jump to navigation

salamat sa youtube Mayo 28, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

kaninang umaga naalimpungatan ako at nagising. pagtingin ko sa cp/relo ko, wala pa palang alas singko kaya pumikit ako ulit. di naman ako makatulog dahil naiisip ko rin na maya maya lang eh babangon na rin ako para maghandang pumasok. patingin tingin pa rin ako sa orasan hanggang sa ang huling naalala ko 5:14am. dito nako nawalan ng ulirat..nagising na lang ulit ako dahil naramdaman kong kinikiliti na ng nanay ko ang talampakan ko. potek! 6:00am na pala. inisip kong wag na kumain dahil matatagalan lang ako pero hindi ko naman pwedeng balewalain na lang ang mga alaga kong bulate sa tyan dahil baka ubusin nila ang bituka ko. naghagilap agad ako ng tinapay pero sa kasamaang palad wala puro biskwit lang..yoko naman nun. wala rin pala akong choice kundi kainin ang nakahaing galunggong, tilapia at sinangag na kanin sa mesa. nakaraos naman ako ng matiwasay at may kabilisan gamit ang subo sabay lagok ng milo na pamamaraan. diretso na agad sa banyo para magtampisaw sa tubig. at nang makalabas ako ng banyo, 6:40 na pala. ayos! ilang oras naman kaya ang bubunuin ko sa byahe bago makarating sa opis? at hindi pa nga pala ako nakabihis. syet! kaya kumaripas ako ng takbo sa kwarto at dali-daling nagbihis. pero..wala naman akong makitang malinis na brief. asar talaga! magsusuot na sana ako ng pantalon kahit wala ng panloob pero naisip ko na masyado pang maaga para gawin ko yun. mahihirapan lang lalo ako maglakad ng maayos nyan. lalo pa pag ganitong panahon na malamig at may bitbit akong pasaway na ano. kaya naghagilap na lang ako sa sampayan at swerte namang namataan ko ang aking ever reliable and very durable bench hipster. daglian ko na itong sinuot at kumaripas ng takbo palabas..(naka-brief lang?) syempre pagkatapos ko suotin ang damit ko.

pagkalabas ko ng bahay naghagilap agad ako ng trycycle pero walang nakaparada. malas lang. kung kelan mo sila kelangan dun naman sila nawawala. naglakad pa tuloy ako ng mga dalawang kanto para makasakay ng jeep. pagdating sa sakayan papuntang Ortigas, pinagkalooban pa rin ako ni Lord ng natatanging sasakyan para makapasok. sakto ang dating ko papaalis na yung pangalawa sa huling batch ng pinagpala at isa na lang ang naiiwang bibyahe. dahil sa mabilis na rin ang byahe, nakarating ako ng mga bandang 7:30. not bad! swerte pa nga ako at ganun lang ang inabot ko.

at sa pagliliwaliw ko sa internet habang nag iintay ng makakasama sa opis. bukod sa mga sites na pampabuhay sa umaga, napadaan rin ako sa site ni wei at nakabasa ng kanyang pamomoroblema sa lovelife..at tighiyawat. pero wala naman akong kinalaman dun kaya nabaling ang atensyon ko dun sa link ng video na may nakalarawang magandang babae na may pangalang marie digby. parang pamilyar at nakita ko na yata sya noon (sa video din) pero di ko matandaan kung saan. at dahil sa nadismaya ako sa video dahil poster lang pala ang picture nung babae sa youtube, nagsearch pa ako ng ibang video nya at napili ko ang isang ito.

isn’t she lovely? isn’t she wonderful? ahehe!

chilli: yan na naman yang babaeng yan? yan din yung pinapanood ko sayo dati eh

gasti: ha? alin dun? hmm..ahhh naalala ko na sya rin pala yung kumanta ng acoustic version ng “umbrella” at ganito rin ang set-up. kumakanta habang nag-gigitara na nakaupo sa may sofa. galing!

Mga Puna»

1. Lyzius - Mayo 28, 2008

too bad di ko mapanood…

gasti: ahehe! better luck next time..

2. apollo - Mayo 28, 2008

dito sa amin, nakablocked ang maraming site. waaaaaa!

3. xG - Mayo 28, 2008

si marie digby yan
kras ko yan
hahahahaha

lahat yata may kras diyan e

gasti: pati pala ikaw..hehe! baka naman magaling din magsayaw yan at umarte. langya! kumpletos rekados na.

4. utakmunggo - Mayo 29, 2008

tilapia, sinangag, galunggong!!!! kamatis nalang heben naahh!!!

5. y - Mayo 29, 2008

ganda talaga ni marie. hehe!

nag-evacuate na po ako sa isang bagong blog. di ko pa naayos ng mabuti kaya pasensya na. sorry din kasi di ko alam kung pano ilipat yung mga comments nyo. sorry talaga. kinailangan ko lang maglipat. basta. daan ka ha. hehe! added ka na rin sa blogroll ko. yung comments lang tlga. huhu…

gasti: ah ok..sige dalaw ako dyan sa kuta mo minsan.

6. linglingbells - Mayo 31, 2008

lss ko ngayon yang kanta ni marie digby.. ang ganda niya grabe!!

gasti: mukhang crush mo na rin sya noh! hehe! magaling pa kumanta

7. April - Mayo 31, 2008

very durable bench hipster? hahaha! gasti? nakahipster? holy baloney! haha.

magaling nga yan si marié. oo, may landi sa dulo hindi lang basta basta marie na parang biskwit, mari-yey ang bigkas sa pangalan ng bruhang yan. at ang galing mong pumili, hehe! yan ang first single nya sa album nya, ok din mga kanta nya. napanood mo yung cover nya ng gimme more ni britney? ok din yun! saka yung makes me wonder ng maroon 5. chekitawt! hehe.

gasti: haha! paniguradong ibang hipster ang pumasok sa isip mo..bsta brief pa din yan.
mari-yey naman pala. totyal! parang marinade lang hehe! so ibig sabihin puro revival ang songs nya? pero magaling talaga sya.

8. April - Hunyo 2, 2008

nope, original songs ata yung mga nasa album niya, pero usually gumagawa siya ng sarili nyang version ng kung anong latest hit. yun ang napansin ko.. hehe, ibang hipster nga siguro ang naisip ko haha!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: