jump to navigation

lipat bahay part 2 Mayo 12, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

kung bagong salta pa lang ayo rito sa kuta ko ay malamag magtataka kayo dahil part 2 na agad ang mababasa nyo. kung interesado kayo, makikita nyo ang part 1 sa kabanatang ito ng aking buhay.

dahil sa tag ulan na tuwing hapon, pagod, pag-iipon, krisis sa bigas, inggiterong kapitbahay, at ang ultimate na rason ng paglilipat ay ang maselang pagbubuntis ni misis. yep! Happy mothers day again kay misis kung walang magiging aberya, sa December ang bertdeyan. at dahil nga sa mga yan naisipan na muna naming magbalik loob sa syudad na malinis at matiwasay. di gaya ng kasumpa-sumpang daloy trapiko sa san mateo at baku-bako/makipot na mga kalsada na pinaghaharian ng mga bobong truck (dumb truck) at patok na montalban jeepneys. pink at green na naman ang kulay ng mundo ko. balik sa lugar kung san ako ipinanganak at natutong gumawa ng anak. salamat sa mga magulang at kapatid ko na very supportive samin ni misis. pati na rin kanila hipag, bayaw at sa mga byenan ko. salamat sa isang linggong pagtira din namin dyan sa inyo.

parang kelan lang. mahirap na masarap. ganyan naman lagi ang sinasabi ng karamihan kapag nagsasarili. totoo yun. hindi naging madali ang lahat. at lalong hindi gabi gabi ay mayroong mangyayari. nakakapagod rin naman kasi. if you just realize what I just realized then we’d be perfect for each other then we’d never find another. ano gets nyo? hihi!

as usual nakakapagod maglipat ng gamit dahil may kalayuan naman talaga ang pinanggalingan namin kung tutuusin at syempre maghapong paglilinis ng kwartong matutulugan. karamihan naman ay damit lang ang hinakot namin at hindi na kasama ang mga appliances syempre di na kasya sa sasakyan yun. at maigi na ring andun lang yun sa bahay namin. balak na lang naming gawing bahay bakasyunan yung sa san mateo at maghahanap na lang kami ng isa pang bahay dito sa may marikina. mas ok talaga tumira dito. malinis.

pwede na naman akong mag alaga ng kung anu-ano..hehe! meron na kasing magbabantay habang nasa opisina ako. natutuwa ako ngyon sa mga abyssinian cavy dahil cute sila at mas malaki sa hamster pero mas maliit naman sa kuneho. maamo pa. ok rin naman yung american cavy pero saka na lang yun. nga pala meron ding cute na kuneho akong nakita..netherlands dwarf rabbit cute din yun kaya lang eh may kamahalan ng onti. yoko na muna mag alaga ng isda..maselan kasi. dedbols na naman yung mga huling isdang inalagaan ko dahil nalunod sila. aksidenteng napatay ang main switch nung nakabakasyon kami kaya isang linggo silang walang oxygen. galeng noh? ang baho na nga nung tubig nung nilinis ko eh!

at syempre hinahanda ko na rin ang sarili ko sa pagdating ng isang anghel sa pamilya namin. di ko pa lang alam kung ano ang kasarian ngyon dahil masyado pa maaga. parang mas gusto ko lalaki ulit pero wala namang problema kung babae basta wag naman sirena. hindi pa naman ako magaling mag alaga ng isda.

Mga Puna»

1. Lyzius - Mayo 12, 2008

dapat me haus warming kung bagong lipat….

aba chongrachuweysion naman at jontis si kumander… kung gusto mo malaman na ang kasarian ng susunod na lil gasti, try mo ang chinese calendar…sa akin at sa mga kakilala ko patok ito…isearch mo na lang yung chinese calendar method na yan…basta parang yung edad ni misis nung mabuo ang bata tsaka yung month ata something like that… sa akin sakto lalake at babae…

gasti: wala ng haus warming..bumalik lang naman kami sa dati naming tinirhan eh. parang ayoko subukan yang chinese calendar..saka na lang pag kita na sa ultrasound..

2. beero - Mayo 12, 2008

haayyy…medyo matagal din akong di nakadalaw sa site mo ah. hehe. ngayon lang ulit ako bumalik.

magiging dalawa na pala chikitings mo. ang lupet talaga ng kamandag mo parekoy. ahehe. wag kang mag-alala di magiging sirena yan. di naman siguro si dyesebel o si marina ang misis mo. LOL.

enjoy na lang kayo sa bagong bahay…hehe!

gasti: pansin ko nga rin..hehe! naghiatus ka pala. di natin alam malay mo may history palang ganun. ahehe!

3. linglingbells - Mayo 12, 2008

wow! may bagong baby!! sana healthy siya paglabas niya..😀

gasti: sana nga ling!

4. xG - Mayo 12, 2008

lipat na naman?
ikeeee
mageekspek na ng baby
goodluck🙂

gasti: thanks xg! nakakapagod nga maglipat bahay.

5. earthlotus - Mayo 12, 2008

ayhii! pag nalaman mo na kasarian nung sooner baby mo eh sabihin mo agad ah. para maBATE ka namin dito! wahahaha. ^_^

kewlness, hmm.. since ako ang unang kukumento dito sa post mo na ito, why not pangalanan mo yung baby mo ng ‘lottie’ (pag gurl) at ‘lot’ pag ‘boy’?

haha. ^_^ wala lang, naisip ko lang. ^_6

gasti: asus! bumanat ka pa ng pagalan mo..haha! yoko nga..wala pa ko maisip sa ngyon eh.

6. mnel - Mayo 12, 2008

weee! congrats manong gasti!

wala nang baby dito sa amin kasi malaki na yung pinsan ko. nakakamiss ang may baby sa bahay. =D

ingat po sa paglilipat!

gasti: uu nga eh masaya may baby sa bahay kaya lang yoko ng may iyakang eksena..nakakarindi rin.

7. ponchong - Mayo 13, 2008

pareng gasti, pang-ilang baby nyo na ba yan? sana nasa pinas lang din kami para madagdagan ko din tong lahi ko.

yan talaga sana ang ayoko sa lahat ang naglilipat. sobrang nakakapagod.

gudlak na din sa inyo!

gasti: pangalawa pa lang pards. gawa ka na lang pagbalik mo sa Pinas..ahehe!

8. madbong - Mayo 13, 2008

uy magiging tatay ka na naman pala! ipagdarasal ko na maging maayos ang pagbubuntis ni misis

gasti: salamat pards! medyo maselan kasi ngyon ang pagbubuntis ni misis.

9. kengkay - Mayo 13, 2008

uy gasti, congrats sa bagong bebi! am sure kasing ganda yan ni misis kundi man kasing pogi mo, ehem😀 have fun during the waiting period!

gasti: naks! yun yown eh! thanks! sana nga kamukha ko ulit.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: