jump to navigation

wer na me? Mayo 20, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, self review.
trackback

Magandang araw po sa inyong lahat at sana nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng daigdig kayo naroroon.

Andito ako ngyon sa opis at gulong gulo ang pag iisip dahil sa ilang mga bagay. nagkakamali kayo kung krisis sa bigas o pagtaas ng singil sa pasahe ang tinutukoy ko. wala na ako magagawa dyan at hindi ko na rin pinagtutunan yan ng pansin.

naka-focus ang atensyon ko ngyon sa career ko. at dahil ako lang ang nagma-manage nito, walang ibang pwedeng sisihin kung matatalo ako sa laban. ano na nga bang narating ko sa edad na 25? ni hindi man lang ako nakakaapak sa isla ng Boracay. ni hindi pa rin ako nakakalabas ng bansang to para maging tourist man lang. nakakalungkot ding isipin na napag iiwanan na pala ako ng iba kong ka-batchmates. malayo na ang narating nila. hindi lang lugar..sa career din.

pagka-graduate ko nung college, natagalan ako bago makahanap ng trabaho. sa dinami-dami ng inaplayan kong call center bilang tech support wala ni isa dun ang tumanggap sakin. kundi lagpak sa exam, sa interview naman sumasablay. saka ko na-realize na hindi para sakin ang trabahong yun dahil kahit pang-amerikano ang tangos ng ilong ko, hindi naman ganun ka-fluent ang wikang ingles ko. at isa pa na-realize ko na hindi ko pala kayang magtabaho ng graveyard shift dahil masyado ako antukin sa gabi. at kapag pinapasok naman ako ng madaling araw, mapapadaan ako sa mga kalsada na puno ng pokpok at patay sinding mga bahay aliwan, massage parlor, at whore house na walang tigil sa pangungulit na pagsilbihan ako. nakakatakot na mga pangitain.

ilang taon na rin ang nakalipas ng magsimula akong magtrabaho. 2nd job ko na to ngyon at dito na rin ako tumagal. magtatatlong taon na sa Oktubre. pero nararamdaman na ng bulsa ko na malapit na akong umalis dito. sa lalong madaling panahon habang hindi pa huli ang lahat. kelangan ko magsimula ulit.

pero ginugulo pa rin ako ng isipan ko. gustong gusto ko na umalis pero parang ang hirap naman tumayming! lalo na ngyon at matatanggap na namin sa katapusan ng buwang ito ang over-delayed salary increase na matagal na naming inaantay. meron na ring naka-iskedyul na company outing sa darating na June 27. ngyon lang ulit mangyayari to dahil last year hindi naasikaso. pero ang trabahong gusto kong aplayan as a trainee sa Makati ay hindi na rin makakapaghintay dahil baka maubusan na ako ng slut este slot. naihanda ko na ang resume ko at anytime pwede ko na simulan ang job hunting. mahirap rin talaga kapag may pamilya ka na dahil hindi lang sarili mo ang iniisip mo kundi pati na rin ang magiging kinabukasan ng mga anak mo.

this entry is inspired by Manny Pacquiao’s “Kumbinasyon” entries

Mga Puna»

1. Lyzius - Mayo 20, 2008

Doh!
“Something has gone wrong, the page you’re looking for can’t be found.

Hopefully one of the options below will help you

You can search the site using the search box to the right
You could visit the homepage
Or you could have a look through the recent posts listed below, maybe what you’re looking for is there”

bakit yan ang lumalabas kapag pinindot ko yung link ng kumbinasyon entries ni Manny Pakyaw?

gasti: hehe! error nga..in-edit ko na check mo ulit.

2. neptune - Mayo 20, 2008

quarter life crisis ata ang tawag dyan. ako naman naisip ko yan nung 22 ako, iniwan ko talaga yung trabaho ko dati kse pathetic ang situation. pero kse nung time na yun wala pa akong asawa’t anak. kaya madali lang ipagtulakan ang sarili kong humanap ng iba. tama ka, iba talaga kapag may pamilya ka na.

ang maganda nyan, hintayin mo muna yung 13th month tsaka bonus then tsaka ka umalis. so dapat january ka na magresign para marami ka pang pambili ng bigas at pamasahe sa interview. ๐Ÿ˜€

gasti: masyado na ata matagal yun eh. matagal ko ng nakita yang mga quarter life crisis na yan sa iba’t ibang blogger..nahawa na tuloy ako.

3. kuri - Mayo 20, 2008

same here pare.pareho tau ng kalagayan ngaun. darating din ang para satin.wag magmadali.enjoy lang!

gasti: sana nga malapit na para mas enjoy.

4. beero - Mayo 20, 2008

pareho bumabagabag sa tin parekoy. hehe. gusto ko rin kasing maghanap ng greener posture este pasture pala. medyo matagal na rin ako work ko, almost a year na din siguro. pero minsan naiisipan kong maghanap ng iba.

gasti: wala ka pa pala isang taon eh..hehe! normal naman ang paghahanap ng greener pasture..hindi naman ipinagbabawal ng batas yan kaya pag may opportunity, sundot na agad baka mawala pa.

5. MARU - Mayo 20, 2008

kung may magandang opportunity…grab mo. kelangan lagi kang bukas sa pagbabago. yan ang laging sigaw ni Ate Vi di ba? yung tungkol sa pagbabago. Wag kang matakot, bata ka pa at marami ka pang matutunan. Naiintindihan kita kasi madre ako….madre de pamilya din ako. Wag kang makuntento sa bagay o sitwasyon na hindi ka masaya. basta bigyan mo rin ng sapat na panahon ang pag iisip at desisyon mo. goodluck.

gasti: salamat sa mga words of wisdom mo mareng maru. mas bilib ako sayo dahil nakakaya mong itaguyod ang mga anak mo ng mag isa. nakapagpasya na naman ako eh..lilipat ako pero humahanap lang ako ng magandang tyempo.

6. popoy - Mayo 20, 2008

GO FOR IT GASTI….

Pero minsan wag nating icompare kung ano man tayo ngayon sa narating nang ibang kabatchmate natin. NAKAKAINGGIT lang kasi hehehe.

hindi, siryusli, dapat maging inspirasyon sa atin kung nasan na sila ngayon at sabihin sa sarili, kaya ko din puntahan ang narating mo.

mas mahirap ngalang sau ngayon kasi may pamilya ka na. pero okey lang yan gasti kaya mo yan. dasal lang, tyaga at sipag๐Ÿ™‚

gasti: bakit naman kasi nagkasabay sabay pa eh. sana nauna na lang yung increase at outing para wala na ko ibang iniintindi.

7. Lyzius - Mayo 20, 2008

anong meron dun sa kumbinasyon ni manny pakyaw? ahihihi…icli-click ko ba lahat ng links dun isa-isa?

gasti: ahehe! talagang na-curious ka pala. wala lang yun..napansin ko lang kasi na iisa ang pambungad na bati nya eh. parang ordinaryong blogger na nagkaron lang ng sariling column sa dyaryo.

8. wei vines - Mayo 20, 2008

hehe, nag oopen na sayo yung opportunity oh! hehe.. go for the gold pare๐Ÿ˜‰

gasti: uhhmm..di pa naman ako tinatanggap..mag aaply pa lang ako. pero sana ito na nga yun.

9. Maldito - Mayo 20, 2008

dapat lang…kahit ako, indi ako makapag resign dahil iniisip ko ano ang kakainin ng inahin ko kung titigil ako sa trabaho at start at one na naman ako..mahirap yun. ikaw ok lang naman siguro kasi may kakapitan ka..ako mag isa lang…haehehehe..

di pa sguro time for a new job kuya….22 palang ako..kaya timpi muna.

gasti: mas maigi makahanap ka muna ng lilipatan bago ka magresign. ikaw rin pala ang inaasahan sa inyo kaya di ka pwede mabakante. tiis na lang muna hanggang kaya pa.

10. xG - Mayo 20, 2008

kung ako sa iyo
ang masasabi ko lang
kailangan mo masagot
ang pangangailangan mo
ora mismo

dahil kung hindi

malamang
mababagabag ka talaga

poreber

gasti: alam ko na naman ang dapat ko gawin. hindi na nga ako ganun ka-bata pero di rin ako ganun katanda para masabi nating huli na ang lahat. eto na nga siguro yung tamang pagkakataon.

11. Banana - Mayo 21, 2008

“ang kelangan mo’y tibay ng loob kung mayroong pagsubok man. ang liwanag ay iyong makakamtaaaaaan, basta’t maghintay ka lamang.”

ooopps. kanta pala ito. pero true. ๐Ÿ˜€

di ko po sinasabi na literally “maghintay” ka lang… what i mean is, while you’re on your way there, do your best and nasa right time ibibigay sayo ni Lord ang work na u really deserve kapag handa ka na.๐Ÿ˜€

good luck gasti! prayers for you!

gasti: hehe! naalala ko nga yang kantang yan. thanks annie!

12. Gusto mo bang maging ME…dia? « ANG PINAY BRODKASTER - Mayo 21, 2008

[…] lang ako, matapos basahin ang entry ni Ka Gasti tungkol sa mga narating na niya sa […]

13. Lenggai - Mayo 21, 2008

sa wakas… nakabasa ulit ako ng isang entry na nag-inspire na naman sa aking magsulat ng nobela… na entry. lol!

mag-isip-isip ka lang ng mabuti… and gaya ng sabi ko sa iba ko pang friends na ganyan din ang problema: if you pray and look hard enough, you will find your peace.๐Ÿ˜€

gasti: Amen! hehe! nobelang entry nga๐Ÿ˜€ peace be with us.

14. Jex - Mayo 21, 2008

huwaw pare. sama sama na tayong mag-aplay nila jason! wahaha. pati ako, sobrang naguguluhan na sa trabaho ko. kahapon lang, ang daming pinapagawa e, gusto kong sagutin ng ‘teka, yung tamang trabaho lang ibigay niyo sa akin. yung sapat lang sa sinasahod ko.’
andami kasi nilang inuutos pero yung rate ko ganun pa rin. yung mga kasama ko mas mataas pa sa akin. ang hirap pag kinukumpara na ang sweldo. pakshit.
oist, memorable sa akin ang june 27. hehe. 4 years na! niyahahaha!

gasti: hehe! uu nga eh pag tinambakan din ako ng trabaho parang gusto ko ipamukha sa kanila ang liit ng sinasahod ko..nakakainis kasi wala ka magawa kundi magtimpi. kaya nga naisipan ko na umalis dahil wala akong maiipon dito. 4 years na pala? galing! congrats ah!๐Ÿ˜€

15. madbong - Mayo 21, 2008

bata ka pa pala kung tutuusin parekoy, malayo pa mararating mo. subukan mong timbangin ang pagpili sa trabaho. di sa nagmamalaki pero from general clerk ay naging division chief ako sa gubyerno in less than 5 years. pero hindi ito nangyari sa isang opisina lang. kumbaga, pag nakakita ako ng mas mataas sa ibang department or agency, lumilipat ako, at pag meron ulit nakita sa iba, lipat uli – pero mas mataas dapat ang aim.

gasti: salamat sa tips parekoy..salamat naman at sinabi mong bata pa ako..hehe! yung opportunity na sinasabi ko sa Makati..mas mataas yun.

16. foobarph - Mayo 21, 2008

ganyan talaga pag may anak na. ^^

17. fjordz - Mayo 21, 2008

may kanya-kanyang swerte lang yan.. nagkataon na kapag tinitignan mo yung mga positibong side ng ibang mga tao, ang tinitignan mo naman ay ang negatibong side mo.

goodluck sayo!! Godbless!!

http://hiraya.co.nr

gasti: uhhmm sabagay ganun nga. pero kung ikukumpara ko rin sa iba kung ano ako ngyon, ako naman lamang..depende sa tingin. pero syempre mas gugustuhin mo pang paunlarin ang sarili mo. tnx bro!

18. Lyzius - Mayo 21, 2008

25 ka lang ba? echos lang!

gasti: totoo yang edad na yan! tapat na po.

19. rio - Mayo 21, 2008

wag na po kayong malungkot dahil hindi pa din ako nakakatapak sa isla ng boracay..hehehe=)
darating din po ang swerte nyo=)

gasti: swerte pa rin naman ako kahit papano dahil di kami nauubusan ng bigas. sana next time manalo naman ako sa mga pa-raffle.

20. antuken - Mayo 21, 2008

basta lang make sure na meron ka pupuntahan before ka magresign.
wag ka mainggit sa narating ng mga kasabayan mo. actually itapon mo na ang inggit sa bintana. wala yan naidudulot na mabuti. ever. hehe.
nawa’y bigyan ka ng diyos ng tamang signs kung ano nga ba ang susunod na kabanata sa buhay mo. no worries, ambata mo pa. sobra. andami pa pwede mangyari.๐Ÿ™‚

gasti: yun nga ang importante sa lahat. ayoko rin naman mabakante. ahehe! uu mas bata nga siguro ako sayo..bata pa rin naman ang puso’t diwa ko pero ayoko na ng pambatang sweldo.

21. eyna - Mayo 22, 2008

uy good luck ha! basta kasi believer ako ng kuwan, pag ang isang bagay ay para sa iyo, biglang magiging swak ang lahat ng pangyayari para matupad o makuha mo ang bagay na ito. may sense ba?

ako din di pa nakakapunta ng boracay. pati puerto galera nga di ko pa napupuntahan at correigdor :-s

gasti: believer ng kwan? hehe! uu nagets ko naman. namimiss ko na ulit mag beach. kaya lang bumabagyo na eh

22. koreanmine - Mayo 22, 2008

matangos pala ilong mo?๐Ÿ˜€ hehe bat yun nga ba napansin ko. cguro kc pango ako๐Ÿ˜†

buti ka pa decided ka na na lumipat, akom gus2ng gus2 ko na din mag iba ng work kaso parang ngang ders nvr a gud tym… hays

wel, gudlak na lang po sa desisyon mo n i hope ul be happy kung ano man yun๐Ÿ˜‰

gasti: salamat naman at yun ang napansin mo..haha! labo.

23. nanay belen - Mayo 22, 2008

Hello po. napadaan lang po. Ang masasabi ko lang ay , ano kaya kung mag business na lang kayo.. . hwag monkey business ha.

gasti: nay belen! salamat po sa pagdaan nyo marami akong gustong pasuking business kaya lang eh wala pa akong kapital.hehe!

24. karmi - Mayo 23, 2008

grabe. 25 ka na pala. ako 16 pa lang, pero magkabatch tau? hahaha.๐Ÿ˜›

hmmm, goodluck tol sa job hunting. kung ano ang nasa puso mo, sundin mo. pero syempre, isipin mo rin cna misis at bebi.

^_^

gasti: haha! hanggang ngyon ba naman 16 ka pa rin? di ka na tumanda ah..marami na nga ako iniisip.

25. Geisha - Mayo 23, 2008

ayyyyyyy.. nakakarelate naman ako sau! ako rin wala pang narating. i’ll be truning 65 na this july pero wala pa rin akong napatunayan. 30 years na ako dito sa work pero feel ko butas pa rin ang bulsa ko…

grab mo lang darating na oppurtunities pero tandaan mo lagi mahirap maging secured sa trabaho lalo na ngayong unstable ang ating ekonomiya. tingnan mo muna ang security mo financially, emotionally, morally at sexually.
pang future din yun ng anak mo๐Ÿ˜€

gasti: ano kamo? 65 yrs. old ka na? lols! 30 yrs sa work? anlabo mo kausap. andami namang kelangan security nyan. sasabak na lang siguro ako sa prostitusyon

26. ponchong - Mayo 23, 2008

antagal kong di nakapasyal dito, pero dito na ako uli. LOL..

25 ka pa lang sa lagay na yan? kahit papano siguro naging attached ka na rin sa trabaho mo kasi nga nahirapan kang tumayming para umalis. ibig sabihin may naghohold-on pa din sa yo sigurado ako di lang increase at outing. mahirap talaga kumawala sa isang bagay na nakasanayan mo na lalo na kung dito ka masaya.

sama sama na tayong magbora kung me pagkakataon. malapit kami don.๐Ÿ™‚

gasti: haha! anong ibig mo sabihin sa lagay na yan? lols! tara sugod na tayo sa bora! libre accomodation ha!๐Ÿ˜€

27. barquera - Mayo 23, 2008

pag isipan mo ang iyong desisyon..isaalang alang mo ang iyong sarili at pamilya mo.. kung sa tingin mo eh maganda ang opportunity ng gustong mong lipatang trabaho eh bakit hindi mo gawin… alam ko na nag dadalawang isip ka dahil sa pamilya ..tutal naman ay bata ka pa at marami pang opportunity na dadating sa iyo. hindi tyming ang kailangan mo.. kundi ang paninidigan sa magiging desisyon mo..
GOODLUCK!

gasti: sabagay wala naman talagang perfect timing pagdating sa paglilipat. salamat sa pagbisita.

28. Geisha - Mayo 24, 2008

hahahha gago! e reserve mo yang puri mo.. saka na pag isang libo na per one kilo ng NFA๐Ÿ˜€


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: