jump to navigation

ipa-carwash mo na yan Marso 3, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

may mga taong ang turing sa sasakyan nila eh parang asawa na rin. binibilhan ng kung anik-anik na accesories, papabanguhan at pinapaliguan na rin. para mas masarap sakyan.😉

nung mga panahong nagtutulak pa lang ako ng kariton para maghanap ng ikabubuhay (like pambili ng teks at dyolens) sa mga non-biodegradable na garbage sa compound namin at nakikipagmurahan sa mga barumbadong drayber na malakas bumisina kapag tumatawid ako ng kalsada, nagwiwish na ako kay papa Jesus na makapagmaneho ako ng isang sasakyan na hindi de-tulak. yung kinakargahan ba ng diesel o unleaded. para cool.

uu nakahawak na ako ng kariton😀 may katabi kasi kaming junk shop na pagmamay ari naman ng ninong ko kaya nakakahiram kami para dun ilagay ang mga nakulimbat naming basura. takot yata kaming maluslusan noon kaya di kami nagbubuhat ng mabigat. well kung itsura lang din naman ang pagbabasehan, mukha nga kaming magbabasura. lols!

kapag wala pang usong laro sa may amin dahil nagkaubusan na ng pera ang kabataan, umpisa na ng kaunting pasikatan ng laruan sa kalsada. kapag may napansin kaming anak mayaman or batang may ninong na mayaman na nagyayabang ng kanyang robot na umiilaw at umiikot ng 360 degrees ang bewang sabay sigaw ng “fire! fire bratatatatatatat!” o di kaya naman ay nagpapaandar ng remote controlled car w/ matching sound epeks na “vroom vrooom…eeeennngg” lalo naming nararamdaman ng kapatid ko na mahirap kami. at ang tanging mayaman na ninong na meron kami ay nasa abroad na at wala ng pakialam sa amin. kaya kapag nakakaramdam kami ng inggit sa mga batang sa tingin namin ay spoiled brat, humihithit na lang kami ng shabu. lols!

hindi yata kami basta na lang nagpapatalo. lagi yata kaming tumitira ng mentos sa tindahan ng lola ko kaya di kami nauubusan ng ideas. diretso agad kami sa lalagyanan namin ng laruan (sako ng bigas) at ibubuhos lahat ng laman nun sa sahig. pagkatapos pumili ng mga laruang kanais nais pa at sa tingin namin ay may angas pa rin kahit detachable ang ulo ibabalandra na namin ito sa kalsada at doon maglalaro. kung yung kolokoy na anak mayaman ay may remote conrolled car, meron naman akong trak-trakan na kinabitan ng mahabang pisi. magsisimula na akong irampa ito sa harapan ng mga ispekteytors at magsisimula na silang pumanig sa akin..di naman kasi ako maramot noon at pinapahiram ko ang mga kalaro ko di gaya ni rich kid na ayaw man lang ipahawak ang laruan nya. at sa oras na maubos na ang baterya ng laruan nya eh tapos na rin ang pagpapasikat nya. nasa akin pa rin ang huling halaklak..hehe!

masipag ako maglinis ng laruan ko. kahit pa mga tau-tauhan lang yun ay tinu-toothbrush ko pa. aliw na aliw din ako habang nag ca-carwash ng kotse-kotsehan ko. siguro dahil na rin sa bihira ako magkaron ng mga ganung bagay kaya inaalagaan ko talaga. hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng sentimental value nun.

iba pala kapag malaking sasakyan na kelangan mo linisin. sa tuwing makikita ko ang dumi ng alikabok at putik na nakakakapit sa lite ace namin ay gustong gusto ko na itong linisin pero may pumipigil sa katawan ko. ang katamaran. pero napipilitan na rin ako maglinis bunga ng kahihiyang maidudulot ng pagmamaneho ng dugyuting sasakyan. pagtyagaan ko na lang linisin bago pa mapagkamalang trak ng basura ang dala ko. pwede namang dalhin sa carwash diba? no sweat! seating pretty ka na lang habang nag iintay na malinis ang sasakyan mo pero mas pinipili ko ang sariling sikap. sa katunayan, simula nung ako na ang nagmamaneho ng sasakyan namin 2 buwan na rin ang nakalilipas, ni minsan hindi ko man lang ito naidala sa carwash. sayang din kasi ang pera dahil araw araw kaming dumadaan sa isang shortcut kapag uuwi mula marikina hanggang san mateo kung saan merong parteng rough road na konting ambon lang ay nagpo-produce na ng putik at kung tuyo naman ay para kang pinupulbusan ng alikabok. idagdag mo pa ang sira-sirang kalsada papasok ng subdivision na maglalagay ng finishing touches para tuluyang magbago ang itsura ng sasakyan mo. wala kang kalaban-laban.

siguro balang araw maiisipan ko ring magpa-carwash ng sasakyan. ewan. depende rin kung maganda talaga ang serbisyong ino-offer gaya na lang nitong mga chiching na nasa larawan. mukhang magagaling sila noh? very professional ang dating. siguro pag ganyan ang maglilinis, mukhang masusulit ang ibabayad ko.

carwash chics

kung babae ka naman, magpapacarwash ka din ba sa mga chikababes na yan? baka sabihin nyo na naman na lugi kayo. di ko naman kayo nakakalimutan…meron din akong nahanap na affordable na carwash para sa inyo. gusto nyong subukan?

carwash boys

Mga Puna»

1. linglingbells - Marso 3, 2008

hmm..san ba yang carwash na yan?? ang gaganda ng pwet!! hahaha!! dyan na ko magpapacarwash pag nagkaroon na ko ng sariling car.. hehe!

gasti: haha! dyan lang yan sa tabi-tabi. sige bilisan mo na mag aral magdrive bago pa kumulubot ang mga tumbong nyan.

2. camilleeee - Marso 3, 2008

huwaw!

san yan? penge naman sketch, panu makapunta jan haha😆

gasti: haha! magpapa carwash ka na rin cams? ang bilis mo ah

3. koreanmine - Marso 3, 2008

ay tayp ko ang takong nya!!! ayaw ko sa mga bold na menlu, gus2 q yung mga bebot na wet na wet😀

*** parang maalaala mo kya ang sentimode mo ngaun ha😀
ako wala akong matinong laruan, ang trip ko daw na laro eh yung mang wasak ng mga laruan😀

ewan, sabi nga, lalaki daw ako, nataon lang na may bubis! LOLs😆

gasti: tibo ka neng? hehe! ok rin naman paminsan minsang mag explore..sige join the fun!
baka nga lalaki ka noon. at talagang yung takong pa yung napansin mo ah..sa paa ka nakatingin? owwws.

4. madbong23 - Marso 3, 2008

kung ganyan ang maglilinis ng kotse ko ay araw-araw ako magpapacarwash dun sa mga boys… este babes pala. lols

gasti: haha! nakakaganang magpa-carwash kapag ganyan. ingat ka lang sa mga boys dahil rereypin ka nyan kapag di ka nakapagbayad.

5. wei vines - Marso 3, 2008

hindi ko talaga gets kung bakit kailangan maghubad yung mga lalake/babae sa faketure para lang maglinis ng tsikot.😆

gasti: kelangan yan para ma-entertain yung magpapalinis. at saka para sabay ligo na rin ng mga katawan nila.

6. Lenggai - Marso 3, 2008

eh puwede bang ako ang mag-wash sa kanila? magaling akong magsabon at malinis ako0ng magbanlawwwww…. nyahahah!

gasti: hahahaha! pwede! sige sugurin mo na sila at simulan mo na ang paghilod😀

7. Geisha - Marso 3, 2008

syeeettttt… umiinit katawan ko!

pwede bang magpa carwash sa mga yan….????😆


gasti: syempre naman.😀 kaya mo ba yang apat? lols!

8. XienahGirl - Marso 4, 2008

bakla ba yang naglilinis ng kotse?
haha

di nga seryoso?
kasi kung ordinaryong lalake
hindi nila gagawin yan.

ewan ko lang🙂


gasti: alamo ganyan din ang itsura ko pag naglilinis ng sasakyan namin.

9. Banana - Marso 4, 2008

awww!! sarap kurutin ang mga puweeeeet! haha!

gasti: uhhmm..bakit ang karamihan ng girls mahilig sa puwet ng lalaki..lols! may kurutan?

10. foobarph - Marso 4, 2008

foobarph post of the day! kudos to you!

gasti: salamat tsong! kudosan na rin kita.😀

11. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Marso 4, 2008

pde ba pati ung drayber isama sa sasabunin nung mga bebot?

gasti: ahh extra service ba kamo? pwede rin.

12. Geisha - Marso 4, 2008

apat lang bah? dagdagan mo pa.. may space pa sa kili-kili😀

gasti: sabi nga ng isang crackers..”apat dapat”. hehe! pati sa kili-kili? yikes!

13. karmi - Marso 5, 2008

so napa-car wash mo na ba sasakyan mo? hehe

kamusta naman sa pictures.. naloka ako..

iniisip ko pa lang kung ganyan lahat ng mga carwash boys, hahaha.. wala lang naisip ko lang.😛


gasti: haha! kung ganyan lahat baka may suki card ka na rin sa pagpapacarwash😀
di pa rin ako nagpa-carwash eh

14. randomdemeanor - Marso 5, 2008

di ako pwede dito !!! di ako pwede ditoooohhhh!!!! nako pu,papaluin na ako ng tatay ako…bad daw kasi yung mga nasa picture…

nagtatrabaho sila na walang damit!!!!

lols!

gasti: sabihin mo sa tatay mo at least marangal ang hanapbuhay nila di katulad ng holdaper.

15. MARU - Marso 5, 2008

ang galing ng pagkatuwad ng chiching na yun a!

dun sa second pic naman…kung yan ang carwash boys…kahit siguro bisekleta lang ang meron ako…ipapahugas ko na rin siguro araw araw😀


gasti: galeng noh? talagang nagpapicture yung kuyukot. lols! pati biseklata..pwede!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: