jump to navigation

walang gana Abril 21, 2008

Posted by gasti in kamalasan, to whom it may concern.
trackback

wala akong gana magblog ngyon pero heto pa rin ako at panakaw na gumagawa ng entry sa loob ng opisina. ayoko na kasi mag isip kaya sinusubukan ko na lang libangin ang sarili ko dito. try ko magtype gamit ang putotoy ko na singtigas ng bakal at singtatag ng bloke ng semento habang nilalasap ang buga ng aircon sa mukha ko. buti rito maginaw di ko ramdam ang summer. ang sarap dito!

natatawa ako na nababadtrip sa nakaraang post ko. di kasi naging maganda ang weekends na dumating samin. friday pa lang ng gabi suka na ng suka ang anak ko. pati saturday night ganun pa rin kaya sa ospital na ang bagsak namin. weird kasi walang lagnat tapos bigla na lang nag eexorcist pag gabi..tuwing inom ng gatas sinusuka..masigla naman kapag umaga. pagkatapos masusi ng mga espesyalista (out na muna rito sa ganitong usapan si Aling Pemya at mga iba pang albularyo dyan), may nakitang kung ano sa wiwi at pupu ng anak ko..at malamang eh nadale sya ng UTI. mahirap intindihin ang mga medical ek-ek na ganyan dahil kung baga sa gamot generic lang alam ko. eh kulang na lang ng “N” at iba na ang dating ng kung ano mang sakit na yan o kung ano ang sanhi nyan. medyo related naman dahil may kinalaman pala sa pagpipigil ng ihi yun. iba pa yan sa tinatawag nating “balisawsaw” dahil gusto mo namang umihi nun kaya lang wala lumalabas. pwede rin daw ang cause nun ay yung kinain nya bago ngyari ang pagsusuka (primary suspect: chicharon bulaklak care of yourstruly.) ayun ang huling kinain nya bago sya nagsuka.

pero bago pa ako magmukhang albularyo na nakasuot pangduktor habang naghahalo ng semento sa isang construction site, ititigil ko ang mga haka hakang ganyan. tutal bukas na ang check up ng anak ko sa doktor kaya malalaman rin namin ang totoong dahilan. naging stressful ang weekends na inakala kong “pahinga mode”. naging iba tuloy ang dating ng family day aka sunday sakin. wala akong matinong tulog dahil sa inumaga na ako sa pagdadrive papuntang bahay-ospital. buti na lang at nailabas na namin ang anak ko kahapon at balik sigla na ulit sya. parang hindi nagkasakit kung titingnan mo. maga lang ang mata sa puyat at iyak na rin nung nilagyan at tinanggalan ng dextrose. nakakaawa tuloy kasi masyado pa sya bata at hindi man lang nya masabi kung ano nararamdaman nya.

pinaalam na agad namin kanila erpats na nakalabas na kami ng ospital dahil alam kong nag alala rin sila. laking gulat ko na lang ng binalita sakin na nag-collapse pala erpats ko habang bumibili ng tiles para sa pinapagawang bahay nila. alam naming lahat na highblood sya at hindi rin nakatulong ang matinding sikat ng araw at hindi nya pagkain ng agahan at tanghalian dahil sa pag aalala sa anak ko kaya ayun biglang na-blockout. buti na lang at medyo nahimasmasan na rin agad at nagpapahinga na sya sa ngyon. kasi naman pasaway. sa kanya siguro ako nagmana. ayaw magpacheck-up o magpa-bp man lang dahil siguro sa takot na i-confine sa ospital at bigyan ng listahan ng gamot na kelangan bilhin. ang hirap talaga mangumbinse ng matanda. ang ngyari tuloy kami naman ng anak ko at ni misis ang dumalaw sa kanila para kumustahin sya nung gabi. sumaya naman sya nung makitang masigla na ang apo nya.

kaninang umaga naman pagkagising ko saka ko lang naalala na naiwan sa san mateo ang bag ko. sa marikina kasi kami natulog at naghakot na kami ng ibang damit kagabi dahil under observation pa ang anak ko at wala naman kami mapapala sa mga ospital run kaya balik marikina kami pansamantala. yun nga lang di naisama sa impake ang bag ko na may lamang susi ng opis. nakanampoots talaga dahil binalikan ko pa yun kanina. napasabak na naman tuloy ako sa mahabang pila ng mga sumasakay sa shuttle at mga barumbadong hapit na jeepney driver. lagpas isang oras pa akong late. pagdating ko pa sa opisina down ang isang server. anong klaseng kaganapan naman kaya ang makapagpapasaya sakin sa araw na to? makatulog na nga lang mabuti pa.

Mga Puna»

1. Lyzius - Abril 21, 2008

wawa naman baby mo… kapag ganyan mahihiling mo na lang kay lord na sa iyo na lang ipasa yung sakit wag lang sa anak…

oist me tanong pala ako, dinelete na ba ni chilli blog nya? sayang naman…

gasti: sinabi mo pa. mahirap talaga kapag bata maysakit kasi hindi nya masabi kung ano nararamdaman nya. di ka nagkakamali. deleted na ang blog ni chilli.

2. madbong - Abril 21, 2008

hirap talaga pag anak ang maysakit. bro sa puntong yan ako bilib dito – libre ang hospital dito. sabihin mo nang public din pero ang layo naman sa mga public na ospital sa atin. yung isang anak ko kala namin nabalian sa kamay, ayun asikaso namang mabuti. ang e-libs ako lahat nakacomputer ultimo x-ray result kaya mabilis din ang diagnosis

3. Maldito - Abril 21, 2008

kawawa naman ang baby mo bossing…tsk tsk..sana gumaling na siya..pareho lang tayu..pagod na nga sa opisina papagurin padin ng pamilya..pero sila din ang nagbibigay ngiti sa atin..naks..ang seryos ng post..ahe he he..

ganyan talaga ang buhay..pag nagumpisang magsilabasan ang kamalasan buong week na yuh. Ika nga, when it rains, it purrss……dont wory babalik ka din sa dating anyo.LOLS

4. Maldito - Abril 21, 2008

oist..bakit pala dinelete ni chili ang blog niya?

5. FerBert - Abril 21, 2008

eee.. ayokong nakakakita ng batang may sakit.. pag nasa ospital ako parang gusto kong mamatay pag naasign ako sa pedia..

6. Jake The Miserable - Abril 21, 2008

It’s like as if everything is fucked up. Hinga-hinga lang, bord. Malalampasan mo rin ‘yang mga pagsubok na ‘yan, lalo na’t meron kang impression na magaling dumiskarte.

gasti: meron palang ganung impression? hehe! basta ang alam ko hindi ako magpapahuli ng buhay. salamat pards!

7. wei vines - Abril 21, 2008

naman…parang sunod sunod ata ah…

8. dave1112 - Abril 21, 2008

yup kita ko nga rin…sabi lang sakin ni wei..though nandun pa sa search results sa google yung blog nya…sayang naman…nga…

9. Geisha - Abril 21, 2008

haggard! mag rest ka! pamasahe tapos tulog ng matagal! a good massage will do..😀

10. aga - Abril 22, 2008

wla pang gana yan ah!! kaya m yan! asust..

11. jeck - Abril 22, 2008

haist. when it rains, it fours master gasti. mabuti na lang at naging okey na rin ang lahat.

wala na yung blog ni chilli???

12. madbong - Abril 22, 2008

bakit nga ba di-nelete ni chilli yung blog niya? pagpunta ko kangina wala na huhuhu.

13. kengkay - Abril 22, 2008

gasti, ilang taon na yung anak mo, kasi kapag kids di ba hindi sila marunong pa magpigil ng ihi? i hope everything would be ok. mahirap may sakit ang mga angels natin e

gasti: 2 and a half yrs old ate kengks. sa pagkakaalam ko dahil minsan sa diaper kaya nagpipigil sila umihi. pero sa ngyon naman eh ok na sya at continous pa rin ang pagpapainom ng gamot.

14. repah - Abril 22, 2008

grabe pla nangyari syo pare… una ky baby.. sna okey na siya.. 2nd sa iyong erpats nku grabe tlga ang hi-blood pareho sa mudang ko tapos yung bag mo.. well ganyan tlga ang buhay.. isipin mo na lng artista ka.. hehehe

15. kim - Abril 22, 2008

“try ko magtype gamit ang putotoy ko na singtigas ng bakal at singtatag ng bloke ng semento habang nilalasap ang buga ng aircon sa mukha ko.”
-tae gasti ka nga talaga!

“UTI. mahirap intindihin ang mga medical ek-ek na ganyan dahil kung baga sa gamot generic lang alam ko. eh kulang na lang ng “N” at iba na ang dating ng kung ano mang sakit na yan o kung ano ang sanhi nyan.”
-haha tawa ako dito e

“pwede rin daw ang cause nun ay yung kinain nya bago ngyari ang pagsusuka (primary suspect: chicharon bulaklak care of yourstruly.)”
-ampf ka nelo! bakit mo naman pinakain ng chicharon? tae ansarap mong kutusan haha

pero buti naman at um-ok na ang anak nyo at sana wag na ulit mahimatay ang tatay mo

gasti: mahilig kasi sa chicharon ang batang yun. haays. sori na di na maulit.

16. napundingalitaptap - Abril 23, 2008

ahehe, magingta pala sa pinapakain kung ganoon…

ano na po bang edad nya at sa lahat lahat ng inabot nyo e chicharon bulaklak pa… hehe, kasi po kahit medyo malaki na kami dati e ayaw pa din kaming pakainin nun ng magulang namin,,, ahehe.

at buti okay na ang anak at tatay mo, nakopo, baka susunod ka na, tsaring lan…

ingat po.

gasti: 2 and a half yrs. old pa lang sya. pasalubong ko kay misis yung chicharon eh kaya lang nanghingi sya..nabigyan tuloy.

17. kc - Abril 23, 2008

Pucha, tawang-tawa ako sa 1st paragraph. Mabenta!!!!!
Sana gumaling na si Junior….


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: