daw mararanasan ang hirap kht sa pagtanda!!

ang laking ??? mark sa akin un,sa loob kolang bulerang matanda,sabay sabing magkano po ang babayaran ko,manang?

aba,nagkapera nga ako d next 3 months after ng hula,nagkaka22o.galing sa insurance ng 1st husband kong pinoy.minalas sa pagsesekú naholdap ang bangko nila..(tapos na un ayaw ko na maalala) continue tau,ito na nga nakapag asawa ako ng puti kaya dito ko sa abroad,nagtratrabaho,angat na ng abahagya…wow ang galing ng hula…me kotse na bahay at pera sa bangko…yeheh..pero ang thank you ko para ki LORD,sa hula?tsamba lang un,diba?

gasti: wow! ang galeng ng love story mo ah! pwede na ipaliham kay dr. love..lols! congrats naman at maginhawa na pala ang pamumuhay mo ngyon..swerte mo na yan at di natin alam kung marunong talaga makahula yung nakaharap mo noon pero mukhang magaling sya ah..naka-tsamba…kung meron man dapat pasalamatan si Lord nga yun dahil tagahula lang naman yung tao.

ah eh ano nga ulit sabi mo? di ka tumataya sa luto? LOTTO ba ikamo? ok.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: