jump to navigation

where’s chilli? Abril 24, 2008

Posted by gasti in to whom it may concern.
trackback

dine-dedicate ko ang post na ito para sa isang kaibigan nating yumao na (sa blogging world). sa mga kaibigan, concern citizens, fans at detractors ni chilli, iniwan na po nya tayo. sumakabilang ulam na po sya.

biglaan to at hindi nya rin ako kinunsulta kung ano ang dapat nyang gawin sa blog nya. siguro eh ayaw na rin nyang pigilan ko sya. akala ko nga eh nagsu-surf lang sya ng malalaswang site sa tabi ko kasi medyo pawisan ang itsura nya at parang di mapakali yun pala eh nagde-delete na pala sya ng blog. nakangiti pa sya sakin nung tinawag nya ko.

chillidobo: uy pre may malungkot akong balita..magugulat ka!
gasti: ano yun?!
chillidobo: sige punta ka sa blog mo
gasti: ha? bakit may comment ka ba? sige check ko.
chillidobo: wala basta. click mo yung link ko.
gasti: ok. (at nakita ko rin ang pahina na nakita ng iba pang nilalang na bumibisita kay chilli) ano to? dinelete mo na blog mo? sinong umaway sayo? nabuking ka na ba?
chillidobo: wala naman. basta. saka ko na lang ikukwento.

at ganun na nga ang ngyari. kitams pare-pareho lang tayo walang muwang dito. nabanggit naman nyang baka gumawa ulit sya ng blog pero hindi pa sa ngyon at malamang sa ibang katauhan na (o kaulaman). nais nya  ipabatid sa inyo ang kanyang lubos na pasasalamat sa pagtangkilik, pagtikim, pagkagat, pagsubo at paglunok nyo ng mga nai-post nyang kwento. pare-pareho lang tayong nasarapan. pare-pareho lang tayong nabusog. chilli! ur da man! (apir!) sabay (utot). *palakpakan!

narito nga pala ang liham pamamaalam ng ating kaibigan na si chillidobo. ihanda na ang inyong telescope, binoculars at magnifying glass. makakatulong yun sa inyong pagbabasa ng maigi. salamat!

a chilli to remember

P.S. pasensya na at wala rin ako sa katinuan ngyon dahil sa dami kong iniisip. nasa ospital ang tatay ko simula pa lunes ng gabi. hindi pa sya makatayo dahil nahihilo sya. hindi ko sinasabi sa inyo to para magpaawa dahil ayoko ng may ganunan pang eksena. di ko alam ang iba sa inyo pero ako mahal ko ang tatay ko at sana gumaling na sya agad para makita nya at matirhan ang bahay na pinagtutulung tulungan naming ipagawa. at syempre gusto pa namin syang makasama ng matagal.

Mga Puna»

1. linglingbells - Abril 24, 2008

kaya talaga pinuntahan ko kagad tong blog mo para tanungin kung anung nangyari kay chili? sayang naman, sana di na lang niya dinelete para mabasa ko pa yung mga entries niya na di ko pa nabasa.. pakisabi na lang sa kanya na mamimiss ko siya.. sa totoo lang, dati may blog na ako (blogspot) pero nawala din yun at nabuhay ang tililing ni lingling sa wordpress dahil sa na-inspire akong magblog muli dahil kay heneroso (na dinelete na din ang blog niya) at kay chili.. haaayy.. gasti, wag kang umalis ha, dami ng umaalis, nakakalungkot..

gasti: marami na rin akong nagawang blog sa blogspot dati na ngyon ay wala na rin. may kanya kanya tayong rason para tumigil sa pagsusulat. kahit ako di ko rin masabi kung hanggang kelan tong ginagawa ko..

2. linglingbells - Abril 24, 2008

nga pala, sana mabilis ang recovery ng tatay mo.. sasama ko siya sa prayers ko..

gasti: salamat ling!

3. madbong - Abril 24, 2008

salamat bro sa pagbibigay ng impormasyon ukol kay chilli. pakisabi na lang sa kanya “thank you and wishing you all the best” mula sa akin. ipagdarasal ko pati na gumaling kaagad ang iyong itay.

gasti: salamat pre! lahat ng nagco-comment dito pinapabasa ko kay chilli.

4. antuken - Abril 24, 2008

nawa’y gumaling na ang tatay mo… at ano naman nangyari kay chilli? ni-tag ko pa naman sya… natatawa ako sa inyong tatlo nina maldito, apat pala actually, nagbebentahan talaga kayo eh ano…

eniwei, i just tagged you too… hehe…

gasti: ganyan talaga magkakaibigan..nagbubugawan.
yung mga tags saka ko na sasagutan ha! may mga pending pa pala ko.

5. koreanmine - Abril 24, 2008

ano kya nangyayari sa wp at dami uma alis..

regards sa dad mo…

gasti: thanks mine.

6. Maldito - Abril 24, 2008

mabuti naman at nag delete siya..lols..ang sama naman..daming umaalis..keysaya pa naman ng good times natin dito tapos unting unting nawawala sila..grr….ang sama pa kasi deniny ang english blog ko….dollars na sana…grr..bwesit na mga kano yun!indi marunong magbsa ng tagalog!lols..

wish your father good health buddy!sana gumaling siya..

At kay chili!ampotah bumalik ka n!

gasti: oks lang yun pre. may goodtimes pa rin naman kami rito sa ofis. saka may ym naman lagi pa rin online yun. wag kang susuko dollars din yan kikitain mo kung sakali. salamat!

7. xienahgirl - Abril 24, 2008

nadidinig dinig ko na
si chilidobo dati pa
pero di pa ako napunta
sa site niya
hahaha

sorry ho😐

pero nung nabasa ko na
yung liham niya
nakita ko yung sarili ko
minsan kasi ganun ako
parang gusto ko na rin matapos
sa blogging karir
natamaan nga ako
sa sinasabi niya
na aalis pero pautot lang
hahaha

pero darating ang araw
na seseryosohin ko na yun
nagusto mo na lang kumawala
mula sa hibla ng links

darating din yun sa panahon ko

gasti: siguro naman mag iiwan ka rin ng farewell letter gaya ni chilli..:D pero saka mo na isipin yun.

8. Lyzius - Abril 24, 2008

oist bro, uing last post mo yung baby, nayun yung tatay..hirap yang ganyan dami iniisip..bro kahit ganito lang ako nagdadasal din ako, kaya sama ko na lang si dad mo at baby sa prayers…

ps…hindi ko mabasa ang sayonara nya..

gasti: salamat bro! click mo na lang yung image para medyo lumaki tapos saka mo gamitan ng magnifying glass

9. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Abril 24, 2008

kaya mo yan tsong..you can do it..pare-pareho lang tayo na medyo wala sa katinuan ngayon..
ingat parati

gasti: ikaw rin tsong. ingat ka dyan wag ka na papahuli ulit.

10. jeck - Abril 24, 2008

salamat sa impormasyon, pakisabi kay chilli hintayan na lang kami sa kabila. lolz

i pray na bumuti pa ang kalagayan ng tatay mo, master gasti. all the best.

gasti: saang kabila yan? hehe! salamat tsong!

11. angel - Abril 24, 2008

ang dami nga.. sana dumalaw-dalaw pa rin sya, parang ako..😦

gasti: nagbabasa basa pa rin naman sya minsan

12. karmi - Abril 25, 2008

tsong, sana maging ok si tatay.🙂

umalis na pala si pareng chillidobo. sya ung opismate mo diba? sayang di ko man lang sya nakilala. pakisabi na lang na gudlak sa mga plano nya sa buhay. ^_^

gasti: medyo ok na si tatay nagpapahinga na lang sa bahay. uu si chilli nga yung opismate ko.

13. kim - Abril 25, 2008

napuntahan ko na site ni chillidobo at nkapagbasa na dn.

sayang nman at dinelete nya ung blog nya. nkakatawa pa nmn.

oie sna gumaling na tatay mo.
pagdadasal ko dn xa.

gasti: thanks kim. medyo ok na sya ngyon.

14. MisyeL - Abril 25, 2008

Tagal kong di nakapasyal sa mga blogmates ko at nakakagulat na isa pala si Chilli sa namaalam sa blogging. Sunod-sunod sila ah, baka naman magtu-tour lang muna? hehe… Sana makabalik pa sya, isang magaling na blogger.

I hope tuluyan ng gumaling dad mo.

gasti: pwedeng bumalik sya. siguro.

15. Abad - Abril 26, 2008

Sana maging maayos ang kalagayan ng tatay mo bro.

Ang dami ngang umaalis na bloggers. tsk.

gasti: salamat bro. marami lang sigurong bloggers ang gustong magpahinga

16. kengkay - Abril 26, 2008

sana gumaling na si dad mo. as for chilli – bilib ako sa ginawa nya ha. i delete nya ang blog nya. parang hindi ko kayang gawin yon kasi ang daming memories na dumaan sa mga posts ko e. gusto ko mabasa rin yon ng mga anakis ko at mga magiging apo ko — baka gawin ko pang private, pero i delete? hhmm… hirap yata. sa yo chilli — salamat sa pagbisita sa blog ko ha. sana masaya ka sa naging desisyon mo.

gasti: ahh sabagay nakakabasa na pala anak mo. yung blogging ko rin walang kasiguraduhan parehas kay chilli. pero wala pa naman sa isip ko ngyon na magbura ulit ng blog.

17. folknut - Abril 27, 2008

ahah!!..another one bites d dust ba pareng gasti…alisan na ba hehe..kaka umpisa ko lang e…nag alisan na waaa

http://folknuts.wordpress.com/2008/04/26/folknutscraze-2_sulat-kay-pareng-gasti/

gasti: hehe! salamats a letter bro. babalik rin yang mga umalis na yan.

18. madbong - Abril 27, 2008

nakalabas na ba ng ospital si itay? sana gumaling na siya.

@lyzius – napagkamalan ka na namang lalake marekoy hehe

gasti: uu pre. nagpapagaling na sya sa bahay.
babae si lyzius? ahehehe! sensya na po bangag lang ang inyong lingkod😀

19. Geisha - Abril 28, 2008

sad naman nyan!
sana ok na daddy mo!
my prayers are for him..😉

gasti: medyo ok na tatay ko. salamat sa prayers.

20. ellieshe - Abril 28, 2008

,ang daya ni chilli..hmp!

– isinama ko sa prayers ko si itay..hehe…sana gumaling na siya ng tuluyan…😉

gasti: madaya talaga sya. lols! salamat😉

21. linglingbells - Abril 30, 2008

wahh! dinelete na rin ni jeckyll yung blog niya!!

gasti: ang galing noh? parang they are destined for each other. lols!

22. maanghang pa rin « The Invisible Blog - Mayo 27, 2008

[…] mga huling araw ng Abril at marahil ang iba sa inyo ay nakabasa ng kanyang liham pamamaalam na pinost ko dito. wag kayo mag alala dahil nabasa naman nya lahat ng comments nyo at naihatid ko rin sa kanya ang […]


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: