jump to navigation

otso de Mayo Mayo 8, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

itong araw na ito ang isa sa mga pinaka importante sa buhay ko. maliban syempre sa bday ko, ng asawa ko, ng anak ko at ng magulang at kapatid ko ito na yung isa sa mga araw na sineselebreyt namin. ang araw kung saan nabago ang marital status namin ni misis at pagpapalit ng apelyido nya. ang aming wedding anniversary.

eksato 3 taon na ang nakararaan kung saan ang isang totoy mola at ang kanyang iniirog ay nagpalitan ng matatamis na salita sa harap ng kanilang magulang at iba pang kamag anak. di ako mapakali ng mga oras na yun. wala pa nga siguro ako sa katinuan kaya madalas ako asarin ng kabarkada mo na parang hindi ako masaya sa kasal natin. kaunti lang ang mga pictures na nakalabas ang ipin ko pag ngumingiti. bihira magsalita..madalas nakatulala. in short wala sa pokus. at kamalas malasan pa, mag uumpisa na ang kasal saka ko pa lang naalala na naiwan ko pala ang mga singsing natin sa kama. haaays! alam ko nabadtrip ka sakin nun pero buti nakapagtimpi ka pa.

bata pa kasi tayo noon kung tutuusin pero nasa tamang edad na naman kung batas ang pag uusapan. desisyon natin pareho ang pagpapakasal at wala naman ako pinagsisisihan dun. sana ikaw rin. naging makabuluhan ang buhay ko nung dumating ka. unang kita ko pa lang sayo sa bahay nyo na nakasuot pantulog ka at naaaninag ko ang bakat mong panloob habang yakap yakap mo ang isang unan para maikubli ang iyong hinaharap, naramdaman ko na magiging malapit tayong magkaibigan. akala mo lang hindi ko alam pero nakutuban ko ng type mo ko. obvious ka kasi masyado…makahulugan ang mga tingin mo sakin at hindi maalis ang mga ngiti mo pag kausap mo ko. alam ko hindi naman ako pangit pero akala ko ba ayaw mo ng mas bata sayo? ahehe! biglang excemption to the rule agad ako. kabaliktaran naman ng pananaw ko sa buhay. lagi akong inaasar ng mga kabarkada ko na baka kasuhan ako ng pidopilya sa mga ginagawa ko dahil puro mga bata ang nilalandi ko. kundi man bata, tama na yung kasing edad sakin. yun ang akala nila dahil may history na ako dati na nagpalipad hangin sa mga ate ko ng maituturing noong hayskul. mas dalaga kasi sila kumilos at mas may dating kumpara sa mga isip bata na naglalaro ng patintero at tagu-taguan nung freshman pa lang ako. alam ko sa sarili ko na hindi ako tatagal makipagrelasyon sa mga isip batang babae. baka masaktan ko lang sila o masaktan nila ako.

gabi ng Mayo 11 taong 2002. magkausap tayo sa telepono.wala pa akong celfon noon kaya phonepal pa lang tayo. pagkatapos mo sabihing mahal mo rin ako ay saka mo naman ako binagsakan. parang “i love you goodbye” ang drama. kala ko tuloy ginu-goodtime mo lang ako dahil nakainom ka. kinabukasan ko pa na-confirm na tayo na pala. toinks! how sweet it is…ang saya natin lalo na’t patago..exciting!

lagi akong late sa mga date natin nung mga first few months na maging tayo. ang unang card na binigay ko sayo ay naglalaman lang ng sulat ng pangalan mo sa itaas at pangalan ko naman sa ibaba. walang kahit anong mensahe akong sinulat run. (uu nakakahiya!) pati bolpen na pinansulat ko dun ay bagong bili lang sa national bookstore at yung mismong araw bago ako lumapit sayo sa tagpuan natin eh nagkubli ako sa isang tabi para isulat ang To: at From: sa loob ng card na bili ko. sensya na first time ko kasi. nangangapa pa ako sa mga dapat kong gawin. hindi rin ako nakapag search sa google kung ano ang mga do’s and don’ts kapag nakikipag date kaya wala ka talagang maasahan sakin. noon ko lang din naranasan ang mga monthsary na yan..kelangan pala i-celebrate buwan buwan ang pag iibigan..akala ko kasi yearly lang. magastos naman masyado pag every month. saka isa pa parang nababaduyan ako sa totoo lang. mas importante sakin na mahal natin ang isa’t isa at may pera tayong pampanood ng sine kapag may maganda ng palabas.

aminado ako sa mga naging kasalanan ko sayo. natuto na ako. hindi ko na gagawin ang mga yun. at hindi na rin ako kailanman aamin. magkamatayan na. di ako papahuli ng buhay. tandaan mo yan. ahehe! biro lang wala naman kasi akong kelangan aminin eh.salamat nga pala sa txt mo kaninang umaga.

hapi anniv to me! D man lng ako bnati

naumpog na naman ako sa katotohanang nag uulyanin na ako. psensya na ulit! antagal ko na nag iisip ng pang-surpresa sayo sa araw na ito tapos yun pala ay makakalimutan ko lang pala. tamang muni muni pa naman ako kagabi kung ano mga gagawin ko. hanubayan! kelangan ko makabawi sayo mamaya pag uwi. madami na ko atraso sayo.

wag mo na ko awayin. sige na. ikaw lang naman ang nag iisang “K” sa buhay ko. kung ano man ang hiya ko noon, nawala na lahat..makapal na mukha ko ngyon at wala na ako pakialam sa sasabihin pa ng iba. mahal kita at maswerte ako dahil ikaw ang naging misis ko kaya tigilan mo na ang pagseselos ha! Happy anniversary bebi! how ’bout another first kiss?πŸ˜‰

Mga Puna»

1. earthlotus - Mayo 8, 2008

huwaw. haha. ^_^ akala ko mahalaga sa iyo ang araw na ito dahil sa berdey ko, haha. ^_^

berdey ko ngayon brader! legal na ako, disi-OTSO. wahaha. ^_^

happy anniversary din sa inyo ni ate. ^_^

gasti: haha! langya berdey mo pala ngyon? magpalugaw ka naman! ayos pasado ka na sa mga r-18 na pelikula. enjoy ur day!

2. Lyzius - Mayo 8, 2008

aba aba aba…anniv pala ni pareng gasti… hehehe..hindi na ba magpapahuli? hindi na ba aamin kahit pitpitan man ng betlog? ahahay!

hindi naman ata mababasa ng esmi mo yung bati mo sa kanya di ba?

Pangatawanan na nakalimutan tas biglang isurprise mamyang gabi para me pambawi..kunwari sinadyang wag batiin…

gasti: wala namang pitpitan ng betlog..hehe! sinisisiguro ko sayo ngyong araw mababasa nya to. yari na naman ako.

3. koreanmine - Mayo 8, 2008

uuyyy hapi anibersari!!! swerte nga daw magpakasal ng 8 kc infinity..infinite ang inyong labing labing.. mas masaya ka ngaun kc 2008 pa!πŸ˜€

gasti: thanks! sabi nga din daw nila kaya nga marami ng naka-iskedyul na ikasal sa august 8 2008 kasi swerte daw. nasa tao rin naman yan eh

4. Maldito - Mayo 8, 2008

wow…hapi enibersary.!!!inuman na!!yahoo!!ahe he he..minsan lumalabas na din ang mga style mo no?ahahhaha….buti naman nag pauto si misis sayu..tsk tsk..

peee nibersary!

gasti: ahaha! adik! anong style? madami ako alam. tara inuman tayo dito.

5. xG - Mayo 8, 2008

harujosku
talandi
hahaha

nakakaaliw magbasa
ng mga pilingerong lalake
hahaha

pwera biro–
ang sweetπŸ™‚

happy 3rd anniversary sa inyo

gasti: ahehe! thanks xienah..minsan lang ako mag feeling pero totoo yun. (toinks! humirit pa talaga)

6. Tisay - Mayo 9, 2008

hihihi! sweeeeet! =)

happy anniversary sa inyo.

gasti: sweeet ba talaga yun? parang puro kahihiyan ang binanggit ko. lols!

7. Myk - Mayo 9, 2008

kahit naman di pa disi otso yan pasado na sa mga R-18 eh

di ba lottie..

gasti: kayo kasi eh maaga nyo minulat yan.

8. aga - Mayo 9, 2008

hapi aniv ahehehe asust…πŸ™‚

gasti: salamat asust!

9. antuken - Mayo 9, 2008

parang naninibago ako sa post mo. hindi ako sanay sa sweet mode mo. hehehe. haay. yung kategorya ng style nyo, kahit brutal minsan, pag nagswit-sweetan, dama talaga. (yung style na sinasabi ko eh yung mga pa-macho — kunwa’y walang kamuwang-muang sa mga bagay bagay tungkol sa pagiging isweet, pero anoka, panalo lagi pag sinumpong… bale kinakategorya ko kayo ni badoodles sa kategoryang ito. hahaha)

happy anniv to you and your lovey (i dunno kung ano tawagan nyo, hihi)!

gasti: haha! salamat naman pero iba pa rin si badoodles wala akong panama sa husay nun. syempre may puso rin naman kami kahit papano. uhhmm dad na tawag nya sakin pero paiba iba naman ang tawag ko sa kanya like mimi, bebi at yung name nya.πŸ˜€

10. karmi - Mayo 9, 2008

nak naman, kausap kita sa YM, di mo man lang sinabing anib nyo pala ni mama K..πŸ™‚

happy anniversary.. 3 years na syang nagtyatyaga este 3 years na kaung nagmamahalan..πŸ™‚ how sweet it is to be loved by you.. ^_^

more years to come tol.. and more babies din ba?πŸ˜€

gasti: haha! nanira pa! salamat tsong. yup more babies para mas happy!

11. popoy - Mayo 9, 2008

yihii. nakakilignaman gasti…

nakakatuwa magbasa ng mga entring “ganire” hahaha.kasi kahit anong tigas ng tao eh talagang may malamboit pa din syang side. hahaha.

hindi. seryoso na nga, hapi anniv sa inyong dalawa. sanay tumagal pa kayo haggang sa silver anniversary nyo o golden or centennial yung mga ganyan. kay lang naman ang makakapagsabi kung tatagal kayo ng ganyan kaya dapat tiis at hindi mawala yung LOVE sa inyong dalawa.

BEST WISHES!!! (kasal???) hahaha
πŸ™‚

gasti: haha! salamat poy! minsanan lang naman to eh!

12. hener - Mayo 9, 2008

kongrats!! Hapi aniv! gawa na ng small gasti!! para may madagdagan makukulit sa mundo!

gasti: salamat! meron na nga small gasti eh kakikitaan mo na ng potesyal..hehe!

13. Mon Tostado - Mayo 9, 2008

hayup ka. andami mong pinaalala sa akin tungkol sa ex ko. huhuhu. naiinggit lang siguro ako. im sure may makikilala rin akong ganyan. tapos mamahalin ko rin sya, tapos mambabae din ako di ako aamin. wahaha. salamat sa link. happy anniv sa inyo! w00t!

gasti: haha! ayos na sana eh tapos biglang may pambababae pa. ingat lang sa pagpili.

14. hener - Mayo 9, 2008

sundam mo pa ng isa para di siya lonely.

gasti: pwede rin..hehe! next attraction na yun.

15. madbong - Mayo 10, 2008

hangswit naman pre, siguro maraming langgam sa bahay nyo….congrats

gasti: uu nga eh marami talagang langgam na pula sa bahay namin. pero hindi naman siguro dahil sakin yun. hehe!

16. MisyeL - Mayo 10, 2008

wow, ang sweet naman ng post na ito. sana mabasa ni esmi no? hehe! kahit late babatiin ko pa din kayo, happy anniversary sa inyo!πŸ˜‰

gasti: thanks misyel!

17. mnel - Mayo 11, 2008

aaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh… kinilig ako!

hahaha. this is very heartwarming manong gasti. =P

pareho kayo ni bee! haha! para tuloy si bee yung naiimagine kong nagsasalita at hindi ikaw. oo. pareho din kayong ulyanin! at madalas din ako magtampo sa kanya kasi may memory gap siya. hahaha.

belated happy anniversary po sa inyo! ^_^

gasti: haha! ayos dumarami na ang maagang nag uulyanin. intindihin mo na lang si bee mo. thanks!

18. Lyzius - Mayo 12, 2008

nabasa ba ni esmi mo? buking na ba ang blog na to?

gasti: matagal ng buking to ni misis. malupit mag imbestiga yun eh

19. kadeteng kyut - Mayo 12, 2008

pati ba naman kasweetan mo nakatago pa rin…hehehe congrats parekoi….happy anniv ulit

gasti: kusa na lang sumisingaw yun sa mga ganitong pagkakataon.hehe! salamat pards!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: