jump to navigation

I want some pussy Abril 11, 2008

Posted by gasti in Uncategorized.
trackback

alam ko bastos ang dating pero naghahanap talaga ako ng pusa na gagawin kong pet for life. prefferably persian cat dahil ito ang tipo ko. mabalahibong pusa. lols! ang hirap lang neto wala pa akong budget para dito kaya patingin tingin lang ako sa mga pet shops at kung saan saang websites kung saan at magkano ang bentahan ng laman pusa. nakakalungkot lang dahil ang mamahal ng presyo. gustuhin ko man makipagtawaran, di ko magawa. dahil wala pa nga ako pera eh..toinks! para ka lang nakipagbolahan sa tindera tapos in the end sasabihin mo na lang na “sige babalikan ko na lang”.

hindi naman sa ayaw ko ng aso sa katunayan nga eh isa ako sa pinanganak sa year of the dog. pero ayoko lang mag alaga. nakakarindi kasi sila pag kumakahol. malandi pa sabik humalik tapos kapag minalas malas ka pa pati binti mo kakadyutin. wala din akong tyaga maglinis ng jebs ng aso. mabilis din bumaho kapag di napaliguan lalo na kung malaking lahi gaya ng st. bernard at labrador. cute sila uu pero mamumulubi ka naman sa pagme-maintain ng ganyang kalalaking alaga. saka mas mahal talaga mag alaga ng imported na aso compared sa pusa. pass muna ako sa mga askal at pusakal dahil gusto ko naman makaranas mag alaga ng ibang lahi.

at sa paghahagilap ko nga ng mga cute and lovable pussy na hindi gaano kamahalan ang presyo, nakakita ako ng isang seller na abnormal. agaw pansin ang binebenta nyang pusa dahil sa nagkakahalaga lang ito ng 50 pesos! negotiable pa amputa! ngyon lang ako nakakita ng ganitong klaseng advertisement pamatay sa talents at features ang binubugaw este binebenta nya. tingnan nyo baka sakaling interesado kayo click here —> cute adorable pussy cat

andami talagang nagkalat na luko-luko sa internet. lols!

Mga Puna»

1. mia - Abril 11, 2008

nanay ng bf ko namumulot ng pusa. haha!

gasti: dakila din pala yang nanay ng bf mo..haha! ayos ah! andaming nagkalat na pusakal rin samin pero walang gustong mag ampon.

2. popoy - Abril 11, 2008

gasti nakakatawa yung ad. ibang tirp nun nagpost nun ha?

at ayus pa yung pic ng pussy nya mapangaakit.. hahahaha

eto seryoso, pede mo naman alagaan yung pusang kalye o yung mga ordinaryong pusa patabain mo lang. pakainin mo ng jollibee chicken joy araw araw. hahahaha. ganyan kasi yung sa kapitbahay namin. ang cute na nung pusa nila kasi bochog na bochog. kaso nakakatakot nga lang sya ngumiyaw. hahaha

gasti: tawang tawa nga rin ako nung nakita ko yung ad na yun eh! anlupet! mapang akit nga kasi nakabukangkang yung pusa tapos labas dila pa. lols!
lagi na lang pusakal inaalagaan namin simula pagkabata eh kaya gusto ko maiba naman. masyado naman sosyal yang pusakal ng kapitbahay nyo naka-chicken joy pa.

3. rofel - Abril 11, 2008

nak ng pusa un! seductive… hehehe

bossing mejo mahal mag-alaga ng imported pusa.
pero sulit naman kc pangtanggal ng stress ung mga cute na pussy.

gasti: uu nga eh may kamahalan talaga pero nakakawala talaga ng stress lalo na kung cute na pussy ang hihimasin mo.

4. umleo23 - Abril 11, 2008

Sa bahay namin ang daming pussy…… cats…
Dati ung mga pusa namin inde mailap…
Kaso ung bagong henerasyon ngayun, hindi ko maintindihan baket ang ilap na sa tao…

Isa na namang sira-ulo ang nag advertise! wahahahahahahaha
tamang trip lang talaga eh noh!?

OT: salamat sa pag dagdag sa blogroll.

gasti: yung mga pusang gala ang mailap. pero kapag pinakin mo na kusa na lalapit sayo yun sa mga susunod na araw..nakaka inspire nga yung ad eh parang gusto ko na rin magbenta ng pusakal.😀

5. alphasensei - Abril 11, 2008

i want a bitch!!!!!!

mommy na golden retriever!

gasti: bitch nga! hehe! maganda rin yang asong yan. mabalahibo

6. koreanmine - Abril 11, 2008

nako, kung pusakal eh bigyan kita ng libre kahit ilan gus2 mo! pero wak mo siosiopaoin ha😀

yung barangay namen eh parang bahay ampunan ng pusa amf, yung kc ksama ko na matandang dalaga eh npkahilig at ang inhouse cat namen named “mael” eh always lives up to her name, mayat maya buntis! amf

gasti: pass nga muna ako sa pusakal eh. mahirap mag alaga ng madami pusa tama na yung isa o dalawa.

7. napundingalitaptap - Abril 11, 2008

siyaks, nakakatakot naman yun pusa na yun…seryoso… ahaha…
may post na po ako, morbid..ahaha.

salamat po pala sa pagdalaw. hehe

gasti: hehe! mukha namang mabait. pero baka nahawa na sa amo nya kaya parang nababaliw.

8. madbong - Abril 11, 2008

ahahahaha lintek na pusa yan, defective na no warranty pa!!! ang natawa talaga ko yung linya dun sa talents na “put her kittens on the roof until they die” ahhahah

bro dito samin mas marami ang pusa kaysa aso, lintek pa kung tratuhin ng mga puti, kala mo sariling anak. naalala ko yung fren ni esmi, nakita namin iyak ng iyak. ang drama namatayan daw sila, e di me-ay-condolence kami. yun pala ang namatay yung pusa niya (muntik ko mabatukan)

pero ang pinakaibang klase na naging pet ko yung hermit crab na napulot ko sa beach ng puerto azul. tumagal din siya ng 8 months sa akin. namatay lang nung pinalitan ko yung buhangin dun sa aquarium niya ng pebbles.

gasti: ahaha! nakakaiyak talaga yan kapag namatayan ka ng mahal mo. baka sobrang na-attached sa alaga nila. bakit mo naman kasi pinalitan ng pebbles yung buhangin nanibago tuloy. nag alaga din ako ng hemit crab dati isang buwan lang siguro itinagal.

9. Geisha - Abril 12, 2008

dios ti salve!
ang pangit ng pusa!
hahahahhahahhahah😆

gasti: haha! bilhin mo na!

10. Maldito - Abril 12, 2008

ahahaha…sheytt,,,natawa ako ng sobra sa seller indi sa pusa…solid pa sa talent..pwde din cgurong mag split no?ahaha..pita abnoy ang nag post nun..walang magawa sa buhay…

gasti: talented talaga yung pusa mukhang nagkaron ng proper training and nutrition mula sa amo nya. baka nga marunong pa kumahol yun eh

11. ponchong - Abril 13, 2008

i’m into dogs. sa katunayan dalawang akita inu (japanese breed) ang inaalagaan ko pero nadedo ang isa sept last year (14 yo) at 3 years old na din ang isa. mas mabaho kaya ang pusa kasi mas malansa ang pagkain at saka mas perwisyo ang balahibo kapag nagsi-shedding.

pero bad news sa mga dog owners dito kasi binawal na ang dangerous dogs tulad ng pitbull at kelangan magkaroon ng special training ang mga dogs na 25 kilos up, kasama na ang akita na inaalagaan ko don. kaya alleluia ang mga cat owners.

go for dogs!

gasti: 25 kilos yang akita mo? di ako familiar eh pero mukhang malaki nga. siguro yung gumawa ng batas na yan eh pussy lover din..hehe! delikado naman talaga ang pitbull pag hindi maayos ang training nakakatakot.

12. Poli - Abril 13, 2008

Sana magkabili ka na ng pussy na talagang makapagpapasaya sa’yo. Hehe.

Okay din ‘yung mga pusa. Hindi kasing high-maintenance ng mga aso.

gasti: sa palagay ko nga ganun. saka nakakapikon kasi ang aso pag panay ang kahol. babantayan mo pa para hindi makakakagat. sa ngyon pusa muna ang gusto ko alagaan saka na siguro ang aso.

13. wei vines - Abril 13, 2008

hahaha!!!taena!! mukang papayag yung may ari kahit isang bote ng redhorse😆

nasubukan mo na sa aranque?

gasti: siguro nga kahit ano na lang kapalit ng pusa nya. bargain na. huling punta ko pa sa aranque eh mga 2003 pa siguro..haha! tagal na. try ko na rin baka merong ok.

14. beero - Abril 14, 2008

uhummm..ang hilig mo talaga sa mabalahibo. lols! haha😆 yan na siguro ipapalit mo sa pet mong natigok. hehe. sana makabili ka agad ng “pussy”, yong mataba at mabalahibo. haha

gasti: makakabili rin ako nyan in-time.. hehe! naghahanap ako ng maganda ang kulay na babaeng pusa

15. popoy - Abril 14, 2008

hahaha. cnabimo pa gasti. tas yung amo tuyo lang ang ulam hahaha.🙂

mahilig ka pala sa mabalahibo ha.. hahahaha

gasti: ayun lang. wala na pala makain yung amo..hehe! oks lang sakin mabalahibo wag lang sa sisiw ng balot. lols!

16. linglingbells - Abril 14, 2008

panalo yung ad na yun! talagang gusto na niyang mawala sa buhay niya yung pusa niya.. hahaha! may persian cat kami dati kaso ninakaw.. sayang nga eh

gasti: nakow sayang nga. dapat binantayan mo. madami talaga magkakainteres dun

17. angel - Abril 14, 2008

naka drugs yata nag post nun! Adik! Hahaha..
Ayaw mo ng ganung pusa?? LOL

gasti: mukhang dugyutin yung pusa nun eh! hehe! ayaw!

18. antuken - Abril 14, 2008

naco, cats na may breed are expensive. besides, i hate cats. lagi sila nagwi-wiwi sa sofa. tapos ang hilig pa nila maglakad in-between your legs tapos iwawasiwas ang nairita nilang buntot. ako, dogs anytime!
hehe.

gasti: haha! marami akong kakilalang girls na ayaw talaga sa pusa. pero sakin oks lang yung wasiwas epeks ng buntot kung cute naman sya. saka pati naman aso umiihi kung saan saan kung hindi mo tuturuan ng proper hygiene lols!

19. McRey - Abril 15, 2008

Hahahha… nakakaloko yung ad na yun… at hanep sa description!

Breed: Babymaker

Talents:

* Can make kittens easily
* roll over
* play dead
* put her kittens on the roof until they die
* can handle pregnancy easily

Features:

* Always in Heat
* unique rare lips
* lovable
* cuddly
* seductive
* eats big spiders
* eats expensive food
* doesn’t like leftover foods
* very hospitable

Hanep!!! Stig!

Hmm… diba mas mabaho ang jerbaks ng pusa?! Grabe, pero ako yung pusa na white na white, pero AMF, ang BAHO ng tae. Kaya binigay na lang siya sa kapitbahay.

gasti: haha! at least ang pusa binabaon nya sa lupa ang ebaks nya di tulad ng aso na kung san na lang abutan😀 saka di na importante kung kaninong tae ang mas mabaho. kahit anong hayop naman alagaan mo tumatae pa rin kaya kelangan linisin.

20. beero - Abril 15, 2008

haha😆 maganda siguro pag itim ang kulay! tapos makapal ang balahibo. marami ka naman sigurong mahahanap na ganun.😆

gasti: ayoko nung masyado makapal. haha! gusto ko maaninag ko pa yung balat. hirap nga maghanap nun eh..limited edition. lols!

21. OliverTwist - Disyembre 4, 2008

kung mag-aalaga ka ng pusa wag ka na maghanap ng mahal, pwede ka mag-adopt ng stray cats. i have a kitten at home na abandoned ng nanay nya, pusakal sya pero if you look at it sobrang cute na nung naalagaan sa bahay. marunong silang gumamit ng litter box, basta ituro mo lang kung saan at dun lang sila babalik-balik pag kailangan nila. sobrang linis din nila kasi they clean themselves. hindi katulad ng aso na kahit paliguan mo eh mabantot pa din. ang pusa iwanan mo sa bahay they can survive, instinct nila ang mag-hunt ng kakainin nila.

if you really want a pet cat, hanapin mo ung website ng PAWS, you can adopt cute cats for 300pesos (although di ko alam kung ito pa din ung rate), vaccinated na un, dewormed, spayed/neutered na din. you don’t need to buy expensive cats kasi high maintenance mga un.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: