jump to navigation

nakapatay ako Mayo 13, 2008

Posted by gasti in kamalasan.
trackback

kahapon ng hapon pagkagaling ko ng opisina, pagod at gutom ang inabot ko sa sobrang pagmamadali umalis ng opis dahil ayokong abutan ng ulan. makulimlim kasi paglabas ko. pagdating sa marikina, napansin kong basa at may kaunting baha na sa kalsada..tapos na pala umulan dito. nadatnan ko sa bahay ang byenan ko at mga magulang ko na tuwang tuwang nanonood habang nagsasayaw ang anak ko to the tune of “low” by flo rida. nakngkamote. ang cute nya sumayaw kaya nakalimutan ko ng suyang suya na pala ako sa kantang yun.

hindi pa man din ako nakakapagbihis ng pambahay ay nagpaalam na umalis ang byenan ko at bigla namang nirekomenda ni misis na ihatid ko na sya sa may palengke tutal naman eh kelangan na raw namin bumili ng diapers at mineral water ng anak namin dahil ubos na. wala akong nagawa kundi sumunod at nagpalit na lang ako ng short para hindi naman ako OP sa mga taga palengke. kinuha ko ang susi at diretso na sa sasakyan.

ini-start ko ang makina at sinimulan itong patakbuhin..habang pinupwesto ko pa lang ang sasakyan sa gilid ng bangketa, bigla akong namatayan ng makina. potek wala pa yatang 2 dipa ang naitakbo ko nun. pinaandar ko ulit at ok naman pero may katigasan ang manibela..nagsisilabasan ang ugat at maskels ko sa braso sa tuwing pipihitin ko ito. utang na loob! anong kababalaghan to! naturingang power steering pero daig ko pa ang nagda-drive ng 10 wheeler truck nito eh! tumigil ako sandali sa isang kanto para magmuni-muni. itutuloy ko pa ba? malapit lang ang palengke pero delikado ang magmaneho ng ganito. pakiramdam ko may sira pero di ko alam kung saan. nilakasan ko lang ang loob ko at mabagal ko na lang pinatakbo ang sasakyan. nakaabot naman kami sa palengke at nagpaalam na si byenan..ako naman ay wala sa sariling pumunta ng grocery dahil iniisip ko pa rin kung anong ngyari sa sasakyan namin kaya imbes na sa malapit na bilihan ako pumunta eh dumiretso ako sa ibang bilihan..pagkapasok ko sa grocery dumiretso agad ako sa bilihan ng gatas..pagkatapos ay dumampot ako ng 5 lucky me pancit canton at 6kilos na absolute mineral water. diretso na ko sa bayaran. tulala pa rin ako habang nakapila at nagulat pa ako ng nasa tapat na pala ako ng cashier. saka ko lang naalala na kelangan ko pala bumili ng diapers! naku naman! sayang ang oras ng pagpila ko. dali-dali akong nagtungo sa imbakan ng diapers at bumalik agad sa cashier. pagkabayad ay kumaripas na ako ng lakad pabalik ng sasakyan.

ano yang mga binili mo? bakit ka bumili ng gatas eh kakabili lang natin kahapon? wala na kong pera! ano ng pamasahe ko bukas? kita ko sa mata ng misis ko na gusto nya kong batukan at paluin sa pwet dahil halos ubusin ko ang 1k na inabot nya sa kin. onga naman! anong katangahan na naman kasi ang pinairal ko at napabili ako ng gatas? isa pa, katapat lang ng pinarkingan ko ang bilihan pero sa mas malayo ako bumili. taenang yan! mangungutang pa tuloy ako.

pinaandar ko ulit ang sasakyan at nagsimula ng tahakin ang daan pauwi. ganun pa din matigas pa rin ang pagpihit sa manibela. parang etits na nalamigan. badtrip talaga! primera-segunda lang ang takbo ko. maya-maya pa napansin kong biglang nag overheat! nasa 3/4 na ang temperature. buti na lang at nakauwi na kami at ipa-park ko na lang. gulong gulo pa rin ang utak ko sa mga pangyayari kaya sinubukan kong silipin ang makina baka tumagas na naman ang tubig. pagbukas ko biglang may umamoy..amoy sunog at may tunog na parang kumukulo. pero wala naman palang tagas sa radiator. madilim rin kaya di ko maaninag kung san nanggaling yung tunog. to the rescue naman ang tito kong driver. (marunong sya magkumpuni ng sasakyan) salit nyang pinaandar ang makina at napansing hindi umiikot ang fan pero di nya rin masilip kung bakit kaya pinakuha nya ako ng flashlight. pagbukas ng ilaw, laking gulat na lang namin na meron palang kuting na naipit sa loob. pusang gala talaga! pano sya napunta dyan?! patay na ang kawawang pusa..nung hilahin sya ng tito ko sa buntot ay naputol pa to. sunog ang ibang parte ng katawan nya at litaw na rin ang buto..lasug lasog talaga. ang narinig ko pa lang kumukulo ay tunog na parang piniprito at yung balahibo ang nasusunog. that’s one sizzling hot pussy for you!

ang problema ko naman ngyon nawawala yung power steering belt na baka raw nahulog gawa ng pagkakaipit ng pusa kaya kelangan ko bumili ulit. at syempre kelangan ko rin ipa-engine wash yung sasakyan dahil may bakas pa ng mga dugo yun. hanubayan! gastos na naman…

Mga Puna»

1. madbong - Mayo 13, 2008

hay buhay, ako din minalas sa sasakyan nung last week. naibangga ko kotse ni misis. kakaisang buwan pa lang sa amin pero ayun write-off siya. buti na lang naka insure kaya bawi naman yung binayad namin.

gasti: pati pala ikaw. aksidente nga naman talaga di mo alam kung kelan ka mamalasin. buti walang nasaktan sa inyo.

2. Lyzius - Mayo 13, 2008

hahaha… dami ko spekulasyon sa kung anong napatay mo..wawa naman yang kuting na yan… dati naman nun sa van namin nasa gulong yung kuting, pag atras ko, ayun napitpit sya sa pagitan ng gulong at kalsada… bakit kasi kung saan saan sumusuot yang mga pussyng yan…

“ganun pa din matigas pa rin ang pagpihit sa manibela. parang etits na nalamigan”

ganyan ba talaga pag nalamigan? hehehe

gasti: mahilig kasi magtago s amalalamig na lugar ang mga pussy eh yung sa tito ko naman daw kalapati ang sumingit sa makina nya. kawawa tuloy sila kasi di naman natin alam na nagsusuot pala sila run.
uu ganun talaga pag malamig nagiging pasaway yun😀

3. Jex - Mayo 13, 2008

that’s one sizzling hot pussy for you! –classic na ‘to! bwahahaha

paturo naman mag-drive oh. gusto kong matutong mag-drive! yeah yeah!

gasti: hehe! automatic lang ang kaya ko i-drive..sablay pa ko kapag manual..madali lang naman matuto eh basta lakasan mo lang ang loob mo.

4. popoy - Mayo 13, 2008

yucky yung pusa. parang binarbecue. ang baho naaamoy ko hahaha.

sunog sunog ba gasti?? anong ginagawa ng pusa dun? baka kasi malamig dun? hahaha.

nak ng pusa. cge ipagdadasal ko ang kaluluwa ng pusang galang yun tsk tsk tsk.

gasti: abot pala dyan yung amoy? nilibing na ng erpats ko kaninang umaga..kawawa talaga yung itsura pero di naman kasing sama pag nasagasaan

5. Lyzius - Mayo 13, 2008

kelan pala babalik si chilli? me bago na bang blog? yang si Jackol este Jeckyl pala nag resurrect na sa kaartehan nya… Nyahahaha…

Oist Jeck turuan kita…para suyurin mo rin mga nakapark na trisikol sa taguig…

Nyahahaha

gasti: haha! mabubugbog naman si jeck sa gagawin nya eh. basta ang isang natutunan ko pag nagda-drive kelangan lagi kang may dalang pera pang areglo.
si chilli? nag iisip pa rin sya kung babalik sya as chillidobo o ibang ulam naman. lols!

6. wei vines - Mayo 13, 2008

naalala ko yung pusa na sinagasaan nung bmw… grabe, lahat ng kasabayan ko tumawid nag freak out! kitang kita mo na lumuluwa mata niya tapos literal na umaagos na dugo sa may mata niya…

hirap talaga mag maintain ng auto =)

gasti: andami kasi pusang gala eh kawawa rin sila. magastos din talaga magkaron ng sasakyan.

7. Lyzius - Mayo 13, 2008

hmmmnn…sana bumalik na sya…ahihihi…ano ba mas masarap sa adobo?

malamang kung si jeck ang aararo sa mga nakaparadang traysikol sa kanto mabubugbog nga…kaso nung ako yung nakagawa ng ganun, wala…ahihihi…si papa cologne muntik makipagbasagan ng mukha sa mga driver…

ahihihi…kaya tinigil ko na pagmamaneho…driver sweet lover naman kasama ko eh…yun nga lang, pati iba naisasakay sa passenger seat… how sad!

gasti: madami namang masarap na ulam eh depende sa kakain.
haha! ikaw naman pala yung umararo sa mga traysikel eh tsk tsk..buti na lang rumesbak si papa cologne mo. ayun nga lang hindi exclusive sayo yung passenger seat. pag nahuli mo sa akto ipakulong mo na.

8. Maldito - Mayo 14, 2008

ahahahha…syet….u tried to kill a pussy?puttys should be cared!!!not to kilL!!you bad little dicky!punish!!punish!!!my precious!!aahhaa..kawawa naman ang pusa…may he rest in peace litol pussy!

gasti: parang natuwa ka pa sa pagkamatay ng pusa ah haha! ah teka parang iba namang pussy yung tinutukoy mo adik! di sadya yun.

9. karmi - Mayo 14, 2008

hala. pano nga naman napunta un dun? wawa naman.😦

tsong, isipin mo na lang na ganon lang ang nangyari sa sasakyan mo.😀 di ka naman nasaktan..

un nga lang magastos talaga…😐

gasti: letse kasing mga pusa yan kung saan saan nagsususuot mapapagastos pa tuloy ako.

10. MARU - Mayo 14, 2008

sizzling pussy nga! mabaho ba? pagkaalam ko pag hot pussy eh mabango.

nag iisip pa rin ako kung paano napunta si garfield dun sa makina ng sasakyan mo.

gasti: may point ka. pero ibang hot pussy naman yun mareng maru! bihira ako makaamoy nun.
ginawa yatang motel nung kuting yung makina eh.

11. Tisay - Mayo 14, 2008

kawawang pussy. ang baho siguro ng auto mo pag tumatakbo. rawr. bkit kaya nya naisipan na pumunta dun? kawawa talaga.

gasti: wala namang amoy kasi natuyo na saka sarado naman eh. gawain daw talaga ng mga pusa yun ang magtago sa mga sulok-sulok. malas lang nya at natyempuhang pinaandar ko yung sasakyan at nakulong sya.

12. Lyzius - Mayo 14, 2008

hamo parekoy, me last warning naman na yun eh…

“wag ka lang magpapahuli” ANG LAST WARNING KO!

ahihihi…so okay lang na gumawa sya ng another katarantaduhan, wag lang pahuhuli….

gasti: asus! ganun naman pala. baka todo ingat na sya ngyon.

13. koreanmine - Mayo 14, 2008

kawawang pussy! nalitson nga😦

bat b yang mga kuting eh kung san san nagsususuot, kabaligtaran nmn ng pussy na kung ano ano ang nasusuot..

ay eka, ano b yun… erase erase..😆

gasti: haha! ayos..ibang pussy nga yan. nababasa pag nag iinit.

14. Aling Baby - Mayo 14, 2008

wawa naman yung kuting…😦

kala niya siguro, matutulog ka na pag-uwi mo kaya dun na siya pumwesto.🙂

pero, wawa pa rin..hindi na niya masisilayan ang ganda ng mundo naks!😀

gasti: di kasi sya nagpaalam na makikitulog sya eh

15. earthlotus - Mayo 14, 2008

wahaha. naknangtokwa.. saklap naman nyan. naku naku naku, ano ang kulay ng pusang nadedo mo?

tsk tsk tsk. kawawang pussy. duguan mong kinawawa. [tena, habang ginagawa ko toh, may sshow sa tabi ko. syet!]

gasti: asikasuhin mo na lang yang pinapanood mo at baka mawala pa. kulay tigre na grayish yung pusa..kawawa talaga.

16. foobarph - Mayo 15, 2008

huwaaaah! pinatay mo ang kalahi ko gasti!

kakalmutin kita!!!

nyaaarrrrww!

gasti: may lahi pala kayong pusa?

17. emotheraphy - Mayo 15, 2008

hayyyy, kung minamalas ka nga naman..
ok lng yun kuya…
uyyyy, kuya visit mo naman yun web blog ko tapos comment ka po plssss….
emotheraphy.wordpress.com

gasti: hehe! uhhhm sapilitan ba ito? joke. sige nga pasyal ako dyan.

18. linglingbells - Mayo 15, 2008

ay.. badtrip nga yan!! eeww.. naiimagine ko yung lasog-lasog na katawan nung pusang gala..

buti na lang at nakauwi ka na nung nag-overheat yung sasakyan..

gasti: kalunus-lunos talaga ang itsura. pero mas iniisip ko ang gastos ngyon.

19. MisyeL - Mayo 15, 2008

naku di ko siguro kakayanin tignan itsura ng kawawang kuting na yun. sa dinami naman kasi ng tatambayan sa makina pa ng sasakyan niyo, hayy ke malas na pusa.

gasti: siguro hindi mo rin kayang hugutin yun mula sa pagkakaipit. sa ngyon tahimik na ang buhay nya. nakabaon na sa lupa.

20. rio - Mayo 15, 2008

nyak…kawawang pusa…paano ba sya napunta dun??
naging lechon de pusa tuloy sya..hehe..
salamat po sa pagdalaw sa bahay ko=)

gasti: walang anuman. gusto ko rin sanang tanungin yung pusa kung bakt sya andun kaya lang dedbol na sya.

21. walongbote - Mayo 15, 2008

naku.. di ba may kasabihang pag nakapatay ka ng pusa.. maghihirap ka ng 9 na taon? naku sana naman wag manyari yun.. di naman sadya yun..🙂 ingatz na lang nextime..

22. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Mayo 15, 2008

parekoi..si jeck pala ung jex..hanep jeprox ang dating,..nyahahaha..potek wala siyang link na iniwan..hanpin ko muna siya ha..henewei, malapit ka ba sa IVS? kita tau sa pag-balik ko manila ngayong hunyo..hahaha

gasti: hehe! napeke ka ba? uu sya yun. ano yung IVS?

23. antuken - Mayo 15, 2008

naco, yan ang hirap sa mga pusa eh… ang uncle ko naman ang nangyari andun sa gulong pala natutulog, ayun tuloy, pag-andar, ipit… buti di namatay…

gasti: mas maigi pa sanang ganun na lang kesa sumiksik pa sya sa makina..pero hindi namatay yung pusa after magulungan? hanep! baka si doraemon yan.

24. madbong - Mayo 16, 2008

bro, may nakita nga pala akongf kakaibang pregnancy tips…..eto

http://www.funpic.hu/en.funblog.php?s=dd&p=1

puntahan mo yung “pregnancy tips”

gasti: san dun pre? yung nanganak ng triplets..andami eh naligaw ako.

25. beero - Mayo 16, 2008

nakow! kala ko kung anong napatay mo. akala ko kasi lamok o langaw, kuting pala. ahehe. buti di ka sinumbong sa pulis parekoy. LOL.

gasti: di na sya makakapagsumbong kasi dedo na eh!

26. madbong - Mayo 16, 2008

sa gitna pangatlo pababa, pero eto yun mismo

http://www.funpic.hu/funblog.click.php?id=1639&url=http%3A%2F%2Fajanlo.kapu.hu%2Fpics.php%3Fd%3Dterhesseg&en=1

gasti: hehe! ayos yun ah! ang kulit!

27. M - Mayo 17, 2008

Mahilig talagang sumuot sa makina ang mga pusa. Dati may naligaw na kuting sa garahe at derecho ang siksik sa makina. Buti na lang sira ang sasakyan at hindi naging pussy-powered engine ang sasakyan namen.

Ewan ko kung anong kalokohan ng mga pusa at gustong gustong nagsususuot sa makina. Papansin eh.

Sana magsilbing aral ang blog entry na ito para sa mga pusa sa buong Pilipinas.

gasti: hehe! sana lang marunong magcomputer ang mga pusa para mabasa nila ang blog entry ko. naisip ko nga eh pano kaya kung persian cat or himalayan cat yung napatay ko? tsk tsk.. ang laking sayang nun.

28. mnel - Mayo 18, 2008

noooooooooooooooooo.

sabi ko na. pusa.

holy crap.

ayoko sa lahat yung may namamatay na hayop. pag sa daan ako nakakakita ng roadkill, di ko maatim na tumingin.

yung kapatid ko, nasagasaan yung kuting na inampon namin. nung nagtanong ako sa kanya kung nasaan na yung pusa, hindi siya makasagot. later on ko na lang nalaman na namatay na siya. sad.

wah. di ko gusto ang mental image na nabuo sa utak ko dun sa kawawang kuting. sana makatulog ako. huhu

gasti: pet lover ka pala. wag ka na mag alala..nailibing na sya eh nagtirik pa nga kami ng kandila. matulog ka na ng mahimbing dyan.

29. buffalo soldier kadeteng kalabaw - Mayo 18, 2008

IVS..industrial village subdvision ata un…squadmate ko kasi andun eh

gasti: di ko alam yan pre. uhhm pasig area? baka naman sa manila yan.

30. M - Mayo 19, 2008

Oo nga boss Gasti, si Garfield ang kasagutan sa mga perils ng mga pusa sa buhay. Dapat magblog na din siya tungkol sa ganitong aksidenteng nangyare.

Mukhang di ko na maatim singhutin yung balahibo ng namatay na Persian Pussy. Yung normal na kuting nga masakit na sa loob ko, paano pa kaya yung binibiling pusa, tsk tsk.

gasti: uu nga eh kaya siguro dapat kinukulong na rin ang mga pusa o kaya tinatali para hindi nagsususuot kung saang sulok.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: