jump to navigation

mainit na balita Marso 13, 2008

Posted by gasti in balitang isports, muni-muni moments.
trackback

pulitika.

sa tuwing bubuksan ko ang tv ay wala kong ibang nakikita kundi ang pagmumukha ni Jun Lozada na pangisi ngisi at naglilibot sa mga eskwelahan at simbahan para humanap ng simpatiya. pati na rin ang painosente epek ng mag amang De Venecia..akala mo kung sinong malilinis ang mga kolokoy. mag ama nga kayo! puro kayo papansin. nakakasuya na dahil sa hindi matapos tapos na isyu tungkol sa ZTE na yan. malabo namang mapaalis si Gloria dahil mukhang binusog na nya ang mga sundalo natin. anong malay ko kung sinipingan nya pa lahat ng opisyales ng AFP para hindi bumaliktad sa kanya..kadiri naman yun.

2 panot laban sa isang full grown baboy ramo w/ miniature kuneho. ang saya saya noh?!

wazzupjunsmileynatutulog lang

showbiz.

bentang benta ang 2 babae ngyon sa youtube. instant celebrity nga naman. ang isa’y talunan at ang isa naman ay wagi. di ko na babanggitin ang mga pangalan nila para kunyari ay blind item lang itong mga pinagsusulat ko. common denominator pareho silang sumali sa isang pacontest at di marunong mag English. (eh ano naman ngyon?). good thing is hindi ka naman ipapupulis at ikukulong kung di ka marunong magsalita ng wikang ito. medyo pahiya ka nga lang. kahit papano naman eh lamang pa rin ang pinay na nanalo sa Bb. Pilinas (Miss World) dahil she “don’t feel any pressure right now” kapag iniinterview. at infairness to her di hamak na mas maganda naman sya at sexy kesa dun sa bulgarian na nag-murder sa kanta ni Maria Carey. pasalamat na rin si Maria Carey dahil parang nanumbalik ang sigla ng kanta nyang “ken lee” este “without you” pala. sa katunayan kahit nababaklaan ako sa mga kanta nya noon eh di ko maiwasang mapabirit sa banyo habang kinakanta ang awiting ito. lss na sya! amp!

anyways kahit pareho silang sablay sa pagsasalita ng ingles, marami naman silang napasayang tao. kung pagsasamahin mo ang talento at ganda nilang dalawa, pwede mo ng ipantapat kay Alyssa Alano. magandang laban yan.

sports.

wala ng ibang sport akong naiisip ngyon maliban sa boxing. sabik na sabik na ako sa darating na laban ni Manny Pacquiao. para sa akin higit pa ito sa concert ng Maroon 5, Incubus at Mandy Moore. combined! wala ako pakialam sa mga yan. ang importante lang sakin ngyon ay ang boksing event na ito. “unfinished business: Marquez vs. Pacquiao”. bakbakan na! sa ngyon ay kasalukuyan akong nagmumuni-muni at nagbibilang ng mga barya mula sa alkansya kong may design na lightning mcqueen kung papanoorin ko ba ang live showing nito sa sinehan na nagkakahalaga ng 500 petot. kaunting araw na lang ang nalalabi para makagawa ng desisyon. sawa na ko na laging huli sa balita at panoorin ang sandamakmak na commercial sa tv kapag lumalaban si Pacquiao. nakakaburat na rin ang pakikinig ng live feed mula sa radyo dahil mas lalo lang ako naiinis kapag ganun. anong pinagkaiba ko sa bulag na nakikinig ng boksing? walang kwenta. idagdag mo pa ang mga pasaway na kaibigan na bigla bigla na lang tatawag at magte-text ng resulta habang ikaw ay taimtim na nananalangin sa ikapapanalo ng manok mo. kadalasan eh ginu-goodtime ka pa.

sa darating na linggo ay panandalian nyong makakalimutan ang mga problema nyo sa buhay, ang gulo ng Pilipinas, pati na rin siguro mga gerlpren nyo. magsasanib pwersa ang mga pinoy saan mang sulok ng mundo. mapa-artista, pulitiko o kriminal ka man..para sating lahat to!

pacman kung sakaling madaan ka sa blog ko konting tips naman ng pagpapalaki ng katawan. balita ko kasi ay kaya mong magpabigat from 130 lbs to 144 lbs within 24 hours bago ka lumaban. mas kelangan ko ang talento mong yan kesa sa lakas ng pagsuntok.

pacjuan

Mga Puna»

1. Maldito - Marso 13, 2008

sana si ken lee ang kakanta ng bayang magiliw sa laban nila noh?ang saya!!tapos si janina ang maging round girl…wow…full packed talaga…agegge..balik ka kasi gym eh..meron akong amino acids….gusto mo?ahehhee….

gasti: hehe! ayos sana yang naisip mong round girl si Janina pero yung pakantahin pa si ken lee girl..lols! bastusan na yan ng national item.
gusto ko nga mag take ng amino kahit hindi magbuhat eh..may epekto kaya yun?😀 tinatamad ako mag gym mag isa.

2. beero - Marso 13, 2008

dapat may balita tungkol sa teknolohiya para kumpleto na. lols!

PULITIKA. nakakasawa na nga ang mga pagmumukha ng mag-asawang yan. kaya di na ko nanonood ng news programs ngayon. mas inaabangan ko pa ang american idol. hehe.

SHOWBIZ. nakakatawa talaga ang youtube booboos na yan. waahhh…pero impernes, sikat sila ngayon. at ang dami nilang napapasayang pipol.

SPORTS. di ko alam kung panonoorin ko to. nakakatamad kasing manood sa TV. sangkatutak ang ads. kaya nung una tulog na ko nang matapos ang laban. balitaan mo na lang ako. ahehe


gasti: ito lang naman kasi ang mga balitang binabasa ko sa dyaryo eh😀 uu nga mas ok pa manood ng american idol..may pinay rin kasi dun.
ako tinatyaga ko talaga maghintay para mapanood ko ang bawat round ng laban nya. exciting eh! kumakabog pa nga dibdib ko..lols! adik!

3. watusiboy - Marso 13, 2008

minsan naiirita ako sa pagngitingiti ni jun lozada. para kasing naeenjoy nya yung ginagawa nya. as if hero. although tama nga na lumantad sya, pero basta. hindi kasi sya hero para sa akin.
ano ang ginagawa ni FG sa litratong iyan?

gasti: uu nga eh feeling hero talaga kala mo naman di sya namera.. si FG? parang natutulog lang sila eh noh?! parang dedbols na rin.

4. angel - Marso 13, 2008

at todo chineck ko naman yung ken lee.. hahaha.. Feel na feel pa talaga eh… :))

gasti: haha! uu nga eh panalo talaga yung kanta nun mas masahol pa kay william hung at least tama ang lyrics nun.

5. Maldito - Marso 13, 2008

ewan ko bossing if may epek..pero mas good parin if mag gym dahil nadedevelop lalo ang masels.nasa instructions kasi na take with proper excercise….mayron namang insttructor ah??bibgyan ka din nman cguro ng tips niyan….sa sunday na ang laban?tiyak…dito na naman kami sa office babanat ng buto..peste.


gasti: sabagay may instructor nga pero yung pagpunta minsan ang nakakatamad. langya talaga kaya pinagtyatyagaan ko na lang mga dumbells sa bahay eh at uu sa linggo na ang laban excited na nga ako eh parang kamag anak ko si pacquiao..hehe!

6. beero - Marso 13, 2008

yun nga inaabangan ko eh. di ko naabutan performance nya kagabi. kung ikukumpara, parehong pandak si ramielle at si gloria. ang pagkakaiba nga lang eh nakaka-entertain si ramielle pero si gloria nakaka-bad trip. nyahaha😆

haha😎 at talagang nararamdaman mo pala talaga ang excitement at tensyon while watching. relax lang parekoy. baka atakihin sa puso nyan. ahehe

gasti: ako napanood ko si ramielle kagabi “in my life” ang kinanta nya..boring nga lang ang comments ng tatlong judges. mali kasi sya ng piniling kanta. wala ako pakialam kay gloria.ang tanging talent na meron sya ay ngumiti na mukhang ungas.
kontrolado ko naman ang emosyon ko..pasundot sundot lang ang pagmumura..pwede na nga akong sports commentator kapag nanonood ng boxing eh

7. beero - Marso 13, 2008

hehe😆 boring nga raw. pano slow songs kasi lagi ang pinipili kaya ganun. pero may mas boring pa naman kesa sa performance nya. lols! in fact, si david hernandez ang mai-eliminate mamaya. ahehe.

haha😳 pero relax pa rin. kasi kung sa sinehan ka manood, baka di pa tapos ang laban eh may makaboxing ka rin. lols!

gasti: manghuhula ka pala😀 uu nga eh andami namang composed songs si paul mc cartney pero yun pa ang napagtripan nya kantahin..maganda naman boses nya infairness..
hehe! malamang naman puro kampi kay pacquiao yung manonood nun unless may maligaw na mehikano.

8. April - Marso 13, 2008

Naweirduhan talaga ko sa Ken Lee na yan! pero at least medyo makakahinga rin tayo ng mabuti di ba kasi hindi lang pala pinoy ang may ganun! hehehe sino magaakala sa kalayu-layuan ng Bulgaria eh may mga pepengol pengol din palang ganon!😀

Words of wisdom lang tungkol sa kagustuhan mong magpalaki [ng katawan], wala sa laki yan, nasa tigas! Ahaha.

gasti: uhhmm..kung pagiging matigasin lang ang usapan eh pasado ako dahil tigas na tigas na to! lols!

9. batabatuta - Marso 13, 2008

uu nga po kuya..tama ka in a way nakapagpasaya sila ken-lee este ung bulgarian girl at si janina ng mga nalulungkot na tawo..in a way nakalimutan nilang malungkot pala sila…panu ba namn ksi..kaw ba nmn makarinig ng bagong version ng “ken-lee” este without you baka pati sa banyo eh mapakanta ka talaga..hahahaha…the best na pang comedy bar ang mga yan..hahahaha…

gasti: hehe! paniguradong patok dahil mukhang wala silang kamuwang muwang na nakakatawa sila. effortless ika nga.

10. beero - Marso 13, 2008

hehe😆 nabasa ko lang kanina sa yahoo na si david hernandez ang natanggal. ala na tuloy ang thrill. lols! di ko na kelangang umuwi nang maaga. ahehe.

malay mo meron nga. mapapalaban ko dude pag nagkataon. lols!

gasti: tama nga..si david nga natanggal kagabi..hehe! wala na tuloy thrill din sakin kasi kinwentuhan mo ko..hehe!

11. Geisha - Marso 13, 2008

bwahahahahah😀

ken lee
taribulu bi daochoo…
ken lee….

Toink!

sumakit gums ko sa kanya!
that makes us angat sa kanila! i bet that gurl sings the song by listening alone not reading the lyrics! kaloka!

gasti: haha! malamang ganun nga..walang tumama sa lyrics eh puro sounds like lang.

12. linglingbells - Marso 13, 2008

grabe talaga yung dalawang babaeng yun! patok na patok na patok na patok! pero mas peyborit ko si ken lee.. hahahahaha! nakakaasar kasi yung sa bb. pilipinas!

gasti: hehe! nakakaasar na nakakatawa..langya nanalo pa kasi kaya lalong nagmukhang katawa tawa.

13. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Marso 14, 2008

di naman lahat ng gaya ko nabibili…marami pa rin ang naninindigan sa prinsipyo nila….hindi nga lang sila makita kasi masyado silang abala sa pagiging sundalo nila kesa magpapektyur sa tv..sa newspaper pala..basta magpaganun…un na un..hehehehe


gasti: alam naman nating pareho yun pero yung mga magigiting nating sundalo ay malayo sa camera dahil sila yung nagsisilbi ng tapat..isa pa malamang ay sumusunod lang sila sa utos ng nakatataas kaya wala silang magawa. pag nag aklas ka naman baka matulad ka lang sa mga sundalong sumali sa oakwood mutiny.

14. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Marso 14, 2008

oo nga..basta ko…ako lang..hehehe aga naman ng pasok mo..haneps yan ha..cge log out na ko maya2…ampft..kakain na naman ako sa cafeteria..

gasti: hehe! alas syete pasok ko eh..maghanap ka na lang ng ibang kakainan mukhang sinusuka mo na mga paninda dyan eh😀

15. Ferbert - Marso 14, 2008

taena hindi ko alam kung anong nangyayari sa mundo ngayon.. ang tatanga na ng mga tao.. “ay pamily is the most importat persons in my life”-janina

ken lee meju more.. ampotek…

kokeymonster.com😀

gasti: hanep! dumadotcom ka na rin..hehe! sige update ko na yung link mo.

16. beero - Marso 14, 2008

haha😆 sabi ko sayo eh. ok lang na na-eliminate yon. ang dami kasi nilang Davids. nalito din siguro ang mga americans sa pagboto. lols! sige sa susunod di ko na sasabihin para ma-thrill ka! hehe😆


gasti: hehe! ok lng di naman ako ganun ka-affected..mas inaabangan ko talaga ang laban ni pacman

17. beero - Marso 14, 2008

haha😆 ah sige, sasabihin ko rin sayo kung sino ang mananalo bago matapos ang laban. pangangatawanan ko na ang pagiging spoiler. lols! teka, parang di ko magagawa yon. ahehe😆 mag-enjoy ka na lang sa bugbugan ni pacman at marquez. ako naman ang balitaan mo. hehe

gasti: hehe! malamang pag binalita ko sayo sa lunes ang resulta eh napanood mo na rin sa tv or nabasa mo na sa dyaryo. excited na ko sa fight namin ni marquez..haha! parang ako ang lalaban.

18. koreanmine - Marso 14, 2008

hay, lalo samin dito, ang dadi ko mukang boksing. titigil na nmn ang mundo… kaka excyt! sana panalo uli😀 at sna may complementary tiket uli c mayor namen! LOls😆

gasti: buti ka pa merong complimentary ticket..gusto ko rin manood ng live eh!

19. McRey - Marso 14, 2008

May pakiramdam ako na matatalo si pacquiao… feeling ko lang, pero umaasa akong mananalo siya para mas maging mayaman pa siya at mamigay ng pera sa gen. san. hehe…

basta pupusta ako kay pacquiao… kailangan niyang manalo!

gasti: taga gensan ka ba? hehe! uu kelangan nya manalo para may mapanood pa tayong laban sa susunod.

20. Jeckass - Marso 15, 2008

akala ko nagmamasterbeyt si FG sa piktyur. hahaha

nood na lang tayo sa sine. siguradong puputaktihin ng commercials yang laban ni manny sa tv. tangina, siguro nililigpit na yung ring sa venue dito sa atin di pa rin tapos ang bakbakan. hahaha

pustahan? ay huli na pala. kay bobby ako!

gasti: haha! uu nga taena siguro nga wala ng tao sa venue pero dito satin nasa kalagitnaan pa lang ng laban. oist talo si bobby! 1st rd KO😀

21. menggay - Marso 15, 2008

hay nakoo kuya noong isang araw yan din nirereklamo kay hauzmeyt ko paano ba naman bago ko pumasok sa trabaho ZTE palagi ang nasa balita pag uwi ko naman sa hapon ZTE na naman bago matulog ZTE pa ren….

maloloka ko….hayyyyy!!!!

gasti: bale agahan at hapunan mo ZTE..hehe! nakakasuya nga.

22. lilmiz - Marso 15, 2008

nakita ko sa tv kanina si janina, parang di naman sya apektado sa mga panlalait sa kanya ahehe sabi pa nya, wala na daw magagawa ang mga tao dahil sya na ang nanalo lolz tapos sabi pa na dahil daw sa sagot nyang yun kaya sya ang nanalo hahaha compident! lolz.. pero sana umayos sya sa miss world naman, magdala na ng interpreter kung kinakailangan ahehe..

gasti: uu nga eh very confident talaga ang luka luka..ibang klase talaga sya..out of this world.

23. jojie - Marso 16, 2008

hindi ako manunuod ng boksing, para kasing gusto kong suntukin si manny pag nakikita ko e. hehehe..

gasti: anong kasalanan ni manny sayo? meron siguro kayong mapait na nakaraan..hehe!

24. KC - Marso 17, 2008

Lintek natawa ako sa full grown kuneho at oversized na baboy ramo.

Let’s payt!

gasti: teka parang may mali..full grown baboy ramo ang sabi ko at miniature kuneho😀 payt! payt! payt!

25. rayne - Agosto 26, 2008

nakaktawa naman kung mali mali ung ka nlng salita…khit nasa ibang bansa kna…hahhahaahaha…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: