jump to navigation

singitero Mayo 23, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

normal na ang mga eksena ng mahahabang pila na makikita mo ngyon kahit saan lugar ka magpunta. at kung di ka pinalaking madupang ng magulang mo, malamang uuwi kang luhaan at babalik kinabukasan para makipagbuno ulit. kahit sa loob mismo ng bahay kelangan mo gamitin ang skills mo para hindi ka maunahan sa banyo..lalo na kung taeng tae ka na. gaya na lang kaninang umaga, pagkagising ko ay dumiretso na ko sa mesa para mag imbak ng kaunting laman sa tyan ko…para sakin isa yan sa mahirap na gawain lalo na kung di pa ako naaarawan. pero kelangan dahil ayoko naman magutuman sa byahe..ayoko rin ng kumakain sa byahe dahil di ko gustong mangamoy ang kinakain ko sa loob ng sasakyan. isunusumpa ko rin yung mga kumakain ng instant noodles lalong lalo na ng humpy dumpy sweet corn flavor sa mga sasakyang de-aircon. ang sarap mong sikmuraan sa leeg (nakatikim ka na nun?!) kahit pa babae ka. wala naman sigurong maganda at seksing babae na gagawa nun pero kung meron nga, yayain ko na lang siguro lumabas para mag-dinner..ahehe! magtatakip na lang ako ng ilong.

dahil sa kabagalan kong kumain, naunahan pa ko ni misis sa banyo. at dahil sa wala naman akong narinig na “plok! plok!” at tahimik na eksena sa banyo masasabi kong diretso ligo na ang ginawa nya. nakatapos na sya’t lahat sa paliligo. andun pa rin ako sa mesa na parang hamster sa dami ng kanin at ulam na nakapasak sa pisngi ko. di ko kasi malunok. nung nagbibihis na si misis, saka ko lang nalunok ang lahat ng kinain ko. muntik pa ko mabilaukan dahil nakalimutan kong ngumuya sa sobrang pagmamadali. pagkalagok ko ng milo na matabang ang lasa, biglang humarurot si misis papuntang banyo dahil napupupu na daw sya. at bilang isang tunay at sertipikadong gentleman slash track and field athlete, naunahan ko sya makalapit sa banyo at nagsimulang makipagpatintero..”ooops ako muna! hehe!”. pang asar lang dahil alam kong di marunong magpigil yun kapag nakaramdam ng tawag ng kalikasan..may mga araw pang kakaupo ko lang sa trono o kaya kakabuhos ko pa lang ng isang tabo ng tubig sa bumbunan ko ay saka naman nya ko kakatukin at pilit na palalabasin dahil napupupu na sya. magaling na babae. at sa muling pagpasok ko ng banyo, bigla na lang ako mapapasigaw ng “yuck bad smell! ang baho! ang bahooo!  ang bahoooo namaaaan! nyahahaha!” pagkatapos nun ay magco-collupse na ko.

binabawi ko na ang mga sinabi ko kanina. odorless ang pupu ng misis ko. di ko alam kung pano nya nagagawa yun pero kapag nakikita ko syang umuusok na ang ilong sa galit, nawawala na yung amoy. pramis! galing nga eh!

buti na lang rin at maaga ang pasok ko sa opis. di ko na nararanasan ang pagpila para makasakay noong alas nuwebe pa ang shift ko. tinutubuan na ako ng ugat noon sa katagalang pumila at kung susumahin ang bawat minuto kong late noon, aabutin ng hundred hours yun. pero dahil mahal pa rin ako ni Lord, mga 6 times lang siguro ako nahuli ng boss ko. at wala ring kinakaltas sa sweldo ko. hehe!

madalas ding mag unahan dito sa paglalaro ng psp kapag lunch time. 3 lang naman sila nagpapalit-palitan kasama si chilli. car racing ang laro at para din silang nag-racing sa pag uunahan kung sino mauuna maglaro. dati rati kung sino mauna matapos kumain pero sa katagalan kung sino na ang unang pumiyok ng first! 2nd at no choice 3rd yung mabagal. nag iinit pa lang kami ng pagkain sa microwave nyan.

isa sa mga namimiss ko nung college ay ang mga pila sa enrollment. grabe yun! di pa kasi kami computerized ng mga panahong yun kaya talagang brasuhan ang labanan bago ka makaraos. ultimo babae walang pakialam kahit malamog ang dede nila para makasingit lang sa pila. at kapag may mga pagkakataon naman na babae ang kaharap mo at nakatutok na sa kargada mo ang pwet nila, ipagpasa-Diyos mo na lang ang lahat. kahit anong galeng mo magpigil, paniguradong may kikislot dyan at syempre ayaw mo namang maramdaman yun ng babae dahil masasabihan ka pang bastos/manyak/pervert na hindi mo naman talaga kagustuhan. biktima lang kami ng mga pagkakataon.

dito nga lang sa elevator eh madalas ang punuan kapag uwian. may nakasabay ako babae mga 5″2 cguro. ok naman yung suot..pang-summer kahit pa umuulan na sa labas. tyempong napatapat sya sa harapan ko. katabi ko rin ang 2 kong opismate at dun kami nakasandal sa dulo. maluwang pa nga nun kung tutuusin pagpasok namin pero pagdating sa bandang ibaba ng floor, dinagsa kami ng pasahero at nasiksik kami. prenteng prente ang pagkakasandal ng babae sa harapan ko at pakiramdam ko eh nakahiga talaga sya sakin. gusto kong deadmahin ang sitwasyon na  yun kundi lang ngisi ng ngisi ang dalawang opismate ko. naka-steady lang ako nun at hindi kumikilos habang taimtim na nagdadasal na wag ako ipagkanulo ng pototoy ko. pagkabukas ng pinto saka lang ako nakahinga ng maayos. sa isip isip ko, ano kaya ang pakiramdam ng mga babaeng natutukan sa likod? given ng hindi pangit ang lalaki sa likuran. *ehem! ehem!

Mga Puna»

1. rio - Mayo 23, 2008

galit na galit mga kapatid ko kapag kumakain ako ng sinigang na baboy tapos mag pupupu..amoy panis na sinigang daw kasi ang tae ko..hahaha!!

lagot ka kuya.may tinututukan ka sa elevator huh!!! sumbong kita kay misis..joke lang!=)

gasti: hahaha! ambantot naman nyan..wala akong tinututukan..di sadya yun. biktima lang ako.

2. antuken - Mayo 23, 2008

sa mrt malimit din yan mangyari pag rush hour. i saw a short film about parang ganyan dati. lagi lang sila nagkakasabay sa subway. siksikan. at ganyan nga ang pwesto. cute. hehe.

gasti: haha! kahit saang parteng siksikan ngyayari yan. cute pala😀

3. apollo - Mayo 23, 2008

ako naman, naexperience ko dati sa lrt.. ung isang babae isinandal ung dede nya sa kamay kong nakahawak sa handrail.. parang iniipit ung kamay ko. hindi ko naman matanggal kasi iniipit nga.. nakakatakot kasi may kasama syang lalaki. tapos nung maluwag na ang lrt, ayaw pa rin nya lumayo. ung ibang mga lalake naman nakatingin sa akin. inggit na inggit siguro. kinakabahan nga ako kasi baka asawa nya kasama nya. exciting! haha!

gasti: haha! pagtitinginan ka nga nyan..grabe naman yung babae parang walang pakiramdam..lols! exciting nga!

4. ellieshe - Mayo 23, 2008

nyaaaah! sa lahat yan ung pinakaayaw ko..ang makipagsiksikan. Lalo na kung nagtatake advantage yung lalaking nasa likod mo. Hayy. At pareho pla tau..pag sa bahay mabagal din akong kumain. hehe😉

gasti: uu nga eh ayaw ko rin meron nagte-take advantage sa likod ko lalo na kapag lalaki. nakow baka butasin ang pwet ko.

5. Maldito - Mayo 23, 2008

ano ang feeling?depende naman yun sa tinututuk o sa nagtututuk…ahhehe..kung maliit ang tinututuk syempre deadma..pwero kung malaki at mahaba…matataranta yun at lalong ididiin ang sarili…

sino ba naman ang payag na tumakbo kung itak na ang naka tututuk sau?

lols.

gasti: kahit maliit pa yan pero matigas naman mararamdaman pa rin yun. hehe! eh pano pa kaya yung sakin? sabagay napanatili ko namang naka-relax yung sakin.

6. kengkay - Mayo 24, 2008

hay, parang nakasandal sa pader ang mga drama nga dati sa LRT habang nagbabaybay ako mula EDSA to central station. pero may mga iba na yung etits naman nila ang pinangunguna, talaga naman. one time yung kaibigan ko talagang tinutukan mula EDSA to monumento, edi naman sinasabi na may bukol pala sa pwet nya habang biyahe kami, nung pababa na lang atsaka sya nagsumbong kay super kengkay. sempre pinahiya ko yung lalaki, sabi ko sa kanya, ang liit daw nung sa yo ano. hmp, tinginan lahat sa kanya tapos karipas din kami ng takbo, ahahaha

gasti: natakot rin siguro yung kasama mo kaya hindi agad nakapagsalita pero dapat umalma sya dahil iisipin nung nakatutok na ok lang yung ganung posisyon. pero nice one buti nakahirit ka pa.

7. utakmunggo - Mayo 24, 2008

hindi pa ako nasisikmuraan sa leeg o naa-uppercut sa likod..

josko naman tumaas ang high blood ko nang ikwento mo ang tungkol sa daily odourless “masterpiece” ng misis mo. asawa ba kita? parang ako yung dine-describe mo ah. hehe

bkt nga ba amoy tae ang humpy dumpy? isa sa mga katanungang lagi kong tinatanong sa kalawakan.

gasti: haha! ganun ka rin? cool ka lang baka mag-collupse ka pa dyan. di ko nga alam kung bakit ako kumakain nun nung bata ako eh. di ko agad napansin na amoy tae pala.

8. rofel - Mayo 24, 2008

biktima lang kami ng mga pagkakataon
-tama ka bossing,

given ng hindi pangit ang lalaki sa likuran. *ehem! ehem!
at nanamantala naman sila ng pagkakataon ^_^

-cheers

gasti: haha! marami rin talang mga chiching ang nag-take advantage. pero hindi mo naman sila masabihang bastos.

9. barquera - Mayo 24, 2008

masarap kaya makipag siksikan kapag me iba ka motibo hehehe.. madalas sa mrt ako nakakaranas masiksik hehehe😉

gasti: at anong motibo mo naman sa mrt? hehe!

10. Lyzius - Mayo 24, 2008

naka naman biktima biktima ka jan…bwahahahaha…

gasti: totoo naman eh. mapanukso talaga ang mga babae.

11. koreanmine - Mayo 24, 2008

nabasa ko sa trivia. sa isang normal life span daw, total dw ng 5 yrs ang nagugugol sa pagpila! imajin!

…hirap talaga pag iisa ang banyo, yan din lagi pahirapan d2 samen pag nagkasabayan …

ano kaya ang pakiramdam ng mga babaeng natutukan sa likod? given ng hindi pangit ang lalaki sa likuran. *ehem! ehem! <<< lam u b ung feeling ng dedma na wet na wet? inde? wel, ganun yun! Lols😆

gasti: ayon naman sa trivia ko sa 5 yrs na pagpila, mga 4 years dyan nagugugol sa kabastusan habang nakapila. uhhmm dedma na wet na wet? haha! posible pala yun.

12. April - Mayo 24, 2008

hehehe uy, kahit pinagtatawanan mo yung mrs. mo sa pupu, na-sweetan ako dun. yeehee! achuchu! hehe.

“ultimo babae walang pakialam kahit malamog ang dede nila para makasingit lang sa pila” –hehehe loko loko ka talaga, i-link nga pala kita ha? (sa super outdated kong space hehehe)

gasti: naks! akalain mong may na-sweetan haha! tnx! sige bisita ako mamaya dyan sa blog mo.

13. wei vines - Mayo 24, 2008

nako…enrollment ba kamo? maski computer na nagpapatakbo ng pera namin, di talaga mawawala yung pila..at siksikan😀

gasti: try mo lang i-enjoy ang pagpila sa mga ganyan..hanap ka ng pagkakalibangan. hehe!

14. sexy moi - Mayo 24, 2008

weh, ayokong sumisingit, bad trip yun eh.. natry ko sa mrt yung sobrang sikip. paksyet tinulak ko nga sila eh akong papasukin eh hehe…

gasti: pag hindi maganda yung sumisingit nababadtrip ako.

15. mnel - Mayo 25, 2008

allergic ako sa tao. ayoko ng siksikan. hehehe. maliit kasi ako. di ako makita pag siksikan na. hehe

gasti: hehe! lumulubog ka siguro pag may pila..ingat ka baka ma-stampede ka. enrollment lang naman ang gusto ko pinipilahan.

16. Poli - Mayo 25, 2008

Kung nababasa lang ng misis mo ang mga pinagsususulat mo. Nakow!

gasti: magugulat ka ba pag sinabi ko sayong nagbabasa sya ng bawat sinusulat ko rito? buti na lang at gudboy ako.

17. Jex - Mayo 26, 2008

wahahaha. i can relate dun sa elevator. haha. dati kasi nagkasiksikan na rin sa elevator dito sa bldg namin. may babaeng sumandal sa akin. hindi ko alam pero naramdaman nya namang may tao sa likod nya. as in dikit na dikit talaga. hindi ko napigilan, nagising si junjun ko. ayun. wala lang. ansarap. hahahahaha!

gasti: hahaha! baka natipuhan ka rin😀 imposible namang di nya maramdaman yun pero malamang binalewala na lang.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: