jump to navigation

pakabit nga Mayo 26, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

dati ko pang naisipan gawin ito pero wala namang nag aalok. bored na kasi ako pag nasa bahay at masisisi nyo ba ako kung maghanap ako ng ibang pagkakalibangan? uu may psp nga ako pero madalang lang ako makapaglaro nun dahil naadik na rin dun ang kapatid ko pati mga opismates ko. kapag bubuksan mo naman ang tv, wala kang ibang mapapanood kundi ch. 7 at 2. pwera na lang kung may laro sa basketball o boksing. nakakasuya na rin. kaya ang gagawin ko na lang eh lumabas ng bahay at pagmasdan kung papano manginain ng damo ang mga guinea pigs. kamusta naman ang weekends nyo?

dahil sa sinusumpong rin aman ako ng kasipagan kahit papano eh naglinis na lang ako ng sasakyan. ginaganahan na tuloy ako magdrive dahil epektib ang ginawa kong pagpapaganda. pinuno ko ng sampagita ang loob nito at nilagyan ko rin ng malaking sto.nino sa harapan ng manibela para pantaboy na rin sa mga lalapit na kotong cops. medyo mahirap nga lang tumingin sa dadaanan dahil ga-braso ang laki ng poon na nakaharang pero oks lang para sa safety naman ng byahe yun eh.

pagkatapos kong pagurin ang sarili ko ay bumalik na ako sa bahay. tyempo namang may isasalang na vcd ang utol ko para panoorin. naghanda na kami ng mga sitsirya para malamon habang kami ay nanonood. syempre kasama anak ko na seryosong nag aabang. nasanay na kasi sya na kapag may ipinasok na cd sa aming super high-tech advance technology dvd player imported from Quiapo eh puro disney at pixar ang palabas. wala syang kamuwang muwang na “brokeback mountain” ang panonoorin namin. very educational indeed. at uu tama ka. wala pa ni isa samin ang nakapanood ng palabas na yun. ganun kami ka-outdated sa mga pelikula.

taimtim kaming nanood at nasa eksena palang na  getting-to-know-each-other ang mga aktor na tagong bading ng biglang may kumatok ng pinto. pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang isang estranghero at may inaalok sya. “sir gusto nyo pong magpakabit?”. medyo naalimpungatan ako sa sinabi nya dahil napakaganda ng bungad nya. “ano nga ulit yun?”. masarap sanang isipin na may kabitang mangyayari. alam kong ilegal ito pero diba nga sabi ko sa inyo bored nako? kaya papatulan ko na rin. ayun nga lang lalaki ang kausap ko at skycable ang inaalok nya ikabit sa bahay namin. sinipat ko muna maigi ang karakas nya dahil baka isa lamang itong patibong ng mga taong feeling superhero ng bayan. ayokong ma-imbestigador, xxx, bitag at mayari ni michael v. nakakahiya yun pag nagkataon.

sinabi ko sa kanyang wala ang tatay ko kaya hindi ako pwedeng basta basta na lang magpakabit at isa pa. andyan ang misis ko sa loob. ano na lang ang sasabihin nya pag nalamang nagpakabit ako sa isang gaya nya. at lalaki pa. anong aral naman kaya ang matututunan ng anak ko sa mga pinaggagawa ko? pero ayokong basta basta na lang magtaboy ng isang binatilyong may malupit na karanasan sa buhay at kasalukuyang naghahanap ng gamot pambili ng antibiotic dahil sa sugat na natamo nya sa kanyang bumbunan gawa ng pagkakabaril sa kanya sa ulo. ano kaya ang pakiramdam nya nung mga panahong pinagtulung tulungan syang kuyugin ng dalawampung katao? (duda ako rito dahil pano mo pa makukuhang magbilang ng taong sasapak sayo habang kasalukuyan kang nakikipagbuno pero di na mahalaga yun). malakas ang pagkakahampas sa kanya ng dos por kwatro na kahoy sa may batok na ikinawalan nya ng malay (sabay pakita ng peklat for evidence) at ang kahuli-hulihan nyang natatandaan ay may tumulong sa kanya habang sya ay nakadapa at duguan. isang binatilyo rin na isinalarawan nyang “ang gwapo gwapo” at balita nya ay madalas daw maging escort kapag may mga prusisyon sa lugar na yun. sayang lang at napatay. 7 saksak raw ang tinamo nito na posible pa sanang mabuhay kundi lang pinagod interbyuhin ng mga reporter sa loob ng 3 oras. at eto namang lalaki sa harap ko. himalang nabuhay pagkatapos madaplisan ng bala ng baril sa ulo. swerte lang daw sya dahil hindi agad naiputok ang paltik nung kaaway nya kaya nakailag pa sya kahit papano. mabait pa rin ang Dyos sa kanya. minalas nga lang yung tumulong.

di ko na namalayan ang oras sa dami ng pinag usapan namin. nakuha nya na ang tiwala ko pero hindi ang puso ko. hindi pa rin ako nagpapakabit. pero masigasig syang manuyo kaya nilapitan ko naman ang isa kong tito para samahan syang maghanap ng gustong kumabit. at tyempo namang matagal na pala nagtitiis sa ch.7 at 11 ang tito ko dahil sa lotek na antenna nila. yun lang daw ang malinaw ang resepsyon kaya nung nabanggit ko sa kanya na baka magpakabit na kami eh ginusto na rin nya para daw hati ng bayad.

pagdating nila erpats galing ng simbahan inabutan na lang nya kaming nagse-set up na ng pagkakabitan ng cable. wala na sya nagawa dahil andun na rin kaya kahit alam kong di sya pabor sa mga ilegal na kabitan na yan, di na sya naka-react pa. ang hirap pa ng lagay ko kasi ginawa pa akong helper nung cable guy. ako tagahawak ng hagdan. panay nga ang lingon ko dahil baka may dumaang pulis o skycable van at masaktuhan kami sa ganung posisyon. pag nagkataon tapos ang maliligayang araw ko. pero isang mabilisang kabitan lang ang naganap (quickie in short). ginamitan nya ng makabagong telephone wire instead of cable wire para daw hindi masisita ng mga cable companies. mahusay ka bata.

at sa one time payment na nagkakahalaga ng 500 pesos divided by 2 meron na ngyon kaming skycable sa bahay. nyahahaha! wag kayong magsusumbong ha!

P.S. baka may gusto pang magpakabit dyan sa inyo sabihin nyo lang sakin.😉

Mga Puna»

1. Lyzius - Mayo 26, 2008

meron din kami nyan…sa destiny cable naman…pakabit ka ng internet at me libreng lifetime subscription ka ng cable channel.san ka pa di ba? me broadband na me cable pa

gasti: haha! ilegal din? sa dubai ba yan o sa pinas? ayos ah!

2. xG - Mayo 26, 2008

gusto ko rin magpakabit
pero di kay badoodles
tuald ng mga kumakalat na tsismis
hahahaha

seryos
naghahanap ako
ng magkakabit sa amin
ng cable
para naman mabitawan ko na
ang desktop ko
tsk
sawa na rin kasi ako magblog
hahaha

gasti: haha! parang nabalitaan ko nga rin yun. ambilis talaga kumalat ng chismis. bigay ko sayo cp no. nung nagkabit samin. gusto mo?

3. rofel - Mayo 26, 2008

wahehehehe!
panalo… me contact# k ba nia???

gasti: uu meron ako cp. no. nya hehe!

4. apollo - Mayo 26, 2008

ayus yan kosa! tempting kaso nakakatakot…

gasti: uhhmm lakasan lang ng loob.

5. kengkay - Mayo 26, 2008

ako yung nagkabit ng cable namin ex-BF ko, so mga 10 years ago na yung kabit na yon pero until now hindi pa rin kami nagbabayad kasi walang naniningil e, ibig sabihin ba non e illegal kami, hahahah

6. Richmond - Mayo 26, 2008

“Pakabit”… akala ko bastos kaya binasa ko. hehe

gasti: ayan kasi napaghahalata ang mga mahilig sa kabastusan. lols

7. ellieshe - Mayo 26, 2008

pwede ba yan dito sa bundok? kung pede….pakabit nga.😉

gasti: hehe! kung meron ng linya ng cable dyan baka pwede.

8. Aling Baby - Mayo 26, 2008

hahahahah!!

naaalala ko yung cable namin sa Pinas, destiny yon. kahit walang star world at star movies, chika na rin. Shempre, libre na nga magreklamo pa daw ba?😀

pero bigtime ka ha, sky cable tsk tsk…sayang papakabit sana ako kung nasa Pinas pa ko hehehehehe…😀

gasti: wala na ang solar sports at jack tv sa skycable..paborito ko pa namang puntahan yun.

9. Geisha - Mayo 27, 2008

mamaya maposas ka nyan!😆

gasti: hindi ako magpapahuli ng buhay..hehe!

10. Jex - Mayo 27, 2008

bad. ilegal yan. hahaha! pakabit nga rin, gusto ko na rin ng may cable sa bahay. sawa na ako sa SIS at mel and joey. pakshit

gasti: haha! kung mahuhuli nila ako. lols! magpakabit ka na rin kasi ang saya manood ng aquarium channel.

11. popoy - Mayo 27, 2008

gasti. ako gusto ko magpakabit. meron kami dating iligal kaso hudas na taga skycable yan eh ginawang prepaid kaya pingtatanggal yung mga coneksyon. gusto ko magpakabit. mura lang pala. nakakasawa na kasi yung mga kaartehan ng eat bulaga at wowowee. pati yung mga drama drama. korni korni. namiss ko na ang MTV at mga reality show. ang NATGEO at iba pang nakakaamaze na panoorin sa cable. haaayyy. gusto ko nyan.pag nadaan yung mamang yun pakisabi pumunta sya sa CALOOCAN HA??? tnx

gasti: hehe! marami naman gumagalang nag aalok nyan eh..sinabi mo pa! nakakasawa na talaga ang mga palabas ng dos at syete.

12. neptune - Mayo 27, 2008

kami rin dati nagpakabit kaya lang siraulo yung nagkabit dun sa dati naming bahay, once in a while bumabalik (pag kinakapos) humihingi ng dagdag kesyo panlagay daw dun sa boss nila…hanggang sa dumalas…

gudlak gasti! nadagdagan pa tuloy yung rason mo para magtago😀

gasti: nakow..buwaya pala yung nagkabit sa inyo eh halatang pineperahan lang kayo.

13. Maldito - Mayo 28, 2008

na dismaya ako sa binasa ko..akala ko pa naman makakabasa na ako ng bastos kasi yugto na mata ko sa pesteng trabaho to..ahahhaa..

illegal?dyan ka magaling bossin.no need to ask for more.!

gasti: haha! kelan ba ako nagsulat ng tungkol sa kabastusan? adik! manood ka na lang muna ng porno dyan

14. arj - Mayo 29, 2008

ako rin gusto ko magpakabit.. seryoso.. meron kamin destiny, pero konti lang channels.. sabi nga nila, gagawa ka na rin lang ng illegal lubus lubosin mo.. ganun din naman.. makukulong ka rin naman at habambuhay na hindi matutulog sa takot na maging ka size ng bote ng beer ang pwet mo dahil sa mga kasamahan mo sa preso na gumawa din ng kung ano anong illegal lolz…

pero seryoso, pa post naman ng number nun.. meron din ba for cable internet? ;p

gasti: hehe! may point ka pero wag ka muna mag isip na makukulong ka. galingan mo na lang magpalusot kapag nagkahulihan na. saka depende siguro kung may linya na ng skycable o cable internet dyan sa lugar nyo. send ko na lang sa email mo yung cp number nung nagkabit samin…mahirap na ipaskil dito.😀

15. kamotenista - Hunyo 3, 2008

ang gandang usapan nito..lol. hwag ka po sanang sumabit at yung imahe sa kotse kailangan po isayaw sayaw lang para mas effective…hahaha

gasti: ahh ganun pala yun. ibabangking ko na lang pala yung sasakyan tapos lalagyan ko ng spring yung ulo para tumango tango. pero bad pala yun😀

16. Anthony 'ton' Tantek - Oktubre 22, 2011

gusto ko magpakabit.. anu no. nya??

gasti: naiwala ko na eh. bwisit yun nung bumagyon nawalan kami ng koneksyon tapos naniningil na ulit.

Anthony 'ton' Tantek - Oktubre 24, 2011

gnun ba.. ahaha.. sayang naman.. til now meron pa?

gasti: yung cable namin? matagal ng wala. mas ok pa mag internet sa totoo lang. hehe!

17. Anthony 'ton' Tantek - Oktubre 30, 2011

ahhhaha.. tama..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: