jump to navigation

tulog tulugan Marso 26, 2008

Posted by gasti in kwentong pasahero.
trackback

masarap matulog. ang isa sa mga namimiss kong gawin ay ang matulog ng 8-10 hours sa bahay. sa ngyon di na posible yan dahil lagi na lang kami late nakakauwi at gumigising naman ng maaga para makahabol ako sa pasok kong alas syete. kahit weekends maaga pa rin ako nagigising dahil sa di ko malamang dahilan..kusang dumidilat ang mata ko pag sumikat ang araw. ito na yata yung tinatawag nilang body clock.

mabigat ang katawan ko kanina pagkagising. hindi ko na nagawang maghilamos pa dahil ayokong sirain ang moment ng pagtulog ko ng dilat ang mata. naka mahigit kumulang sampung hikab muna ako bago ako nakasandok ng kanin sa pinggan ko. antagal ko rin bago naubos ang ulam kong tocino at scrambled eggs. ewan ko pero tinatamad talaga ako pumasok…pero kelangan lang talaga dahil expected ko na maraming mangungunsumi ngyon. di ko pwedeng pabayaan ang trabaho (kelan kaya ako papatayuan ng rebulto ng boss ko?).

kaunti pa lang ang sakay ng shuttle service ng dumating ako..apat pa lang at kelangan ko pa mag antay ng 13 katao para lang makaalis na yung sasakyan. napatabi ako sa isang mamang mukhang karpintero na nakabukangkang pa habang natutulog. naki-join na rin ako at pumikit na rin. maya maya pa napansin kong kumpleto na pala ang mga pasahero at umarangkada na si manong driver..pumikit ulit ako pero hindi ko talaga magawang makaidlip dahil inaantay ko yung part na bayaran (sabay sabay na kasi ang pagbabayad ng pasahero para di na abala sa driver). nagsiabutan na ng bayad ang iba pero tulog pa rin ang ungas na katabi ko. gusto ko na syang gisingin nung mga panahong yun dahil mapag iiwanan na sya pero di ko itinuloy. inabot ko na lang ang mga bayad namin sa unahan at kinuha ko na rin ang sukli ko. sabay pikit ulit ng mga mata. dumilat na lang ako ulit ng may marinig akong pumara. malapit na rin pala akong bumaba..pagtingin ko sa katabi ko, tulog pa rin sya at kapalmuks na nakabukaka pa. akala mo naman sobrang laki ng betlogs nya kaya di kayang ihalukipkip. pagdating sa may parteng Meralco may pumara na naman at laking gulat ko na lang ng biglang dumilat ang katabi ko at dali-daling isiniksik ang bondat nyang katawan para makalabas. taena! nag 1-2-3 ang walanghiya! gusto kong sumigaw ng “ang kapal nyo ah! di pa kayo bayad!” pero walang lumabas sa bibig ko na anumang salita. napahikab na lang ulit ako. kawawang driver nakulangan sya ng 40 pesos na kita sa byaheng yun. ang mali nya lang, di sya nagbilang ng ibinayad namin gaya ng ginagawa ng ibang driver. masyado syang nagtiwala dahil pawang mga office worker ang sumasakay. walang kamuwang muwang na nahaluan ng isang kapalmuks na pasahero ang sasakyan nya.

hindi naman sa nagmamalinis ako dahil maraming beses na rin ako hindi nagbayad sa mga sinakyan ko pero most of the time eh “nakasabit” lang naman ako nun. at kadalasan eh 1/4 lang ng pwet ko ang nakasayad sa upuan dahil sa sobrang sikip. may mga times na badtrip ako sa pagmamaneho ng driver o sa pagmumukha ng kundoktor. pero meron naman talaga akong pera pamasahe. kasama sa paglaki yun..buhay estudyante. sa isip ko tama lang ang ganun sa mga kupal na driver dahil madalas naman silang manglamang sa kapwa at hindi marunong magsukli ng tama. pero ibang usapan na yun dito sa mga sinasakyan ko ngyon..malakas ang aircon at kumportable naman ang upuan..nakuha pa ngang bumukaka ng walangyang katabi ko tapos yun pala ay di magbabayad. kung wala syang pera wala na kong maisip na ibang dahilan pa.

Mga Puna»

1. brath - Marso 26, 2008

e napaka walang hiya pala nung nakatabi mong nakabukaka e,, tsk tsk kawawa naman sa mamang driver na sweet lover lols,,

xiao!

gasti: kelangan talagang may kasamang sweet lover? haha! pampalubag loob.

2. beero - Marso 26, 2008

ang dapat sa ganyang pasahero kinakaladkad. di dapat pinapalampas ang mga ganyan. sana nag-abala kang habulin at sinapak mo sana hanggang mawala sa katinuan. at tinuruan pa kitang maging marahas. pero justified violence naman yon. hehe.


gasti: haha! mahirap na baka ma-late pa ko sa trabaho. nakakainis nga lang talaga yung mga ganung eksena..tsk tsk..kung ikaw ba nakatabi nung manong na yun isusumbong mo ba sya sa driver?

3. beero - Marso 26, 2008

ang aga naman kasi ng pasok mo. kagigising ko pa lang nyan. kawawa nga yong driver kasi naghahanap-buhay ng matino pero binubwisit pa rin ng mga kumag. oo naman. conscience call yan kumbaga. ahehe.

gasti: ako kasi parang natulala. ewan ko kung napansin din ba ng ibang pasahero na hindi nagbayad yung katabi ko. kawawa talaga yung driver nakulangan sya ng kinita.

4. linglingbells - Marso 26, 2008

kapal naman talaga ng mukha nun! pero inpeyrness, ang ganda ng taktika niya ng pag-1-2-3, tulog lang ng tulog, gigising lang pag babaan na.. ang galing! pero kapalmuks pa rin!! ibaon na dapat yan sa gulong ng sasakyan!!

gasti: bulok na style nun lingling. di nga umubra sakin yung istayl nya eh! dapat talaga run ginulungan ng sasakyan para magtino

5. eloiski - Marso 26, 2008

hahaha!
ang sarap tlgng matulog. . .

gasti: nakakatamad na nga bumangon sa kama minsan..haha! batugan😀

6. Jeckass - Marso 26, 2008

naiintindihan ko kung bakit hindi ka na nag-abalang isumbong yung mamang yun. waste of time. sa uulitin pag nakasabay mo siya, pitikin mo na ang betlogs nang makunsensya.


gasti: uu nga eh kahit gustuhin kong magsumbong wala naman lumabas sa bibig ko..nakatakbo tuloy ang kumag. dibale pag nakasabay ko ulit mamumukhaan ko na sya.

7. Maldito - Marso 26, 2008

kapal naman nun..puta makapal pa sa goma ng pison!kainis nga yun…kung ikaw sa lugar ng driver mararanasan ya din ang hirap nila.pootah indi nagbayad…kagaya din yan sa inuman…yung tipong chip in chip in tapos sasabihn na iihi lang pero tumakas na pala..lakas pa ng loob sumama ulit sa inuman..sarap yan lagyan ng pako sa ulo!ahehe.kalma.one..two,..three..

ahehe…

gasti: haha! ayos sa eksampol ah uu nga badtrip yung hindi nagchi chip in pero ang lakas naman uminom..langya dadaanin ka sa kwento!

8. Dilan Muli - Marso 26, 2008

napadaan po at nakibasa. nais ko po sannag makipag exchange links…

gasti: ex-links ba ikamo? chige na nga😀

9. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Marso 26, 2008

boss, ok taktiks ng mokong na un ha..salamat nga pala sa pagbati sa aking kaarawan

gasti: walang anuman! salamat na rin in advance kapag ililibre mo na ako. hehe!

10. miranda - Marso 26, 2008

aba grabe naman yung mamang yun. siguro panget yun.

dahil kung pogi yun..

maganda ako😡

gasti: uhhhmm nalabuan yata ako dun sa logic mo. lols!

11. wei vines - Marso 26, 2008

hayyy naman… ano tingin nila sa driver…mayaman??? bwahahah

gasti: uu nga eh siguro naman kung mayaman yun eh may sarili na syang driver at hindi na sya pumapasada.

12. tapsiboy - Marso 27, 2008

panalo ang “halukipkip” word mo men!

13. iamsamjuan - Marso 27, 2008

tunay na pasaway.haha

14. karmi - Marso 27, 2008

nyahaha. aus ah, galing ng taktik nya, tulog para di makapagbayad? wawa nga si manong driver pero, sana naman napansin nya diba? sa laki ba naman nung taong un, di nya napansin? baka kakilala? hehehe..

gasti: kung kakilala nya yung driver eh di sana man lang nagpaalam na sya nung bababa sya at nag tenk yu di ba? eh hindi eh nagmamadaling umalis ng hindi lumilingon. obvious na walang balak magbayad.

15. wacky - Marso 27, 2008

Ang lahat naman ay may kapalit. Pag masama ang iyong ginawa, masama din ang balik sayo. Pag maganda naman ang iyong ginawa, eh maganda rin ang balik sayo. Ang lahat ng actions ay may kapalit na karma. Good or bad. May araw din yung pasaherong yun. He-he!

Pero sabi ng ilan, kung alam mong may magagawa ka pero wala kang ginawa nung mga oras na yon, eh bad karma ang balik sayo. ‘langyang pasahero yun. Dinamay ka pa. He-he!

Good morning!😀

gasti: pati ako? haha! kinonsensya mo pa talaga ako eh noh! salamat! sige next time babarilin ko na lang ng pellet gun ang mga hindi magbabayad ng pamasahe na makasabay ko.

16. madbong - Marso 27, 2008

nakasakay ako nun ng shuttle service mula sucat papuntang lawton. bandang magallanes may pumara na pasahero at yung katabi kong dalawang lalaki ay bumaba din. Aba, gulat kami lahat dahil bumaba din yung drayber na may hawak na baril at sabi dun sa dalawa na “dati nyo na sakin ginawa yung di magbayad a, u-ulit na naman kayo”. katakut-takot na makaawa yung dalawa at pinag-giitan na nagbayad daw sila. pinalaya naman sila nung drayber pero sinabihang wag na sa shuttle niya sasakay maski kailan. yun pala yung drayber ay pulis na nagmu-moonlighting lang ng shuttle service.

gasti: langya! ayos yun ah! matandain pala si manong driver na pulis. siguro kung ganyan lahat ang driver baka wala na ring holdaper.

17. Prinsipe ng Pangarap! - Marso 27, 2008

ei ei ei! salamat sa pagbisita, pag-iiwan ng marka at pag-add sakin sa blogroll mo. salamat talaga sana mawili tayo sa blog ng bawat isa at madalas na dumalaw… nga pala inadd na rin kita hehehe!

gasti: walang anuman! hehe! sige hanggang sa muli😀

18. ponchong - Marso 28, 2008

beterano na yong katabi sa kanyang ginagawa. sana noong ramdam mong masyado na nyang inuubos space sa kabubukaa at pagpapahangin ng betlogs nya, pinitik mo sana. ang sa experience ko naman nagtutulug-tulugan ‘yong mama. medyo napasarap ata o istyle lang din. lakas loob din si konduktor na singilin at ng tapikin, kumawala ang kamao sabay dapo sa mukha ng konduktor. charge na lang sa sorry ang suntok pero nagbayad pa din ng pamasahe ang mama.

hehe..
ur on my links too.

gasti: arekup! ang malas naman nung kundoktor nasapak pa. istayl talaga yung kunyari tulog eh sana nga pinatis ko yung paa nya nung palabas sya. salamat nga pala sa paglink..inadd na rin kita sa blogroll ko.

19. randomdemeanor - Marso 28, 2008

wlang naman yun!! kapalmuks!! sana masesante sya sa trabaho nya at maging drayber sya ng shuttle…at nang bumalik sa kanya yung ginawa nya….hmp!! BHaaaadddd cHeettaaahh.

gasti: sana wag na lang nya ulitin. paniguradong mas malaki ang balik nun sa kanya.

20. folknut - Marso 28, 2008

hahaha nice bro..typical na everyday life sa pinas..kaka miss din

21. lilmiz - Marso 29, 2008

ahaha galing ng style nya ah.. kunwari daw haha.. nakatry na din ako di makapagbayad ng pamasahe (dalawa pa kami haha), sa fx naman yun, kasi sa ibang street sya dumaan kaya napababa kami ng di oras at wla sa lugar, nakalimutan tuloy namin magbayad.. yun ang di sinasadya ahehe

gasti: aysus palusot pa! haha! ganun pa rin yun di ka pa rin nagbayad.

22. Geisha - Marso 30, 2008

hahahah bitter? kung maka reak ka para kang drayber kuya😀 uu nga typical pinaS! onli in sa pilipins nga!😀

gasti: toinks! bitter pa pala ang dating nito? malay mo nga naman sa ibang bansa meron ding ganito…kagaya na lang nung sa pelikulang “pursuit of happiness” tinakbuhan din ni will smith yung taxi driver.

23. iceyelo - Marso 31, 2008

Sana pinagbayad ng driver sa tulog. hehehe. ginawang hotel.

gasti: uu nga noh! parang free accomodation sa hotel.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: