jump to navigation

I need a little help here! Marso 7, 2008

Posted by gasti in kamalasan.
trackback

sheeeep!

kapag minamalas ka nga naman..akala ko ay ok na ang lahat dahil walang aberya o kahit anong error ako naranasan habang ina-update ko ang psp slim ko mula ver. 3.71 papuntang 3.90 (update patch downloaded from here). di rin ganun katagal ang update process kaya smooth na smooth ang bawat pindot ko. ok ang lahat (yun ang akala ko). pag-check ko ng system info 3.90 na yung version. andun pa rin ang mga naka-save kong music, video at pictures. meron na rin akong skype at internet radio. pero nung maglalaro na sana ako ng games, napamura na lang ako dahil ito ang bumungad sakin –> “There are no games” putah! eh mahigit 10 games ang naka save dun! ang ipinagtataka ko lang hindi nadagdagan ang free space ng memory stick..ganun pa rin. ibig sabihin andun pa rin dapat yung mga games..pero naghagilap na ko saan mang sulok ng folders na meron ang istik ko..wala akong makitang games. at isa pa hindi na nag aapear ang settings kapag kinlick ko ang select button. anong kababalaghan to? badtrip! kelangan ko na ipatingin to sa repair shop mamaya pag uwi ko. arrrgh! gastos na naman…

“bakit ka ba kasi nag update?”. gusto ko na lang iumpog ang ulo ko sa pader kapag naiisip ko yan. ginawa pa akong katatawanan ng misis ko dahil hindi maeksplika yung itsura ko kahapon. luging lugi. eh anong magagawa ko andyan na yan. hindi naman siguro sya nag crash dahil nagagamit ko pa rin. kaya umaasa akong kaya pang maibalik sa dati ang mga games nun. (madali namang kumopya sa iba). next time talaga hindi na ko mag uupdate ng mga letseng patch na yan. hindi ka pala nakakasigurado sa magiging resulta.

Update: alam ko na ngyon kung bakit nagkanda letse-letse ang psp ko. mukhang mahihirapan nga ako gawin ito ng sariling sikap. tsk tsk!  anyways salamat na rin sa tumulong at nagpaalala sakin na mangmang talaga ako sa ganitong mga bagay.

Mga Puna»

1. Jeckass - Marso 7, 2008

hahahaha! i can relate bro. ganyan din ako sa mga techie. lumalabas ang paka-bobo ko. ni virus sa pc, hirap akong tanggalin.
nu ba nangyari dyan? nagka-virus? ganyan kasi nangyari sa mp3 ng tropa ko nung napasukan ng virus. nawala yung mga kanta pero ganun pa rin yung space na nagagamit. ewan ko. engot talaga ako dyan. hehehe

pahiram naman minsan niyan..hehehehe

gasti: hindi naman siguro na-virusan. nagkamali pala ako ng update na ginawa dahil official sony psp update yung nainstall ko eh modified yung version na meron ako kaya ayun. parang bumalik sa orig settings ang psp ko hindi maka-play ng downloaded games at hindi na rin makita yung mga games ko dati. dapat pala custom firmware ang ininstall ko. masyado kasi ako na-excite mag update di ko alam na meron pa palang ganun.

2. madbong23 - Marso 7, 2008

yung gago kong kabarkada sa pinas, pag may problema ko na technical ang una sa aking sinsabi ay “pre, may posporo ako”.

gasti: hehe! walang tyaga magturo. mahirap talaga kapag usapang techie na..lalo na dito sa psp wala akong muwang.

3. Maldito - Marso 7, 2008

kawawa ka naman…naranasan ko din ang mga ganyan…nung masira laptop ko..ajjejee..okey lang yan….working pa naman eh…kunting glitch lang cguro yan.

gasti: uu kunting glitch nga pero paniguradong mapapagastos ako. pwede rin namang sariling sikap gaya ng tinuro sakin pero mahirap na baka magkamali pa ko ng gagawin kaya ipapatingin ko na lang sa mga marunong.

4. Maldito - Marso 7, 2008

tama yan bossing…sa mga marunong mo nalang papatingin yan..mahirap na baka dumoble pa gastos mo..gaya ng ginawa ko sa tv namin sa bahay dati..aahahha..magkano ba daw ang papa ayus?


gasti: di ko pa nga alam kung magkano aabutin eh! baka umabot rin ng 1k kapag talagang garapalan na. di naman daw ganun kahirap mag modify eh. pero sa panahon ngyon kapag napaghalata ka nilang walang muwang sa ganyan..tatagain ka talaga sa presyo.

5. beero - Marso 7, 2008

nakakalungkot isipin…hehe😆 don’t lose hope. umasa ka lang sa milagro. ahehe. but i think maaayos pa yan. di lang ako sigurado. mahina din kasi ang kokote sa ganyang gadget. kasi wala akong PSP. nanghihiram lang ako minsan. pahiram naman pag ayos na. hehe

gasti: maaayos pa naman..gagastos ka nga lang sa pagpapagawa. gusto ko na rin maayos agad kasi weekends na..wala akong paglalaruan.

6. beero - Marso 7, 2008

may kasabihan para dyan: “sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala”. hehe😆 pero minsan kelangan talaga nating mag-update. ako nga full na memoty stick ng walkman phone ko kaya di ako makapagdownload ng mp3. mahal pa naman ang memo stick…hayyy…ang tagal ko ding di nakapagcomment dito. ehehe


gasti: kelangan din kasi mag update para hindi mapag iwanan ang software na gamit mo. baka di mo na namamalayan ikaw na lang ang nag iisang gumagamit ng pinakalumang version. saka andami rin kasing bagong features na nadagdag. yun nga lang nagkamali ako ng pinagkuhanan ng update.

7. psyche - Marso 7, 2008

custom firmware po yung i-pang update mo para makabasa ulit ng .ISO at .CSO files. sa pinoypsp.com may mga guides kung pano mag-update ng firmware.

gasti: uy psyche kung sino ka man tsong..salamat sa impormasyon. ang turo kasi sakin kelangan ng pandora battery at magic memory stick..kelangan meron isang psp na modified akong mahiram pero wala naman akong kakilala kaya ipapagawa ko na lang sa iba.

8. psyche - Marso 7, 2008

kung gusto mo pala ng mga games at movies sa pspiso.com maraming pede i-download. hindi naman ganon kamahal mg-paupgrade or mag-unbrick ng PSP. 200-300php lang… sobra naman ang 1k para sa 5 mins na paggawa…

gasti: hehe! nanghuhula lang naman ako kasi yung ps2 na pina modify ko eh 1k pataas yung price..at least ngyon may idea na ko kung magkano..alam ko nga mabilis lang gawin to eh. salamat uli bro!

9. beero - Marso 7, 2008

tama ka dyan parekoy.😆 ayoko ring mapag-iwanan pagdating sa music kaya kelangan ko na ring bumili ng memo stick. mamumulubi nga lang ako pagkatapos kong bumili. hehe😆 next time mag-ingat ka na lang para alang hassle at inconvenience…


gasti: uu talaga doble ingat na..di muna siguro ako mag update pag ako lang mag isa..mahirap na magkamali ulit.

10. koreanmine - Marso 7, 2008

oist, di ka nmn cguro nahawa sa kamalasan ko ha😀 peaceeee (pwera usog😀 )

gasti: parang ganun na nga…hehe! pero mas maraming kamalasan ang dumating sayo base sa mga kinwento mo sa post mo😀

11. batabatuta - Marso 7, 2008

hi po kuya,,.first time kong mag-comment sa blog mo..sabi kasi ng isa kong friend magaganda raw ung mga blogs mo..haysz..nwei..dnt wori..everything will be alryt..hehehe..konting chagaan lng nga..hirap tlga pag wla kang alam sa isang bagay..haysz…un lng..dumaan lng po…

gasti: pansin ko nga eh bagong napadaan ka..salamat! naayos ko na naman yung psp ko..mga 5 mins lang ginawa.

12. Jon Cabron - Marso 7, 2008

nyay! phat psp yung inabutan ko e, medyo wala na rin akong balita sa PSP scene.. basta ang alam ko kung hindi naman medyo latest yang official firmware na nailagay mo baka pwede ka downgrade ulit tapos tsaka ka magupdate ng modified firmware.

dito ako tumatambay dati, for sure dami ka matututunan and dami makakatulong sayo

http://tipidpc.com/viewtopic.php?tid=56886


gasti: salamat pre! ganun nga ang ginawa sa psp ko..downgrade to 3.80 di pa daw kasi na-unlock yung 3.90 kaya talagang official update pa lang ang available.

13. Poli - Marso 7, 2008

‘Yung firmware ng PSP ko habambuhay nang 3.10. Ang mahal magpa-modify e. Umaasa na lang ako sa padala ng mga kamag-anak sa ibang bansa. Hehe!

Sana maayos mo ‘yan!

gasti: hehe! luma na nga yan😀 ang mahal nga magpa upgrade eh langya 500 sinisingil sakin buti na lang at natawaran ko tapos nakikopya pa ko ng game😀 pero mahal pa rin talaga sa 5 mins na paggawa.

14. cliogoddess - Marso 8, 2008

excuse me, hindi ako bakla,

diosa ako,

waaaaaaaaahhhhhh

gasti: parang walang kinalaman yang comment mo sa post ko. hehe! pero chige na nga kung san ka masaya.

15. Geisha - Marso 8, 2008

when it rains, it pours.

pag may landslide, may ulan😆

cheer up gasti! dagdag wrinkles lang yan🙂

gasti: haha! uu nga eh akala ko talaga hindi na babalik ang games ko buti na lang walang nawala..ayos na ulit!

16. zenzen - Marso 9, 2008

kumusta psp? okay na ba? sana okay na. napadaan lang. nakakatanggal stress mga entry mo, ewan ko kung bakit. basta ganun epekto sakin.🙂


gasti: ok na ok na😀 parang walang ngyari..nalagasan lang ako ng pera pampagawa. pati ba sa entry na ito ay nawala ang stress mo? lols! salamat ah!

17. Fau Rafili - Marso 9, 2008

nya hahahahahaha!

18. xienahgirl - Marso 9, 2008

ang masasabi ko
wala rin ako maitutulong diyan
hahaha

kung ako
iiyakan ko lang yan
baka sakaling may maawa sa akin
at ipagawa

gasti: haha! iiyakan? pinag aaralan ko na nga kung pano mag upgrade ng ako lang eh..ang mahal kasi pala ng singil ng gumagawa nun.

19. psyche - Marso 10, 2008

buti nmn at ok na yung psp mo… ok din yung site na binigay ni jon may faqs sa lahat ng gusto mong malaman tungkol sa psp.. mahal naman ng singil syo 500php… gawa ka na lang ng sariling pandora kit hehehe…

gasti: uu nga eh mahal nga yun. natawaran ko 400 tapos nakikopya na rin ako ng games. wala ng bayad..binebenta rin nila kasi yung downloaded games eh. pag aaralan ko talaga yang paggawa nyang pandora’s battery at magic memory stick na yan.

20. randomdemeanor - Marso 13, 2008

ala yan nah! di na kasi makontento..nag-update pah!!! hahaha! sana maayus na yan..sayang din yung games…tsk tsk tsk..talgang nabwisit ka sa games na nawala noh…halatang isip bata…ta…ta…ta..ka..at ..ako.hehehe.


gasti: haha! oks lang aminado naman eh..naayos ko na yung psp ko..natuto na rin ako kung pano mag update ng tama kaya it’s play time again😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: