jump to navigation

patikim naman ng beach Marso 18, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

malapit ng dumating ang paghuhukom holy holidays. oras na para makapagpahinga, makapagbakasyon sa kung saan mang lugar na nakakarelax. kung sino man dyan sa inyo na walang ibang plano kundi magmukmok sa loob ng kwarto ngyong mga panahong ito malamang robot kayo. takot ba kayo mangitim? sayang ang oras..life is so short ika nga ng moffats. anong malay nyo baka huling lent nyo na to..hehe!

marami na ang nakatikim ng beach, marami na ang namangka, marami na ang lumangoy at marami ng nagsuot ng bikini (ayos! legal na naman ang pamboboso)…uso na naman ang mga tan. masarap sanang pagmasdan ang mga nagseseksihang babae sa dalampasigan bughaw na kalangitan at payapang karagatan na nakapalibot sa isla na may puting buhangin. naiimagine ko na naman ang sarili ko na hubad na nakatayo at nag iispray ng pabango sa buo kong katawan habang nag uunahang papalapit ang sang batalyong kababaihan sa kinaroroonan ko. nakakatakot rin pala. lalo lang ako mangangayayat sa islang yun kaya lilipat na lang ako ng ibang isla.

di ko na alam kung matutuloy pa ang pagtapak ko sa beach ngyong darating na huwebes kaya naghahanda na ako ng isang malupit na alternative relaxing solution. ang mamundok. sa katunayan marami kang madadaanang bundok papunta samin. taena yung kalsada pa lang eh parang isang masukal na trail na talaga. mukhang hindi nakakarelaks yung naiisip ko kaya wag na nga lang. ayoko lang naman kasi manood ng pelikula maghapon sa bahay..nakakabugnot naman na bakasyon yun. huling tikim ko pa ng beach ay sa Bataan (fact: 2 times pa lang ako nakaligo sa isang beach resort. unang beses eh sa Antique pa at bumabagyo kaya madilim ang kalangitan at malakas ang alon na pwede mong ikamatay pag nakatulog ka sandali sa pampang). tigang na ako sa mga beach.

kelangan ihanda ko na ang sarili ko ngyon pa lang para hindi ako masyadong malumbay at magmukhang byernes santo sa very good friday. try ko na lang panoorin ang binili kong “10 commandments” ng paulit ulit buong araw para makabisado ko ang sampung utos ng Diyos (kayo ba kabisado nyo pa?)..isa pa, dito ka lang makakakita ng red sea! at di lang yun..nahahati pa! san ka pa?! wala nyan sa boracay,bohol,puerto galera or kahit san mang lupalop ng beach ka magpunta. saka anong malay nyo mga girls baka reglahin kayo habang naliligo sa dagat..lols! (bitter na bitter ang dating). hmmm..kung swimming pool lang naman ang pag uusapan..ilang hakbang lang yun sa kinatitirikan ng bahay namin kaya walang kwenta. kahit kelan ko naman gustuhin ay kaya kong puntahan yun.

sarado ang lahat ng malls. wala muna akong window shopping sa mga panahong ito kaya kabawasan na naman ng pupuntahan…haaays wala na ko ibang maisip. beach lang talaga ang kasagutan sa workaholic kong katawan..(yun lang). so pano, dyan muna kayo mga kids at mag uumpisa na akong magbungkal ng lupa, mag imbak ng tubig na hinaluan ng asin at bumili ng sangkatutak na buhangin pang aquarium para sa gagawin kong improvised beach. para-paraan lang yan…

Mga Puna»

1. wei vines - Marso 18, 2008

cge..goodluck na lang sa pagbubungkal sa lupa…😀

gasti: hindi pa rin naman ako nawawalan ng pag asa.

2. ellieshe - Marso 18, 2008

haha..bka abutin ka til next holi week sa pagbubungkal kuya..gudluck!🙂

gasti: di naman siguro parang kiddie beach lang naman ang gagawin ko..haha!

3. taj - Marso 18, 2008

masarap talaga mag swimming kuya..
taga antique poe b kau?

avid reader poe ako ng blog niyo
ngaun lang poe ako nakapag comment…

gasti: hehe! hindi. province yun ng byenan ko. di naman ako marunong lumangoy eh gusto ko lang pumunta sa beach para makalayo pansamantala sa polusyon ng maynila.
kaano ano mo si fernandoe poe? di naman siguro type yan..ahehe! naks may secret avid reader pala ako..salamat!

4. madbong - Marso 18, 2008

bro, sana makita mo mga beach dito sa nz, lintek mag 2 piece yung mga puti. may mga beach pa kong narating na nagta-topless sila.

siryusli, sana hindi puro gud taym tayo ngayong mahal na araw. mag-reflect din tayo at alalahanin ang sakripisyong ginawa ni Lord para sa atin.

gasti: nakow kung andyan ako sa nz baka ibang repleksyon ang magawa ko. saya naman dyan! pero para sakin wala pa ring tatalo sa pinay pati na rin yung ibang pilipinang may foreign blood…2nd na lang cguro yung mga brazillian😀

tama. hindi natin dapat kalimutan kung ano talaga ang dahilan kung bakit merong holyweek na tinatawag.

5. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Marso 18, 2008

grabe ung alternative mo..parang sobrang relaxing yun..parang makakatulog ako nun maghapon,..pero kung anu man mangyari sa holy week mo, wag kalimutan magdasal..ingats

gasti: salamat pre! time to relax..time to go slow..kalimutan muna natin ang trabaho..

6. McRey - Marso 18, 2008

Beach time nanaman…

okay sana kaya lang ang layo kasi ng mga bitch Beach dito sa QC… nakakaasar.

gasti: mas lalo namang malayo ang beach dito sa san mateo..puro bundok dito eh. haaays…mag joyride na lang kaya ako.

7. camilleeee - Marso 18, 2008

pede ba kami pumunta jan ng mga pamangkin ko?

mas makakamura ata kami jan eh.hehe

hapi holy week gasti!😉

gasti: haha! sige ba! magdala lang kayo ng sarili nyong tabo. hapi holy week rin!

8. Lyzius - Marso 18, 2008

oist nakidalaw lang at magpapaalam kung pwedeng makitambay…

gasti: naaapreciate ko ang mga pagdalaw nyo..(feeling preso). sige lang tambay ka lang dito.

9. linglingbells - Marso 18, 2008

pag natapos mo na ang paggawa mo sa “beach” mo, sabihan mo ko ha.. jan na lang din ako makiki-beach.. hehe!

gasti: hehe! sige sama sama na tayo rito sa improvised beach ko…siguro tapos ko na to mamaya. (pag set up ng aquarium)

10. impaktitangdyosa - Marso 19, 2008

hay gasti… wag ka na magbeach…. meron namang bitch na available sa tabi tabi… try mo for a change! bwahahaha

gasti: kaya nga gusto ko ng beach dahil bihira ako makakita nun..mga bitch madami na.

11. randomdemeanor - Marso 19, 2008

nyahaks!!! totoo ba talagang dalawang beses ka palng nakapag-beach?!!!! talaga?! since birth???? hahaahah!!!!

di bale, paparush-delivery ko bi(t)ches jan!!!

para tulungan kang gumawa ng man-made beach!!! heheheh!!!

o ayan, kompleto na ha..beaches and..(yung mga ipapadala ko..)aheheheh!!!


gasti: sa kasamaang palad..uu! 2 beses pa lang..hehe! puro swimming pool lang kasi pinupuntahan namin dati.
uhhmmm baka hindi beach ang magawa namin ng ipapadala mo rito kundi sanggol…lols!

12. “J” « c.a.m.’s - Marso 19, 2008

[…] gasti […]

13. einn0c - Marso 19, 2008

wow hanep ala-axe ka pala kung mag-imagine.
cge galingan mo paghuhukay at kangandahan ang timpla sa tubig ng iyong improvised beach.para super ma feel mo.
a blessed holy week.


gasti: hehe! astig talaga yung commercial ng axe..mapapabili ka ng pabango. enjoy ur holy holidays din..salamat!

14. FerBert - Marso 19, 2008

medyo magtatagal ka rin sa pagbubungkal ng lupa
baka tubuan na ng libag pati intestines mo
hindi mo pa natutupad yang pangarap mo..

gudlak sa Bitch Beach

gasti: haha! magsasama na lang ako ng bitch para makatulong sa pagbubungkal.

15. FerBert - Marso 19, 2008

ngak! bawala pala strike dito dapat BITCH

gasti: pwede naman strike ah! kulang ka lang sa code..hehe!

BITCH

16. koreanmine - Marso 20, 2008

napakahirap nmn ng dilemma mo😛

ayaw ko ng bitz, alang hawakan sa gilid! Lols😆 ska trulili , sayang ang gluta soap! :))


gasti: haha! uu nga eh wala kang kakapitan sa beach paniguradong lunod ka pag lumusong ka sa malalim😀 gumagamit ka pala ng gluta soap ah..ako papaya soap lang eh

17. ponchong - Marso 20, 2008

nakapunta ka na pala s antique?..saan don? taga- antique ako..oo, alam ko iniisip mo..unahan na kita kaagad. aswang nga din ako. LOL

gasti: nakalimutan ko na kung san banda sa antique eh pero yung tinirhan namin malapit lang sa dagat. umamin ka naman agad..hehe! wala naman akong nakitang aswang dun.

18. napundingalitaptap - Marso 20, 2008

hmm… ahaha, a blessed week nalang po..

hm, di ko pa rin kabisado ang 10 commandments..

gasti: ako rin di ko pa rin kabisado hanggang ngyon pati yung pagkakasunod sunod ng utos…happy easter!

19. karmi - Marso 21, 2008

usapang bitch este beach pala ito..🙂

tsong ay miss u na ah. hehehe..

wala ka bang bakasyon sa trabaho. grabe, workaholic naman.. pahinga ka naman tsong.. baka mangayayat ka nyan.. ^_^ hehe..

tc!


gasti: wala pa kasing pinaplanong outing dito nakakainis..nagiiskedyul na nga ako kung kelan mag leave eh😀 saka isa pa matagal na ko payat bago pa man ako magtrabaho..:D ikaw rin magpunta ka na sa beach!

20. lilmiz - Marso 21, 2008

natapos mo kaya ang pagbubungkal on time? lolz.. sana bumili ka na lang nung inflatable swimming pool tas lagyan mo ng madaming asin.. haluan mo na din ng vetsin tsaka toyo.. bwahahah.. sana pala binasa ko muna to entry mo kanina para nalaman ko sarado lahat ng malls, pumunta kasi ako eh hahaha

gasti: hehe! di na kelangan magbungkal pa dahil nagpunta kami sa beach! yeheey! namula na nga yung katawan ko sa sobrang pagbababad sa arawan..

21. Geisha - Marso 21, 2008

sarap sana sa beach kaya lang di ako pwede… mapapatay ako ni dugong..😀

mag pool ka na lang… :d


gasti: sawa na ko sa pagligo sa pool..isa pa sobrang siksikan ang tao run..mas ok talaga sa beach!

22. jojitah - Marso 21, 2008

yung iba may social life, ikaw naman may bakasyon. hay… i’m so inggit. lol! uwian moko ng pearly shells ha.😉

gasti: haha! walang kewnta ang summer kung hindi ka makapag beach..yun ay sa aking pananaw😀 sige na lusong na jojie!

23. homebodyhubby - Marso 23, 2008

dito sa amin pards, walang beach kasi gitnang-gitna kami (Nueva Ecija). kelangan pa namin magbyahe ng mahigit two hours para pumunta ng Pangasinan, o kaya sa Dinggalan (mas malayo pa). pero marami ditong ilog na malilinis pa naman, malalapit lang, minuto lang ang bibilangin kung pupuntahan.

napasilip lang para bumati… Happy Easter!😀 sa inyo, gasti.

gasti: ok ding bakasyunan yang Nueva Ecija ah.. naghahanap kasi ako ng sariwang hangin at mga tanawing kaaya aya..sarap magrelax..oks na ring liguan yang ilog kung malinis nga.

happy easter din sa inyo dyan pards!

24. Jake The Miserable - Marso 23, 2008

Minsan, badtrip ako sa mga bitch. Minsan, gusto ko na lang magparaos ng init kaya naghahanap din ako ng mga bitch.

Ay punyeta beach ba ‘yung usapan?

Masarap ngang tumambay sa beach. Tiyak na solb-solb ang pakiramdam ng paglangoy sa tubig-alat, at busog-busog ang mata sa pagmamasid ng mga magagandang dilag na naglalakad paroo’t-parito.

At sa napakainit na summer, beach talaga ang pinaka-patok na destinasyon sa lahat. Masaya pa kung kapiling mo ang buong tropa, baon ang tsibog at alak pa. Ansaya.

At siyempre, ako ay nagbalik matapos ang matagal na pananahimik. Magrarakenrol ulet tayo.

gasti: haha! ako hanggang lusong at sisid lang ginagawa ko sa beach dahil di ako marunong lumangoy..pero ganun nga..busog busog ako pag nasa beach😀 bitin nga lang…
ihanda mo na ang alak at pulutan dahil pupunta na ko dyan sa kuta mo.

25. eloiski - Marso 24, 2008

wooo!!! summer na!!!
tlgang beach lagi ang puntirya ng mga tao ah! wahehehe!!!
dito sa amin dami beaches!!!
MAgsawa ka!
bwahahahahha!!!
Parang natamaan ata ako dun sa sinabi mo na sa mga iba dyan na magmumukmok lang sa loob ng bahay eh mga robot! ouchness ako dun ah! ahahaha!
Ganyan nga sana balak ko kasi movie marathon ang drama ko. Gusto ko talaga magpahinga eh. At wala ako pake sa skin ko kung umitim man ako na parang bbq! Ayeah!

hahahha!!! HAPPY SUMMER!!!

gasti: haha! lumabas ka naman ng bahay..enjoyin ang summer! sa totoo lang eh mas mainit sa loob ng bahay lalo na kung wala kayong aircon. ayos pala dyan sa inyo eh napapalibutan ng beach…gusto ko nga sana malapit lang bahay namin sa boracay..hehe!🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: