jump to navigation

sana dalawa ang puso ko Mayo 30, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

” Para bang tukso na ‘di ko kayang matalo
Isip ko’y lito, walang mapili sa inyo ”

pero bago pa ko paluin ng tubo ng misis ko kapag nabasa nya to, ngyon pa lang liliwanagin ko na. hindi patungkol sakin ang entry na to dahil hindi sasapat ang 2 puso sa pag ibig na kaya kong ibigay (yun yown eh!)..sampuin nyo pa siguro baka pwede (toinks!). si marco sison nga eh di makapili kung sino kanila aida, lorna at fe ang seseryosohin nya. eto pa si sean kingston may suicidal tendencies pa dahil lang sa magagandang babae. isang malaking katangahan! buti pa si jose mari chan stick-to-one..beautiful girl lang ang hanap. isa lang! or pwede ring gaya ko nung araw na sa tuwing may makakasalubong akong maganda sa campus ay mapapakanta na lang ako ng beautiful girl na yan. lols! ♫♪ beautiful girl..i’ll search on for you..’till all of your loveliness in my arms come true..you’ve made me love again..after a long, long while..in love again..and Im glad that it’s you..♫♪

sabihin na nating marami talagang naglipanang babaero sa mundo ngyon pero nakatitiyak akong mas marami ang lalaking tinubuan na ng kalyo sa magkabilang palad at nakukuntento na lang sa panonood ng malaswang palabas at pamboboso sa mga girls dahil sa pagkasawi sa pag ibig. karamihan sa kanila ay kasapi sa ligaw-tingin boys. nakakahiya man ay aaminin kong dati rin akong member noon. takot kasi akong masaktan (charing!). pero ang totoo nyan eh wala talaga akong bilib sa sarili ko. papano ka naman kasi makakaporma kung wala kang pangporma? ang baon ko noon ay tama lang para sa pamasahe sa jeep, pang-lunch at pang window shopping noong hayskul. pano ko pa maisisingit ang panliligaw dyan na kinabibilangan ng hatid (pera), bulaklak(pera),chocolates(pera), hallmark card(pera), at ang pinakamasaklap..pang date! (libre pakain, painom at panood ng sine sa chiching)..langya! sino ba kasi nagpauso nyan?

naaalibadbaran ako sa mga taong presko..sila kasi ang may lakas na loob manligaw dahil malaki ang baon na nakukuha nila sa mayayaman nilang magulang. sabayan mo pa ng angking kahusayan sa pagpapaikot ng ulo ng babae at presto! mamaya lang eh ka-holding hands na nila yung chiching na pinapantasya mo. di naging patas ang laban naming mga kalalakihan..kung sino ang may pera, sila ang napupusuan. kung sakaling makatyamba ka naman, in the long run eh maghihwalay rin kayo lalo na’t makakilala sya ng mas mayaman at mas may dating…financially secured ang labanan ngyon..ang mga babaeng tinutukoy ko rito ay karaniwan nyo ng napapanood sa mga pinay scandals. ang mga lalaking naka-unggoy..malaki ang tyan pero may magarang celfon starring their hot and sexy gf (or former gf) in a very intimate scene made for public viewing in order to achieve fame and boost the ego of the male participant/cameraman. langya yung iba ang lakas ng loob magpost ng video anliliit naman ng titi! kaya rin siguro walang pinapakitang mukha. lols!

sa ngyon naman eh di na ko namomroblema tungkol sa pag ibig. ang tanging panliligaw na lang na ginagawa ko ay sa mga kumpanya na gusto kong lipatan. masakit sa ulo at sa bulsa kapag na-inlove ka na. pero ito rin ang pakiramdam na hindi kayang ibigay sayo ng kahit pa ng pinakamagaling na pokpok sa buong mundo. di kayang tumbasan ng pera ang ngiti na nakukuha mo kapag kinikiliti ka sa tagiliran at hinahampas sa balikat ng babaeng nagpatibok sa puso mo…ang sayang dulot ng mga simpleng pagngiti nya kapag nagkatitigan kayo. masarap ma-inlove. it’s all worth the risk..at di mo na kelangan ng dalawa, tatlo o sampung puso para mapatunayan yan sa sarili mo. sapat na ang isa.

ang tanong eh marunong ka na ba magmahal? sus! libog lang yan!

Mga Puna»

1. xG - Mayo 30, 2008

ano ito?
follow up sa
pinaghalong hari ng bato
at wii entry ko?
hahahahha

libog nga lang talaga ito!
hahahaha

gasti: nabasa ko yang 2 entry mo na yan pero nakalimutan ko na yung flow ng story..o ano mahal mo ba si somemaleblogger? hehe!🙂

2. xG - Mayo 30, 2008

wala ng somemaleblogger
hahahaha

ayaw niya sa akin e
hahaha

tae
sino nga ba si somemaleblogger?
hanggang dito ba naman?
hahahaha

gasti: nyek! akala ko naman MU na kayo. labo. hindi ko nga rin pala sya kilala..hehe!

3. Maldito - Mayo 30, 2008

ahahhahaa…reply post kay soulmate xiena?ahahha….ako indi nangliligaw..ako ang nilligawan..ahaha..kapal naman. Tama ka, indi talaga patas ang laban mo pag ang kaaway mo eh mga mayayaman. KUng lahat lang sana ng babae eh naiinlove sa mga pobre eh di sana panalo na tayu matagal na. Siguro ang asawa mo eh si NIkki Gil na.

Mahal?yan ang tanong na palagi kong nireremind sa sarili ko. Kung kaya ko ba talagang magmahal. kasi hanggang ngayun maka Joane parin ako.wahhaha..

PS: Wag mo namang tirahin ang mga videos na pinanuod mo. Nasasaktan ako. Baka ang video na tinitira mo, eh video ko na pala. Wala namang ganyanan kaibigan.

AHahahahhaha

gasti: mukhang dead na deads ka pa rin kay nikki gil at joane mo..hehe! mukhang obsessed ka na.
pakita mo na kasi yung mukha mo sa mga scandals na ginagawa mo..ayos na yan basta wag ka kukuha ng partner na mukhang katulong. hahaha!

4. koreanmine - Mayo 31, 2008

gus2 ko na sana sabihin na joe d mango statue kaso may semplang sa dulo eh! hehe

langya yung iba ang lakas ng loob magpost ng video anliliit naman ng titi! kaya rin siguro walang pinapakitang mukha. lols! <<< honga, pag malaki, chak, laging pinapakita ang mukha! Lols😆

ako di ko kailangan ng 2 puso, kc isa lang ako kung magmahal :blush: P.S. tinamaan ako ng kidlat!

gasti: inglesero si joe saka mukha syang bading..hehe! natural magkaiba kami.
ganun talaga ang labanan ngyon.mas malaki, mas sikat. ahehe!
ayan kasi nagsisinungaling pa.

5. linglingbells - Mayo 31, 2008

hmm.. kelangan lang maging maparaan ng isang lalaki.. hindi naman lahat ng babae, mayaman lang ang hanap..

ah teka.. iba na nga pala ang panahon ngayon..

pera na nga ang labanan!! wuhooo!!!

pero xempre, iba na pag true love, wala ng pera-pera dyan.. nabubulag na kasi.. haha!

gasti: uu pera talaga..kahit kaunting look lang na mukhang tao..papasa na rin. at nakakalungkot talaga yung mga eksenang naka-unggoy ang ibang lalaki ng kahali-halinang chiching. tsk tsk!

6. April - Mayo 31, 2008

naks! ang sweet mo na naman chong! mukang lumabas na naman ang pagkaromantiko (ander) mo ah.. hehehe!

gasti: hahaha! adik! romantikong ander..amp!

7. Jex - Mayo 31, 2008

pucha, parang hindi ikaw ang nagsulat nito ah. hahahaha! pa-good boy epek ka pa.

master, first base na ako. ahahah. la lang.😀

gasti: hahaha! ako nagsulat nyan syempre w/ good guidance of my loving wife. ehem!
bilisan mo pre! strike the iron while it’s hot😀

8. MARU - Mayo 31, 2008

di ako maka relate. ni minsan di pa kasi ako nainlab. (haba-ilong)

gasti: hindi ko naman talaga paniniwalaan yang sinabi mo..ikaw pa! veteran moves..

9. sexy moi - Mayo 31, 2008

waahhh… ayoko ng usapang love haha. di ako bitter. i’ve been inlove, uu masarap pero pag wala na sobrang sakit naman.😦

gasti: eh ganun talaga kapag may kahalong love ang relasyon. di pwedeng puro pasarap na lang.

10. Geisha - Mayo 31, 2008

malibog ka talaga….😀

gasti: wala kang ebidensya.

11. madbong - Hunyo 1, 2008

pareho pala tayong tiope bro ahehe… napuntahan mo ba yung link na e-mail ko sa yo?

gasti: normal naman siguro yung maging tyope. ang hirap kasi magpapansin. haha! salamat sa pag-share tol. bagong kaalaman nga yung site na yun.

12. nanay belen - Hunyo 1, 2008

Sa “beautiful Girl ” ka na lang, kaysa kay “Si lorna, aida at si fe”

gasti: mas gusto ko naman talaga ang mga kanta ni jose mari chan kesa kay marco sison..hehe!

13. Aling Baby - Hunyo 1, 2008

wow naman….parang galing lang sa puso ah…😀

in fairness ah, well said gasti. thumbs up dyan ako kasi, may tama ka!🙂

>>yung sagot sa tanong mo?? shemperi naman, madunong ito.😉

gasti: hehe! mula sa puso talaga yan..at matagal ko ring pinag isipan. lols! mahirap na.

14. lilmiz - Hunyo 2, 2008

“ang tanging panliligaw na lang na ginagawa ko ay sa mga kumpanya na gusto kong lipatan”

— hirap nga neto eh hahaha😛

gasti: mukhang nag aaply ka na rin ah. hehe! mahirap nga yan.

15. popoy - Hunyo 2, 2008

hahaha. sana dalawa ang puso ko hindi na sana nalilito kung sino sa inyo. yun lng napkanta lang ako gasti hahah🙂

gasti: hehe! sige kanta ka lang

16. Mrs. Gasti - Hunyo 2, 2008

hay naku! kund pede lang talaga matagal na kita pinalo ng tubo

gasti: masakit ang katawan ko gawa ng pagbubuhat ko ng dumbells at paggawa ko ng kulungan kahapon. ilang galon pa ba ng icecream ang kelangan ko ipakain sayo para lumamig yang ulo mo?

17. Jake The Miserable - Hunyo 2, 2008

Dahil sa entry na ito, napatunayan mo nga na ikaw ay isa sa mga kapanalig ko sa pananampalataya.

Sooobrang bihira ka na lang makatagpo ng babaeng “balanse.” ‘Pano kasi ngayon e mga high-maintenance at mga high-maintenance-kuno ang mga babae ngayon. Kundi sa hitsura e sa pera ka susukatin. Hindi sa kakayahan mong magmamahal o sa laki ng etits (nyehehe). Nalilimutan na nilang wala nang mas sasarap pa sa tunay na pagmamahal. Hindi matutumbasan ng pera.

Pero sa bagay, malibog naman ako e. Gyahahaha.

gasti: syempre naman! haha! yang mga high-maintenance na yan hindi talaga kukuha ng simpleng mamamayan lang. buti na lang may mga mangilan ngilan pa rin na hindi materialistic at nakukuha sa mga patawa. lols!

18. antuken - Hunyo 4, 2008

alam nyo, urban legend yang thought na ang pinipili ng girls eh yung mayayaman. hindi nyo ba alam mas turn-off yung mga mayayaman na guys porke’t mayaman ang parents nila? kse most of the time, walang ambisyon at walang sariling disposisyon yang mga yan sa buhay. bulagsa pa sa pera. palibhasa they don’t know the worth or yung pagod na naranasan to get that kind of money. ang importante talaga, personalidad. at madiskarte sa buhay. most girl friends i have, pareho kami ng mga pagiisip tungkol sa mga ganyang bagay. kaya dapat, noon pa man, di na kayo nai-insecure sa mga mapeperang lalaki. dahil ika nga ni ariel & maverick, ang yaman nauubos, ang yabang nadadagdagan. hahaha.

gasti: maniniwala lang ako sa sinasabi mo kapag pumatol si Gretchen Barreto sa isang kargador sa palengke. di mo rin kami masisisi kung bakit kami naiinsecure dahil kahit san ka magpunta, makakakita ka ng magandang babae na nakasakay sa kotse kasama ang bf o asawa nilang burdugol. o kahit sa mall lang andami nyan..kasi kung mayaman na yung girl, hindi nya nanaisin mamuhay sa kahirapan sa piling ng isang lalaki kung meron namang ibang lalaki na o-offeran sya ng buhay na marangya at kayang sustentuhan ang bawat luho nya..praktikal lang. di ko naman nilalahat pero most of rich and pretty girls ay ganun mag isip.

19. Mrs. Gasti - Hunyo 4, 2008

kaya ka ba bitter kasi iniisip mo na kung mayaman ka, you could have married someone prettier than your wife.

gasti: wala namang anumang bahid ng ka-bitteran ang post na to. at kahit kelan hindi ako naghangad ng babaeng nalalayo sa estado ng buhay na meron ako. alam ko naman kung san ako lulugar..attitude naman ang tinutumbok ko. at di ko naman papakasalan ang isang tao ng dahil lang sa magandang mukha.

20. antuken - Hunyo 7, 2008

ahahaha. eh sure ka ba na ang personalidad ng kargador sa palengke eh maganda at kaaya-aya? hahaha. besides, kahit baliktarin mo ata ang mundo, hindi papatol si gretchen. she’s always been a gold digger naman daw di ba? (o shiyet, baka makasuhan ako ng libel ah, ehehe)

gasti: wag ka meron mga kargador na star material..haha! mga hunk ba. pero maantot nga lang. ayun na nga ang sagot..hindi mawawala ang mga babaeng hayok sa pera.

21. mang BADdoy - Hunyo 19, 2008

astig naman yan gasti… naka-relate ako seo… uu nga naman iba tlaga pag gwapings na at may pera pa kahit sinong chingching makukuha…

sana ganun din ako nung high skul ko… “ang high school lyf o ang high school lyf, ang buhay kay saya”

gasti: eh ganun talaga ang labanan eh..hehe! pero hindi pa huli ang lahat…pwede ka pa magpayaman😀


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: