jump to navigation

why men lie Marso 10, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback
liar
“it’s the same reason why dogs lick their balls. because they can.”

nabasa ko lang kung san yan. pero wala naman akong sinabi na kaya ko dilaan ang mga betlogs ko..di naman ako ganun ka-flexible. kung kaya nyo, talent nyo yan..baka naman may lahi talaga kayong aso.

alam kong marami pa ring girls ang naghahanap ng kasagutan sa tanong na ito. yung mga girls na sarado ang utak at kapapanganak pa lang kahapon. mga paparating pa lang sa masaya ngunit madugong puberty stage at kakatubo pa lang ng kulot na buhok na kaylanman ay hindi tatalaban ng pag-rebond. mahirap ba talagang intindihin? or ayaw nyo lang intindihin.

well kung tutuusin eh hindi lang naman lalaki ang nagsisinungaling..kahit ano pang kasarian mo eh paniguradong nagawa mo na rin yan pero bakit lagi na lang nadidiin ang mga lalaki pagdating sa usaping kasinungalingan? dahil ba sa mas madalas kami magsinungaling compared sa babae? hmmm..maybe! (*sabay ngiti mala-austin powers). di naman siguro. dapat nyong malaman na ang mundo ay bilog..ok fine oblong kung trip nyo..kaya nga nabubuhay tayo sa mundo kung saan maraming nambibilog ng ulo. kelangan rin naman mag adjust. mag adapt sa kapaligiran natin. walang manloloko kung walang nagpapaloko. wag nyong idahilan na mahina kayo dahil pwede rin naming gawing dahilan yan kapag inakit kami ng ibang babae..gusto nyo ba yun?

maraming sinungaling pero walang kinukulong. dahil kung ginawang batas yan dito sa mundo, malamang eh nagsisiksikan na tayo sa presinto. 2 bagay lang naman yan kung bakit ka nagsisinungaling eh una, para sumaya ka..pangalawa, para makalusot.

bigyan ko kayo ng isang sitweysyon. “hi sweetie! overtime ako ngyon. late na ako makauwi..di na ako magdinner dyan sa bahay.” text ni mister kay misis. nakaramdam sya ng kakaibang kaligayahan ng mapaniwala nya ang kanyang misis. dali-dali syang nagtungo sa condominium ng kalaguyo nya at doon nila pinagsaluhan ang kakaibang putahe na tanging ang mga kabit lamang ang makapagbibigay. kakaiba, malasa, patagong dessert. pagod na pagod si mister hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa nakatatlong round sila ng kalaguyo nya…pagdating sa bahay, laking gulat na lang nya ng bumungad ang misis nyang galit na galit at may hawak na palo-palo. “sweetie madaling araw na ah naglalaba ka pa rin?”tanong ni mister.”tarantado! hindi mo ko madadaan sa pagpapatawa mo! san ka na naman nanggaling damuho ka? tumawag ako sa opisina nyo ang sabi eh wala ka na daw at maaga ka umalis!” ang banat ni misis.

mga posibleng kasagutan.

  • sino nakausap mo? loko yun ah baka si [insert employee name here]. magkaaway kami noon..sinisiraan lang ako.
  • pinilit ko tapusin ang trabaho ko ng maaga para lang hindi masyado gabihin at makasama ka maghapunan ngyong gabi pero natraffic naman ako..may banggaan dyan sa may [insert location here].
  • pauwi na ko ng biglang may umakbay sa balikat ko. holdaper pala! ayun tinangay lahat ng pera ko. walang natirang pera sa akin kaya naglakad na lang ako pauwi.

unang banat pa lang kasinungalingan na. ang ending pagsisinungaling pa rin. depende na sa babae kung tatanggapin nya ang ganitong mga palusot. pero aware naman ako sa mahiwagang “kutob powers” ng kababaihan dahil madalas akong biktima nyan. pero syempre anumang gusot, may akmang palusot.

hindi naman sa binibigyan ko ng hustisya ang pagsisinungaling pero madalas kaya ginagawa ito para hindi makasakit ng kapwa. pero alam ko namang doble ang epekto nito kapag nabuking…kaya yun ang dapat iwasan at paghandaan. ang importante lang naman at gusto kong ipunto sa usaping ito ay ang salitang acceptance. hindi ko sinasabing magpakamanhid kayo pero sana tanggapin nyo na lang ang palusot namin. di nyo lang alam kung gaano kahirap magpanggap na kalmado habang nag iisip ng maganda at katanggap tanggap na palusot sa harap ng isang mabangis at handang pumatay na chiching.

———-

balik tanaw.

ayos na ulit ang psp ko. yeheey! downgraded na to 3.80..bumalik lahat ng games ko at nakadiskarte pa ko para makakopya ng game. hehe! salamat sa mga nakisimpatiya at nagbigay ng tulong. pag nakita nyo ko, pahihiramin ko kayo ng psp.

at kung may nakakaalala pa sa post kong tungkol sa penitensya, kalimutan nyo na yun. bigo ako sa plano ko. di ko napigilang hindi magkwan. sabagay huli na rin naman kasi ang pagpipigil ko. 2 weeks after na yun ng ash wednesday kaya di rin makumpleto ang lent season (ganda ng palusot ko noh?!). ayoko namang gamitin ang gasgas na linya ng mga manginginom. “lasing ako nun eh di ko alam ang ginagawa ko”.

Mga Puna»

1. foobarph - Marso 10, 2008

teka! psp? ibig bang sabihin 3.80 ang STABLE version ng PSP?

wala pa kasi akong PSP at hindi ako well versed sa mga ganyang gadgets kaya paki orient naman kami gasti. ^_^

“pero syempre anumang gusot, may akmang palusot.”
– NICE!


gasti: yung 3.80 daw ang latest ngyon sa custom firmware..kasi yung 3.90 eh bagong labas ng sony at di pa na-unlock. kaya pag yun ang ininstall mo hindi talaga nya babasahin yung mga ISO games na meron ka. sa psp slim yan. iba pang version ata kapag fat psp. ngyon ko nga lang din nalalaman yang mga ganyang bagay eh.

2. madbong - Marso 10, 2008

importante maging honest sa iyong asawa (at least sa 95% of the time hehe biro lang).

gasti: hehe! syempre naman. importante ang pagiging tapat para magsama ng maluwat.😀

3. joice - Marso 10, 2008

narealize ko lang..

lalaki pala ako. haha

gasti: hehe! nagduda ka pa pala sa kasarian mo

4. koreanmine - Marso 10, 2008

“it’s the same reason why dogs lick their balls. because they can.”
<< Si Samantha JOnes nagsabi nyan sa Sex n d City…

if Men lies bcoz they can, women lies bcoz amm .. we can too! way so much better LOLs😆

pero u know wat, kung san kayo dehado?.. korek! sa Women’s instinct/ intuition parekoy…

kmi alam nmin kelan kayo nagpapalusot, pinapabayaan lang namin, pero kayo, kadalasan, niloloko na kayo ryt under ur nose and ur still completely clueless!

nyahaha, guys beware!

WAT MEN CAN DO.. WOMEN CAN DO A LOT BETTER…😛


gasti: haayss lagi naman eh..magpapatalo ba naman ang girls? natural hindi.
hmm.. I beg to disagree. “WAT MEN CAN DO.. WOMEN CAN DO A LOT BETTER” <— naah! sige nga pataasan at palayuan ng ihi.😀

5. Geisha - Marso 10, 2008

ang lalim nito.. kelangan ko ng isang set ng dictionary.. wet lang kuha lang ako😆

gasti: haha! search mo na rin sa wikipedia.

6. ladyracer - Marso 10, 2008

we have our own individual reasons and justifications for lying. personally, i’d like to know the hard truth straight from my man rather than discovering the hurtful truth from other people. sakit nun sobra😦

gasti: korekek. ganun din naman ako..pero syempre hindi ganun kadali gawin yun..kelangan maraming ipon na lakas ng loob.

7. Geisha - Marso 10, 2008

buti ka pa.. hindi ka tigang!

pero anubehh… pwede namang aminin ang kasalanan tsaka hindi rason ang kaligayahan at pagpapalusot nayan!

kung loyal ka talaga sa partner mo or kanino pa man.. di mo na kelangan ang mga kasinungalingang yan…

pero ganun pa rin.. lahat ng lalaki paasa🙂


gasti: haha! nakalimutan mo na atang lalaki ka pa rin😀 oy di naman lahat ah sa katunayan eh girls naman talaga ang laging paasa…sila yung nililigawan eh.

8. brath - Marso 11, 2008

kutob powers daw oh hehehe,, . ginagawa ko kapag may hinala na ko, di muna ko nagsasalitan,nakikiramdam muna, mas gusto ko yung mahuhuli ko sila sa akto tapos yun na ahahahahah

gulo ano?

xiAO!

gasti: haha! naalala ko tuloy yung balita kahapon..nahuli ng misis yung mister sa akto na may nakayapos na chiching sa kama tapos binuhusan nya pareho ng asido sa mukha. nung ininterview ang lalaki tinanong kung anong lesson ang natutunan nya..pangiti ngiti pa syang sumagot ng “wag pong magpapahuli”.

9. Maldito - Marso 11, 2008

Girls are like owls.they can sense you without turning there heads 180 degrees…ahhehee,,,hay…lies..lies…..indi makuha yan sa mga lalaki.pati na din sa mga babae….sino ang indi nagsisinugaling.?ahehhe..

“it’s the same reason why dogs lick their balls. because they can.”-pano pag may kuto ang itlog?didilaan pa rin ba?waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

gasti: eh sa laki ba naman ng mata ng kwago eh..kitang kita ka nga nun😀 sa palagay ko pwede ring kainin ang kuto. snacks nga ng unggoy yun eh

10. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Marso 11, 2008

bwahahahahaha nkakarelate ata ako dito ha….

sa groud floor ng bldg ko ang SPI..alam mo na siguro kung saaan ako..bwahahahaha

gasti: haha! parang di ko pa rin alam..paranaque? lols!

11. April - Marso 11, 2008

Ayos pala penitensya mo ah.. Di mo talaga mapapanindigan yun, Gasti ka nga eh. Ano pang sense? Hehe. Long time no read.😀

gasti: haha! may point ka iha! long time no see nga..pati link mo di ka nag iwan😀

12. lilmiz - Marso 11, 2008

dyan kayo magaling eh noh.. ang magpalusot! lolz.. bakit pa kasi gumagawa ng kasalanan kaya ayan kelangan tuloy magpalusot.. kung magpapakabait ang mga lalaki eh di na kelangan magsinungaling dba? ahaha.. basta sakin kung once nahuli ka ng nagsinungaling, mahirap na paniwalaan sa susunod kahit totoo pa yung sinasabi😀

gasti: parehas kayo ng reasoning ng misis ko..

13. linglingbells - Marso 11, 2008

hahaha! naaalala ko tuloy yung napanood ko kahapon sa balita.. isang lalaki nahuli ng asawa na may kasiping sa tinutuluyan nitong apartment, binuhusan ni misis ng muriatic acid si mister at si kasiping!

nung ininterview si mister habang nakakulong, tinanong siya kung anu ang natutunan niya sa nangyari; isa lang daw ang natutunan niya: WAG NA WAG MAGPAPAHULI!

isa siyang halimbawa ng mahinang sinungaling, dapat kasi nagbabasa siya dito para nakakapulot siya ng mga techniques.. hehe!

gasti: haha! uu nga..mahina sya. huling huli sa akto eh nakayapos pa yung babae habang magkatabi sa kama.

14. Jeckass - Marso 12, 2008

naniniwala ako sa kutob power na yan. biktima rin ako niyan eh. yung tipong plantsado na lahat ng sinabi ko eh may alam pa rin syang nagsisinungaling ako. ang mga babae may kapangyarihan silang ma-sense kung may ginagawang kalokohan ang asawa o bf nila. hindi ko alam ah, pero kahit nasa malayong lugar ako bigla na lang magtetext si labidabs ng “sinong kasama mo ngayon? pakdapaker ka wag kang magsinungaling!” huling-huli, walang kawala. pero salamat na lang at malaki ang naitulong ng words of wisdom mo master gasti. hanggat makakalusot huwag aamin! hahahahaa!

totoo yan ah, pag nakita kita pahiram ng PSP! humanda ka na! bwahahahahahahahaha!

gasti: haha! wala ka talagang kawala sa mga kutob powers na yan..hula ko aliens ang ninuno ng mga babae. may telekinesis. sino pa bang magtutulungan kundi tayong mga barako rin..hehe!
uhhmm magpapahiram naman ako eh pero di pwede overnyt…at yun ay kung makikilala mo ko pag nakita mo ko😀

15. Jeckass - Marso 12, 2008

gasti, alam mo yung SPI sa p’que? been there.

gasti: uu may mga dabarkads ako nag apply dun eh..nalalayuan kasi ako kaya di ako tumuloy.

16. McRey - Marso 12, 2008

“naah! sige nga pataasan at palayuan ng ihi.”

Putsa dehado na sila jan… baka hindi pa tumaas… hehe

gasti: haha! hands down..panalo mga lalaki dyan.

17. MisyeL - Marso 12, 2008

WAT MEN CAN DO.. WOMEN CAN DO A LOT BETTER… -panalo to! hehehe..

Kung sana wala ng taong sinungaling eh di sana maayos ang mundo natin at walang pamilyang nasisira. Pero, pero sadya ng ganito ang tao. Patalasan na lang yan ng pakiramdam.

gasti: panalo sayo kasi babae ka😀 pero di ako naniniwala dyan. yan ang isang eksampol ng kasinungalingan ng mga babae..hehe!

18. beero - Marso 12, 2008

“pero syempre anumang gusot, may akmang palusot.” GASTI

di ko kakalimutan ang quote na yan! bwahaha😆 naiisip ko tuloy na gawain mo yan. ahehe😎 since ayos na PSP mo, yun na lang ang paglaruan mo. wag apoy kasi madadarang ka dun. hehe


gasti: uy hindi ah! minsan lang ako magpalusot. pero sinisigurado ko naman na makakalusot. hehe! naaadik na nga ako maglaro sa psp eh saka isa pa di naman ako marunong maglaro ng apoy. ayoko mapaso.

19. eNocH - Marso 12, 2008

“it’s the same reason why dogs lick their balls. because they can.”

http://tvquotes.wordpress.com/2008/01/24/cheater/

minsan talaga may mga bagay na di na kailangan sabihin pero hindi ibig sabihin nun, nagsisinungaling ka na! minsan kailangan tayong magsinungaling kasi dapat tayong magsinungaling. nakuha?


gasti: ahhh hehe! meron ka palang qoute na yan..di kasi ako nanonood ng sex and the city eh kaya di ko alam. agree ako sa sinabi mo pards. paglilihim naman yun.

20. twiger - Marso 12, 2008

boss, di ako magaling sa english pero di ba po dapat “why men lie” lang? subject and verb agreement kapag plural ang subject singular ang verb. egh..hehe..

*napadaan para magbasa😀

gasti: haha! salamat naman twiger at napansin mo..sa totoo lang eh sinabihan na rin ako nyan ni chilli nung pagkapost ko nito. uso naman kasi ang sablay na english ngyon..pang Ms. world😀 sige edit ko na nga.

21. randomdemeanor - Marso 13, 2008

wuah!!! ang haba ng exflenasyon mo bosing…sa gusto mo lng makalusot eh!!! nyahaahah!!

pero tama ka, di lng naman lalaki ang nagsisinungaling sa mga usaping KABITAN,BALIKATAN, SULUTAN…watevah! pati babae may ganung factor din.

siguro nga madaling mag-accept ng kasinungalingan..lalong lalo na kung di naman masyado malaki ang damage…pero kung grabe na ..syempre, mahirap din ibalik ang Tiwala. spelled as kapital T ar yu es ti.Big deal kasi yun.

Basta ko ginawan yan, Keber.Okey lng.Sasabihin ko lng sa kanya, “Mag-ingat ka ha…papasalvage kita mamya”….hehe

gasti: yun lang..may nalalaman ka pang salvage ngyon ah..bilog ang mundo minsan ikaw ang nanloloko, minsan naman ikaw maloloko. fair enough.

22. hibachibaby - Marso 13, 2008

dalhin ang lahat sa korte ng matinong mapagtalunan ang lahat! misis, pinabarangay ni mister.


gasti: dito na nagtatapos ang usaping ito dahil nagagalit na sakin si misis..ang mabuti pa daanin na lang natin sa isang paboksing ang isyung ito.

23. batabatuta - Marso 13, 2008

..lies is sill lies..whether it is a big lies or white lang..wla nmn tao ang hindi nagsisinungaling di ba??dpat jan.,.intindihin nlng nila ung mga taong hindi nakakaintindi…hahaha..ang gulo yata nun..hehehe..napadaan lng…cute ng blog na to..azstigsz!!


gasti: tama yun..intinding intindi ko ang sinulat mo😀 salamat naman at nabanggit mong cute ako..este yung blog ko pala.

24. angel - Marso 13, 2008

ako din, malakas ang kutob ko sa ganyan.. Hahah.. naging gawain ko din kasi.. lols… Pero kahit pa di nakakasuhan mga nagsisinungaling, kasama naman sa 10 commandments.. Ahh.. oo nga pala, may confession.. hihihi.. peace..

gasti: hehe! may kapatawaran pa rin😀 alin ang gawain mo? ang magloko😀

25. napundingalitaptap - Marso 20, 2008

hmf! sige na nga…

tsk tsk, pero di ko parin mawala sa sistema ko ang linyang “lalaki talaga!”

hmf hmf! nakakabitter!! ahaha..

gasti: haha! kung ano man yang nakaraan mo..nakaraan na yan kaya wag na magpakabitter..madami naman lalaki dyan sa tabi tabi.

26. liza - Marso 23, 2008

waaaah! kung ako di ko matatatanggap yun, i hate men who lie. pero tama ka nga, one of the reasons men lie eh para di makasakit, pero sana wag na lang gawin para di makasakit at di na rin magsinungaling hehe.

ok itong post mo😉 happy easter.

gasti: pero hindi mo talaga maiiwasan yun eh lalo na kung hinihingi ng pagkakataon..thanks! happy easter din sayo!😉


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: