jump to navigation

pilosopiya ng pilosopo Pebrero 28, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

sa buhay natin makakakilala ka ng mga taong tila walang magawa sa buhay kundi ang mang asar. mga taong ipinaglihi sa sama ng loob at mahilig mamilosopo. andami dyan karamihan eh mahilig magpatawa.

kahapon nung naglalakad ako pauwi narinig ko ang usapan ng mga chikiting sa kalsada. tipong nagtatalo.

musmos1: eh wala naman palang terrace ang bahay nyo eh!
musmos2: bulag ka ba? anong tawag mo dyan sa taas namin? taas lang? taas lang? ha! kupal!
musmos1: eh di ano…hmm..kisame!

matatawa ka na lang sa mga kalokohan nila sa buhay. andaming naiisip. karamihan naman walang katuturan. nung nilingon ko ulit yung dalawang nagtatalo parang magsusuntukan pa. hinayaan ko na lang.

di ko alam kung san nag originate ang kapilosopohang ito..kay tasyo ? sino naman yun? ganito kasi yun.. tuwing magkakayaan na lang pumunta sa cr laging…

+ tara cr tayo
– brad tao tayo..hindi cr.
+ craulo mo!
pwedeng palitan ang cr sa usapang yan ng ibang gawain,lugar o bagay.

nakakaloko pa minsan kasi seryoso yung itsura ng kausap mo na tila kino-correct talaga ang sinasabi mo. ang hirap kausap ng ganyan. lagi kang may mali.

wala kang panalo sa taong pilosopo kaya mabuti pa sa susunod na may makausap kang kagaya ng mga nabanggit ko, saksakin mo na agad ng icepick sa tagiliran. tapos ang usapan.

Mga Puna»

1. Maldito - Pebrero 28, 2008

masaya naman ang kasama ang mga ganyan…(katulad ko)..pero minsan nakakainis talaga..palagi nalang ako napipikon sa mga ganyan..ahhaha…kaya ang bagay sa kanila…..REVOLVER~

gasti: hehe! masaya nga kasama pero kapag wala ka sa mood makipagbiruan para talagang gusto mo ng saksakin bigla yung namimilosopo sayo..pero kadalasan naman ay tinatawanan ko lang. panget ang revolver kelangan mo pa ng bala..mabuti na yung diretso saksak na lang.

2. Rhapsody - Pebrero 28, 2008

nakakatuwa din paminsan ung mga taong pilosopo, lalo na pag may problema nababawasan ung iniisip mo hehehe.. un nga lang ikaw lagi ang mukhang tanga😀

gasti: uu nga..mapapakamot ka na lang ng ulo minsan.

3. koreanmine - Pebrero 28, 2008

oh eh ano ngayon? sasagot huwebes😀 typical, sarap sungalngalin😀 pero gawain ko din minsan , ok kadalasan😀 hehe

minsa kc pang alis tensyon din, o kaya la ka na masabing matino, pero pag palage as in bad3p ka na tapos pinipilosopo ka pa, yun yung masarap bangasan ng muka😀


gasti: hehe! may nakakausap rin ako ganyan sumagot. parang may masabi lang eh noh😀

4. ellieshe - Pebrero 28, 2008

nakow’…ganyan din ako minsan…kya pag may kaasaran ako na pilosopo ..sarap ihulog sa bintana ng mataas na building,…hehe..ang kapwa pilosopo galit sa kapwa pilosopo…gulo? ayuz n un’..😉


gasti: hmmm mabuti pa magpatayan na lang kayo ng kausap mo..hehe!

5. FerBert - Pebrero 28, 2008

muntikan na akong makipagpatayan sa taong pilosopo.. tsktsktsk..


gasti: ikaw ba yung sinasabi nilang psycho killer? haha!

6. linglingbells - Pebrero 28, 2008

gusto ko kausap ang mga ganyan pag di mainit ulo ko.. kasi pag mainit ulo ko at pinilosopo mo ko, bubuhusan kita ng paminta sa mata!

gasti: hindi sa lahat ng oras ay applicable ang pamimilosopo..uhhm may pepper spray ka sa bag? lols! parang mahapdi yun paminta sa mata ah

7. McRey - Pebrero 28, 2008

Boto ako jan sa icepick na yan! Patayan na lang!

Pucha marami mga pilosopo… tulad ng mga ito:

Kami: Ate paki TOAST yung ISAW…

Tindera: Anong toast? ULING?

Karla: Hindi! Semi-toast lang…

Me-ann: Ate TOAST HINDI SUNOG!

McRey: Oh, but I like uling! Pang detoxify yan sa katawan!

Pucha yung isawera na yun… bibili na nga lang kami mantatabla pa, na bully siya tuloy!

Ito pa! Hindi lang siya PILOSOPO ubod pa ng yabang! SHET!

Titser: Since your system is so simple, you should have…

Yabang boy: No ma’am it’s not simple, it’s concise.

Titser: Anyone who would like to raise questions for their group? (tahimik lang students)

Yabang boy: Ma’am no one wants to ask question because our presentation is perpek!

Titser: You recommended to use computerized billing system and databases, but you did not included in the problem statement the number of tenants that will determine whether the computerized and databases are neccessary.

Yabang boy: No ma’am. We did not included that because it is stated in our scope that we are only going to study the system itself but not the tenants…

Shet ang yabang talaga ng kupal na ito… piling nya matalino siya… eh i’m far brighter naman sa kanya… (hahaha). Amf… off tangent naman yung mga sagot niya… a.k.a. pilosopo a.k.a superficial.

Hay… sarap saksakin ng ICEPICK sa leeg…


gasti: haha! laganap na talaga yang mga pilosopong ganyan na wala sa lugar..ang yabang naman sumagot nun sa teacher..nagpipilit pa sya..sige saksakin mo na lang ng icepick sa pwet.

8. Geisha - Pebrero 28, 2008

somehow those people are fun to be with.. (agree ako kay maldito)

pero hindi ko kering makikipagsabayan sa kanila. pikon ako pagdating sa mga punch na iyan! ayoko kasi ng mga nonsense glibtalkers. feel ko its a waste of time arguing with them🙂

gasti: uu nga eh parang nagsasayang ka lang ng oras kasi hindi magpapatalo yung kausap mo. ok naman pag minsan basta wag naman araw arawin.

9. karmi - Pebrero 29, 2008

hahaha.. naalala ko tuloy ung sinasabi ni Janno.. ‘tol, SM tayo..’ tapos sasagot si tetet.. ‘Jano, di tayo SM, tao tayo’.. hahaha.. classic.

sabi nga nila, magbiro ka na sa lasing, wag lang sa wala sa mood.. hehhe.. korny. lol

gasti: uu isa pang pilosopo yun si tetet eh pero kilala na natin syang ganun kaya tanggap na..haha! si sonny boy ganyan din..ahehe!😀

10. foobarph - Pebrero 29, 2008

punye….. kisame lang pala! grrr!

gasti: haha! pre nakita ko may terrace talaga yung bahay..abnoy lang talaga yung isang bata.

11. rofel - Pebrero 29, 2008

“musmos1: eh di ano…hmm..kisame!”
kung ako babawian ko un…
musmos2dreturn: boklogs bubong tawag sa taas ng bahay.. korny? korny nga…

ok lng namn makipagtablahan sa mga kakilala/kaclose or kung nsa lugar at oras d ba?

tsong link nga pla kita, mejo matagal n kong nakikitsismis sa blog mo ngaun lng nkapagleave ng message. tnx

-Cheers


gasti: hehe! salamat naman at di ka na nakatiis mag comment.. sige iadd na rin kita sa links ko.

12. kwentongwalangkwenta - Pebrero 29, 2008

masarap kausap yang mga ganyan kapag wala kang magawa. yung tipong kahit aso kakausapin mo na. pero pag may importante kang pinagkakaabalahan, mapipikon ka sa mga ganitong tao pag nangungulit

gasti: uu nga eh minsan talaga kahit wala ka sa mood aatakihin ka ng mga taong walang magawang matino.

13. brath - Pebrero 29, 2008

gasti easy ka lang baka kung mapano pa ang puso mo nyan ee,, concern lang naman ako ahihihi

xiao!

gasti: naks talagang may concern pa?🙂 hehe! wag ka mag alala hindi naman ako bayolenteng tao.

14. bakal - Pebrero 29, 2008

tama naman yun tungkol dun sa cr, di naman talaga tayo cr. diba? pag sinabi ba sayo ng kaibigan mo bus tayo papayag ka na lang? e kung sinabi ihi tayo o tae tayo? papayag ka? hehe

gasti: haha! ganyang ganyan ang mga banat ng classmate ko dati nung college..kelangan liliwanagin mo lagi ang sinasabi mo.

15. camilleeee - Pebrero 29, 2008

ay nakowww…nakakapikon yan, lalo na pag naunahan ng tipong pangaasar ang seryuso mong pagtatanong.

gudlak na lang sa magkakaron ng gripo sa tagiliran hehe😀

gasti: hehe! kapag icepick ang tinusok mo sa tagiliran, walang tutulong dugo. internal hemorrage ang ikamamatay mo.😀

16. beer-O - Pebrero 29, 2008

nakaka-asar talaga ang mga pilosopong yan. ewan ko kung san nila nakukuha ang mga hirit na ganyan. yong tipong: “Isara mo ang pinto, lalabas ang aircon”. bakit may paa ba ang aircon at kayang lumabas? pero minsan nakakatuwa naman sila. di nga lang ako makasabay…

ang masasabi ko lang, dapat gawin na lang nilang career yan at mag-abogado. pagkakakitaan pa nila ang galing nila sa idiotic reasoning…


gasti: uu nga may point ka dyan..bagay nga silang maging abogado at pulitiko na rin dahil sanay naman silang magpaikot ng tao.

17. wei vines - Pebrero 29, 2008

ehehehe..yung ibang pilosopo, nakakabadtrip. Tulad nung away nung dalawang lovers sa efex:

girl: walang signal dito.

boy: alam mo gawin mo? umakyat ka sa bubong, hawakan mo yung anthenna

girl: eh umuulan eh

(hanggang sa makababa ako ng efex, lumaki ng lumaki ang usapan nila dahil sa line tech* na signal na yan…bakit ako nagagalit?!! hindi man lang binigyan ng kapayapaan ang loob ng efex na yun! wooo!)

gasti: hehe! simpleng bagay na pinagmumulan ng tampuhan..sana nag ala-arbiter ka.

18. superym@yahoo.com - Marso 1, 2008

si pilosopong tasyo ba e yung nasa nobela ni rizal na noli?
mmm. saksakin na nga lang ng icepick yun!?

hahahaha!!


gasti: hehe! mukhang naghalungkat ka pa talaga ng history eh noh? tama isa pang pilosopo yun.

19. Banana - Marso 1, 2008

honga kakabuwisit ang mga yan lalo na feeling nila cute pagbumabanat ng ganyang pilosopohan. lalo rin pag na timing na ur not in a good mood awwww sarap saksakin ng ice pick!

gasti: haha! minsan cute rin pakinggan kapag cute ang namimilosopo😀 pero kadalasan nakakabwisit rin.

20. antuken - Marso 1, 2008

masama ba maging pilosopo? minsan masarap mang-ganun… hehehe… lalo na pag seryoso kausap mo… hehehe

gasti: malamang awayin ka ng kausap mo kung puro pilosopong pabalang ang sasabihin mo.

21. Poli - Marso 2, 2008

Maganda ang kinabukasan nung isang batang pilosopo. Hehe!

Sa umpisa nakakatawa ‘yung mga taong pilosopo pero kapag laging ganun nakakapikon na rin.

gasti: siguro kukuha ng abogasya yung batang yun paglaki nya.

22. McRey - Marso 3, 2008

Oh no, ICEPICK sa pwet?!

gasti: oh yes! try it! ahehe!

23. randomdemeanor - Marso 4, 2008

nyahahahah…saksakin ng ice pik?..gud adbays!!! nyahaha
nakakainis nga yang mga taong ganyan…namimilosopo sila kasi umaarte silang matalino..nyahahah!!!!kaya ganyan!!! papansin ang mga gagoh!!!

gasti: easy yani..easy..hehe! kaya nga saksakin mo na agad ng icepick eh para hindi ka na makipagtalo pa.

24. napundingalitaptap - Marso 5, 2008

ang sinasabi ko diyan sa mga pilisopong ganyan…

college ka na diba? paano ka nakaabot dito kung yun lang di mo pa nagets yung implikasyon ng sinasabi ko?

oha..oha!

napapailing nalang sila, barado…ü


gasti: haha! lakas mo din palang mambara eh noh! easy lang..kadalasan eh nagpapatawa lang naman sila

25. lilmiz - Marso 6, 2008

naku, buti na lang inde mo ko kilala.. ganyan kasi ako eh ahaha.. proud pa eh noh.. sarap kaya maging pilosopa! lolz😀 pero pinipili ko naman mga binabara ko, na-aawa na nga ako sa aking mga friends na mga inosenteng pinagpapraktisan ko nyan haha.. pero inaamin ko, pag may namilosopo sakn at wala akong naiganti, napipikon ako haha gusto ko kasi sakin ang huling banat lolz!😀


gasti: haha! ganun talaga mapipikon ka kapag ikaw naman ang binara. kawawa pala mga friends mo buti naman at may awa ka pa pala at marunong ka pumili ng babarahin..delikado kasi yan baka yan pa ikamatay mo. hehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: