jump to navigation

penitensya Pebrero 22, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

dahil sa lenten season ngyon eh uso na naman ang iba’t ibang klase ng penitensya..nalaman ko kasi kay chilli na panata na pala nya yun. every year iba-ibang kinahihiligan nya ay isinasantabi nya muna kapag mga ganitong panahon..gaya ngyon na umiiwas muna sya sa pagkain ng anumang instant pancit canton. mahirap yun on his part na isang tirador ng panindang canton dito sa opis. goodluck pards!

kaya eto ako ngyon at nag iisip ng pwedeng itigil pansamantala…wag kaya muna ako kumain ng sardinas, alamang o adobong pusit? wa epeks din kasi di naman talaga ako kumakain nun. pero di pala pwede yung ganun. ayoko naman mag skip ng kahit isang meal dahil hindi naman ako nag-diet. mukha lang ako walang makain pero lagi akong kumakain. naisip ko na rin itigil ang blogging pansamantala..hindi ako magpopost ng entry hanggang easter sunday. tutal eh hindi naman ako makapagpost ng maayos dahil lagi akong pi$%&*#(^%*!…shit!

“eh kung wag ka na lang kaya munang magtrabaho”. ganyan ang sabi ng isa kong opismate rito. nice suggestion! kita mo nga naman..lagi akong nagtatrabaho ng 8 oras 5 beses kada linggo. pwede ko tong itigil at pumetiks na lang maghapon sa opisina sa ngalan ng penitensya…pero mukhang mahihirapan ako gawin yan. mahirap pumatay ng oras kapag walang ginagawa. at isa pa baka hindi pa natatapos ang penistensya days ko eh mawalan na ko ng trabaho.

nung mga bata pa lang kami hindi talaga kami kumakain ng karne kapag holyweek. lagi kaming nanonood ng mga pelikula kung saan pinapakita ang pagpapako kay Kristo. minsan naman ten commandments. pagdating naman ng hapon, 7 last words ang palabas sa tv. nanonood rin kami ng prosisyon kapag byernes santo..sumasama pa kami sa parada. at pagdating ng linggo, gigising ng maaga para naman manood ng “salubong”. kahit pupungas pungas pa eh enjoy naman makipag agawan ng bulaklak na nakasabit sa mga santo. may fireworks display pa. at syempre dahil dito na nagtatapos ang penitensya days…ang pananghalian namin ay nilagang buto ng baka at inihaw na liempo. tapos na ang makukulay na buhay ng gulay.

ngyong lumaki na ako, nag iba na rin ang buhay namin. hindi na ako madalas makapagsimba…kung makapunta man, hindi rin natatapos dahil ngumangawa na yung anak ko at tinu-tour ko na lang palibot sa simbahan. bakit naman kasi andaming nagkalat na nagtitinda ng kung anu-ano sa gilid ng simbahan eh! isa pa yang si jollibee tukso! kapag holyweek naman pinaplano na namin ang aming summer escapade..relaxation time…beach! sarap magbabad. dati nga eh byernes santong naturingan tapos mag isa akong nag iihaw ng baboy dun sa subdivision na tinitirhan namin. ayos! iinom pa ko ng beer nyan saka magku-kwan.

ano nga ba ang gusto kong ginagawa na pwede ko itigil pansamantala? hmmm.. may naisip na ko. sana kayanin ko rin. bahala na. sige simula ngyon…uhhmm bukas pala. virgin na ulit ako. yeheey! (gulp!)

Mga Puna»

1. madbong23 - Pebrero 22, 2008

hay miss ko yung lenten season diyan sa atin, dito naman kasi yung mga kiwi konti lang ang nag-re-reflect sa pagkamatay ni Kristo. para sa kanila ang ibig sabihin nung lent ay easter bunny at long weekend (wala kasing pasok mula good friday hanggang monday dahil meron holiday na easter monday dito).

gasti: easter monday? meron pla nun. uu nga eh magiging mabenta na naman ang kuneha nyan. pero dapat yung buong lenten season ang inaalala hindi lang easter.

2. Abad - Pebrero 22, 2008

Karne na lang ang iwasan mo wag laman.

gasti: haha! parang malaman yang komento mo ah!😀 ano kasi eh para maiba naman…

3. Maldito - Pebrero 22, 2008

mahirap talaga ang magpenitensya…….cguro renewed ako padating ng monday…..walang karneng laman….lols

gasti: karneng laman? hmm eh di yung taba na lang kakainin mo😀

4. beer-O - Pebrero 22, 2008

“ayos! iinom pa ko ng beer nyan saka magku-kwan.” – haha😆 ang lupet mo rin tsong! kahit certified “beeroholic” ako eh di ko natry uminom sa biyernes santo…pero binigyan mo ko ng ideya! lolz!

gasti: haha! sige inom lang ng inom…masaya rin amg explore paminsan minsan

5. Maldito - Pebrero 22, 2008

nakakatuwa..may nagsearch ng name mo sa google…sa page ko napunta..ahaha..kamusta naman yun?

gasti: ayos! hehe! mukhang pinaghahanap na naman ako ng mga pulis. pano nga kaya napunta sayo yun.

6. randomdemeanor - Pebrero 22, 2008

dati nga eh byernes santong naturingan tapos mag isa akong nag iihaw ng baboy dun sa subdivision na tinitirhan namin. ayos! iinom pa ko ng beer nyan saka magku-kwan.

panu ginagawa yung KWAN??? di ko alam yun ah..lolz!

kung wala ka talagang maisip na itigil pansamantala bosing…
anu nlang…

yung paghinga mo nlng bosing…pansamantala lng naman di ba??? hehhehehe


gasti: masarap kayang huminga.bakit ko naman ititigil? lols! kwan kasi eh..mahirap i-explain ang pagkukwan..bata ka pa.

7. lilmiz - Pebrero 22, 2008

kaya mo ba? wahehe parang mas hahanapin mo yan pag bawal eh haha.. hindi rin lang naman yan ang pwede mo gawin, pwede kang magpakabait muna (di ko sinasabing salbahe ka ha hehe) or pwede ka mamigay sa mga mas nangagailangan, tulad ko, kelangan ko ng pera, pautang naman wahaha😛


gasti: ayuuuun…usapang pera na naman..lols! kelangan ko rin naman ng pera at isa pa..wala na rin ako maipamimigay dahil nai-surrender ko na lahat.

8. koreanmine - Pebrero 22, 2008

ayos! iinom pa ko ng beer nyan saka magku-kwan. <<< yan. kung anuman yan😀 pde mo cguro iwasan yan ! LOls😆

gasti: iniiwasan ko na nga eh hanggat maaari😀 kaya lang ang hirap pala..toinks!

9. linglingbells - Pebrero 22, 2008

ayoko ng week na yan kasi isang linggo akong titira ng itlog na maalat at isda dahil hindi ako kumakain ng gulay!! pero ang gusto ko naman pag lenten season ay ang marathon ng seventh heaven sa channel 23.. di ako nagsasawa dun, lagi kong pinapanood yun!

kung anu man yang iiwasan mong gawin, malamang ay hindi mo mapipigilang gawin..


gasti: haha! itlog at isda lang…para ka na ring nag diet nyan..ayaw mo pa nun? mapipilitan ka🙂 di ako nanonood nyang mga series..pelikula lang mina-marathon ko. try mo naman ibang series bawat taon para ibang istorya naman.
oist mukhang wala kang tiwala sa kakayahan ko ah…hehe! ako pa!

10. Alveel Kaith - Pebrero 22, 2008

good luck sa napili mong penitensya gasti. hehe. sana mapanindigan mo. update ha. hahaha.

ako 3 years ago, nanganak ng holy wednesday so penitensyang totohanan, hindi mdaling manganak ha. ngayon, buntis ako ulit so hindi ako pwedeng mag diyeta. hikhik. baka pass muna ako sa mga afternoon nap. magbablog na lang ako. hehe.

gasti: nyuk holy wednesday pa buti hindi inabot ng byernes santo😀 alam ko mahirap nga manganak lalo na pag cesarian parang paulit ulit kang tinutuli.

nga pala diba byernes ko pinost to? kinabukasan gumimik kami..nakainom ako ng beer tapos…tapos.. paggising ko wala na akong saplot sa katawan.

11. menggay - Pebrero 23, 2008

holiday na naman yun hehehe🙂

Oo nga noh bawal ang laman hahaha


gasti: anong klaseng laman yan? hehe! iwas iwas muna.

12. karmi - Pebrero 23, 2008

tol, diba petiks ka na naman sa trabaho parati? hehehe, di mo na pwedeng i-give up un..

binalak ko ring magbawas ng “computer time” para masabi namang may igi-give up ako.. pero di ko kaya.. sinubukan, pero segundo lang ata un..

nung bata rin kami, nanonood kami nung 7 last words.. minsan pa nga naiiyak ako dun sa sinasabi ng pari.. feeling ko kasi, ang sama-sama ko na.. ngayon, ala na.. masama na ata talaga ako.. lol

tsong, tandaan, bawal ang karne kapag biyernes santo.. hehehe.. hmmm, may naalala tuloy ako.. magawan nga ng post.. ^_^


gasti: hehe! uu nga eh kapag pinapanood ko rin yung 7 last words parang naaalala ko lahat ng kasalanan ko..hehe! sige gawan mo ng post kung ano man yan bibisita ko sa blog mo mamaya.

13. FerBert - Pebrero 23, 2008

naku naman nung bata ako bawal din kameng maglaro saka bawal magkatuwaan, bawal tumawa.. tangina! ang hirap pigilin ang tawa.. amf!


gasti: haha! uu nga ganyan din kami mag isip dati..kapag byernes santo, hindi ka pwedeng magsaya…dapat senti mode ka lagi..di pa naman ako sanay ng ganun.

14. wei vines - Pebrero 23, 2008

napa no comment ako sa sinabi ni abad..hahaha!😀

gasti: haha! pag isipan mo maigi…

15. watusiboy - Pebrero 23, 2008

sa ekspiryens ko, kapag lalo mong iniisip na hindi ka mag-aano, lalo kang matetempt mag-ano.
mas epektib daw na kunwari, gusto mong mag-ano, sabihin mo sa sarili mo na magaano ako in 15mins. tapos kapag gusto mo pa ring mag-ano pagkaraan ng 15 mins, sabihin mo uli sa sarili mo na mag-aano ka after 15 mins. ulitulitin lang hanggan sa mawala ang ano.
nabasa ko yan sa libro ni bob ong.
epektib daw yan sa kahit ano


gasti: lamo masarap talaga mag ano..intinding intindi ko yang anuhan na sinasabi mo eh! galing pala kay bob ong yang teknik..natry ko na yan dati kaya lang di epektib kasi malamig ang simoy ng hangin. ang teknik na ginagwa ko ngyon ay..diversion. halimbawa kapag tigang ako..pupunta na lang ako ng palengke sa may dry section para mabaho saka ako bibili ng tahong. tapos paiinitin ko sa ihawan hanggang sa bumuka saka ko kakainin. (walang kwentang diversion)

16. McRey - Pebrero 25, 2008

Inis na inis ako tuwing Holy Week… lalu na kung natatapat ito sa bertday ko… (April). Nakakaasar, bawal lumabas, bawal manood ng TV (syempre walang palabas), at kung anu-ano pang bawal…

Sabi nila, sa HOLY WEEK bawal kumain ng LAMAN…

Pero ang sabi sa akin ng isang taong hindi ko na maalala… yung LAMAN na sinasabi sa BIBLE ay yung SEX… ewan ko ba kung bakit dapat ipagbawal yun eh wala na nga magawa ang mga tao sobrang boring… at mas malung bakit bawal tumikim ng LAMAN (karne)?

NAku… buti na lang MArch ang holy week… hindi natapat sa April…
pero bakit nga ba nalipat sa MArch? o Bakit nga ba nalipat sa April ang holy week?

gasti: di ko nga rin alam kung bakit palipat lipat ng buwan ang holyweek eh baka may kinalaman sa leap year. ewan. mahirap talaga iwasan ang gawaing nakasanayan na..kaya nga penitensya eh para maramdaman mo yung hirap at pagtitiis.

sige sa holyweek ko na lang kaya simulan ang penitensya ko..lols!

17. Geisha - Pebrero 25, 2008

hahahahha asa ka pa! di mo kayang iwasan yan! unless putulin mo yan at ipakain sa aso!

aw..aw..aw..:lol:


gasti: isa ka pa! haha! mukhang hinahamon nyo ako ah..

18. why men lies « The Invisible Blog - Marso 10, 2008

[…] kung may nakakaalala pa sa post kong tungkol sa penitensya, kalimutan nyo na yun. bigo ako sa plano ko. di ko napigilang hindi magkwan. sabagay huli na rin […]

19. clariza manuel - Abril 6, 2009

ako, ang penitensya ko….. aakyat kami ng bundok… alay lakad! hindi rin ako kakain ng karne, magpapakaserious ako, at lahat ng ginagawa ko ititigil ko muna, i spent all my time to god!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: