jump to navigation

pasensya na tao lang Abril 18, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, self review, to whom it may concern.
trackback

nitong mga nakaraang araw pakiramdam ko nakikipag unahan ang blood pressure ko sa init ng summer. mabilis mag init ang ulo ko at kapag nasimulan na ng badtrip ako sa umaga tuloy tuloy na yun hanggang sa makatulog ako sa gabi. badtrip talaga. nung isang beses di ako makatulog sa sobrang bugnot kaya lumagok na lang ako ng redhorse. ayun maya maya lang tumba na agad. di ko na namalayan na meron palang gumalang lasing at naghahamon ng away sa tapat ng bahay namin mga alas dose ng madaling araw. siguro kung gising pa ko nun baka pinatulan ko sya. pero dahil sa may pamilya na pala ako baka nagtalukbong na lang ako ng kumot at unan. kinabukasan paggising, ang sakit na ng ulo ko. parang pinipigang ewan. kaya ayoko ng umiinom kapag galit eh doble lakas ng tama nun. ni hindi ko man lang nakalahati yung isang lata ng redhorse tapos ganito na epekto sakin. taena! anlakas ko pala uminom kung ganun.

sa totoo nyan eh kilala akong mahaba ang pasensya. bihira ako magmura sa totoong buhay. napapamura lang ako pag magkakasama kami ng kaibigan ko..katuwaan lang. at pag magkaaway kami ng misis ko. hehe! biro lang. di ko alam kung totoo ito ah! ang sabi ng mga matatanda samin hindi ka raw taga-marikina kung di ka palamura. kahit anong dahilan na lang kahit di galit may maririnig kang nagmumura. parang term of endearment ba. lalo na sa mga kabataan ngyon ang lulutong ng murahan nila. di ako mahilig makipag away..naniniwala ako sa katagang “make love not war”. mas ok namang tawaging malibog ka kesa naman mamamatay tao. pero kaya kong pumatay para sa mahal ko. hustisya nyo mukha nyo ngipin sa ngipin ang labanan dito. pag buhay ang inutang buhay rin ang kabayaran!.

pag nagdrive ako ayoko ng…

– makasabay ang mga malalaking trak na may laman pang tone-toneladang bato galing sa pag-quarry sa bundok. (mausok,maalikabok,nakakalubak ng daan at nakakasikip sa kalsada). gusto ko silang pasabugin lahat!

– mga sasakyan na mabagal ang takbo at hindi gumigilid.

– mga jeep na nagsasakay at nagbababa sa gitna ng kalsada.

– mga taong tumatawid ng biglaan sa daan na tipong nagpapakamatay.

– dumadaan sa palengke

– dumadaan sa mga rough road

mabilis mag init ulo ko sa mga ganyan. samahan mo pa ng sangkaterbang trabaho sa opisina, init ng sikat ng araw,pagkikipagtalo kay misis at pagtanggi sa gabi bago matulog, kaya ko ng kumitil ng buhay .

napapagod rin naman ako. ultimo weekends pakiramdam ko hindi ako nakakapagpahinga kaya nagugulat na lang ako minsan na lunes na pala..ang bilis naman! ubos na ang sweldo ko at nakakatamad na pumasok. wala pa kaming outing. nakakawalang gana lalo. yung ibang kumpanya nakarami na eh kami nasa planning stage pa rin makalipas ang 2 taon. pinapaasa nyo lang kami! welga na to!

may mga problemang hindi mo kayang sabihin sa tao. kaya kadalasan eh sinasarili na lang natin. at hindi mo na lang namamalayan baliw ka na pala sa paningin ng iba. maaari rin namang matuluyan ka pag di mo kinaya ang problema. baka isang araw akyatin mo na rin ang mga billboard sa edsa para lang mapansin ng ibang tao ang sentimyento mo sa buhay. kawawang nilalang.

o sya sya tama na ang usaping problema. wala naman ako balak magsenti o mangaral ngyon dahil wala na ang pagkabadtrip ko. pinabaunan pa ko ng isang masarap na sandwich na may palamang corned beef kanina ni misis at kahit pa sinabi nyang sasampalin nya ko pag umuwi ako ng bahay na hindi ko nakain ang sandwich na yun oks lang sakin. di ko inakalang magiging ganun sya ngyon kahit pa nagkabadtripan kami bago matulog. kung anong dahilan wag nyo ng itanong dahil usapang mag asawa ito. etchos!

at sa unang pagkakataon, sinubukan kong bumili ng laruan sa ebay.com.ph at hindi naman ako nabigo. sa loob lamang ng ilang minuto pagkatapos ko magregister dun ay nakita ko at nabili ang laruan na matagal ko ng hindi nakikita. (lightning mcqueen at ferrari f430 from the movie “cars”) karagdagang koleksyon na naman hehe! dyan lang sa loob ng megamall ang store ng nagbenta sakin at nagulat na lang ako ng makita ko ang mga tag price na nakalagay sa mga laruang binebenta nya sa ebay. mas mahal! di ko alam kung bakit ganun ang strategy nya pero buti na lang at mas nauna ako tumingin sa internet. at sa ngyon naman pumapatol na rin ako sa bidding ng mga items. nakakaadik pala! nag iisip na nga rin ako ng pwede maibenta. gusto ko sana yung mga basyo ng bote, plastic, bakal, tanso at iba pang kalat ang maibenta ko tapos i-pick up na lang sa bahay namin. ayos diba? easy money! di ko lang alam kung pwede magbenta ng laman, kaluluwa o internal organs dun pero malamang hindi. pero kung gusto nyo talaga magbenta ng ganyan ako na lang e-mail nyo😀 naalala ko pa dati sa sulit.com naman madami ang nagbebenta ng malalaswang dvd.. muntik na ko mapabili pero nanghinayang ako sa pera at isa pa madami naman mahihiramang kaibigan eh

unti unti na talagang nanunumbalik ang sigla ko. ganado na ulit akong mag ehersisyo! excited na rin ako umuwi dahil byernes na naman..ayos! sa tingin ko makakarami ako mamaya.. bwahahaha! happy weekends na lang din sa inyo dyan!

Mga Puna»

1. Maldito - Abril 18, 2008

hehe….sa ebay din ako tumitingin ng mga laruan..pero wag na muna ngayun…daming gastusin..ampootcha..nood kami ng sine bukas.forbidden kingdom..yan ang ming agenda ngayun weekend…hay…sarap ng buhay!

gasti: ahehe! uu nga lalo ka lang tatakamin bumili pag nakita mo na gusto mo. mukha ngang astig yang pelikula na yan..jet li and jacky chan first time nagsama sa pelikula. panalo! sige happy viewing na lang😀

2. McRey - Abril 18, 2008

Sa sulit din ba yung ad tungkol sa babymaker na pussy cat?

Hahahahah… may reliable pala ang ebay.

Dito naman samin, hindi ka taga-manggahan kung hindi ka nahihiya bumaba sa over-pass sa manggahan.

Hahaha… ewan ko ba, pero halos lahat ng kilala kong taga manggahan eh nahihiya sa manggahan… bukana pa lang daw kasi eh bangketa na.

Friend1: Manong ito bayad oh, sakto na yan papara na lang ako. Hindi kita dadayain. (isang friend na ayaw sabihin na sa manggahan sya bababa)

Friends2: Manong bayad po…
Manong: San to hija?
Friends2: Sa manggahan po (pabulong)
Manong: Saan?
Friend2: Sa manggahan po (pabulong)
Manong: Ah sa MANGGAHAN!

Hahaha… natatatawa na lang ako. Pero ngayon ok na samin, wala nang bangketa unti na lang.

gasti: haha! uus a sulit.com nga yung ad sa pusa. nakarating na rin ako ng manggahan ah andami ngang tindera sa bangketa..haha! andami talagang pasaway eh pero wala ka dapat ikahiya dahil di ka naman isa sa mga nagbebenta run.
naalala ko merong lugar na ang tawag eh bayan bayanan sa marikina kaya kapag nung isang beses may nagbayad na pasahero “Ma sa may bayan-bayanan lang po” tatawa na lang yung driver at sasabihing “ano kamo bayan bayanan? eh anong tawag sa inyo? tau-tauhan? lols!”

3. wei vines - Abril 18, 2008

hehe..si daddy gusto ng sagasaan yung mga tumatawid na wala sa sarili eh. Tsaka nagagalit din si daddy pag nagiba ung isip nang pupuntahan

Tita: Ayy kuya! daan muna tayo sa bahay ni Ka domeng! makikipag chikahan lang ako saglit.

Erpat: Tangina! perwisyo na nga tong ginagawa nyo eh! Tapos pupunta pa tayo dun?!

ayun.. tahimik na lang sila tita.

gasti: haha! mukhang nakakatakot naman yang daddy mo. ako kasi eh tahimik lang pero napapamura rin ako kapag nabadtrip sa byahe yun nga lang hindi ko naman minumura kamag anak ko.

4. kim - Abril 18, 2008

hahaha anong makakarami ka mamaya?

oie ang sweet naman ng misis mo, magpakabait ka!

at tska buti ka pa may kotse,
ako nakakasabay ko sa paglakad yang malalaking truck galing ng Montalban! punyeta! ang itim pa ng binubugang usok!

pti naglalakad pko sa palengke ng guitnang bayan papuntang sakayan. ampf ang inet!

at isa ata ako sa mga taong tumatawid ng biglaan sa daan na tipong nagpapakamatay. hahaha

Eto na pala ang blog mo, ikaw si pugante.wordpress dba?

gasti: alamo na yun kim! hehe! araw araw din akong dumadaan dun sa palengke ng guitnang bayan..may shortcut kasi dun papunta marikina. langya! andaming tao lagi gawa nung pila sa pagbili ng NFA rice lalo tuloy sumikip ang kalsada tapos sasalubungin ka pa ng malalaking truck..badtrip talaga!
oi mag ingat ka sa pagtawid sayang ang future mo. ako nga si pugante dati..pero wala na yun binura ko na kaya eto na ngyon ang kuta ko😀

5. linglingbells - Abril 18, 2008

buti naman at masigla ka na ulet!! thank god it’s friday!😀

gasti: lunes naman ngyon..inaantok nako at hindi naging maayos ang weekends namin. pag mamalasin ka nga naman.

6. xienahgirl - Abril 18, 2008

ulk.

ang init ng ulo mo
nadama ko

seryoso
nanakit din ulo ko

gasti: nyuk! nakahawa pa pala ako. pasensya na! inom ka na lang ng malamig na tubig

7. ponchong - Abril 19, 2008

mas lalo atang dumarami mga pasaway sa pilipinas. kadalasang ding dumudilim ang paningin ko kapag ka hindi ako pinagbigyan sa gabi tapos daming ipapagawa kinaumagahan, maghahanap ako ng patas. LOL..

ewan ko pero di talaga ako mahilig sa sasakyan.

gasti: haha! nakakasama talaga ng loob. normal ka naman pre! baka sa ibang bagay ka mahilig..

8. Lyzius - Abril 19, 2008

happy week end na jan sa atin, dito sa amin parang me monday sickness ako…yun nga lang sabado pa lang, so sabarday sickness to potek!

gasti: nalilipat pala ng araw yang sickness na yan..hehe!

9. FerBert - Abril 19, 2008

IBENTA MO KO! payag ako! mahal din por kilo ng baboy ngayon… hehehehe

gasti: haha! gusto mo mapasama sa binebenta ko? sigurado ka? mangangayayat ka panigurado.

10. bebenibadoodles - Abril 19, 2008

Medyo cool pa yata yung bayan bayanan kesa naman sa “Putatan” sa Muntinlupa. Buti na lang hindi kami doon nakahanap ng apartment kasi baka isipin ng pamilya namin sa Prabins na nagbebenta kami ni Badodols dito sa Maynila. Hay naku, bakit ba naman ganyan pangalan ng mga lugar dito sa ‘Pinas.

gasti: hehe ngyon ko lang nalaman yang putatan ah malansa siguro amoy dyan..lols! ewan ko nga rin ba kung saan nanggaling yang mga bansag na ganyan eh lakas ng trip.

11. koreanmine - Abril 19, 2008

meron din brgy. samen na bayan bayanan .. ewan kung tau tauhan lang mga andun😀

eh bat lahat nmn nagpapa init sa ulo mo ngaun… kulang ka ba sa….

.. sa paligo!😛

gasti: kulang lang siguro ako sa salapi saka sa masahe.

12. madbong - Abril 19, 2008

may laruan ka na naman pala. may nakita akong collectible dito nung isang linggo, yung mga kotse ni james bond na nakakabit pa yung mga gadget niya. kaso ang style sa kanye magbenta kasama siya sa magazine na kailang mo ding bilhin.

gasti: ayos sa marketing ah ginawang freebies ang laruan. malamang mahal din yan.

13. Jake The Miserable - Abril 20, 2008

“mas ok namang tawaging malibog ka kesa naman mamamatay tao.” – Amen! Mabuhay TALAGA ang lahat ng malibog!

Kaka-rinig ko lang sa balita na dahil nga sa init ng panahon e mas madalas ang pag-init ng ulo (sa taas, sige pwede na rin sa baba) ng mga tao. Kelangan daw uminom ng tubig. O kaya Red Horse.

Tayo yatang mga Pinoy ang isa sa pinaka-hardcore na motorista sa mundo. Meron tayong mga pag-uugali rito na hindi natin nakikita sa ibang bansa.

Hinga-hinga lang diyan, bord. 🙂

gasti: mabuhay! hehe! sarap nga ng ice cold beer sa panahon ngyon tapos paglasing na saka naman magsimulang magdrive..patok to!

14. Timogers - Abril 21, 2008

amp madaya ka!

kampay na kampay!

gasti: sige basta sagot mo

15. Timogers - Abril 21, 2008

lagi ka namang hindi pwede eh hahaha

gasti: pwede naman eh! basta simbahan ang pupuntahan😀

16. afro_samurai - Hunyo 24, 2008

Di ka taga marikina pag di ka palamura?

tangina oo naman!

gasti: taga marikina ka rin? hehe! kabayan!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: