jump to navigation

kalaro Pebrero 27, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

naaawa ako sa mga batang walang kalaro. loners. hindi mo mai-enjoy ang kabataan mo kahit pa sabihin mong nakatira ka sa mansyon, madaming magagarang sasakyan, maraming malulupit na gadgets at toys..iba pa rin kapag may kasama kang kapwa mo luko-luko. kakosa sa bawat kabulastugan. at kaututang dila. anong silbi nyang laruan mong nagsasalita na ginagawa kang autistic..”i love you..you love me..” godzilla gone wild.

malungkot din daw kapag walang kapatid. solong anak. kapag umuulan at bawal lumabas ng bahay, magtitiis na lang maglaro ng tau-tauhan mag isa. magbahay-bahayan mag isa. pitik bulag mag isa. mag tagu-taguan mag isa. “tara yaya laro tayo ng apoy”.

hindi ko naman kinakailang karamihan ng kalaro ko nung bata pa ako ay mga iskwater. masaya sila kalaro kasi puro kalokohan..kapag nakikipagtalo sila sayo, makakatanggap ka ng malulutong na mura. no offense meant. mas ok naman yan kesa mag drugs (di ba? oo ka na lang). di mo rin kasi sila masisi dahil kapag dumarating na ang ang nanay nila para sunduin sila eh laging ganito ang eksena “putang inamo kang bata ka! ang dugyot dugyot mo na! di ka pa kumakain eh nasa kalsada ka na agad..akin na yang mga teks mo at piprituhin natin saka ko ipalalamon sayong lintsak ka!”. naiisip ko na lang maswerte pa rin ako kahit hindi ako sa pekpek ng Ayala at Zobel lumabas..at least hindi sa mga babaeng gaya nun.

naging makulay ang buhay ko hindi dahil sa sinabawang gulay. dahil yun sa mga kalaro ko. ang iba man sa kanila ay madalas ko pagtripan noon, hindi sila nagtanim ng galit sakin. sa katunayan nung isang beses nagkita kami nung dati kong kalaro..wala syang sinabing kung ano sakin..ngumiti lang sya at sumenyas senyas..pipi kasi sya. sayang lang at hindi ko na nakikita ang karamihan sa kanila dahil nademolish na ang mga barong barong nila. curious pa naman ako sa kung ano na ang itsura nila ngyon. pumuti na kaya si nognog? tuli na kaya si potsu? kamusta na kaya si putol?
hanggang ngyon naman ay kelagan pa rin natin ng makakalaro. mas masaya maglaro ng counterstrike, scrabble, chess, tekken, nba live at fight night kung may kasama ka at hindi lang puro “com” ang kalaban mo. laging may pattern ang kilos. walang challenge. tara laro tayo!

para naman sa mga lalaki at babaeng walang pahinga, hindi kumpleto ang buhay kapag walang kalaro..♫ di ba ako’y tao lang na nadadarang at natutukso rin♪♫…kapag wala ka namang mahanap na kaulayaw sa malalamig na gabi, mauuwi ka sa paglalaro ng sarili mo. sariling sikap baga. pwede na rin pantawid gutom at uhaw…pero iba pa rin eh!

may 2 akong kapatid. panggitna ako..taga awat ng panganay at bunso kapag nagbabangayan sila pero minsan eh sumasali na rin ako at kinakampihan ko ang utol kong lalaki para i-pindown ang ate kong atrimitida. bwahahaha! kadalasan naman eh naglalaro kami ng wrestling ng kapatid ko bago matulog…mas masarap kasi matulog kapag pagod. kaya nagpapapawis muna kami.

at ngyong may sarili na rin akong pamilya, wala ng kalarong iskwater, di na ko nakakapaglaro ng games sa pc rentals, di ko na rin katabi sa kama ang kapatid ko, tinigilan ko na rin ang paglalaro ng bahay bahayan sa mga chiching, bihira na rin ako magkwan…may bago na kasi akong kalaro. ang anak ko. ang nagbibigay sigla sa bahay namin. madalas syang magpacute at magpapansin lalo na kapag seryoso kaming nanonood ng tv. trip na trip ko yung kagat labi version nya. da best! nakakapikon na kakulitan kapag minsan pero di mo naman magawang magalit lalo na pag nakita mo na syang ngumingiti. langyang bata yan..manang mana talaga sakin. marunong magpalambot ng pusong tustado na.

Mga Puna»

1. madbong23 - Pebrero 27, 2008

hey gasti, lumaki ako na solo (nasundan lang ako ng kapatid nung late teens na) pero hindi naman ako malungkot dahil parating kong kalaro yung kasama namin sa bahay lalo na pag maganda…. este kalaro ko pala madalas si best friend na parang kapatid ko na ang turing ko. nakakatuwa nga si best friend, nung binatilyo pa lang kami ay naglayas siya (dalawang bahay lang ang pagitan ng bahay namin), pero ayun halos kalahating taon tumira sa amin.

Para sa ating depamilyado na, wala nang papalit pa sa kasiyahang dulot ng mga anak.

gasti: hehe! at least diba may kalaro ka pa rin..oks na yun.nakakabuang naman kung puro robot at tau-tauhan kausap mo…buti na lang andyan si bestfriend. di ako masyadong mahilig sa bata pero ibang usapan na talaga kapag anak mo na..

2. MisyeL - Pebrero 27, 2008

Naalala ko bigla ng minsang nakasalubong ko yung kalaro ko nung bata ako, ang sabi ba naman “Misyel, mukhang tao kana ngayon ahh!”. Anak ng pitungput-pitong puting tupa! Muntik na ako nun magbalik sa pagiging bata at sapakin yung kaharap ko.

Miss ko na din ang brader at sistah ko, madalas din kasi kaming maglaro noon ng wrestling.

gasti: haha! ganyan nga ang madalas na biruan kapag mga reunion..matuto ka na lang gumanti ng pang asar para quits.

3. koreanmine - Pebrero 27, 2008

naxx naman ang gasti ha, may adorable laruan ka na pla…
ako solong anak na lumaki, pero batang kalye ako kahit ganun kc di nmn kami mayaman kaya sanay din ako sa larong iskwater..

mas ok tlga may kalaro, kya nga d2 sa pinas mas ok ang bata, di tulad sa states, iilang taon eh may mga iniinum na na gamot dahil dpressd daw.. kc sa knila, para lang makapaglaro eh may playdate pa, samantlang d2 satin, lumabas ka lng ng daan eh may kalaro na..
sakit ng mayayaman yung mga depres depres chuva😀


gasti: hehe! uu nga puro mayayaman lang ata ang depressed? o baka kaunting problema lang na maranasan nila ay nagpapakamatay na sila. pag nakakakita nga ako ng batang iskwater parang ang saya saya pa nila naglalaro eh andami kasi nilang marurungis.

4. beer-O - Pebrero 27, 2008

..♫ di ba ako’y tao lang na nadadarang at natutukso rin♪♫…haha😆 at talagang kinanta mo pa!

kumusta naman ang pakikipaglaro mo ng apoy sa yaya mo? bwahaha! marami talagang klase ng laro. pero sa ngayon, sarili ko lang ang kalaro ko! HAHA

gasti: sige enjoyin mo yang sarili mo ha! lols

5. Maldito - Pebrero 27, 2008

yung mga kalaro ko nang una indi ko na pinapansin..indi naman kasi nila ako pinapansin..nagkakahiyaan na siguro kasi may mga pubic hairs na..lols….enways…malayu naman kasi ako sa mga childhood frends ko…kaya ayush lang…batian nalang pagnakasalubong once in a year tuwing umuuwi ako..iba na talaga kami…ako lang ang nagmukhang tao..sila flagella parin..lols…in ferness, first love ko ay si kapitbahay ko na naging bestfrend ko..wahhaa….bagong post na ba to?indi na mukhang commment.

gasti: haha! ok to ah parang tell me who ur friends are and I tell you who my friends are..yung iba nga talaga parang naiilang kaya hanggang tinginan na lang tapos konting taas ng kilay wala ng usap usap..ganun ata talaga..reminiscing ka pa ngyon sa first love mo na napatungan na ng sandamukal na friends..hehe! lalaki ba yan? lols!

6. Maldito - Pebrero 27, 2008

ahahahaa…may bigote?nops…ahahhaa….kamukha yun ni Nikki Gil…kaya idol ko rin si Nikki…..hay….bakas ng kahapon..mahapdi…mapait..masarap..

gasti: aha! type mo pala si Nikki..mga morena pala type mo ha..hehe! nga pala sayang nung isang beses nakita raw ng opismate ko si Maja dito sa building namin..andito kasi yung office ng viva..ganda raw. sayang di kami nagpang abot.

anong nakaraan nyo ni Nikki look-alike? lols mahapdi-mapait-masarap.. coke ba yan na pinasok sa pwet? first love never dies nga naman..

7. potatomaniac - Pebrero 27, 2008

buti na lang tinupad ng magulang ko yung hiling ko sa kanila nun.. ang magkaroon ng isang kapatid. nakakasawa kasi talaga pag solong anak. magisa ka lang maglalaro ng mga laruan at walang kasaluhan sa tawanan. Pero nagsisi ako (jowk lang)

waw naman.. answeet mu naman sa anak mo. n_n di tulad nung iba na pag napikon na eh kulang na lang ilibing ang anak sa galit. (woops.nakakareleyt ako)

gasti: hehe! uu nga eh pero syempre di mo naman pwede sisihin ang magulang mo kung solong anak ka. ang importante eh buo ang pamilya nyo. mabait ako sa anak ko kasi may pagkaisip bata rin ako. pag napipikon na talaga ako, hihiga na lang ako sa kama..kaso lang sinusundan pa rin ako eh! wala talagang kapaguran ang mga bata.

8. randomdemeanor - Pebrero 27, 2008

hahha..sarap maging batang kalye!!! andami mong natutunang…KALOKOHAN..siguro kaya ka maraming alam na kalokohan bosing,kasi nahawa ka dun sa mga katropa mo noh?!!! hahah, pwde ring IKAW ang nagturo sa kanila..hahahah..sharing of knowledge lang kayu…

hahha..panggitna ka pala…parang ate ko..namamagitan palagi pag nagpapatayan kami ng Kuya ko…hahha…pero syempre, pareho kaming gurls kaya ang ending nun..pinagtutulungan namin Kuya ko…bwahahaha

pero ala pa ring kwenta..dambuhala kasi Kuya ko eh..


gasti: haha! sharing of knowledge nga..yung natutunan naman nila sakin ay puro words of wisdom..hmm sort of. wala kwenta.
kawawa naman ate namin samin ng utol kong lalaki kasi maliit lang yung ate ko. lagi naming napapaiyak.

9. linglingbells - Pebrero 28, 2008

batang kalye din ako!! ang saya saya ng childhood ko.. halos lahat ng laro noon, nalaro ko.. peyborit ko yung agawan base! tagabantay lang ako ng base, sila lang napapagod kasi takbo sila ng takbo.. ahahahaha!
may kapatid akong 2 babae, madalas kami maglaro ng office-offisan, lutu-lutuan at saka teacher-teacheran.. yung kuya ko, kasuntukan ko… nyahahaha!!!

nakakalungkot nga kasi di na talaga kami nagpapansinan nung mga kalaro ko dati dito.. may kanya-kanya na kasing buhay.. halos lahat graduate na, ako kasi pinakabata noon.. pati yung unang nanligaw sakin na kalaro ko noon, di na rin ako pinapansin, di ko rin siya pinapansin, akala niya kung sino siyang gwapo… hmp!!

proud talaga ko na masaya ang naging childhood ko, karamihan kasi sa barkada ko ngayon, boring childhood nila.. mga anak-mayaman kasi, di daw sila pinapalabas ng mga parents nila.. too bad! ang saya maging batang kalye!!!


gasti: ang boring nga ng childhood ng mga kabarkada mo..mahirap din talaga minsan laking mayaman medyo iba ang kinalakhan..ako rin solb na solb ang kamusmusan ko eh pero yun nga lang hindi ko na nakikita mga kalaro ko noon buti ikaw nakikita mo pa di nga lang nakakausap..siguro nagkakahiyaan lang.

10. Alveel Kaith - Pebrero 29, 2008

ako lumaki na walang kalaro kasi ayaw ako palabasin ng nanay ko. so eto, lumaki akong abnormal. haha. at least, hindi depressed. :p

tatay na tatay ka na talaga magexpress ng feelings ha. hahaha. enjoy nga kalaro ung mga bagets pero pag napipikon ako sa anak ko, inaaway ko din. effect dahil nga cguro hindi ako nagkaroon ng normal childhood. hahaha.


gasti: haha! ako rin eh minsan pinapalo ko na yung anak ko kasi inaagawan ako ng psp. pero ganun talaga kelangan magbigay. strict pala ang parents mo siguro ayaw ka lang nila magkapeklat.

11. Poli - Marso 2, 2008

Mabuhay ang mga batang kalye! Talagang, malungkot ang walang kapatid dahil wala kang pwedeng asar-asarin lagi.

Nalulungkot lang ako kasi karamihan nung mga kaibigan ko dati e tumigil na sa pag-aaral, nakabuntis at nabuntis.

gasti: uu nga eh minsan kapag magkapatid yung kalaro mo at solong anak ka lang wala kang kalaban laban sa kanila. sumbong ka na lang agad sa magulang mo. mabuti naman at hindi ka tumulad sa mga kaibigan mong di nag ingat. bata ka pa naman at marami kang chance..di kelangan magmadali.

12. hibachibaby - Marso 3, 2008

^:)^ tsong ganyan na pala ang pakiramdam, ulirang ama ka! naiyak ako dun ah. teka hanap ako kalaro ah. uy may wednesday night basketball ako every week 10-12mn nga lang dito sa may Pioneer Manda. may liga rin pala sa April every Fri-Sat ang laro after office hours, tara sali tayo.

gasti: naks! walang iyakan pre..balang araw eh magkakaron ka rin ng mga tsikiting mo. buti ka pa paliga liga na lang..di ako pwede dyan matagal na kong walang praktis..tapos 10-12mn? eh baka makatulog lang ako sa bench nyan..lols! oras na ng tulog ko yan eh.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: