jump to navigation

tenk yu rin Abril 10, 2008

Posted by gasti in kamalasan, kwentong pasahero.
trackback

pakiramdam ko nadagdagan ako ng 3 pounds kaninang umaga kaya medyo hirap ako bumangon sa higaan. pero dahil sa ayokong sirain ang araw ko, hindi ko na chineck sa weighing scale. pagdating sa mesa mga ilang minuto ko munang tinitigan ang sinangag na kanin, daing at kamatis na nakahalo sa patis bago ako ngumanga para maghikab. “maaga pa” sa isip isip ko. pinilit kong kumain pa rin dahil sa yun ang turo ng mga yumao kong titsers nung elementary na “don’t skip breakfast because it’s the most important meal of the day”. inubos ko rin ang milo na tinimpla ni misis at lumagok na rin ng tubig para pampawala ng tamis sa dila.

diretso na ako sa banyo pagkatapos lumabas ni misis. pagkaupo ko sa trono, sinimulan ko nang magsipilyo kasabay ng pag ihi at pagsusumikap na mailabas ang ano mang kadugyutan sa katawan (multi-tasking mode para tipid sa oras) (tip sa mga guys: wag kayo magtetebats sa umaga dahil nakakapanghina yun. hindi porke’t naglalambing si pototoy eh pagbibigyan nyo na) note: ang similya ay hindi dumi sa katawan. ilabas lamang ito kung kinakailangan. diretso ligo na ako pagkatayo sa trono. gamit ang head & shoulders sinimulan kong kuskusin ang bumbunan ko pagkatapos ay nagpahid naman sa katawan ng likas papaya soap. di ko alam kung mabisa ba talaga pampaputi ito dahil ganun pa rin ang kulay ko. siguro kung meron akong makita sa daan na maputing tao na kinky ang buhok at pango ang ilong na nakasuot ng bahag maniniwala na ako. anyways pagkatapos ko magsabon sa katawan, next naman ang mukha. salamat sa tulong ng Dr. Kaufmans Medicinal sulphur soap fresh from Taal Volcano, mukha na akong anak ng bulkan. bihira na ako magkaron ng tighiyawat sa ngyon. try it and you’ll see the difference! (papasa na ba akong product endorser? ahehe!)

paglabas ko ng banyo, dumiretso na ko sa kwarto para magbihis. nagulat na lang ako ng makita kong gising na pala ang bibbo kong anak. may pa-smile epeks pa. nakow kamote paniguradong male-late kami nito dahil magpupumilit syang sumama. isip agad ako kung pano ko sya masasalisihan. magaling ako dyan. lols! nang silipin ni misis ang diaper ni junior, may laman palang pupu (kyut term ng ebak). kaya naman pala maaga nagising tumae pala. pinapanood agad namin sya ng ever reliable elmo’s world para malibang habang nagbibihis pa ako. at pagkatapos mai-ready ang lahat, saka sya ipinasok ni yaya sa banyo para linisan..ito ang naging hudyat para paandarin na ang sasakyan at umeskapo. nalungkot kami pareho dahil paniguradong iiyak yun pag nakitang umalis na kami..haays! nakakasira talaga ng pamilya ang pagtatrabaho.

pagdating sa marikina, eksakto pag-park ko saka ko lang napansin na naka todo na pala ang temperature ng sasakyan. overheat na pala amputa! buti na lang at hindi kami tumirik kung saan. tiningnan ko ang makina at ayun nga..tumagas na ang tubig dahil sa sirang radiator cap. langya! swerte pa rin at umabot kami. mamaya ko pa ipapaayos yun pagkauwi ko. tsk tsk!

nakarating ako sa shuttle service ng marami ang iniisip. papasok pa lang ako pero iniisip ko na ang mga kelangan ko gawin pagkauwi. suplado mode na naman ako at nakatulala sa buong byahe dahil sa dami ng iniisip. as usual same old faces ang mga kasabayan ko pumasok. including yung walang tigil sa chismisan. may isang babae rin akong kasabay na dati ko ng napansin dahil tuwing byahe nagrorosaryo sya. mukhang bata pa naman tantya ko nasa 25-28 ang edad. bracelet na gawa sa perlas ang hawak nya. di ko nga magets kung pano nya ginagamit yun eh kakaunti lang naman ang bilog. di kaya merong shortcut method. ewan. sabay kami ng binababaan kaya kadalasan eh ka-duet ko sya magsabi ng “ma! sa tabi na lang po”. dahil sa likas na pagka-gentleman, (ehem!) ako na ang nagbukas ng pinto. natuwa naman ako ng nag “thank you” sya dahil bihira na lang ang nagsasabi nun sayo ngyon kung hindi mo naman sya kaanu-ano. di ko na sya nareplyan ng “tenk yu rin dahil sa pagtenkyu mo” baka ma-weirdohan pa. mabilis na lang ako naglakad papunta sa building namin. delikado kasi ang araw na to. huwebes ang tanging araw na nahuhuli ako ng boss ko pag late. tyempo lagi yun kapag late ako saka naman sya darating ng maaga. taena! talk about coincidence shit!. coding kasi ang sasakyan nya pag thursday kaya kadalasan kung papasok sya sobrang aga nun para wala pang huli. swerte na namin kung di na sya pumasok buong araw kami walang boss. gaya ngyon wala sya kaya petiks na naman dito. kanya kanyang bukas ng friendster at iba pang sites. katabi ko si chilli nagba-blog rin. napagkikinita ko ng magiging busy kami buong araw! lols! gusto ko na umuwi.

Mga Puna»

1. Timogers - Abril 10, 2008

awww wawa naman ang inaanak ko.. teka gasti ano itsura ni yaya? har har har mala inday ba yan? o mala simang?😀

kampay na kampay!!

gasti: haha! ambilis mo ah! pati ba naman yaya pinag iinteresan mo na? pinsan ni misis yun dalaga pa..maputi at chinita baka nakita mo na yun dati.

2. madbong - Abril 10, 2008

nagkatrouble na naman pala sasakyan mo bro. buti na lang radiator cap lang. ayun, magkasama pala kayo ni chilli sa opis kaya nagta-tandem kayo minsan hehe. ako din petiks ngayong araw na ito. mag-a-alas tres na dito ay wala pang binibigay sa aking trabaho. sarap maginternet buong araw

gasti: hehe! uu nga eh pwede pa nga matulog kung tutuusin. 3 kaming blogger dito sa opis pero yung isa ay di masyado aktib. yung sa radiator cap sira na talaga yun kaya lang eh hindi ako nakabili kahapon. sana nga ok na ulit mamaya.

3. madbong - Abril 10, 2008

uy maputi ba at chinita yung yaya? hehe makisali na ako sa usapan ha. naalala ko yung isang tropa ko, sabi sa akin kung kursunada daw taluhin yung kasama sa bahay ay pasukin ng dahan-dahan sa kwarto at hawakan sa balikat. pag hindi pumalag ayus, pero pagpumalag ang sasabihin mo lang daw ay “anu ka ba, kanina pa kita ginigising para bumili ng pandesal sa kanto!” ahahah

gasti: hahaha! langyang style yan! eh pano kung hatinggabi na..magpapabili pa rin ng pandesal? lols!

4. Lyzius - Abril 10, 2008

hayun, magkasama pala sa ufis si chilli at si gasti…TNTK na naman yun…

gasti: ano yang TNTK?

5. A Z R A E L - Abril 10, 2008

nakakalungkot talaga minsan kapag iiwan ang anak para umalis at magtrabaho ano? buti na lang hindi ko na nararanasan yan sa tuwing aalis ako ng bahay, dahil nasa pinas naman ang anak ko at nanay nya na ang bahala sa pag-iyak nya lol.

at eksakto ang title ng entry mo sa mensahe ko…

tenkyu rin sa pagdaan sa aking blog. link kita na walang hinihintay na kapalit wahahaha!

gasti: haha! uu nga eh bihira mo na maranasan yun. ni-link na rin kita para maambunan naman ako ng swerte mo. lols!

6. FerBert - Abril 10, 2008

sus! pampabuhay yung pagbabate sa umaga..
ganun ginagawa ko pag inaantok pa ko pagkagisin ko sa umaga eh…
ahihihihi


gasti: aha! may morning sickness ka pala ha! di nga itigil mo na yan. manghihina ka. try mo magshoot sa basketball ring kakapusin ang tira mo. lols! wag mo gawin exercise ang pagbabate.

7. Maldito - Abril 10, 2008

he he he…buti naman at indi ka na late..kami petiks din pag wala ang dragon….kailangan kong madaliin ang comment ko na to kasi may nag tip saken na parating na daw siya…ampoohtek!!hanggang sa muli!!paalam!!

gasti: haha! mabilisan nga…ingat ka baka mahuli ka na naman.

8. kengkay - Abril 10, 2008

tama ka, importanteng meal ang breakfast😀 at alam mo ba ang mga thais e inaangkin na kanilang imbensyon ang likas papaya soap? e kapag siniyasat mo naman ang mga papaya soap duon may nakalagay na made in the philippines, linsyak na😀 effective yan sa mga kaibigan kong thais, kaya naman everytime na may uuwi ng pinas e yan ang pinabibili nila.

gasti: haha! kamote pala yang mga thais na yan..akala ko pinoy lang ang gumagamit nun pati pala sila. mga africans kaya gumagamit rin? lols! baka mapagkamalang pagkain.

9. Lyzius - Abril 10, 2008

TNTK-THINGS that are NICE TO KNOW…imbento ko lang yun…me narinig na ako dating ganun pero parang hindi ganyan…hehehe..anggulo parang boink-boink…

Hay naku parusa yang sasabit pa sa palda ang mga junakis…Nung umalis ako ng pinas, hindi alam ng panganay ko na kakain ako ng buhangin dito…alam lang nya nasa office ako…kaya madalas na nyang tanong nayun: “bakit ang tagal mo namang nasa office, tapos na ang super inggo anjan ka pa rin!”

gasti: haha! ngyon ko lang nalaman yang acronym na yan TMNT lang kasi alam ko. teenage mutant ninja turtles. lols! ayos yang anak mo ah fanatic ng super inggo buti napaniwala mo.

10. Timogers - Abril 10, 2008

Malamang di ko pa nakita dati di naman ako palatambay dun eh.. Napapakinabangan niyo ba yung cd ng sesame street na inabot ko last january?

gasti: uu naman puro gasgas na nga yung cd kakapanood eh! haha! sya na nga rin ang nagpapasok at naglalabas ng cd sa dvd player.

11. angel - Abril 10, 2008

honga, endorser ka na nga talaga ngayon! aheheh!

Yung likas papaya soap efective daw yan sabi ng mom ko, eh nagtataka nga rin ako kung pano naging effective eh natural na naman syang maputi?!

Kakatuwa naman baby mo, naalala ko din dati gigisng pa ko ng maaga kapag pupunta ng work mom ko tapos ayoko sya laging paalisin kpoay problema din nya yun kasi kelangan patahanin nya muna ko o kaya isama nya na lang ako.. ahehe..

Yung sa rosary, oo shortcut yun, pero mas cute yung riong rosary, ahehehe… para kang kumakapa ng tuldok!

gasti: pasaway na bata ka pala. ang hirap pa naman mangumbinse sa bata para magpaiwan lang sila. eh kaunting tambay lang namin sa bahay malamang late na kami sa trabaho.
ahh may shortcut nga pala sa rosary…nakakita na rin ako nung ring rosary binenta samin nung hayskul gawa daw ng mga preso.. ayun sinabit ko sa daliri ng sto. nino namin sa bahay. hehe!

12. angel - Abril 10, 2008

typo po, “ring rosary po” hindi “riong rosary” Hehe.. sensya na po..

gasti: oks lang naintindihan ko pa rin naman😀

13. MisyeL - Abril 10, 2008

so kamusta naman kaya ang mukha ng anak ng bulkan? curious lang ako, hehehe! ako naglilikas papaya din kaso, hanggang ngayon kulay puno pa din mukha ko.

san kayo nagwuwork ni chilli? balak ko dumalaw eh, hahaha!

gasti: haha! eto tamang itsura lang. mukhang laging kalmado pero may ibubuga. lols!
andito lang kami sa isa sa mga building ng ortigas. pwede ka dumalaw anytime basta may dala kang tsibog😀

14. McRey - Abril 11, 2008

Bakit may product endorsement pa dun?! Wahahaha… paid advertisement ba to?

Bawal pala mag open ng blog/fs/ibang site sa office?! Akala ko unlimited privilege yun…

gasti: haha! unlimited privelege? depende siguro sa nature ng work pero bawal talaga yun dahil iisipin na lang ng boss mo na nag aaksaya ka ng oras. yung ibang company pa nga eh blocked ang mga sites gaya ng friendster at multiply ultimo yahoo.com bawal rin.

15. Geisha - Abril 11, 2008

wala akong mai comment.. hehehhehe

gasti: comment pa rin yan😀

16. ponchong - Abril 11, 2008

sabi ko na nga palitan mo na sasakyan mo. sa susunod na titirik yan malamang posporo na lang ang solusyon. Joke..loko lang..

papaya king ka rin pala..yan ang isang bagay na parang di ako mabuhay pag wala..haha..epal!

gasti: hehe! di ko rin kasi naalagaan yung sasakyan kaya siguro nagrerebelde. todo linis nga ako kahapon at palit ng radiator cap. ayun smooth na ulit ang byahe.
papaya king? lols! para naman ang lakas ko kumain ng papaya nyan. saka ang alam kong papaya queen eh boldstar na malaki ang boobs.

17. popoy - Abril 11, 2008

buti na lang malakas ang resistensya ko at hindi ako nanghihina kapg ginawa ko yun kapag umaga. hahaha..

srap talagang pumetiks. pero pag katulad ko na 1 week nang petiks sa ofis eh nakakapagod din pala.

nakakapagod din palang umakting na marami kang gingawa.

lumalabas yung pagiging artista ko hahaha..


gasti: sagana ka siguro sa vitamins..hehe! uu nga nakakapagod talaga magpanggap. pakiramdam ko nga minsan pugante ako at pulis ang amo ko. haha!

18. rofel - Abril 11, 2008

convincing sa pagiging product endorser… makabili nga ng products mu mmya… hehehe

give a little love and … magte-tenk you na lang ako sau…
tenk you

gasti: hehe! sige bili na baka magkaubusan pa.

19. koreanmine - Abril 11, 2008

huwaw! parang aga mulach movie ang post mo ngaun ah! !puro endorsements!😀

note: ang similya ay hindi dumi sa katawan. ilabas lamang ito kung kinakailangan. << whew! .. buti na lang! LOls😆

sarap talaga feeling na may madinig na TY altho di nmn aktwali nanghihing ng kapalit kundi at least alam mo na not taken 4 granted ung effort di ba…

gasti: uu nga eh parang pakiramdam mo hero ka😀 nakakaganang tumulong pag ganun.
tipid lang sa pagpapalabas baka magka-shortage..hehe!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: