jump to navigation

let me explain Abril 1, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, pampakiliti.
trackback

araw ng sweldo. tahimik ang kapaligiran at walang imik ang aking mga opismates. ang boss ko ay nasa loob ng kanyang kwarto at may kinakausap sa telepono. busy rin. at ako? nasa loob ng conference room kasama ang isang maalindog na kliyente. mahaba at tuwid ang kanyang buhok. humahalimuyak ang kanyang amoy na bagong paligo sa bawat sulok ng silid na yun. may katangkaran sya. mga 5″10 talampakan at hanep sa kurbada ng katawan. halos pumutok na ang blouse nya dahil sa nagmumurang boobs na mahirap isnabin. wari’y nangungusap “tang ina mo! ano pang hinihintay mo dyan?! dakmain mo na!”. parang ganyan ang sabi. samahan pa ng itim na pantalong hapit na hapit na lalong nagpaumbok ng kanyang pwitan at take note of this mga barako boys..nakasuot sya ng t-back na panty! langyang buhay to! malamig naman ang buga ng hangin ng aircon pero init na init ang pakiramdam ko.

nasa kasarapan kami ng kwentuhan ng babaeng ito ng biglang may dumaang bubuwit! laking gulat ko na lang ng bigla syang kumandong sa akin. pilit nyang itinatago ang maamo nyang mukha sa dibdib ko. takot na takot sya at mahigpit ang yakap nya sakin na para bang ayaw nya na akong bitawan. ganitong yakap ang napapanood ko sa isang eksena sa pelikula kung saan papuntang abroad ang lalaki o di kaya naman ay papasakay ng bus paluwas ng probinsya habang pinipigilan syang umalis ng isang umiiyak na chiching. wala akong balak maging artista pero sa pagkakataong ito pakiramdam ko ako na si Robin Padilla. gusto ko na ring maghubad at ipakita ang nagwawala kong dragon.

pero gaya nga ng isang telenobela kung saan habang nasa kasarapan ang mga pangyayari saka naman di sinasadyang mapadaan ang isang tauhan na magiging star witness ng kalaswaang ngyayari sa paligid, biglang bumukas ang pinto. tumambad sa harapan ko ang galit na galit na mukha ni kumander. sa sobrang gulat marahil ay hindi na sya nakapagsalita..hindi na rin kami nakakilos agad ng babae sa kandungan ko gawa ng pagkabigla. ano ang gagawin ko? papano ko lulusutan to?! bago pa man ako makaisip ng magandang sasabihin ay mag asawang sampal agad ang inabot ko. pati yung kliyente ay hindi rin nakalusot sa bangis ng nagwawalang misis ko. isang right uppercut ang kanyang pinakawalan na tumama sa panga nya at nawalan na sya ng ulirat. pagkatapos nyang maglahad ng maraming words of wisdom na may halong malutong na pagmumura ay nagmadali na syang umalis. sinubukan ko syang habulin pero di ko na sya inabutan.

pag uwi ko ng bahay wala ng tao. di ko na alam kung san ko pa sila hahagilapin. nakapatay pa ang celfon nya. anong klaseng pagsubok na naman ba itong dumating sakin? putsa talaga!

………………..

……….

…..

.

at dyan nagtatapos ang isang istoryang inihahandog ko sa inyo ngyong araw na ito na uso ang lokohan. maraming salamat! Happy April Fools day!

P.S. sana naman ay napaniwala ko kayo sa isang walang kwentang istoryang inilahad ko

Mga Puna»

1. Maldito - Abril 1, 2008

indi ako naniniwala..ahahaa….ako pa..lols..dahil ang babaeng nasa kandungan mo dat time e si inday garutay…he he he…teka april foolsday ngayun?sayang at indi holiday..ampputcha!

gasti: hahaha! inday na naman? di ako pumapatol sa mga katulong. sayang nga eh hindi holiday ngyon.

2. eloiski - Abril 1, 2008

ay ndi ako napaniwala!
LAm ko nmn na april fool’s day ngauN!
Uso ang lokohan ng mga repapips na rami alam sa kalokohan!
wahahahhahaha!!!

gasti: hahaha! oks lang yun at least nakagawa ako ng fantaserye dito sa blog ko😀

3. linglingbells - Abril 1, 2008

akala ko totoo hanggang dun sa nakakandong yung kliyente sayo, pero nung pumasok na yung asawa mo sa eksena, naisip ko, ginu-good time mo lang kami.. ayan nga! tama ako! hindi totoo yung kwento mo! see.. mali ako, tama ka!😀


gasti: nyahaha! epektib naman pala. pero totoo andito nga si misis sa opis namin kahapon wala nga lang kliyente😀

4. aga - Abril 1, 2008

hala…ganyang talaga ata tau mga lalake tila marurupok lamang!
asust…

gasti: matibay tibay naman ako kahit papano. ahehe!

5. angel - Abril 1, 2008

nyak! nabiktima ko.. huhuh.. daya!

gasti: haha! isa na namang biktima..

6. wei vines - Abril 1, 2008

oo..muntik nakong maniwala….huwaa~


gasti: hehe! siguro yung 3/4 ng kwento paniwalang paniwala ka😀

7. foobarph - Abril 1, 2008

magaling magaling! kala ko talaga totoo! pero in real life nangyayari nga yan. ahahaha!

parang gusto kong ipagpatuloy yung kwento, lolzzz. ^^

gasti: haha! sige ikaw pa.. mahusay ka naman magsulat sa pocketbook eh! uu tama ka may mga sawing lalaki nga na nakaka experience nyan

8. camilleeee - Abril 1, 2008

galeng! haha. muntikan na talaga eh.😆

gasti: yari ka! hahahaha!

9. jeck - Abril 2, 2008

taena. napaniwala mo ako nung una. kaso nung nabasa ko na yung uppercut, dun ako naghinala. hahaha. betch. ang saya sana kung pinagpatuloy mo na lang yung istorya nung chickababe. hehe

gasti: uu masaya nga yung part na yun..ang sarap mangbitin ng istorya eh! lols!

10. McRey - Abril 2, 2008

Akala ko totoo na… sheeeeeeeeetttt!!!

Naimagine ko pa naman itsura ng other woman matapos siyang i-upper-cut ni komander mo?! LOL…

Kumander: Walang hiya ka, etong sayo (upper cut)

Other woman: (natamaan at medyo mahilo-hilo… after makuha ulit yung composure niya ay…)

Other woman: Maghihiganti ako!!! (sabay laglag ng natitira pang mga ngipin…)

Hahahaha…

Kala ko totoo na talaga…

April fools!

Bertday ko na kaya pala fool ako eh… wahaha

gasti: haha! pang cartoons yung script mo pre! bday mo pala ngyon? happy bday! tamang tama sayo ang petsa ng bday mo😀

11. gabriel - Abril 2, 2008

hi, po hope you can drop by sa blog ko pakinggan mo yun song sa new entry ko at hope you comment sa song good or bad. thank you

gasti: parang walang kinalaman yang comment mo sa entry ko..pero chige na nga bisitahin ko yan mamaya.

12. Prinsipe ng Pangarap! - Abril 2, 2008

happy april fools day heheheh!

gasti: belated..hehe!

13. beero - Abril 2, 2008

haha😆 di mo ko napaniwala bosing. pero muntik na. hehe😆 sinabi mo na kasi dati na extra ingat ka sa mga ganyan eh. lols! dapat hindi sa opisina yung setting ng kwento para kapani-paniwala talaga. hehe

gasti: prevention is better than cure. tandaan mo yan ahehehe! sige next time sa ibang lugar naman ang setting.

14. Timogers - Abril 3, 2008

Gasti boy! Halika at lumapit sa aming piling! ikampay ang iyong problema! tara na at sama sama tayong magpakalunoy sa alcohol..

Parekoy kaunting beer lang katapat niyan.. tara na tara na!

gasti: kahit walang problema umiinom ako ng alcohol. yung isoprophyl pa nga eh para mas malakas ang tama.

15. Timogers - Abril 3, 2008

p.s. di ako nagbibiro kailangan ka naming makainuman!

KAMPAY!!

gasti: sige pagkatapos kong mag SAMPAY! lols! libre mo?

16. bonniefazzyoo - Abril 3, 2008

nalaman ko na kagad pero binasa ko na ren. heheh!


gasti: may 3rd eye ka boy? hehe!

17. Timogers - Abril 3, 2008

gasti boy sige libre ko tara na now na!

gasti: walang jokjok dito pards..manlibre ka! daanan mo ko sa bahay..hehe!

18. Geisha - Abril 4, 2008

animal ka! napaniwala mo ko! magsulat ka kaya sa bandera or tiktik! nakaka arouse huh!😆

gasti: nyahahaha! gotcha! yoko magsulat sa ganung dyaryo ilegal yun eh gusto ko sa philippine star. lols!

19. lilmiz - Abril 4, 2008

sabi ko na nga ba ahehe.. kasi kung totoo yan, hindi mo iboblog dahil sigurado mababasa ni mrs gasti nyahahah.. or teka, baka naman totoo talaga, dinaan mo lang sa april fools lolzz.. tanong lang, pareho lang ba yung april fools at innocence day?🙂

gasti: hahaha! buti alam mo😀 at gumagawa ka pa ng kung ano anong espekulasyon ah! hmmm..di ko alam kung ano yang innocence day..

20. Poli - Abril 7, 2008

Wahaha!

Langya paano mo nalaman na naka-T back ‘yung babae? Hanep ‘yang mata mo a!


gasti: correction..hindi ko nakita..naamoy ko. lols! ako pa?! obvious kaya pag naka tback.

21. Lyzius - Abril 7, 2008

naki-aliw…nayun ko lang nabasa

apir apir na lang…makikitambay na rin!

gasti: apir apir na rin! hehe! salamat sa pagbisita.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: