jump to navigation

accident prone day Abril 3, 2008

Posted by gasti in kamalasan.
trackback

ang sama naman ng araw ko kahapon. di kaya dahil sa kinain kong “samba corned beef”? ayoko naman sisihin ang mga brazillian dahil napamahal na sila sakin. hehe! pero anong meron kahapon at parang sinubukan yata ang pasensya ko. una. kulay putik ang lumabas na tubig sa gripo ng banyo. magdamag nila pinatay yun dahil meron daw maintenance na naganap pero nung magkaroon naman di mo pwedeng magamit. eh para ka ng naligo sa tubig buha nyan. wala namang ulan. kaya ang naisip naman namin eh makiligo na lang sa bahay nila erpats sa marikina. mabilis namin hinanda ang gamit na isasalpak sa sasakyan at paalis na sana ng biglang..tick! ayaw umandar ng sasakyan! anong kababalaghan to? chineck ko agad ang baterya ng sasakyan. konting himas at tapik tapik (dahil hindi ko naman talaga alam ang dapat ko gawin). after 20 trials, ayun umandar naman ng isang beses pero namatay ulit at hindi na muling nabuhay. parang naalimpungatan lang tapos natulog ulit. langya! wala pang load ang mga celfon namin..buti na lang at may maagang nagbukas ng tindahan at nakagamit kami ng payphone para humingi ng sasaklolo. makalipas ang ilang minuto dumating naman ang mekaniko at binigyan nya ako ng tutorial. ang akala ko kasi nung una ay pandikit ang kulay asul na nakapaligid sa baterya pero hindi pala..in fact “tae” pala ang tawag nila dun dahil ito yung asido na binubulwak ng baterya na kayang tumunaw ng bakal. anyways pagkatapos palitan ang sirang battery terminal at paliguan ang baterya, umandar na ulit ang sasakyan. pero huli na para sakin dahil late na ko sa pagpasok. kaya nag leave na lang ako😀 hinatid ko na lang si misis sa sakayan at ang anak ko naman sa bahay ng byenan ko. ako naman ay dumiretso sa 25 yrs old na bahay nila erpats para maging karpintero. pinapaayos kasi yun at 2 lang ang karpinterong gumagawa kasama ang kapatid ko na kasalukuyang nakabakasyon. para na rin akong nag-gym dahil sumakit din ang katawan ko sa sobrang bigat ng mga kahoy na binuhat namin. kinailangan ko pang uminom ng “cobra energy drink” (tamang sponsor sa blog post) para kumbinsihin ang sarili ko na kaya ko pa.

maya maya pa habang nagkukuwentuhan sa ikalawang palapag ng bahay, habang naglalakad si erpats sa bandang gilid bigla na lang syang lumubog. shoot! dire-diretso hanggang ibaba! nagkaron ng gasgas ang tagiliran nya at andaming maliliit na pasa. pero hindi nya ininda. nanghinayang pa nga sya dahil hindi sya nakuhanan ng video na ipapadala sana nya sa Bitoys funniest. nakuha pa talagang magpatawa.

nag ring ang telepono. binalita na lang sakin na may lagnat ang anak ko at kelangan ko bumili ng gamot. pinatingnan na rin daw nila sa isang espesyalista sa larangan ng panggagamot na si “Aling Pemya”. ito ang unang tao na tumitingin sa anak ko pag nilalagnat. gamit ang kanyang mahiwagang tawas at orasyon kasabay ng isang talentong pagpapatayo ng itlog habang nakapatong sa bato pagkatapos pausukan sa kandila, papatakan nya ng kandila ang tubig na nasa loob ng palanggana at presto! “nabati” nga ang resulta. meron din daw pilay sa dibdib..pagkatapos nya isalang sa ibabaw ng usok mula sa tawas ang anak ko ay pinayuhan nya ng magpahinga ito at painumin ng gamot sa lagnat para tuluyan na syang gumaling. ayos!

eksakto 10:30 pm na kami nakabalik ng san mateo. malala na ang sipon ko at walang tigil ang paghatsing bunga ng maghapong pagbabaklas ng bahay. paghiga ko sa kama, nasa ibang dimensyon agad ako. ni hindi ko na nga namalayan na may nakasandal na psp sa likuran ko habang nanonood ng video ang anak ko. nalaman ko na lang kinaumagahan pagkagising.

panibagong araw na naman.. balik opisina! 7:02am ako dumating. so far so good… sana uwian na!

Mga Puna»

1. madbong - Abril 3, 2008

mukhang malas nga yata itong araw mong ito parekoy. ako din medyo malas kasi isang linggo na akong walang broadband sa bahay. tapos nagluluko pa yung dreamhost, yung isa kong post ayaw lumabas, ngayon lang mukhang ayos lahat.

btw, dito sa nz pag may trouble sa sasakyan merong roadside rescue na optional sa car insurance. tatawagan mo lang at 15 mins anjan na yung mekaniko. pero iba pa din kung marunong ka ng trouble shooting. alam mo ba, sisi din ako na hindi ako nag-vocational man lang ng pagme-mekaniko. dito kasi malaki ang bayad ng mekaniko. may kilala akong mekaniko ng dealer ng mercedes dito, talo pa executive kung kumita.

gasti: uu nga eh kahit marumi itsura mo pag mekaniko ka, malakas talaga kumita. unti unti ko na ring inaaral ang pagkukumpuni ng sasakyan. dapat naman talaga marunong ka kasi di mo alam kung kelan ka masiraan. buti dyan may mga roadside rescue..dito ata sa pinas wala eh pero may tutulong naman sayo kahit papano. mga tambay sa kanto o driver na napadaan.

2. ponchong - Abril 3, 2008

tama si madbong pareng gasti. sana nga din kumuha ako vocational o kahit man lang reflexology. mas malaki kita pag nagsideline ka sa abroad. ang kakilala nga namin na marunong maggupit ng buhok, malaki ang kinikita. kinakarir na nga pati manicure at pedicure. hehe..talo pa sahod ni GMA pag nakajackpot.

ganyan talaga buhay. pag nagstart ng malas, may kasunod pa. di mo ba nakita mga kotse ko? palitan mo na sana yan. heheh…

gasti: kahit lalaki nag manicure at pedicure dyan? pag nakapag abroad na rin ako di nako magfulltime job puro sideline na lang..haha!
wala pa pera pamalit eh saka ok na naman gumagana na ulit! linis lang pala ang katapat.

3. MARU - Abril 3, 2008

di kaya minalas ka kahapon ay dahil sa hindi ka nakaligo? lols.
ok na ba si anak?

gasti: baka nga..hehe! mga hapon na rin ako nakaligo pagkatapos kong magkarpintero. ok na ulit si bulilit! masigasig na naman🙂

4. Wacky - Abril 3, 2008

Dahil ba sa Samba? Naku! Baka makasuhan ka ng libel nyan! He-he! Edit-edit na dali… baka mabasa ng mga taga-Samba… hehehe…😀

gasti: haha! di naman siguro..wala naman ako sinabing masama ang lasa ng corned beef nila saka kung magkaganun man di pa rin libelous yun:D

5. angel - Abril 3, 2008

hmm.. ako din sunod-sunod ang kamalasan ko.. Di bale pagkatapos nito sigurado puro naman tayo swerte.. wahehehe

gasti: sigurado ba yan? hehe! sana nga swerte naman ang sumunod

6. koreanmine - Abril 3, 2008

may sumpa daw kc si sunshine cruz sa mga kumakain ng samba! LOls😆

gasti: uu nga noh?! baka nga sa sobrang galit nakapagbitaw sya ng sumpa.

7. eloiski - Abril 3, 2008

aw. napakamalas naman nagyong araw na ito sa iyo kuya.
nahulog pa si erpat mu. wawa naman sya.
tapos nagkasakit pa ung anak mo.

hayyy

pero sabi nila na kapag puro kamalasan
malamang baka sa susunod na mga araw eh kaswertehan naman
malay mo po bigla ka mapromote!
manalo sa lotto o sa jueteng!

gasti:aysus! yang promotion, lotto or jueteng malabo mangyari yan. basta wag lang maulit ang mga pangyayaring to. oks na yun

8. linglingbells - Abril 3, 2008

waah! ang malas mo nga nung araw na iyon.. malay mo, may kapalit yun..😀

gasti: may kapalit na pera sana. inaantay ko nga eh

9. lilmiz - Abril 4, 2008

well, at least wala kang pasok ahehe.. cool naman ng erpats mo, kering-keri lang ang pagkahulog ahaha

gasti: anlupit talaga ng pagkakahulog..nagkukwentuhan lang kami tapos biglang naglaho. ayun pala nasa ilalim na. masakit yun!

10. wei vines - Abril 4, 2008

whew!! nadaganan mo pa psp mo… agree din ako kay madbong..dapat kahit pano alam yung troubleshoot ng sasakyan…pano na lang kung wala ka sa bahay at nasa highway ka pa?! ‘oh nooo’ diba?

nababadtrip nga ko sa tita ko eh.. (buti nasa saudi na si erpats:D) , nagpapagawa ng mga tsikot nila kay daddy ng LIBRE!! grrr!!

gasti: haha! ayos yun ah free home service pa. kahiyaan na lang talaga pag kamag anak pero kung ako tatanungin sana kahit papano nagbibigay naman kahit pameryenda..mahal kaya magpaayos ng sasakyan sa shop.

11. Maldito - Abril 4, 2008

indi ka kasi naliligo eh..ayan…nung binigyan kayu ng tubig timing din na maliligo ka na.kaya indi ka na binigyan ng God of plumber ng magandang tubig…next tym maligo ka araw araw ha..aheh he he.

musta naman si jr?

sana binigay mo nalang ang psp saken para ako nalang ang humiga.social ng higaan mo.psp..lols..

gasti: haha! adik! sa tindi ng init ngyon hindi mo kakayaning hindi maligo. lumalangoy pa nga ako sa palanggana eh. ok na si jr..ok na rin yung psp. aksidente lang ang pagkakahiga ko dun at wala sa plano..masakit kaya sa likuran yun…hehe! try mo higaan mga action figures mas sosyal yun😀

12. FerBert - Abril 4, 2008

panapanahon lang yan.. dumarating talaga na may araw na minamalas ka.. buti di ka pa nahostage, binaril, sinaksak dyan eh.. at least buhay ka pa..

PS. Pasensya na kung ngayon lang ako nadalaw ulet dito sa blog mo. Medyo minalas din kase ako kaya emo ang drama ko..😀

gasti: salamat sa Diyos at hindi ako praning. eh sa panahon ngyon talaga namang nagkalat ang aksidenteng pwedeng mangyari. oist wag ka na mag emo kung dahil lang sa babae. hehe!

13. sexymoi - Abril 4, 2008

malay mo sangkatutak na swerte naman ang kasunod niyan…🙂


gasti: siguro nauna na dumating ang swerte kaya minamalas ako nitong nakaraang araw..

14. Geisha - Abril 5, 2008

wow! hanep.. all around sarsa!😀 jack of all trades ha!

‘7:02am ako dumating. so far so good… sana uwian na!”

kakapasok mo lang gusto mo nang umuwi? ano kaya yun?

gasti: masama kasi pakiramdam ko nung mga oras na yan kaya gusto ko na agad umuwi.

15. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Abril 6, 2008

potek kala ko komiks binabasa ko..amppotek real life pala yun..ok pa ba psp mo? cge nga palaro nga sa psp mo..😆 tama si maldito, nakakawala ng malas ang paliligo araw araw..hehehe

gasti: hindi to komiks..tabloid to pre! hehe! ok naman ang psp matibay naman pala. eto nga at inaaraw araw ko na ang paliligo eh para di na maulit ang dati.

16. Poli - Abril 6, 2008

Tangina ang malas mo nga! Sabi nga nila, when the going gets tough, the tough get going! Parang domino effect lang!

Sana pala pag-uwi mo sa bahayl e nadatnan mo sina Mommy Carol at Judy Ann para mapagaling ka nila. Hehe.

Natawa ako dun kay Aling Pemya kasi meron ding Aling Pemya dito sa kalsada namin– tindera naman siya ng isaw.

Sana gumaling na si junior.


gasti: haha! baka iisang Aling Pemya lang ang pinag uusapan natin..suma-sideline lang pala albularyo pero fulltime tindera ng isaw. lols! oks na si junior. salamat.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: