jump to navigation

pinakyaw ni pacquiao! Marso 17, 2008

Posted by gasti in balitang isports.
trackback
pakyaw
parang iniendorso sa pagkapresidente eh noh?!

makalipas ang 6 na nakabuburyong oras na coverage ng ch. 7 natapos rin ang laban sa pagitan nina marquez at pacquiao. malamang sa hindi eh napanood nyo rin naman siguro ito kaya hindi ko na ikukwento ng blow by blow ang mga pangyayari. saka kung gusto nyo talaga ng mga balita tungkol sa kung anik anik ng boxing inirerekomenda ko ang site na ito —> punch it!

gaya ng inaasahan ko eh maraming nagpuntang artista at politiko sa laban ni pacman. una kong napansin sa ringside ay si ciara sotto dahil sya naman ang kakanta ng national anthem..hindi na nakapagtataka na nandun sya pero anong ginagawa ni willie revillame? magkatabi pa sila ni ciara..feeling close? at di lang yun..mga 5 upuan lang ata ang pagitan nila kay bob arum, oscar dela hoya at pati na rin ng ring announcer..hanep!

nauna ko na rin nakita sa picture si richard gutierrez na nakipagkodakan pa kay Jinkee, si Jawo na lumaro pa sa crispa vs. toyota at syempre mawawala ba naman sa eksena ang ating bise presidente na si noli at ilocos sur gov na si chavit..mabuti na lang at walang FG akong namataan this time dahil sukang suka nako sa hilatsa ng pagmumukha ng baboy na yun. demmet! wala na ba kayong magawa sa mga pera nyo? bigay nyo na lang sakin.

sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang plano kong panoorin ang laban na ito sa sinehan dahil bumili ako ng sapatos. kasalanan ng nike yan dahil naglabas sila ng magandang sapatos na tyempo namang nadaanan namin habang namamasyal. saka ka na lang pacman di naman tayo ganun ka-close eh. antayin ko na lang yung pangatlong installment nyo ni Marquez kung magkakaroon pa. (wala munang magreretire ah)

linggo. palm sunday. nagsilabasan na naman ang lahat ng Kristyano sa buong Pilipinas at napagpasyahan nilang magsimba (kapag holyweek talaga siksik,liglig at umaapaw ang nagsisimba). sobrang trapik! maraming tao, maraming sasakyan at sangkatutak ang mga panindang palaspas sa kalsada at sa gilid ng simbahan. alas dyes na kami nakaalis ng bahay dahil late na kami gumising. natural di na kami aabot ng misa sa umaga nun dahil paniguradong binyagan na (kung meron man bibinyagan) lalo na dyan sa San Mateo Plaza. sooobrang trapik! ang sarap lumipad…

bago ang laban kahapon ay nauna ng nakipagbakbakan si Bobby ang nakababatang utol ni Pacman laban sa walang talong mehikano..as usual kahit maganda at solid rin ang katawan niya, talo pa rin sya. ika 14 na talo ng kanyang career pero hindi pa daw sya magreretiro dahil isa syang likas na masochista. may babae ring pinoy na lumaban sa las vegas at nanalo meron naman sya ngyong kabuuang 3 panalo sa pro boksing. at nito ngang linggo ay sumabak na naman ang mga pinoy sa suntukan..panalo si michael farenas pero hindi na ipinalabas ng ch. 7 ang laban nya (kung isinama pa siguro yun malamang eh mga alas singko na ng hapon natapos ang laban ni Manny). talo si Diosdado Gabi. pinakita nyang matapang sya dahil gusto nya pang lumaban kahit halata mo ng senglot. tinotoy lang sya ng mehikano sa loob ng dalawang rounds.

isang kanta, sandamukal na commercial ang inihahatid sa inyo ng exclusive coverage ng GMA 7 sa laban ni Pacman..eh 3 national anthem pa yun kaya talagang mag iinit ang pwet mo at mapapasuntok ka sa ere dahil sa pagkainip. alas dose pa lang ata ng tanghali ay alam ko na naman ang resulta ng laban dahil binalita ito ng live sa DZBB. uu pinagtyagaan namin yun at napataas pa ang kamay ko ng sinabi ng commentator na bumagsak si Marquez sa round 3. umasa na lang ako na nagsasabi naman sya ng totoo at di kami ginu-goodtime. napatunayan ko naman na totoo pala after 2 hours ng ipalabas sa tv. taena talaga! bumaba na sa 20% ang excitement ko ng magsimula ng ipalabas ang round 1 sa tv. alam ko na kasi ang resulta..pero di ko inaasahan na ganun pala kadikit talaga ang laban. pinakyaw ni pacman ang karamihan ng mga suntok ni marquez at talaga namang damang dama nya yun. animoy nangamatis ang kanang mata nya sa maga. pero infairness naman kay pacman malakas talaga sya. isang suntok lang ang dumapo sa mukha ng mexikano, bagsak na agad. kung may isang minuto pa sanang natitira nung mga sandaling yun maaga sanang natapos ang laban. maswerte pa rin sya at umabot pa hanggang 12 round kaya ngyon ay may angas pa syang sabihin sa buong madlang pipol who loves boxing na (with mexican accent) The judges don’t know what they are looking for. They have taken the victory which I clearly won. Although, I’m happy because of the performance of this old man is good. I gave everything for my people. The people knew who won. We owe it to the public for a third match,While in the ring, I asked Pacquiao for a rematch and he said, No.” na sya namang pinabulaanan dahil siguro pareho pa silang bangag nung mga oras na yun..idagdag mo pa ang mali-maling english kaya mahirap talaga magkaintindihan. Talk to my team. Talk to my promoter.” eto daw talaga ang sabi nya. totoo nga yata ang kasabihang..when Money talks, Manny listens.

mas lalo pang naging kontrobersyal ngyon si Manny sa pagkapanalo nya. di pa rin masasabing mas magaling sya magboksing kesa kay Marquez pero alam naman nating lahat kung sino ang mas malakas.

downmarquez

Mga Puna»

1. Maldito - Marso 17, 2008

ako ang una!!masigabong palakpakan..indi ako mahilig sa boxing…itutulog ko nalang if ganyan ang panonoorin ko….ahhaha….same lang kasi na suntukan eh..gusto ko yung may saksakan at barilan…yun ang thrilling!ahahha….hay…..tiyak lalong lalaki ang ulo ni manny….pati advertisment ng mga napkin papakyawin niya…

“ang matibay na napkin, indi tinatabla!”..lols

gasti: hehe! mahusay sumisipsip ng dugo at mabilis makapagpagaling ng sugat ang mga napkin😀 pwede!

2. thewordwarlock - Marso 17, 2008

i’m a big pacquiao fan but i saw marquez ahead by three rounds at the final bell. inspite of the knockdown, marquez won most of the remaining rounds. luto ni bob arum at ng HBO ang decision. dapat talaga magrematch. di ko alam kung ini-stir ni pacman ang mga fans niya pag tinatanong kung papayag ba siya sa pac-marquez III . pag sa harap ng mga local fans eto ang sagot nya: wala naman ako inuurungang laban, bring it on. pero pag sa harap ng international media eto naman sagot niya: the business is finished, i’m fighting diaz.
pacman, swerte mo, nakakuha ka ng gift decision. bumalik ka sa ring at labanan uli si marquez!!

gasti: sabi nga ni Arum..”it can go either way”..judgement call talaga kasi masyado dikit ang laban. mahirap talaga talunin si marquez dahil matibay sa ganung edad mabagal na dapat sya kumilos pero hindi eh! ibang klase..gusto ko rin maglaban sila ulit sa lightweight naman.

3. Jeckass - Marso 17, 2008

hindi ko rin napanood ng buo kahapon, kumakanta pa lang yung mehikano ng national anthem nila, inantok na ako. alam ko na rin kung sinong panalo eh. pagkagising ko, sakto round 12 na. ayun, ang nakita ko na lang eh kung paano tinawag si manny sa pagkakapanalo nya. dami kasing commercials eh, nakakabuyo.
sana may rematch ulit tapos talagang lumpuhin na ni manny yang si marquez para matigil na. hehehe

gasti: kaya nga siguro sumakit mata ko dahil 10am pa lang nakatutok na mata ko sa tv hanggang alas 4..nakakainis talaga. siguro pag naglaban ulit sila ang ikakatalo na lang ni marquez ay sobrang katandaan..malay mo after 4 years ulit..lols!

4. kadeteng civies - Marso 17, 2008

pangalawa naman ako… basta ako panalo si pacman kay janina san miguel…u was the winner, manny!!! heheheh

gasti: hehe! kung inglisan lang din naman may laban si manny..”the business is over”😀

5. franklin l ebardo - Marso 17, 2008

bute nga sayo ntumba ka hay! slamat naman at nanalo si pacman……….

gasti: uu nga eh..pero kung natalo ok lang din kasi malaki pa rin perang makukuha nya at paniguradong may rematch dahil kasama sa kontrata yun.

6. madbong - Marso 17, 2008

bro, superyaman na yang si pacman talaga, manalo o matalo..PANALO pa rin. kaya siguro hindi maawat sa tsiks hehehe. wag lang sana matulad kay ali na nagkasakit kakareceive ng suntok sa ulo.


gasti: uu nga eh endorsements pa lang buhay na pamilya nya..tsiks na nga lumalapit sa kanya eh.

7. koreanmine - Marso 17, 2008

kung willing ka bumyahe sa malabon, ilalagay kita sa harap ng projector screen😀 fan ni pacman mayor namen eh, lagi libre ang live na laban ni pacman sa sports center😀

**sabi nga either way nmn, may masasabi, mbuti na yung c pacman nanalo ( saka at least xa nka knock down😀 )

ayus yan, isa pang rematch para mas madami uling pera ang kitain nila, sana nga maambunan man lang tayo…😀

gasti: may next time pa naman eh saka na lang ulit sila maglaban kapag lightweight na..wag yung agad agad..nakakasawa eh.
nasa malabon ka pala? hehe! swerte nyo naman nakatipid kayo ng 500 petot para sa live na laban ni pacman..malayo yan samin eh

8. Geisha - Marso 17, 2008

buti na alng di ko napanood! baka buhusan ko ng tubig ang tv sa inis! am not a boxing aficionado tsaka ayoko kay pakyaw! pweeee… :p

gasti: hehe! mamumuti talaga mata mo sa kakahintay ng bawat round..anong malay mo ayaw din ni pakyaw sayo.

9. randomdemeanor - Marso 18, 2008

aysus!!! lalong dadami ang chicks nya…tsk tsk tsk!!!

gasti: bring it on embassy girls! hehe! may air force one pa!

10. foobarph - Marso 18, 2008

gasti! idol! next time, isalang natin si FG sa ring. ahehehe

gasti: hehe! kahit wag na sa ring..sa mga away kanto na lang para siguradong basagan ng mukha.

11. MisyeL - Marso 18, 2008

Di ko napansin yung karamihan na nabanggit mong celebrity, bangag na din ata ako nun ahh hehehe!

gasti: hehe! nililibang ko na lang ang sarili ko sa paghahanap ng celebrity doon kasi nabugnot ako sa ibang laban.

12. May - Oktubre 15, 2008

hi.. bilib talaga ako sayo pacman


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: