jump to navigation

looks can be deceiving Abril 30, 2008

Posted by gasti in to whom it may concern.
trackback

nitong mga nakaraang araw hindi miminsan na inisip ko na magpost na ng pic ko dito sa blog ko. pero ewan at parang may pumipigil sa akin na gawin yun. marami na rin akong blog na napuntahan at karamihan sa kanila ay naglalaman ng larawan ng may akda. kahit yung mga hindi nagpapakita ng mga itsura nila dati, ngyon eh naglaladlad na rin. ang batjay fanatic na si jeck unang lumabas ang mukha suot ang napanalunan nyang GreenPinoy shirt, si Maldito naman rumarampa na ngyon ng naka t-brief sa kalsada! bilib naman ako sa marketing strategy ni mokong. magaling dumiskarte para makahatak ng customer. porsyentuhan mo ako ah..nga pala pinost ko na yung pic mo sa ebay..hehe! si chilli naman kahit tago mukha nya sa yumao nyang blog eh araw araw ko naman syang nakikita rito sa ofis..si pareng badoodles rin walang takot nagsiwalat ng wedding pics nila ng bebe nya..si randomdemeanor nakita ko na rin sa petmagazine. si lingling ganun din nanonood pa ng basketball game medyo patalikod nga lang. pati si koreanmine nagkakaroon na ng linaw ang mga pics nya. perstaym rin si xienah nagpakita ng kabuuan ng kanyang likod. at eto ngang huli ay ang napakakontrobersyal na si mang jon este Jon “the man!” cabron na kasalukuyang nakikipagbuno sa distractor nya. nagulat ako dahil di ko akalaing isisiwalat nya ang flickr account nya at isa pa hindi sya mukhang mabangis gaya ng nabuo sa isipan ko. looks can be deceiving ika nga.

sa maniwala kayo’t sa hindi nakapagpost na ako ng pic ko rito sa blog ko. mga 5 days din ang itinagal bago ko binura dahil wala lang. trip ko lang. yung mga yumao ko ring blogs meron ding litrato ko pati na rin mga dabarkads ko nung college. at naalala ko pa pati studio pic ng anak ko pinost ko sa isang entry dun. ganun ako magpost dati. kumbaga sa exam, open notes..pero simula ng magtago ako tinigil ko na ang pakitaan sa sistema ko ng pagsusulat. simple lang dahil ayokong matunton ng mga pinagtataguan ko lalo na ng misis ko dahil pakiramdam ko eh ipapupulis nya ako sa mga pinagsusulat ko. patong patong na kaso ang pwede nyang isampa sa akin na may kinalaman sa kabastusan at pambababae. naturalmente, “not guilty” ang plead ko sa mga yan dahil inosente akong tao. gamit ang laspag na linyang “were just friends” at sa mga mapagkumbabang sagot na “di ko yan kilala sa personal at hindi naman ako nakikipag eb eh” with matching maamong tupa looks at me-love-you-longtime facial expressions eh nakaraos rin ako sa bagsik ng liedetector.

sa ngyon, matiwasay na ang pagba-blog ko. di na masyadong inuulan ng batikos ang mga pinagsusulat ko rito. magaling na rin ang mga bukol ko sa ulo. ang mga dating sugat ko noon ay naging peklat na. pwede ko ng isulat ang lahat ng gusto ko ikwento.. ay teka hindi rin pala lahat. lols! wag na nating lahatin dahil mace-censore na naman tayo ng MTRCB. kumbaga sa pagmamahal (taena mala-dr. love na naman ang dating ko neto), wag mo ibibigay lahat. magtira ka para sa sarili mo para naman hindi ka nagmumukhang engot na nagmamaktol sa sulok pag iniwan ka ng labidabs mo. ipaubaya na lang natin kay Ka Gerry Geronimo at kay Kuya Kim ang pagtuklas sa mga bagay na gusto nating alamin.

ano bang meron sa mukha ng mga blogger na gusto natin makita? walang pinagkaiba sa mga taong nakakasalubong nyo sa daan at nakakasabay sa jeep o bus pagpapasok ng iskul o opisina. anong malay natin magkasabay na pala tayong tumitingin ng laruan sa megamall, o kaya nakapila para bumili ng pagkain sa Jollibee…pwede ring kakilala pala ako ng kaibigan ng pinsan ng hipag ng kaklase mo. di natin alam. kung naaaliw ka sa pinagsusulat ng isang blogger, magsisimula ng maglikot ang isipan mo at umasang ternuhan sana ng isang may itsura kundi man gwapong mukha ang nasa likod ng blog na kinagigiliwan mo. kaparehas rin ng sa babae kung may pagkapilya at maraming titilating entries ang nababasa mo, masarap isiping isang maganda at seksing babae ang nagsusulat ng mga yun. mas maganda or mas gwapo = mas maraming hits. kasunod na rito ang maraming indecent proposals.

at kapag nakita mo na ang itsura ng taong hinahangaan mo sa pagsusulat, nawawala na ang thrill. wala ng suspense. at baka mawala na rin ang kredibilidad mo. ganyan talaga ang buhay kapag nahaharap ka sa mga taong mapangusisa. kapag nagsulat ka ng samu’t saring kabarberuhan, madali mong mapapaniwala ang mambabasa mo lalo na at may talent kang manggoyo pero kapag sinabi mong gwapo ka or maganda ka kelangan mo muna magpakita ng ebidensya o pruweba bago ka nila sang ayunan. at kung hindi ka pumasa sa standards ng kagandahan nila, mapapahiya ka pa. and worse yung mga dating nagpapalipad hangin sayo, tuluyan ng liliparin ng hangin at hindi na ulit magpaparamdam. “hu u po?!”

tapusin na natin rito ang mga haka-haka, panghuhula at pag iimagine. tigilan na ang mga intriga at kontrobersyang nakapaloob sa blog na ito. panahon na para magpakita na rin ako ng picture ko.

maraming salamat sa pagbabasa.

Mga Puna»

1. MisyeL - Abril 30, 2008

di ko alam kung matatakot ba ako or hahangaan kita ng todo-todo sa litrato mo hehehe! ang astig ng itsura mo bro!๐Ÿ˜€

gasti: salamat misyel. wag ka matakot harmless naman ako.

2. rofel - Abril 30, 2008

sabi na! nakita na kita sa megamall…
bandang movie theater, may nakalagay na “coming soon” sa taas
^_^

-cheers!

gasti: ahehe! now showing na ngyon. nood ka!๐Ÿ˜€

3. Maldito - Abril 30, 2008

ahahha…idol pa rin kita bossing kahit isa ka pala sa mga hinahangaan ko nang bata pa ako. Sa wakas nakita ko din ang pagkatigas tigas na masel mo..ang ganda ng mata mo bossing..tapos de color pa ang balat.balat pang mayaman.lols.

cge..simulan na ang pag auction saken!lols…ang manalo si inday ang premyo..alilain niyo!niyahahaha.simula nung nag post ako ng pic kong naka breif lang….nawalan na ako ng readers..kaya sa susunod hubad na talaga popost ko.wahhaha

gasti: ginagamitan ko kasi ng glo metal polish ang balat ko kaya mukhang mamahalin. lols! matigas talaga ako noonpaman.
ahaha! sige hubad na kung hubad para lalong dumami ang mga nagse-search sayong bastos.

4. FerBert - Abril 30, 2008

sus! iron man! panonoorin ko mamaya yung pelikula mo…

gasti: salamat sa suporta.

5. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Abril 30, 2008

bossing, tigas mo pala. papirma naman ng autograph ha. kala ko imbisibol ka lang, man of iron ka din pala.

kaya nga ba di ako pilyo magsulat eh, kasi wala ako ipapakita sa mga readers ko. baka pag nakita nila ko di na sila mgbasa.๐Ÿ˜†

gasti: ahaha! di ka pa pala pilyo ng lagay na yan ah! sige send ko na lang sa email mo yung autograph ko. may kasama pa plantsa.

6. Lyzius - Abril 30, 2008

gwapo mo naman… you are the true epitome of the man of steel…hihihihi… nakita mo na rin siguro by now ang totoo kong pagkatao…

gasti: uu bumisita ako sa blog mo kanina..hehe! hugis babae na.

7. cecille - Abril 30, 2008

add kita sa blogroll ko ha. laugh trip kase tong site mo. idol! =)

gasti: thanks! salamat sa pag add. napakabuti mo.

8. mardito - Abril 30, 2008

bakal ba? o tingga???๐Ÿ™‚

gasti: gandanium alloy yan.

9. foobarph - Abril 30, 2008

err… nakita ko sa beauty parlor yung pic na yun kanina ah. ^^

gasti: nagpagupit kasi ako.

10. Lyzius - Abril 30, 2008

NYAHAHAHA…hugis babae lang pala! ampft!

mukhang abnoy pa rin…hihihihi

gasti: hehe! di naman. babae ka na nga eh

11. madbong - Abril 30, 2008

nakita ko din ang mapupungay mong mata, sa sobrang pungay umiilaw lols

gasti: sabi na sayo mapungay eh..kumukutikutitap pa.

12. jeck - Abril 30, 2008

potangena. ahahaha! mukha kang robot!!! ahaha

nakita ko na yung pic mo dati master. madaming halaman pa nga yung background mo sa pic. tapos payat ka lang at matangkad. tanda ko pa yun. ahaha

isang dahilan kung bakit dinelete ko ang blog ko ay ang punto mo. ang hirap magsulat pag madami nang nakakakilala sa iyo. taena kasi na-discover sa opis yung blog ko. ang hirap tuloy magsulat. minsan, nalilimitahan na rin ako. kaya nga kung babalik ako sa blogosphere, gusto ko rin yung walang masyadong makakilalang ako yun. di ko alam ah. pero yung style na lang sa pagsusulat siguro ako mabubuko. isa pa, etong IP address ko ang tandaan mo master. eto lang ang gagamitin ko, makikilala mo na ako. ahahaha

gasti; haha! uu naalala ko pa nga na nagcomment ka sa pic ko kaya nga binura ko agad eh. lols!
mahirap na nga mag isip ng topic na isusulat lalo na kapag alam mong binabantayan ka na. ako nga rin eh maingat na ko magsulat di gaya dati. sige simulan mo ng magtago. safe naman ang ip add mo sakin.

13. linglingbells - Abril 30, 2008

ang astig ng itsura mo!!!

buti na lang ang nakita mong picture ko eh yung nakatalikod lang ako.. nag-reveal na din ako ng mukha ko dun sa isang entry ko sa blog ko, pero mukhang konti lang ang nakakita nun.. hehehe!!

si buffy at tapsiboy, nakita ko na din ang mga mukha, in-add ba naman nila ko sa prendster eh! hahaha!

gulat din ako kay kuya jon cabron at defpotec, ang seseksi nila! seryoso yun, sexy sila, hindi sila mataba sa paningin ko๐Ÿ˜€

gasti, winiwish ko pa rin na makita ko ang picture mo.. pero eto ang navivisualize ko na hitsura mo: good boy ang dating!๐Ÿ˜€

gasti: ahehe! si buff naman may pic talaga sa about page.si tapsi di ko pa nakita. saka kung yung reunion pic ang sinasabi mo na nakaharap mong litrato eh nakita ko na yun. kaya lang andaming pagpipilian. ahaha! uy mukhang type mo si def at jon ah!๐Ÿ˜€
tama ang hula mo. meron akong di-makabasag-pinggan-looks.

14. xienahgirl - Abril 30, 2008

nakita na kita kung ganun
kapapanood ko lang sa iyo
hanuber๐Ÿ™‚

teka
kabuuan ng aking likod?
wahahaha
tae

hmm
akshuli anonymous pa rin ako
kahit may nakakita na sa akin
malabo ba?

hindi naman nabawasan
ang kredibilidad ko–
sa palagay ko.
ahahaha

hindi kasi ako yung tipo ng blogger
na nagkakalat sa blog
gamit ang anonymous identity
kung ano ako sa blog
ganun din ako sa personal
ako at ang blog ko ay iisa

sa palagay ko
hindi nasira ang image
na ipinakita ko online
ako pa rin si xienahgirl

pero inaamin ko
nung una akong nakakita
ng blogger
nastarstruck talaga ako
akala ko nga dati
daliri lang sila
or worst–artificial intelligence
kasi mga bigatin bloggers
ang una kong nakita
tao rin sila
kaso ako?
magandang tao ako.
hahaha

marami akong
nagkalat na pictures sa internet
pero hindi nila nahahalata
na ako yun
hahaha

gasti: haha! natural kasi ang content ng blog mo eh. saka wala naman ako sinabing nabawasan ang kredibilidad mo. mas dumami pa nga ang tagahanga mo ngyon eh.

15. kengkay - Mayo 1, 2008

ayoko buksan ang ganyang link, takot ako e. ako ganyan din dati sa blog ko, anonymous eklat pa daw. o ayan, pati ang naka two piece ako e nakahambalang na rin ngayon, haha

gasti: akala mo siguro lalaking nakahubad yang pic noh? haha! andami mo na nga pics nung eb mo dito sa pinas eh

16. paolo - Mayo 1, 2008

mahirap kasi tlga pumasa sa mga natural liedetector.. =P

gasti: sinabi mo pa! sangkatutak na paliwanagan

17. Jon Cabron - Mayo 1, 2008

inilabas ko ang flickr account ko dahil sayang ang PRO account ko dun, nagbayad ako at ang mga tropa sa labas ng net lang ang nakakakita. inilabas ko ang mukha ni jon cabron dahil naniniwala ako na kabaliktaran ng naiisip natin.. baka mas maging maganda pa nga ang kwentuhan pag may mukha na yung nagkukuwento.
at sa mawawalang kredibilidad, handa ko pa rin naman patunayan kahit kelan… na gwapo ako. huhlols!

gasti: haha! salamat sa eksplanasyon. napatunayan mo na yun dahil lalong dumami ang admirers mo..astig ka pa rin.

18. mnel - Mayo 1, 2008

oh wow. ikaw pala yung napanood ko kanina. hehe.

i have to agree sa mga sinabi mo… parang sa mga DJ lang din yan eh. lalagyan mo ng maganda/gwapong mukha yung magandang boses. pag nakita mo na at di mo nagustuhan, mawawalan ka na ng interes.๐Ÿ˜‰

hehe. feeling close na naman ako. haha. napadaan lang po. ^_^

gasti: hehe! uu nga eh nakakapeke rin talaga ang mga boses ng dj. salamat sa pagdaan..feeling open naman ako.

19. Myk - Mayo 1, 2008

Gusto mo ako na mag post ng pic mo eh..

tapos sa gustong makakita iemail nila ako tapos bigay ko na lang ang link bwahahaha

gasti: sige ipost mo tapos ide-delete ko na yung blog ko. wag ka kasi magulo dyan.

20. Lenggai - Mayo 2, 2008

hahaha! buti na lang ka gasti, kahit ipakita ko ang litrato ko, walang diperens… nyahahah!

gasti: hehe! parang scandal na ang dating pag sakin. amp! di naman ako maglalagay ng pic na nakahubad.

21. karmi - Mayo 2, 2008

talagang napaclick ako dun sa link.. hahaha, akala ko eh totoong picture mo na.๐Ÿ˜› parang anlaki ng muscles mo tol.. dahil ba sa pagwo-workout yan?๐Ÿ™‚

gasti: haha! pati ikaw napa-click. eh nakita mo na naman ang itsura ko. kung ano ako noon ganun pa rin ngyon..buhok lang ang nababago.

22. Abad - Mayo 4, 2008

ang mga hindi nagpopost ng picture pangit.hahaha, wala nga din pala akong picture.

gasti: haha! isa ka pa pala.

23. McRey - Mayo 4, 2008

Pano ka maghahapicture eh diba invisible nga? hahaha…

gasti: onga naman. kaya ganyan ang kinalabasan ng pektyur ko eh.

24. antuken - Mayo 4, 2008

hahaha. parang antigas ng mga maskels mo… hehehe…

gasti: gusto mo hawakan? nakakapaso yan.

25. Geisha - Mayo 4, 2008

ayus ang pic ah! astig! pa autograph naman!๐Ÿ˜†

gasti: sige padalhan din kita sa email.

26. Maldito - Mayo 5, 2008

ako bahala na pag alam nila sa office ang blog ko..boss ko nga nagbabasa eh…isa pa dami nang nakakita saken..sooo what?wala akong paki..ahahaa…basta ako puro naman totoo ang sinasabi ko eh.bahala na ang maniwala.lols..in short makapal lang talaga mukha ko na. Walang kinatatakutan..si mike enriquez lamang.ahe he he

gasti: hehe! kaya ka nawawarningan eh lols! mas makapal nga mukha mo sakin kasi nagawa mong rumampa sa kalsada ng naka t-brief. di ko kaya yun. haha!

27. koreanmine - Mayo 5, 2008

honga, ako madami akong fans na nwala, heartbreaker daw ako sa personal, kc nkaka break ng heart pag nakita sa personal! Lols

minsan talaga, mas may thrill mag blog in anonymity para mas masabi mo lahat ng gus2 mo sabihin, kaso may freedom din nmn pag alam mong la ka na dapt itago lalo pa’t nakatagpo ka na din ng mga “real friends” dito sa blog…

gasti: naks heartbreaker nga..hehe! ang freedom na matatawag ay kung single ka pa at wala kang gf.

28. badoodles - Mayo 7, 2008

tama nga suspetsa ko na ka-blog link ko si Ironman. Ironman, ironman, hating kapatid, pede bang ibalato mo na lang sakin ung leading lady mong si gwyneth paltrow saka ung hot tsik reporter. kelangan ko kasi ng tagalampaso ng sahig saka tagashine ng sapatos ko. hehe

gasti: mula sa araw na to naniniwala na ako sa himala. maraming salamat sa pagdaan dito pre at bilang pabuya ipinapahiram ko sayo ng isang buwan si gwyneth paltrow para maglampaso sa katawan mo at yung hotsik reporter na rin para pakintabin ang putotoy mo. ayos ba? ahehehe!

29. Jen - Mayo 10, 2008

daan lng po..astig ng pix mo!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: