jump to navigation

wallet na maswerte Abril 15, 2008

Posted by gasti in kamalasan, muni-muni moments.
trackback

di ko na talaga maintindihan ang panahon ngyon. Abril pa lang. expected mo na mainit at nakatanaw ka sa asul na kalangitan kasabay ng pagsilay silay sa mga nakabikining chiching sa may dalampasigan pero bakit may bagyo? madilim ang kalangitan kahapon at panay ang ulan. akala ko katulad lang ng dati na sandali lang tapos mawawala na agad pero hindi. nagpabalik balik pa talaga. yung iba nga naming kapitbahay eh nakapaligo pa sa ulan. masama rin ang pakiramdam ko kahapon kaya di na ko pumasok. kain tulog lang ang ginawa ko maghapon.

tinext ako ng ka-opisina ko na palit daw kami ng sked dahil may sinalihan syang liga ng basketbol sa lugar nila. 8-5pm ako ngyon at bukas. wala namang kaso sakin yun dahil isang oras lang naman ako nag adjust. saka kahit 4pm naman ang uwian ko eh mga 4:30 nako nakakauwi. pero ngyon pagpatak ng alas singko impunto..out nako dito. :D  sweldo na sa wakas. eto lang naman ang masarap kapag nagtatrabaho ka. sunod na lang yung feeling na may “purpose” ka sa buhay.

kaya kahit mabigat pa rin ang katawan ko kanina pagkagising, pumasok na rin ako. dinaanan namin sila bayaw para sumabay na papasok. maingat akong nagpatakbo ng sasakyan dahil putik ang daraanan. may mga lugar na baha at as usual lubak lubak pa. bonus pa ang sakit sa tuhod ko na kaunting baluktot lang ay kumikirot na. pagkarating namin kanila bayaw, lumipat na ako sa passenger seat at nag relax. makalipas ang ilang minuto nasa tapat na kami ng building na pinapasukan ko. kinuha ko na yung bag ko at nagpaalam na sa kanila.

parang may kulang. napansin ko na lang yun nung naka akyat nako sa office namin. nawawala ang wallet ko! potek! kahit piso walang laman ang bulsa ko. andaming pumasok sa isip kong paraan para kumita ng pera pamasahe mamaya kasama na ang pamamalimos sa kalsada at pangingikil sa mga dumadaan sa  lobby pero hindi pa ganun kakapal ang mukha ko. “dumilihensya ka muna sa mga bading sa kabila” friendly advise mula sa isang ka-opisina. muntik ko na rin yung patulan. (joke) mangungutang na lang ako sa kaopisina ko tutal sweldo na mamaya. maibabalik ko rin yun bukas. hindi naman siguro tototohanin ni misis ang sinabi nyang uubusin nya ang laman ng ATM ko bilang ganti dahil inililihim ko sa kanya ang kabuuang kinikita ko. naiwan ko pala sa sasakyan yung wallet. buti na rin at ganun ang nangyari at hindi naiwan kung saan. pero ang malas ko naman ngyon. kadalasan pag sinabi kong wala akong pera may mahuhugot pa rin barya sa wallet o di kaya ay makapag withdraw ng pera sa ATM pero ngyon talaga wala. tanging puri at dangal na lang ang meron sakin. di naman nakakabusog yun.

Mga Puna»

1. Timogers - Abril 15, 2008

parekoy di ka na naglalagay ng barya sa bulsa? o dahil puro buo ang pera mo kaya wala kaing mailagay sa bulsa?

har har har

gasti: hindi na eh kasi meron ako alkansya sa bahay..diretso hulog na lahat ng barya maiwan. wala talaga akong kaperahan ngyon. ni singkong duling wala!

2. Lyzius - Abril 15, 2008

pinakamabisang advice yung binigay ng office mate mo…dumilehensya sa mga bading sa kabila…

hahaha…kung puri at dangal na lang natitira sayo nayun, tas pagbibigyan ang advice ni officemate…malamang me pera ka nga mamya ubos naman ang puri!

gasti: uu nga eh baka maglakad na lang ako pauwi kesa mawala pa ang pinakaiingat ingatan kong puri

3. Timogers - Abril 15, 2008

Daanan mo ako dito sa opisina mapapahiram kita.. bwahahaha

gasti: nyuk! mas malayo pa papunta dyan kesa sa bahay namin sa marikina.

4. Maldito - Abril 15, 2008

hmmm…at bakit maskit ang tuhod aber??masama ang pakiramdam kasi ano ang ginawa mo?..hahaha…madumi lang ang isip ko or madumi ang isip ko talaga?ahahha…ako nakuha ko na ang lahat ng money..tinatanong ko ulit mga officemate ko na, WHEN ANG SUSUNOD NA SWELDO? prang indi lang ako nag work nito..sheyt na problema to..grrrr…

gasti: ano kasi eh! nag ehersisyo ako. nakakasakit pala ng tuhod yun. nakuha ko na rin wallet ko..ubos na rin to malamang mamaya kaya tatamarin na naman ako pumasok..nakikiramay ako sa problema mo.

5. beero - Abril 15, 2008

hehe😆 sa lahat ng bagay na pwedeng maiwan, wag wallet. mahirap talaga yan. hehe😆 buti na nga lang sa opis ka papunta. kung sa ibang lugar yari ka talaga tsong. LOL. malaking problema yun kung nagkataon. baka talagang kinagat mo suggestion ng ka-opisina mo. hehe. pero baka lalo nga lang lumala sakit ng tuhod mo nun? ano ba yan, arthritis? hehe😆

gasti: uu nga eh at least sa opis meron mauutangan yari talaga ako kung sa ibang lugar ako pumunta. paniguradong nag taxi nako nun pauwi. pero hindi pa rin ako papatol sa bading😀 ewan ko ba sa tuhod ko minsan sinusumpong ng sakit..ganito ata talaga pag tumatangkad. lols!

6. linglingbells - Abril 15, 2008

malas naman nun! panu ka nakauwi?

agsti: pinautang ako ng 50 petot ng opismate ko..hehe! save!

7. angel - Abril 16, 2008

dumilehensya a bading? haha wag naman!

gasti: hindi ko naman tinuloy😀

8. ponchong - Abril 16, 2008

overrated na ang puri, importante may pera.

LOL…

gasti: haha! ibig mong sabihin…papatol ka😀

9. madbong - Abril 16, 2008

ganyan daw talaga pagtumatanda este maraming iniisip. buti na lang nakita din.

gasti: uu nga eh wala ako sa katinuan nung mga oras na yun.

10. popoy - Abril 16, 2008

gasti. makalimutan ko ng magsuot ng brief wag lang ko lang makalimutang magdala ng wallet o makalimutan ang wallet ko waaaahhhh hehhehe

daya mo wala ko sa blogroll🙂

gasti: hehe! sabagay mas ok nga walang brief. psensya na ngyon ko lang din napansin na wala ka pa pala sa blogroll ko..ayan check mo na ulit! walang daya! tapat na po yan😀

11. popoy - Abril 16, 2008

oo. okey na nasa blogroll mo na ko hahaha. salamat🙂

gasti: walang anuman😀 sino pa ba wala? idagdag na natin. lols

12. foobarph - Abril 16, 2008

gasti……. 500 for one hour, pwede ka daw ba? ^^

gasti: pakiramdam ko ako na si deuce bigalow..hehe! kapag wala na talaga ako makain pag iisipan ko yan.

13. koreanmine - Abril 17, 2008

dapat daw kc ang iniiwan eh yung ka.. 😀 Lols peacee mwah😀

magiwan ka ng kahit pang emergency na pampamasahe sa ofis, just in case umatake uli ang ..pagkakamalimutin mo😀

gasti: ka..? ano na naman yan mine? hehe! kahit di na..meron naman ako mauutangan dito eh

14. Lyzius - Abril 17, 2008

ako wala rin sa blog roll… pwede bang ako na sumagot nung ke mine kung ano yung “KA”

gasti: ahehe! chige lagay ko na rin😀 siguro naman hindi “katangahan” ang ibig sabihin nyan.

15. Lyzius - Abril 17, 2008

ayun natumbok mo men! Iwan ang kaengotan sa bahay para hindi abutin ng kamalasan!

wahahaha

gasti: haha! sige next time

16. wei vines - Abril 17, 2008

hala…karma siguro yan kasi lagi mo daw sinasabi na ‘wala kong pera’😆

pero buti na lang sa tsikot mo naiwan..at least may mababalikan ka pa😉

gasti: sabi nga nila wag mo sasabihing wala ka pera dahil di raw maganda..

17. geisha - Abril 18, 2008

ganyan na ganyan ang lolo ko dati bago sya namatay.:lol:

buti na lang hindi mo binitawan ang puri at dangal mo! pero favor naman, if ever pwede ba sa akin na lang😀

gasti: ulyanin? masyado pa ko bata😀. uhhmm..natakot ako bigla sa gusto mong mangyari. haha!

18. karmi - Abril 18, 2008

swerte naman tol. talagang wallet mo pa ang naiwan mo. tsktsktsk. pano ba yan, di pwedeng maiwan ang wallet mo kapag nagkita tau nila fiesta. ikaw ang taya ha.😀 hehehe..

tanging puri at dangal. mo? asan? lol

gasti: anong ako ang taya? habulan na lang gusto mo? haha! syempre ikaw taya.
intact pa rin naman ang kabirhenan ko. kasalukuyang nasa tigang mode.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: