jump to navigation

in memory of a dead fish Marso 31, 2008

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
trackback

dead fishy
pagpasensyahan mo na dahil di kita nabigyan ng disenteng libing (shinoot lang kita sa kanal)
reminiscin
isang magandang alaala. isang kahapong tayo’y magkasama. (*singhot)

namatayan na naman ako ng isda. tsk tsk! kung kelan naman sya lumaki,tumapang ang kulay ng pagka-asul na katawan at sa pag aakala kong masisiyahan sya sa bagong aquarium na sinet up ko para sa kanya saka pa sya matitigok. sayang!anim na araw pa lang ang nakalipas ng nilipat ko sya sa bago nyang tirahan. kung alam ko lang na magkakaganito sana pala ay iniwan ko na lang sya sa marikina. pero ngyari na nga. pets come and go. pasaway rin kasi yung isang yun. mahilig maghukay ng buhangin at taubin ang mga pandekorasyon na nilalagay ko. ang bilis tuloy dumumi ng tubig. uu sinisisi ko ang isda. kasalanan nya kung bakit sya namatay.

“ah patay na? di nga? masaya pa yang patalon talon kanina nung pinakain ko ng hapunan nya. di mapakali at ang sipag lumangoy” ganyan na lang ang sinabi ni yaya nung dumating ako byernes ng gabi. wala ng buhay ang kawawang isda nakatagilid na. last supper na pala yung kinain nya at sa palagay ko kaya kakaiba ang sigla nya kanina dahil nararamdaman nyang kukunin na sya ni Lord. o di kaya naman ay di na sya makahinga dahil sa sobrang dumi ng tubig na nilalanguyan nya. alinman dyan tanging sya lang ang nakakaalam ng sagot.

anyways nakabili na ko ng 3 isda kahapon. di gaanong kagandahan dahil maihahalintulad ko lang sya sa mga hinuhuli namin sa kanal noon. mura lang naman kasi at wala pa kong budget pero kapag nakaluwag na baka bumili na rin ako ng flowerhorn. sa ngyon hahayaan ko munang makilangoy ang mga isdang binili ko sa aquarium namin at i-entertain ang anak ko. kahit siguro butete ang ilagay ko dun eh mag eenjoy pa rin sya.

nitong mga nakaraang araw eh puro kamalasan na lang ang binabalita. kesyo nagkakaubusan na raw ng bigas at mukhang hindi na mapupuno ang salop. maraming gustong bumayo pero wala ng babayuhin. di ako agad naniwala dyan dahil sagana pa naman kami sa kanin pero nung isang beses na umorder ako sa jollibee ng C1. nalungkot ako ng makita ko ang isang balot ng kanin na singlaki ng merienda size mantao. langya! yung dating maliit na serving mas pinaliit pa. may shortage ba talaga?

isa pa yang pagtaas ng gasolina. di ko rin pinapansin yan noong wala pa kaming sasakyan dahil kung taasan man nila ang singil sa pamasahe, barya lang yun. maswerte pa nga kami kung tutuusin dahil diesel ang kinakarga sa van pero kaunting sentimo na lang at aabot na sa 40 petot ang isang litro. mas mataas pa kumpara sa 1.5 litro ng coke. hindi naman nagwewelga ang sambayanan para itaas ang sweldo ng mga manggagawa. mabuti pa nga minsan kung govt. employee pag trip ng pangulo magtaas ng pasweldo, meron agad. isama mo pa ang mga “lagayan system” na ikinayayaman ng ilan.

at eto pa ang isa sa malungkot na balita para sa mga milyung milyong pilipino na umaasang mananalo ng jackpot sa lotto. lahat nalungkot maliban sa isa..uu solo winner sya! hindi ko sasabihin sa inyong ako yun. pero gusto kong isipin na ako yun kaya lang eh hindi ako tumataya. tumataginting na 249+++ million pesosesoses ang napanalunan. how lucky can you get?! para naman sa mga umuwing luhaan..gaya ng dati. better luck next time!.

Mga Puna»

1. MARU - Marso 31, 2008

my condolences.

pero alam ko masaya ka na rin kasi may maiu-ulam na naman kayo. wahaha!

ok lang sa akin na may shortage ng rice…para mashed potatoes naman ang lantakin natin….para sosyal.😀

gasti: haha! hindi kinakain yun..salamat sa pakikiramay. mahilig ka sa mashed potatoes? yoko nun. naaalala ko lagi ang gerber at ang malabnaw na jebs.

2. Lenggai - Marso 31, 2008

em sori for yer fish, ka gasti! lam mo ba, yung arwana namin dati, ang laki na, ga-ruler na sa laki, one time pagkagising namin wala na sa aquarium, kala namin me lumantak na daga or ano, nung naglaba nanay ko, biglang me tumalsik na matigas at malamig na malansa… yun pala yung ga-ruler naming isda… natatawa… este, naluluha pa rin ako pag naaalala ko…

yung sa lotto winner… he’s one lucky bastuuuurrrdddd!!!


gasti: haha! tumatalon kasi mga arowana eh buti naman at nashoot sa tubig din..
hina-hunting ko nga yung lotto winner eh nanakawin ko yung ticket nya bago pa makapunta ng PCSO. lols!

3. McRey - Marso 31, 2008

Sayang talaga yung mga ganun na matagal mong inalagaan tapos mamamatay din pala…

may isda kami dati… 3 karpa… isang malaki na malaki at 2 papalaki na…

ayun… namatay sila isa-isa…

nauna mamatay yung gold… syempre nalungkot yung black and white na isa…. tapos dahil mag-isa na lang yung malaki, eh namatay na rin…

sayang, siguro naka isang taon na sa amin yun…

pero ayus naman, hindi sayang pera kasi prinito ni mama at pinagfiestahan ng aso namin na ngayon ay patay na rin…

wahahaha… siguro may curse yung mga karpa kasi namatay yung kumain sa kanila…

gasti: pinrito ng nanay mo? ayos! sabagay mukhang tilapya naman yun pero hindi ako kumakain ng alaga ko eh..baka nga may sumpa ang mga karpa😀 nadamay pa tuloy pati ang aso nyo.

4. Maldito - Marso 31, 2008

srap naman ng ulam mo bossing gasti..social pa ng isda..mahal cguro ang kilo yan no?ahhehe..condolence…naka black ka ba ngayun?

wala nang kanin?mabuti nga..para ang mataba ay pumayat na..yung papakainin at titindhan ng bigas ay mga lampayatot lang..lels.

mabuti na nga ang mga nangyayari ngayun…yung pagtaas ng gasolina dami na ang maglalakad..excersie kung baga..shortage g bigas meaning dadami ang papayat…lalakas ang patatas at green peace..lols.

at yung nanalo sa lotto….cge….tax namin yan.lelz.


gasti: napagtanto ko nitong mga oras na ito na positibo pala ang pananaw mo sa buhay. lols! (ano ibig sabihin ng lels?) naka pula ako ngyon..duguan! mabuhay ang mga payat! nandamay pa eh

5. Maldito - Marso 31, 2008

poootah!!badtrip ang kwento mo!!ahehe..ngaun ko lang na digest…churi..wahahhaa…buang!

gasti: bagong gising ka siguro kanina kaya bangag ka pa. puro kamalasan ang kwento ko eh isa lang ang sinwerte yung lotto winner😀

6. Maldito - Marso 31, 2008

lels mean laff eot loud..pa social na lolz bossing..alam mo naman…ambisyosong socialero ako..wahha..joke.makikijoin sana sa gucci gang eh…kaso indi natanggap…mayaman pa daw ako sa kanila..baka ma overtake ko daw ang limelight..ahe ge ge

gasti: ahaha! sa presinto ka magpaliwanag! hinanap ko yang gucci gang na yan para paslangin lahat ng miyembro. pag yumaman ako gagawa rin ako ng gang “gasti gang” lols! para sa mga tigang.

7. kengkay - Marso 31, 2008

si little kengkay nakahanap ng patay na star fish sa batangas, binitbit kahit saan, kaya pala kahit anong linis ng housekeeping sa hotel e ang baho — ayun, nakalagay ang star fish sa aparador, haaayyyy. heniway, grabe yung nanalo na yon sa lotto — umamin ka na, ikaw yon, hahahaha

gasti: ako rin nakakita ng patay na starfish sa Batangas di kaya isang beach lang ang nilanguyan natin? haha! labo. bakit kaya sa aparador pa nilagay nung little kengkay mo. sana nga ako na lang yung nanalo. eh di sana nag resign nako dito sa pinapasukan ko. haha!

8. beero - Marso 31, 2008

malungkot talaga ang mamatayan ng pet. namatay din nun yung alaga kong tuta, grade 4 pa lang siguro ako nun. naging weird nga ako kasi binigyan ko sya ng disenteng libing. nilagyan ko pa ng krus yung puntod nya at nilalagyan ko ng gumamela araw-arwa. hehe.

dahil nakaka-relate ako sa post na to, ita-tag kita. hehe.

http://tambayannilex.wordpress.com/2008/03/31/a-picture-paints-a-thousand-words/

gasti: haha! weird nga..buti naka-move on ka na😀 ayos ah tag agad…mukhang mahirap yan.

9. wei vines - Marso 31, 2008

hayyyy… hanuba yun???!!!

sabi ni daddy pag namamatayan ng alagang hayop ibig sabihin daw may nililigtas daw siyang buhay ng isang family member..ewan ko…pero sinsabi lang yun siguro ni daddy para di ako malungkot..hehehehe😀


gasti: narinig ko na rin yang kwento na yan eh pero karaniwan sa aso or pusa lang applicable yan..baka nga pampalubag loob na lang yun sa namatayan ng alaga.

10. linglingbells - Marso 31, 2008

condolence sa fish mo..

badtrip yang lottong yan! nasayang ang 40 pesos ko kahapon.. if i know, si gloria yang solo winner na yan! amp!

gasti: haha! tumaya ka rin pala. grabe sobrang haba ng pila nung friday. andaming talunan! hmm.. baka si first gentlepig ang nanalo.

11. Geisha - Marso 31, 2008

wawa naman si nemo! cgro nalunod sya kaya namatay! am so saaadddd …waaaaaaaaaaaaaaaa

pero mas lalo ako nalungkot dahil may tumama sa lotto!

dream ko pa naman pakyawin ang premyong yun para masunog ko na ang munisipyo namin.. huhuhuhu😦

gasti: parang galit na galit ka sa munisipyo nyo..haha! mag donate ka na lang pag ikaw nanalo. nalungkot din ako eh kasi akala ko aabot pa ng 300 million. kung tumaya rin ako malamang hindi ako tumama eh..ang weird nung numerong lumabas.

12. angel - Abril 1, 2008

wahaww! ang suwerte ng nanalo…

Kung la nang kanin, eh di mag noodles na lang., ahihi.. Naku daming papayat sigurado..isa na ko dun.😀

gasti: uu nga mukhang wala namang noodles shortage baka sumingkit at pumuti na lahat ng pilipino dahil dito…hehe!

13. koreanmine - Abril 2, 2008

may flowerhorn ako, di na chuchugi😀

***ska pag ganyan na kalaki jackpot eh c gloria lang nmn chak ang mananalo! (sabi ng kapitbahay namin😀 )

gasti: nyahahaha! mukhang mongoloid yung flowerhorn mo..parang nanigas na ah!
uu nga eh usap usapan talaga na baka sa pamilyang arroyo lang napunta yung jackpot prize

14. Poli - Abril 7, 2008

Condolence.

P*tangina nung nanalo! Sana maholdap siya! Hekhek!

15. car erw - Hulyo 11, 2010

fukin poli


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: