jump to navigation

sa piling ng mga dyesebel Marso 24, 2008

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
trackback

pagkatapos ng pagkahaba habang planuhan (mga 35 minuto) napagpasyahan naming tumuloy na sa pagligo sa beach..at ang destinasyon, Nasugbo, Batangas. ok sa olrayt!

hephep! ayokong paasahin ang mga nagbabasa rito na may ipapakita akong pektyurs ng lugar na pinuntahan namin kagaya ng nakikita nyo sa ibang blogs..di ko gawain yun..isa pa dahil sa biglaan nga ang mga pangyayari, hindi nakapagdala ng digicam ang aming opisyal na photographer aka bf ni hipag. nakahiram lang ako ng camera ni utol pero binabalahan pa yun ng film at ayun sa awa ng Diyos ay hindi pa rin ubos ang 24 shots kaya hindi pa mapadevelop..ahehe!

pagkatapos mananghalian ng huwebes santo ay diretso alis na kami. syempre dahil long drive ito ay si bayaw na lang ang nagmaneho..kakailanganin ng matinding veteran moves ng pagda-drive para makalusot ka sa kapal ng tao sa bandang Tagaytay at suyurin ang matarik na mga daan papuntang “munting buhangin”. kaya ko naman kung tutuusin kaya lang baka hindi na matuloy ang planong night swimming dahil baka umagahin na kami pag ako pa ang nag drive.

makalipas ang mga pinya,langka,saging, samut-saring bulaklak at bulalohan na namataan namin sa daan ay nakarating din kami sa paroroonan ng gutom na gutom. alas nuwebe na pala at hindi pa kami naghahapunan. may lakas pa naman ako kahit papaano na magpanhik panaog sa bundok para magbuhat ng mga gamit at pagkatapos ay nag ihaw ng hotdog,bangus at baboy (yan ang tamang fasting). nagpalit na rin ako ng damit pampaligo para anytime pwede na ko lumusong sa dagat. balik sa pag iihaw nagpasikatan pa kami ni hipag kung sino ang makakapag ihaw ng maayos sa 2 bangus dahil kapiranggot na bakal lang ang patungan ng niluluto ko pero hitik naman sa baga samantalagang yung sa kanya ay pwede mo ng tawaging ihawan ng isaw. nauna ng 20 minuto ang pagitan ng pagihaw ng dalawang bangus pero mas nauna pang nasunog naluto yung binantayan ko. at ang panalo..yung sikmura namin..ganun talaga kapag gutom halos hindi mo na malasahan ang pagkain dahil pagkasubo ay diretsong lunok na agad.

madilim ang dagat pero dahil sa may built-in night vision ang dalawang eyeballs ko at sa tulong na rin ng liwanag ng bilog na buwan, nasilayan ko ang ganda ng kapaligiran…sniper mode muna sa mga nagsisipagligo bago ako lumusong suot ang aking sando na nagpapakita ng rock solid na maskels sa braso. naghihintay, nag aabang ng tamang tyempo para sumisid sa ubod ng lamig na dagat..nang lumusong na ang sangbatalyong chikababes, nagsilbi itong hudyat para lumusong na rin ako..unang dampi pa lang ng tubig sa katawan ko ay nagsitayuan na lahat ng balahibo ko sa katawan…pati na rin ang utong ko kaya mukha akong nilalagnat dahil sa hindi makontrol na panginginig ng katawan. at kelangan ko pa bang sabihin na tinayuan ako? ipauubaya ko na yun sa malikot nyong pag iisip. pinagpatuloy ko ang aking sisid marino sa dagat hanggang sa kulang na lang eh pagtirikan ako ng kandila sa sobrang paninigas..umahon na rin ako sa dagat at nakipaglasingan naman kay bayaw. makalipas ang 5 bote ng red horse, hindi ko na matingnan ng diretso ang mukha ng kausap ko at wala na ring maabsorb ang utak ko sa mga kuwentuhang nagaganap sa paligid kaya napagpasyahan ko ng itulog na lang ang lahat. kinaumagahan, dama ko pa rin ang sipa ng kabayo sa batok ko..medyo nawala na lang pagkakita ko sa mga nakabikining chiching pagkainom ko ng kape. hmmm..sarap magpainit!

bakas sa pagmumukha ko ang kainosentehan na nagmamasid sa payapang alon ng dagat. tamang muni-muni muna habang nag aantay ng breakfast meals…kahit maraming tao sa beach ng mga oras na yun, relax na relax pa rin ang utak ko..malayo sa iba’t ibang uri ng kaabnormalan sa maynila. ngyon lang ulit ako nakapagpraktis ng inhale-exhale ng madamig beses na hindi nauubo pagkatapos. sarap talaga tumambay sa tabing dagat.

tirik na tirik na ang araw at sa panahong ito ay parami na ng parami lalo ang nagsipagdatingan pang mga bakasyunista..nagkalat na ang mga kababaihang nais magpakita ng laman para paitimin. kaliwat kanan rin ang nagkukuhanan ng pektyur malapit sa dagat..may isa pang babae akong namataan na pinipicture-an ang sarili nya (w/ matching pang-friendster poses)…may mga naglalaro rin ng volleyball na halong bakla at babae kaya napalingon na lang ako ng biglang may sumigaw ng “ano ka ba! parang bading ka naman tumira!”..yun pala eh bakla naman yung nagsabi at bakla nga rin naman yung sinasabihan. hanubayan!

masaya ang kapaligiran..hindi mo mapapansin na byernes santo na pala lalo na ng magawi ako sa may ihawan at namataan kong merong nagba-barbecue. ayos! enjoy na enjoy rin ang anak namin sa pagbuo ng sand castle na mistulang isang malaking tipak ng tae ng kalabaw sa tabing dagat. tinuruan ko syang suntuk-suntukin ang ginawa nya mala-manny pacquiao at ayun nag enjoy naman sya..ilang sandali lang ay guho na yung itinayo nya kaya isinama ko na lang sya sa paglusong sa dagat. at syempre si kumander na kahit hindi masyadong nagbilad sa arawan dahil takot mangitim..join na rin sya.

pagkatapos mananghalian ay umalis na rin kami at dumiretso naman sa Tagaytay (picnic grove). dito talaga sobrang trapik at mahihiya ang mga mga pasahero ng mrt sa eksena rito. kahit san ka lumingon may tao pwera na lang sa Taal Volcano..huling punta ko pa rito ay nung field trip namin nung hayskul..di ko na maalala ang itsura noon kaya hindi ko makumpara sa kung anong nakita ko ngyon…ok din yung hanging bridge dahil may mga pilas na yung ibang kahoy na aapakan kaya kung tatanga tanga ka at hindi tumitingin sa daraanan mo gawa ng kaadikan sa pagpapapicture, paniguradong laglag ka. idagdag mo pa ang mga papansing binatilyo na panay ang takbo at lundag na lalong nagpapaduyan sa tulay. syempre mawawala ba ang Colettes buko pie sa ganitong lugar..may kamahalan nga lang dahil 135 petot na pala ang presyo nito..dati rati ay nasa 80 lang yun. masarap din ang mga nabili naming pinya at mais sa tabing kalsada. murang mura pa! 20 petot isang pinya at 10 piso naman sa mais..

hindi na namin tinapos ang kabuuan ng trail dahil labas na ang dila namin sa kapaguran..kalong kalong ko pa ang anak ko na may kabigatan kaya talagang laylay ang mga balikat ko pagkatapos. nagpahinga sandali at nag impake na ulit pauwi. nakarating sa marikina ng alas sais at napatambay ng di oras sa tulay dahil sa ginaganap na prusisyon. nakapanood pa tuloy kami ng wala sa plano…mga lagpas isang oras na rin bago natapos at nakaalis sa pwesto namin..pagkahatid sa bahay ng byenan ko ay ako naman ang nagsimulang magdrive. mga alas otso na siguro at hindi pa kami naghahapunan..kumakalam na ang sikmura ko at akala ko ay nakaraos na kami sa mga parada ng santo pero pagtuntong ko ng san mateo, bumagal ang daloy ng trapiko..at ayun nga..prusisyon na naman…usad pagong ang takbo ng sasakyan at mahilo hilo na ako sa gutom..sa kabutihang palad, nakarating naman kami sa bahay ng matiwasay.

at dahil tapos na naman ang bakasyon, andito ako sa opisina. nakasuot ng pulang t-shirt na tinernuhan pa ng namumula kong balat at balik blogging na ulit. wala pa ako sa wastong katinuan para magtrabaho kaya wala muna sanang mambuwsit na kliyente ngyon. haaays sarap talaga magbakasyon..solb!

Mga Puna»

1. McRey - Marso 24, 2008

WOW.. tang ina, tagal ng bakasyon namin… sa APRIL pa… buti naman at nataaon na MArch ang Joly HOLY WEEK….

Bakit paang wala kayong moment ng asawa mo? Puros ibang chicks naman yung tinitingnan mo?!

Wahahah….

Ano yan ginagawa ni Komander habang simisisid ka sa tubig? Naka-binoculars?

gasti: haha! syempre hindi na documented ang ngyari samin ni misis😀 ano kasi eh di sya makapunta masyado sa malalim na pinupuntahan ko dahil malulunod na sya at saka palitan kami ng pagbabantay sa bata..di rin sya naglagi sa tubig kaya madalas solo-dive ako.

2. Jeckass - Marso 24, 2008

haayy. buti ka pa nakapiling mo na ang mga dyesebel. ako hindi pa. hehe. sana sa May, makapiling ko rin sila. magpapraktis na akong dumilat kahit walang goggles. haha.


gasti: mahaba pa naman ang summer days kaya may pagkakataon ka pang magpraktis sumisid..saka mas malinaw ang vision mo kapag walang goggles😀

3. madbong - Marso 24, 2008

panay ba dive ng tahong pre? hehe kala ko iwas karne sa holy week

gasti: napakain nga ako ng karne ng di oras eh sarap kasi kumain…dibale nakaiwas naman ako sa tahong eh

4. koreanmine - Marso 24, 2008

ako ang napagod sa pagbasa ng bakasyon mo! Lols😆

at kelangan ko pa bang sabihin na tinayuan ako? <<< ng ano?😀

iyon ba? elibs nmn ako, maginaw na, nakuhang pang tumayo..ng balahibo di ba?😀

gasti: uu tama balahibo nga yun. ganun talaga kapag maginaw tinatayuan.

5. Geisha - Marso 24, 2008

haaaaayyyyyy…. kakainggit naman!

ganyan na ganyan ako pag galing bakasyon.. gusto every day is rest day! kakatamad magtrabaho pag ganyan!

wag ka na magwork!😀


gasti: kung pwede lang sana ituloy tuloy na eh mga isang buwang bakasyon😀 ngyon nga lang ulit ako nakagala eh

6. penggay - Marso 25, 2008

nakakainggit naman. ako dito lang sa bahay nagbabakasyon, haha!

gasti: takot ka ba sa araw? hehe! mas masaya sa labas ng bahay pramis.

7. randomdemeanor - Marso 25, 2008

waaahhh..hindi nagkatotoo yung pangarap mong gumawa ng man-made beach sa bakuran nyow?! kung ganun, sayang yung mga pina-rushdelivery ko…wahahaha!!!! ansaya naman ng bakasyon nyo!!! kelan din kaya ako makakapag bakasyon..huhuhuhu..eh nung holy week, andito pa rin kami (ako) …eh samantalang naghoholyweek naman ang buong mundo…amper talga!

gasti: isipin mo na lang marami kang pera..haha! kahit kelan naman pwede ka magbakasyon eh iskedyul mo na lang…nakasama ko rin yata yung mga pina-rush delivery mo sa Batangas..alin dun? yung mga baklang naka-thong o yung naka-2 piece bikini bebots? salamat! lols!

8. xienahgirl - Marso 25, 2008

kahit saan may tao
pwera sa taal volcano?
bwahaha
einubeh

parang ang sarap ihagis
ng kaaway ko
sa bunganga ng taal

nakakaloka nga talaga
yung trail sa picnic groove🙂

balik blogging🙂

gasti: hehe! peace be with you! hanggang ngyon masakit pa rin katawan ko dahil sa pagbabakasyon…
welcome back sa blogging..

9. wacky - Marso 25, 2008

Isa sa mga ayaw kong season, eh summer. Hindi kase ako marunong lumangoy. Kaya pag may swimming, madalas hindi ako sumasama kase feeling ko, hindi ako kabilang. Para akong nakikibagay. Busy-busyhan para hindi magmukhang tanga. Siyet talagang pakiramdam. Waah!! Hehe!!

Pangarap kong matutong mag-drive, para pag may swimming, at niyaya ako, ako ang magda-drive. Para di na ‘ko mukhang alien pag summer. Hehe.

I’m back!😀

gasti: di rin naman ako marunong lumangoy kaya dun lang ako sa mababaw..oks lang yun pards! ang mahalaga eh makapagrelax ka. saka pwede ka naman magpaturo lumangoy..

10. eloiski - Marso 25, 2008

wow! inenjoy tlg ang bakasyon ah! wooo!
Ang dami pa pinuntahan! KainggiT!

Ngayon back to work na kayo. . .😦

gasti: uu nga eh back to abnormal life na naman..dbale may mga holdays pa namang susunod

11. lilmiz - Marso 26, 2008

kainggit naman at natuloy pagbibitch nyo! ahehe.. yung ayaw ko lang sa beach pag bakasyon ay madaming tao, tulad nyan ahehe, feeling ko kasi mauubusan ako ng space sa dagat wahaha.. mganda ba sa nasugbu? di pa ako nakarating dun!🙂

gasti: haha! malawak naman ang dagat saka hindi naman kayo sabay sabay naliligo..madami run nasa buhangin lang nakaupo at nagmamasid..ok din dun sa beach na pinuntahan namin..ang linaw ng tubig at hindi mabato ang dagat.

12. lyzius - Abril 8, 2008

nagmunting buhangin na pla kayo jan… nung nanggaling ako jan sa tree house kami natulog..yung pangalawang treehouse mula sa entrance… para ka na ring nag puerto ng tipid sa gastos di ba?


gasti: ah uu maganda nga yung treehouse..dun dapat kami eh kaya lang sa sobrang dami ng tao, umbrella at tent na lang ang available kaya dun kami..holyweek kasi. di hamak na mas tipid nga run kumpara sa puerto. maganda rin naman.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: