jump to navigation

makasalanang mata Abril 28, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

(hard hat area: safety first)😉

ang isa sa mga sangkatutak na physical qualities na nagustuhan sakin ng misis ko at ng mga kaibigan kong babae ay ang aking mga mata. huli na siguro ang katawan. naging kapansin pansin ito dahil noonpaman ay may ‘pilantik’ na raw ito gaya ng sa babae. maihahalintulad mo rin ito sa pilikmata ng kambing dahil sa nakakapagpaligaya rin ito ng kababaihan (in a different way). wala naman akong nakikitang kaibahan nito sa mga matang nakikita ko maliban na lang kung banlag at duling ang makaharap ko. gaya ng ibang pinoy, kayumanggi rin ang kulay ng mga mata ko.

sa tuwing may makakakita sakin sa unang pagkakataon (noon), lagi na lang pinapansin ang mata ko. epektib rin pala ang turo ng nanay ko kung pano “mag-beautiful eyes”. galeng! kapag ginisang gulay ang niluluto ng ermats ko, talagang hinahanap ko pa ang mga kalabasa para kainin ito. hinahalo ko pa sa kanin na parang “star rice” ang dating. pakiramdam ko kasi lumilinaw at gumaganda ang mata ko pag kumakain ako nun. kelangan alagaan ang asset dahil magagamit ko to sa pamboboso este sa panliligaw pala. sabi nga nila “beauty is in the eye of the beholder” so meaning nasa mata talaga ang sukatan ng kagandahan (sorta kinda parang ganun).

at ayun na nga ang ngyari. kaunting pagpapa-cute lang with matching tons of made-up-stories (patawa epeks), naka-score din ako. naging kami ng misis ko. patago nga lang ang relasyon namin noon dahil baka malaman ng iba kong kabarkada at lalo na ng kapatid nya na classmate ko rin. ah basta magulo yung part na yun ng college life ko. (mahilig nga kasi sa patago!) di kalaunan gaya ng blog ko, nabuking rin kami. lakas loob naming ibinunyag sa kanila ang aming sikreto dahil sa mahirap naman talaga ang buhay-pugante. makalipas ang ilang buwan, ok na ulit ang lahat.

gaya ng ibang couples dyan na buo pa hanggang ngyon, marami rin kaming eksenang hindi malilimutan. simula sa mga eksenang napapanood nyo sa mga pa-tweetums na pelikula sa sinehan hanggang sa mga ilang piling eksena sa mga porn dvd’s…syempre nag aaway rin kami minsan. at kadalasan may kinalaman sa usaping pambababae. di ko lang alam kung nasa mukha ba talaga yan at wala sa ugali para masabing babaero ka. di naman ako gwapo at hindi rin ako mayaman. hindi ko rin nakaugalian na makipagkilala sa mga estrangherong nakakasalubong ko. hindi rin uso sakin yang mga pick-up lines na yan para lang makapick-up ng chiching na willing. ang sa akin lang kung ano ang madaanan ng mata ko, hanggang dun na lang yun. kasalanan na bang matatawag kapag wala sa planong napatingin ka sa maputi at makinis na legs ng babaeng papalapit sayo? o di kaya sa nakaluwang boobs ng isang binibining tumuwad sa harapan mo dahil nalaglagan sya ng barya? sino ngyon ang may kasalanan? kaming mga lalaki na napapatingin o ang mga babaeng nagsusuot ng paboso outfits.

di ko rin alam kung sino ang nagpauso na ang dahilan o sanhi ng pagkakaroon ng kuliti ay may kinalaman sa paninilip. sa kasamaang palad, mayroon ako nito ngyon sa ibabang bahagi ng kaliwa kong mata. matagal na ito at hindi nawawala ng lubusan..napapansin lang ng ibang tao kapag medyo gabutil na ng munggo ang laki pero klaruhin lang natin na hindi ito dahil sa palagian kong paninilip sa mga giwang o butas ng kungsinoman at saka hindi ko nga pala gawain yun. siguro dahil na rin sa maghapong pagbababad sa computer at pagkusot ng mata gamit ang dirty finger. kanya kanyang teorya lang yan.

bagong gupit pala ko ngyon. balik hayskul na ulit ang itsura ko sa gupit kong 2×3. nakakagamit na tuloy ulit ako ng gel. salamat sa barberong gumupit sa aking di ko mawari kung lalaki ba o tomboy dahil tingin ng tingin sa tv para sulyapan ang performance ng coverboys sa Wowowee. maginhawa sa pakiramdam parang nabawasan ako ng timbang sa pagkakawala ng buhok ko pero ayos lang. malinis naman tingnan.

saka nga pala sa mga promo girls ng axe vice na nag abot sakin ng deodorant. salamat. pati na rin dun sa limang yamaha girls na nag abot ng flyers nung isang gabi na naging sanhi ng pagka-trapik, uu napansin ko kayo pati na rin ng misis ko kaya nga di ko na kayo hinintuan eh. iwas pusoy lang.

Mga Puna»

1. Lyzius - Abril 28, 2008

pers ba ako? hindi naman halatang atat…hihihi

opo, babae ako…me angal?

joke lang!

gasti: uu pers ka! at wala naman akong angal sa pagkababae mo..hehe! napeke mo ako dun.

2. Maldito - Abril 28, 2008

ahehhee..pareho pala tayu…minsan nga pinangarap ko na sana naging eye lashes nalang ang mukha ko.ahahha..yan dina ang aasset ko..lols..ako nagpakalbo..masakit pala sa ulo ang global warming.ginigisa ang utak ko.wahahhaa..

aminin mo na kasi na aside from collecting toys, pambubuso ang hilig mo. wala naman masama yun eh. promise, indi ka namin pagtatawnan.lols

gasti: siguro sunog na ang anit mo. lols! bagay naman sayo kalbo eh. tipid ka pa sa shampoo,gel at suklay.
iba naman ang pagsilay sa pamboboso. haha!

3. madbong - Abril 28, 2008

sana masilayan ko din ang iyong mapupungay na mata LOLS

gasti: ahahaha! saka na ang silayan papagalingin ko muna ang kuliti ko.

4. linglingbells - Abril 29, 2008

ang una ko ding tinitingnan sa tao ay ang mga mata.. dahil sa mga sinabi mo dito, gusto ko tuloy makita mga mata mo..😀

at naniniwala din akong hindi ka namboboso.. hehe!😆

gasti: wag ka masyadong mag expect kasi di naman ako artistahin. lols! buti na lang at may mga tao pang kagaya mo na mabilis maniwala..hehe!

5. jeck - Abril 29, 2008

wahaha. parehas pala tayo ng assets master gasti. mata rin ang nagugustuhan sa akin ng mga babae eh. lols
isa pa, 20/20 pa rin ang vision ko. salamat at nasaulo ko ang ibang letters sa snellen chart. ahehe

nga pala. tama ka sa sinabi mo, gagawa ako ng patagong blog. baka sa year 2009 ang launch. haha. bahala na. tatambay pa rin ako dito lagi.😀

gasti: buti ka pa nakabisa mo.. ako dati napahiya pa sa eye exam na yan potek wala sa loob kong nasabi ang number 1. taena puro letters nga lang pala laman nung chart. bagsak tuloy.
salamat sa pagtambay..aantabayan ko yang bago mong blog.

6. kuri - Abril 29, 2008

naalala ko lang ung receptionist sa marco polo davao nung honeymoon namin.

“sir, i like ur eyes po!”

nakita kong naningkit ang mga mata ni misis pagkatapos nya marinig yun.sabi ko nlng,

“di lang sya makapagpigil!” *kilig*

nakitambay lang parekoy!

gasti: haha! ang landi naman nung receptionist na yun. buti na lang at hindi sakin ngyari ang eksenang yan dahil malamang nabigwasan na ako.

7. kuri - Abril 29, 2008

salamat din sa pagtambay. add kita pare!

gasti: salamat rin. sige xlinks tayo.

8. Lyzius - Abril 29, 2008

nyahaha… ang lantong naman nung receptionist na yun sa marco polo…

gasti boy, hindi naman nagkakalayo yang avatar na yan sa true to life pichur ko…kaya para lang ako nagsasalamin sa litratong yan

gasti: di ako naniniwala. eh parang kayang lumunok ng niyog yung lalaki sa avatar mo eh

9. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Abril 29, 2008

pahiram naman ng mga mata mong yan..parati daw ako antok dahil sa mata ko…tuloy minamalas ako parati nung plebo ako…

pero tama ka parekoi, wala tau kasalanan kung may makita tau na nakausling boobs o dimples ng wetpaks. saka bawal ba i-appreciate ang nature’s beauty?!?!😆

gasti: ahh malamlam yang mata mo. mahirap nga yan lagi ka mapagkakamalang inaantok kahit hindi.
biktima lang tayo ng mapanuksong kababaihan. tsk. tsk.

10. eloiski - Abril 29, 2008

weeee. . .
mahaba rin ang aking mga pilikmata. . .

hahaha!
at talaga namang marami naeelib sa mata natin nyan!
wa[paK!

gasti: hehe! yung mata ko medyo lumabo na..ikaw bata ka pa kaya alagaan mo yan.

11. FerBert - Abril 29, 2008

kirat ako! huhuhuhuh.. chinitong kirat..

Sabi nga ni ruffa G… Eyes is the chenelin eklavu chervelee chu chu.. nakalimutan ko na sinabi nya eh.. hehehe

gasti: wag ka na malungkot dyan. kirat din naman si mark herras at si patrick garcia pero hindi naging kabawasan yun sa itsura. daanin mo na lang daw sa kantahan..hehe!

12. antuken - Abril 29, 2008

hmmnn… naintiriga tuloy ako sa mga mata mo… hehehe.

gasti: dahil sa may kuliti? ahehe!

13. aga - Abril 30, 2008

parehas tau un ang kaisa-isa kong asset un lang! asust…. ang pilik mata!!! aheheheheh ^^

gasti: at least meron kahit isa..hehe! gumagamit ka rin ng hair grower? lols

14. swww - Hulyo 24, 2009

waahahahahaha

15. georgina - Disyembre 31, 2009

da man ? ngat’x naxana


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: