jump to navigation

ang bago kong tsekot Marso 5, 2008

Posted by gasti in kamalasan, kwentong pasahero, muni-muni moments.
trackback

hindi lang isang beses ngyayari sakin na natatapos ko muna ang isang blog entry bago ako makaisip ng akmang title. ako lang ba ang ganito?

nitong mga nagdaang araw mas lalong sumidhi ang kagustuhan kong bumili ng pandagdag sa collection ko. di ko mapigilang (as if nagpipigil talaga ako) hindi dumaan saglit sa loob ng mall bago umuwi. katapat lang kasi ng sinasakyan ko pauwi ang suki kong mall. ang ultra-electro-magnetic-megamall na under renovation pa rin ang bandang gitna. nalibot ko na rin siguro ang kasuluk-sulukang parte nun at kabisado ko na rin kung saan ang mga bilihan ng paborito kong laruan (bukod sa toy kingdom).

nung byernes, may naispatan akong kotse (’02 chevy camaro) na ninais kong bilhin kaya lang eh hindi pa pumapasok sa ATM ko ang lintsak na sweldo na yan. kasya naman ang pera ko pambili nun kaya lang eh maglalakad ako pauwi. hindi naman ako makakasakay sa kotseng singlaki lang ng hinlalaki ko at hindi pa bumubukas ang pinto (nagbabalak pa talaga pumasok eh noh?). sinabi ko na lang sa sarili ko na babalikan ko na lang. sa pagpunta ko naman sa isang store, nakakita ulit ako ng camaro..mas malaki (mga isang dangkal) at kahawig ni bumblebee sa transformers pero syempre mas mahal. 4 digits. binalak ko rin bilhin yun pero buti na lang wala akong pambili. di ko rin naman sya ganun kagusto. medyo pihikan kasi ako sa pagpili ng mga laruan. pagkatapos ko inggitin ang sarili ko sa mga pinuntahan kong lugar napagpasyahan ko ng umuwi.

lunes. binalikan ko ang lugar kung saan ko nakita ang kotseng maganda sa paningin ko. inikot ko muli ang bawat sulok ng store na yun ngunit hindi ko na makita ang pakay kong kotse. di ko natiis nagtanong na ko. “miss meron pa ba kayong camaro?”. nadismaya ako ng marinig ko ang sagot nya. “wala na eh try mo tumingin sa toy kingdom baka meron pa sila”. toinks! no need..nanggaling na rin ako dun. kaya ayun umuwi na naman akong bigo.

martes. naisipan ko namang dumaan sa isang mall na katabi ng team na tumalo sa Purefoods nitong nagdaang all filipino conference sa PBA. baka meron sila ng hinahanap ko. mabilis naman akong nakasakay sa isang shuttle service na sira ang aircon. sign na ba ito ng mga susunod na kamalasang darating sa araw na ito? nag init ang ulo ng kapwa ko pasahero dahil mukha kaming ini-incubator sa init. nagpasya na lang ang driver na buksan na lang ang bintana at bente na lang ang pamasahe ng bawat isa. olrayt! 50% off…nakarating naman ako ng matiwasay sa mall at dire-diretso ako sa toys r us. di ko namalayan na hinahabol na pala ako ng sekyu dahil kelangan ko raw iwanan sa baggage counter ang bag ko. langyang yan! mahigpit pala dito. nainis pa ko sa pagmumukha ng hinayupak na yun dahil mukha syang pitbull na may bigote.

pagdating ko ng baggage counter, “sir may importanteng bagay po ba dito sa bag nyo? cellphone, wallet, alahas.” tanong ng tagabantay. “uhhmm.. psp!”. “sige sir pakidala nyo na lang yan kasi pag may nawala po i-charge samin “. ok. (bakit naman kasi hindi pa hinayaang bitbit ko na lang ang backpack ko. anong silbi ng mga hidden cams nila at sandamukal na bantay sa bawat laruan?)..rules are rules..regulation is regulation..sometimes they have to regulate the rules. ano daw?

mabilisan kong ini-scan ang bawat laruang madaanan ko at sa wakas nagbunga rin ang sipag at tyaga kong maghagilap. nakita ko na rin ang kotseng natipuhan ko noon..pero hindi ko sya binili. (bakeeeet?). dahil nakakita ako ng 06 chevy camaro na nagpatibok ng puso ko. lols! singganda ng malalaking version pero di sing mahal. at mas trip ko ang kulay nito kesa sa dilaw ng transformers. (next time na lang ang pektyur). papunta na ako sa cashier ng biglang may pumutok. sumabog ang ilang ilaw ng parteng kinatatayuan ko. sumingaw rin ang mala-tambutsong usok mula doon na amoy sunog na tanso. ambaho! ansakit sa baga! langya talaga pakiramdam ko tinira kami ng teargas sa loob. nagmadali akong nagbayad at paubo-ubo pang umalis sa lugar na yun.

medyo maaga pa kaya tumingin pa ako sa ibang bilihan ng kotse. wala rin naman ako binili dahil kuntento na ko sa camaro ko..next time na lang yung iba. pagkalabas ko ng mall, wala naman jeep na masakyan. puro fx kaya no choice kesa naman tumayo ako kasama ng mga dilag na naka-uniporme (animoy tukso), sumakay na lang ako. at gaya nga ng inaasahan ko na 80% ng fx driver doon ay madudupang..malayo o malapit ay bente ang sisingilin sayo kaya ang pamasahe kong 7.50 sa jeep ay naging 20 pesos. pero wala na ako pakialam dun. basta nabili ko na ang pakay ko. solb na ko.

pagkauwi ko ng marikina kung saan naka-park ang sasakyan namin biglang nagtxt si misis. “sunduin mo na lang ako dito sa may palengke. ibang byahe sinakyan ko eh di na ko dadaan dyan”. bilang isang masunuring tupa, dali-dali akong sumakay sa van at nagdrive papunta sa sinabi nyang lugar. nang magkasama na kami saka ko kinwento ang mga ngyari.

gasti: nakabili na ko ng kotse! yung camaro.
misis: talaga? patingin..magkano naman.
gasti: mura lang..tingnan mo sa bag ko. ang ganda..bihira ka makakita nyan. antagal ko na kaya naghahanap nyan wala ako makita.
misis: ayos to ah! tamang tama magugustuhan to ng anak natin.
gasti: alamo hindi ko binili yan para ipalaro sa anak natin. wala pang muwang yun sa value ng mga katulad nyan. it’s not just a toy. saka isa pa marami na namang laruan yung batang yun.
misis: ok. sige na nga. pero gusto ko rin syang bilhan ng laruan.
gasti: uu nga eh next time sya naman ang bibilhan ko.

———-
ang problema ko lang, dumadami nga ang collection ko pero wala pa rin kaming istante. hanubayan!

Mga Puna»

1. alienferbert - Marso 5, 2008

inuuna ko muna yung entry bago yung title..

ang lesson ~ Kunin mo na habang andyan pa baka magsisi ka kapag wala na.. anong mall ba to? sta lucia? ehehehe


gasti: ikaw rin ganun? hehe! uu nga eh natuto na ko sa ngyon dahil napatunayan kong dumarami na talaga ang mga taong nahihilig mangolekta ng laruan.
yung katabing mall ng sta. lucia ang tinutukoy ko. hehe!

2. brath - Marso 5, 2008

dapat ang susunod mong bilhin ay yung istante para sa mga laruan mo,, gusto mo gawa kita? lols ay di pala ako marunong gumawa nun…

xiao!

gasti: hehe! akala ko igagawa mo talaga ko eh! ang totoo nyan nahihirapan akong pumili ng istante na gusto ko at hindi magpapasikip sa bahay namin😀

3. Jeckass - Marso 5, 2008

ganun din ako, una yung kwento bago ako nakakaisip ng taytol. mas mahirap mag-isip ng taytol kesa dun sa kwento..heheh

hihintayin ko yung pic ng camaro mo ah. description mo pa lang, inggit na ako. hahaha..
kami sa bahay may istante, gusto mo dun mo na lang i-display, tutal wala pa akong koleksyon ng toy cars eh..hahahaha!


gasti: haha! mabuti na lang at hindi pala ako nag iisa… next time na yung pic kasi sira pa din digicam namin. matagal ko na nga gusto picture-an mga collection ko eh..di naman ganun karami pero gusto ko lang lagi nakikita.
baka naman pag pinalagay ko yung laruan ko sa istante mo eh di ko na makuha ulit..lols! bibili na lang ako.

4. camilleeee - Marso 5, 2008

hehe. ako naman after ko ma edit at bago ma-publish yung entry, saka ko pa nilalagyan ng taytol. ewan, ganun nako kahit nun pa.😀

kinikolek ko din dati yung miniature bikes hehe. kaso nasira na yung iba. plano ko start ulit. kasi may nagbibigay naman (ehem, lapit na birtdey ko)

katuwa namn..pati si mrs. gasti, mahilig din sa laruan.🙂


gasti: haha! nagtataka nga ako eh..dati rati kasi sermon talaga inaabot ko kapag bumili ako ng laruan..pero dahil sa minsanan lang naman ako bumili at hindi naman ganun kamahal..oks na rin sa kanya. binilhan nya pa nga ako dati ng action figure nung nagawi syang hongkong eh. malapit na pala bday mo? hehe! adbans hapi-bday..sige ituloy mo lang yang hilig mo. wala naman masama.

5. rofel - Marso 5, 2008

“it’s not just a toy”
tama ka jan repapits, iba ang dulot ng mga ganyang laruan sa mga taong nangongloekta sa kanila… keep it up!
-Cheers!

gasti: pakiramdam ko talaga..lalaki lang ang nakakaintindi sa kapwa lalaki. hehe! hindi na maarok ng ibang girls ang ganitong kaadikan.

6. Maldito - Marso 5, 2008

hhehehe….mga laruan ko nga nasa sahig lang..indi naman ako makabili ng estante kasi indi naman ako taga dito sa cebu…hay..kaingit..buti kapa..ako walang bagong laruan…ay meron pala…robot from Japan…hehe…

Psst!dumating na pala ang conformation ko papuntang Korea…toink!sayonara!


gasti: teka naalala ko yung pictures ng mga laruan mo nakalagay sa istante yun ah..ayos yan robot? langyang voltes 5 yun nagkakahalaga ng 15k..isang dangkal ko lang ang laki.
uy sayonara na? magpadespedida ka muna samin nila jeck at chilli…pababaunan ka muna namin ng pokpok na mabangis. lols!

7. Maldito - Marso 5, 2008

sa iloilo yun na kolesyon…sa cebu ako ngayun,,,,indi ako makabili ng estante kasi mahirap pag umuwi na ako…ahahaa…alam mo naman panandaliang kaligayahan lang ang akin dito sa cebu…pakita mo naman pictures ng chekot mo! dalI!.

gasti: ahh kaya pala..hehe! mas marami ka laruan kesa sakin saka karamihan ng laruan ko eh naka box pa dahil nga wala pa kong istanteng paglalagyan nun.

8. napundingalitaptap - Marso 5, 2008

ohmy, dads are like that…

haha, last christmas, my dad bought us a collection of toy cars…needless to mention that my bigbro and I are both graduating students, matatatanda na kami…

but still, we jumped for joy to show the appreciation….

but i guess, he bought that for himself..

grrrrrrrrrrr….

haha…

istante, prinoblema, sige..bahala ka na nga… haha

gasti: hehe! malamang nga para sa kanya yung binili nya. mukha namang wala kang hilig sa mga toy cars😀

9. madbong23 - Marso 5, 2008

pre ako nun, ang dami kong matchbox na kotse umabot yata sa mahigit sandaan. naitago ko pa yung iba dahil balak kong ibigay sa mga anak ko pagmedyo malaki-laki na sila. ang problema ay nadiskubre kaagad nung panganay ko yung pinagtaguan ko sa kanya. aba e namalayan ko na lang na nawala na sila lahat dahil iniwan nung bata dun sa labas ng bahay at may nagnakaw nito. hanggang ngayon nga ay gusto kong sakalin yung panganay ko pag na-alala ko yung nangyari. tsk tsk


gasti: nakow sayang naman yun..dapat pala ikinandado mo yung taguan ng laruan..ako nga rin eh tinatago ko muna kasi malamang pag nakita yun ng anak ko pipilitin nyang ipabukas sakin lahat yun.

10. madbong23 - Marso 5, 2008

pre nga pala tutal mahilig ka man din sa kotseng laruan, check mo yung post ko tungkol sa xmod rc. ito yung uso ngayon dito sa nz

gasti: ah uu nakita ko na yang post mo astig nga eh..ganyan din yata yung nakita ko sa isang store dito. di ko nga lang naitanong yung presyo pero tantya ko nasa 4 digits din.

11. koreanmine - Marso 5, 2008

hehe problema ko din yang istante para sa mga laruan ng anak ko na ako nagkokolekta, yun bang sa mga happy meals, sa jabi, mcdo pati kfc, dati kc nag aaral pa ko kaya nakukumpleto ko p lahat, nito na lang ako natigil mag kolek at kung ano na lang ang abutan..

sarap p din bumili na laruan no kahit di na tyo bata😀 ako hanggang ngaun nag kokolek p din ng hello kittys😀


gasti: ayos din yang koleksyon mo..naalala ko tuloy yung nanay nung klasmeyt ko nung hayskul..punong puno yung istante nila ng laruan galing sa happy meal at kids meal..kumpleto nga rin ata sila ng snoopy at dalmatians na laruan eh.
masarap talaga mamili lalo na kung marami ka pambili..andami kasing magagandang laruan ngyon eh

12. MisyeL - Marso 6, 2008

hanep sa pabaon ahh, iba talaga kayo hahaha!

Ako minsan naiisip ko na ang title bago pa yung mismong story, minsan naman story tapos magtatanong pa ko sa pinsan ko kung ano magandang title hehehe!

Ayos sa collection, naku dito madaming ganyang laruan. Gusto mo bilan kita?😀

gasti: san ka nga ba ulit? canada? siguro nga magaganda din ang laruan dyan..kaya lang baka mahal. nakakahiya naman. pero kung mapilit ka..sige bilhan mo ko. lols!

13. antuken - Marso 6, 2008

ako girl, pero naiintindihan ko ikaw. hehe. ganyan din ang mga kuya ko. at pinsan. masarap mag-collect kung wala kang mga anak na papakainin at papag-aralin, in short, kung marami ka datung. madali naman intindihin yung mga ganyang hilig. kaya dapat, maintindihan nyo rin ang mga babae kung baket, ang hilig namin bumili ng damit, sapatos at bag. hehe

gasti: ayun..sabi ko na dun din papunta eh..ang intindihin rin ang babae…lols! sige na alam ko na yun. kahit sangkatutak na ang damit,sapatos at bag lagi mong maririnig na wala na silang ganyan at kelangan ng bumili. at kadalasan kelangan terno terno pa.

14. lilmiz - Marso 6, 2008

ako din, last ko na iniisip ang mga blog titles.. kasi naman, usually di ko lam ibablog ko, kung ano lang maisip itype ng mga kamay ko haha kaya huli talaga ang title😀 .. tago mo na lang yan mga laruan mo, wag mo na idisplay, kasi baka alikabukin lang wahaha, kahit nakabox or nakaplastik pa, maalikabukan pa rin naman yung mga box at plastik eh lolz! .. ano bang peeling na may mga ganyang collection? ako, wala talangang koleksyon.. ay, counted ba yung mga damit/sapatos? hehe

gasti: kasing sarap ng feeling ng first kiss. lols! pwede rin namang matawag na koleksyon ng girls yang damit at sapatos lalo na kung mala-ukay ukay na yang kwarto mo sa dami.

15. marian - Marso 6, 2008

no worries.. ganun din ako.. entry muna before title..hehehe..

nice collection ah.. =) patingin pics ng kotse.. hehehe.. =)

gasti: hehe! next time ko na ipopost yung pics ng kotse…sira pa digicam namin.

16. menggay - Marso 6, 2008

hehee.. ako nga na-ipost ko na tas bigla eedit ko ulit kasi tingin ko di tugma yung title hehehe….🙂

kuya pasilip mo naman minsan yung mga kino-kolek mo ha🙂

gasti: sure! ipopost ko din dito lahat yun.

17. McRey - Marso 6, 2008

WOW… sigurado paglaki ng anak mo eh mang-aagaw na yan ng laruan… hehe…

naiinggit ako sa mga taong may koleksyon… yung tipong mga bagay na gusto nila sa buhay tulad ng clown, figurines, bahay at lupa, bold CD’s, et. al… pero ako walang maisip… wala naman akong mga bagay na gusto kong meron ako kahit hindi ko naman gagamitin… yung pandisplay… err… basta ganun…

Pero ngayon, may naisipan akong kolektahin… at yun ay ang “Lighter” iba’t ibang uri ng Ligther… wahaha… kahit walang gamit sa buhay ko okay lang… basta for the sake of collecting something… wahaha…. ingit kasi ako \… wala akong koleksyon… wahahah

gasti: hehe! ayos yang kokolektahin mo..magagamit mo yan kapag may chiching na gustong magyosi pero walang pansindi😀 saka madami na rin akong kakaibang lighter na nakikitang binebenta ngyon.

18. Geisha - Marso 7, 2008

damot mo! bigay mo na sa baby mo yan..hehehehe🙂

gasti: sus! hindi ako bumili ng ganung laruan kung ihahagis lang at ibabangga sa pader.

19. ponchong - Marso 7, 2008

hinuhuli ang title? ugali ko rin yon.

swerte mo naman at ayus lang ke misis mo magcollect ng ganyan. kung ako siguro, sa ganyang presyo, pag nalaman nya baka ilaga nya at ipainom sa akin lahat ng sabaw non kaya chokers ang napagbalingan ko. impractical daw!
pero sila daming bags. grr…

oy may international car show dito sa geneva until march 16. pwede ka pala sana doon kasi lahat ng klase ng sasakyan (totoo di toys) andoon pare..mga bagong collection..try nga naming maligaw don mukhang iba ngayn e.

ciao!


gasti: haha! nakakarinig pa rin naman ako ng mga ganung banat minsan pero di naman kasi ako madalas bumili eh😀 tama ka dun mga babae talaga andaming bags..di naman ginagamit lahat.
uy ok yang mga carshow..di pa ako nakakapunta talaga sa mga ganyan eh yung marami talaga..porsche at ferrari lang nakita ko kotse sa isang mini carshow sa loob ng mall.

20. Geisha - Marso 7, 2008

uu nga naman! baka sirain lang ng baby mo… akin na lang..hehehhe🙂

how old is ur baby bro?

gasti: 2 yrs old pa lang yun eh. puro bunggo, hagis at pamamato pa lang ang alam na laro nun.

21. hibachibaby - Marso 8, 2008

wow Chevy Camaro ibang colorway pa, amf kakagigil. may nakita ako 1:24 ata yun o 1:20 sa Market Market, same colorway nga lang sa Transformers Movie pero linsiyak, bumubukas ang hood at pinto. sarap ng ganyang koleksyon bro lalo’t maaalagaan nang husto. ano ano pa ang ibang koleksyon mo? pictures pls.

yung laro natin sa liga is 8pm onwards every Friday and Saturday so I think libreng libre ka. Di mo na kailangan pakondisyon. Kaw pa eh lagi kang handa parang boyscout. tara laro tayo boss!


gasti: nakow yan din yata yung camaro na nakita ko..mahal yan pre! konti pa lang naman koleksyon ko..parang mas trip ko na nga ang car collections kasi mas mura kesa action figure. punta ka sa bahay namin pakita ko sayo lahat.😀
handa parang boyscout? haha! kondisyong kondisyon na ang daliri ko sa kakalaro ng basketbol sa psp. wala bang laro yung sumisikat pa ang araw?

22. wei vines - Marso 9, 2008

hehe, mas praktikal kung bibili ka na lang ng chest o kaya pagawa ka ng chest na pwedeng susian para hindi magalaw ng bata.

-a friendly advise from wei-

gasti: chest? eh di hindi ko rin madidisplay yung mga laruan ko😀 gusto ko nga laging nakikita eh

23. randomdemeanor - Marso 13, 2008

pede penge na tsekot!!! penge!!!!! kahit yung latest at pinakamahal tapos sing liit ng posporo lng..okey na sa kin yun bossing!..ahehehe!


gasti: latest at pinakamahal? hanep ka rin eh noh ang pinakamahal na nakita ko so far eh mga tig 2800 yata..ferrari car..yun malaki laki na yun. try mo ulit manghingi sa pasko😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: