jump to navigation

pahingi Hunyo 2, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

napakaimportante talaga ng barya sa buhay ngyon. lalo na kung ito na lang ang tanging pera na meron ka. para sa ibang tao na ikinabubuhay ang panghihingi ng barya sa kalsada, laking pasasalamat na nila kung mag abot ka ng kahit anong bilog na kumakalansing mula sa bulsa mo. mahirap isipin pero may tao talagang nabubuhay ng dahil sa awa.

dati rati, isa ako sa mga binabansagang nabubuhay sa hingi sa loob ng classroom lalo na kapag may biglaang exam. “pahingi naman ng papel” ang maririnig mong umaalingawngaw sa bibig ko. pero hindi lang naman ako ang gumagawa nyan. marami kami. madalas kasi maubos ang papel ko ng dahil sa pagdodrowing ng mukha ng classmates at titser ko kapag bored nako sa klase. panlaban ko sa antok. madalas napagbibigyan naman pero kapag nagkadamutan o kaya ay di ka umabot sa last sheet of paper na pinamumudmod ng classmate mo, uuwi kang nakatunganga at magsasagot ng exam gamit ang papel na may mga drowing ng mukha at sulat sa likod. or worse, lalabas ka ng classroom para bumili ng papel sa school supplies building.

eto lang mga nakaraang araw naman kahit hindi ako nag jeep, nangailangan pa rin ako ng barya dahil sa mga parking boys na tutulungan ka kahit di mo sila tawagin. at salamat sa maawain kong misis na lagi akong pinapaalalahanan na kelangan ko mag abot ng barya sa tuwing may lalapit na ganun. at kung sadyain kong hindi magbigay, mababansagan naman akong masamang tao at walang awa. hindi ko obligasyon na mamudmod ng barya sa lahat ng taong nanghihingi sakin. pwera na lang kung maganda ang gising ko o di kaya ay may ngyaring kakaiba sa araw na yun na nagbigay daan para maging mapagbigay ako. gaya ng makakita ako ng bulalakaw sa tanghaling tapat. mga ganun ba.

mabait naman ako sa mga bata. sa mga pulubing may kapansanan. lumalambot din ang puso ko pag ganyan..minsan napapabili pa ako ng sampaguita at basahan ng wala sa plano. pati na rin ng extra order ng pagkain para ipamigay. mas maigi ng ikaw yung nagbibigay kesa ikaw ang manghingi. lalo na kung hindi mo naman kaanu-ano.

pihikan ako sa mga pinagbibigyan. kelangan mukhang hindi mo kayang magtrabaho. hindi matapobre ang mukha mo. nagpapasalamat ka sa limos na piso. wag kang kalabit ng kalabit. wag na wag mo akong tatawaging “mama”. hindi ka amoy tae. wag mo akong sasalubungin pagkalabas ko ng supermarket dahil naaalibadbaran ako. isa pa ayoko rin ng mga taong umaali-aligid sa simbahan para mamalimos..wag nyong samantalahin ang kabaitan ng mga taong nagsisimba..hindi epektibo sakin ang raket na yan. ayoko rin magbigay sa mga batang basta basta na lang papasok sa loob ng jeep para magpunas ng sapatos at pagkatapos ay mangangalabit ng tuhod para manghingi ng bayad sa serbisyong wala namang nag utos na gawin nya. at panghuli, ayoko ng mga taong disente ang suot at namamalimos ng perang pamasahe sa loob ng mall (kundi rin lang kayo just for kikays member ).

sabi nga nila. sa panahon ngyon, wala ng libre. at hindi na rin lahat ay nadadaan sa pa-cute. kelangan mo rin magsikap para magkapera at hindi pagnanakaw o ang panglalamang sa kapwa ang tinutukoy ko. yung malinis at disenteng pamamaraan. para hindi ka na lang lagi hingi ng hingi..(mangungutang na lang cguro pero magbabayad ka naman kapag sweldo na).

Mga Puna»

1. xG - Hunyo 2, 2008

isa kang dakilang parasitiko sa classroom
ayheychooo
hahahaha

teka
nililibre pa ako
at nadadaan ko pa sa pacute

ibahin mo ako
hahahaha

*hindi kami MU.
haha.
blogbuddies lang kami🙂

gasti: pero dati pa naman yun at marami na akong pambili ng papel ngyon..
bilib na talaga ako sa powers mo..may skechers watch ka na, may just me perfume by Paris hilton ka pa. sige na isa ka ng exception sa mga sinabi ko. mukhang malakas ang tama sayo ni carmelo..hehe!
blogbuddies? ayii pa-showbiz na sagot.🙂

2. apollo - Hunyo 2, 2008

fyi… it may sound a little cruel, pero alam ba ninyong labag sa batas ang pamimigay ng limos sa kalye?

gasti: sa marikina alam ko bawal yun. mas nanganganib kasi ang pulubi kung pagala gala sa kalsada eh pero dapat hulihin sila ng pulis at ilagay sa dapat paglagyan..eh wala naman sila ginagawa eh tinitingnan lang nila.

3. Geisha - Hunyo 2, 2008

..(mangungutang na lang cguro pero magbabayad ka naman kapag sweldo na)..

mukhang may pinariringgan ka nito ha? hehehe😀

malambot ang puso ko sa mga hampaslupa (sori for the word ekpresyon lang po) pero hindi ako mahilig magbigay ng limos sa mga tao sa kalye.

i believe we have to teach them how to fish! that way they will learn how to exist. not unless wala ng dagat na mapagkakakitaan!

gasti: di ko nga rin maintindihan yung mga taga probinsya na dumadayo sa Maynila para maging iskwater..ang hirap kaya ng buhay sa Maynila.

4. koreanmine - Hunyo 2, 2008

naku, ako nmn kakaiba, feeling q may beacon ako na nag sasabing akong isang dakilang uto uto. dhil kadalasan, sa dinami dami ng mga tao na nag aabang ng jeep, ako pa ang napipili na abutan ng papel na may nakasulat na pahingi ng pamasahe kulang pera ko, di lang 4x nangyari kaya sabi ko, iba na to. muka na talaga akong uto uto!

pero kc 22o yun, npkahirap sakin huminde o 2manggi khit kdalasan wala din nmn aq atsaka kahit minsan halatang nanloloko lang nmn😦 shytyp aq! waaaaaa

gasti: napaka generous mo naman pala. hehe! siguro nga mukha kang maperang uto-uto kaya ka binabalik balikan ng namamalimos. nga pala, pahingi naman ng 500 pesos😀

5. wei vines - Hunyo 3, 2008

sabi nga nila. sa panahon ngyon, wala ng libre. at hindi na rin lahat ay nadadaan sa pa-cute. kelangan mo rin magsikap para magkapera at hindi pagnanakaw o ang panglalamang sa kapwa ang tinutukoy ko. yung malinis at disenteng pamamaraan. para hindi ka na lang lagi hingi ng hingi..

-ouch…😦 sumakto sa bagang ko ah! waaaahh
–😆

gasti: haha! estudyante ka pa lang kasi. ayos lang yun.

6. Sexy moi - Hunyo 3, 2008

Aha! Ngayon alam ko na kung pano ko hihingi ng pera. Thanks sa tips ha? Hehe

gasti: walang anuman..hehe! wag ka sa kalsada manghihingi ah baka hulihin ka ng pulis.

7. Maldito - Hunyo 3, 2008

pasok na pasok ako sa mga qualifications mo bossing….penge ng pera…mga 5oo lang…pambaon for one week!wahahaha…

gasti: 500 a week din ang budget ko..haha! pero barya barya lang ang pinag uusapan natin dito at wala akong kakayahan para magpautang sa ngyon.

8. lilmiz - Hunyo 3, 2008

ang dami namang requirements para makahingi lang sayo.. wag na nga lang! ahahah😛 yung kawawa talaga eh mga bata, pano sila magsisikap kung pinanganak na silang pulubi diba? ano ba pwede nila gawin?😦

gasti: pero hindi naman nila kagustuhan na ipanganak silang pulubi. kasalanan ng magulang yan..anak ng anak di naman kayang sustentuhan.

9. kulot - Hunyo 3, 2008

barya, papel, ballpen at pati yosi, hinihingi ko nung college ako

gasti: eh mas parasite ka pala sakin eh..haha! masarap talaga magkaron ng maraming kaibigan.

10. repah - Hunyo 3, 2008

grabe ang taas ng standard mo sa mga pulubi.. para kang miyembro ng anti-piracy.. alm mo kung cno ang peke at hindi…

gasti: hehe! sayang naman kasi kung mapupunta lang sa sindikato ang perang ibibigay mo. mas maigi pa na pagkain na lang…maselan talaga ako pagdating sa pulubi.

11. ellieshe - Hunyo 3, 2008

“isa ako sa mga binabansagang nabubuhay sa hingi sa loob ng classroom lalo na kapag may biglaang exam. “pahingi naman ng papel” ang maririnig mong umaalingawngaw sa bibig ko.”

-isa ako jan…sa mga nagbibigay ng papel sa mga parasitiko …haha…at nung nagalit na ang nanay ko dahil ambilis maubos ng papel ko..bilang lang yung dinadala ko sa skul…ahehe

gasti: hehe! minsna nga yung kakabili pa lang na pad paper eh nangangalahati na pag may exam..haha! pero bumibili din naman ako ng papel pero hindi ko nilalabas sa loob ng bag ko para hindi maispatan ng mga mas parasite sakin.

12. rofel - Hunyo 3, 2008

yun naman pla…
bossing pautang nga 500 lng… bayaran ko sa sahod promise ,X,,

gasti: hehe! wala rin akong kaperahan kaya nga nangbubugaw na lang ako ng blogger eh

13. popoy - Hunyo 3, 2008

wahek (parang nadahak lang heheh)…

gasti, uu nga. nakakaalibadbad yung mga ganyan. pero yung iba talagag nakakaawa.

eto yung mga ilang expereince ko nun sa mga namamalimos.

bumili ako ng starbucks frappe, pootah yung bata pag labas ko ng mall hinihingi sa akin. napakasusyal na pulubi. tsk tsk

batang paslit, ndi ko alam na pumasok pala sya ng jip at katuad ng tinutukoy mo na nagpupunas ng sapatos, ayun sa gulat ko natadyakan ko yung bata. masyado kasi akong alerto. kala ko kung ano na ginawa nya hehehe. kawawa naman yung bata. at dahil natadyakan ko sya no choice, kailngan ko magbigay ng pera. hehhe.

yun lang🙂


gasti: langya namang pulubi yan! mahilig sa starbucks..eh ako nga hindi bumibili nun.
naaasar ako sa mga nagpupunas ng sapatos dati nung college days tuwing uwian meron. kahit naka tsinelas ka pupunasan pa rin.

14. kamotenista - Hunyo 3, 2008

madalas kasi maubos ang papel ko ng dahil sa pagdodrowing ng mukha ng classmates at titser ko kapag bored nako sa klase. panlaban ko sa antok….LOL, gawain ko ‘to ah o di kaya ang mag-countdown ng expression ng titser or magbilang ng bukiti sa kisame….wink!

napadaan lng po at makikipagkape na rin po sa susunod….hahaha

gasti: hehe! gawain ko rin yan. wala kasing ibang mapaglibangan eh! sige magpapakape ka? ako na bahala sa biskwit..kaninong lamay ang pupuntahan natin?😀

15. rio - Hunyo 3, 2008

pautang nga..hehehe..
isa rin ako sa naging parasites sa papel n yan…mas masarap bang mag sulat sa hininging papel?hehe

gasti: siguro kung galing sa crush mo yung papel mas masarap sulatan tapos palagyan mo na rin ng dedication at autograph sa likod..hehe!

16. Jeck - Hunyo 3, 2008

hindi rin ako nagbibigay ng limos nang basta-basta. lalo na sa mga bata. para kasing tinuturuan ko pa silang umasa sa iba. matindi ang respeto ko dun sa mga batang nagtitinda ng dyaryo, pandesal,atbp. kasi nakakapaghanapbuhay sila. at kung sila ang binibigyan ko ng limos o papakyawin ko yung tinitinda nila at hindi ko na kukunin ang sukli, sila pa yung unang tatanggi sa alok ko. katwiran nila, kailangan nilang paghirapan ang pera. astig yun.

gasti: astig talaga yang mga taong ganyan..nagsusumikap. yan ang mga tipo ng taong masarap tulungan.

17. Aling Baby - Hunyo 3, 2008

tama ka nga, sa panahon ngayon….ang libre nangyayari lang pag may bertdey, minsan nga hindi na rin sa hirap ng buhay. sabi nga nila, hindi naman daw masamang magbigay ng limos kaya lang mas hinihikayat pa natin ang mga ito na iyon ang gawing paraan para mabuhay sila…waaaahhhh, ma-drama na. ganda ng post kasi eh🙂

gasti: yun kasi ang pinakamadaling paraan para kumita ng pera..ang manghingi. pero siguro naman nagkakalkal din ng basura yan dahil hindi naman araw araw eh may nakakatanggap sila ng sapat na pera pantawid gutom.

18. rakz - Hunyo 3, 2008

elow po..palagi akong napapadaan dito sa blog niyo..di nga lang halata kasi di ako nagcocomment. hehehe..

pagkain ang binibigay ko imbis na pera s mga nanlilimos. pag pera kasi baka sa drugs or rugby p nila gastusin..hehehe. nakakapagtaka din ung ibang nanlilimos na pilay..minsan makikita mo sa baba pero minsan nasa overpass..pano sila nakaakyat dun? hehehe..

gasti: hehe! uu nga eh pero parang naalala na kita. salamat sa pagbisita nga pala.
yung drugs mukhang malabo yun kasi mahal presyo eh yung mga rugby boys talaga nakakita nako..pantawid gutom daw yun eh..saka yung mga pilay na panhik panaog sa overpass malamang may tumutulong dun. o kaya hinihila nila ang katawan nila..nakakita na ako ng ganung eksena eh nakakaawa.

19. Euri - Hunyo 3, 2008

Sige nga! Sabihian mo na sila!😀

gasti: sabihan ko sila na magtrabaho? baka holdapin naman ako😀

20. pipita - Hunyo 3, 2008

aba sobrang naantig naman ang aking puso sa sinulat mo. hay sa totoo lang hindi talaga ako nagbibigay ng mga barya sa mga nanghihingi, lalo na kapag nasa kotse ako at kumakatok sila sa salamin mahirap na baka mamaya tutukan pa ako ng baril. pero dahil na antig ako sa husay mong magsulat, magbibigay na ako.

gasti: naks naman! naantig ang puso mo sa entry na to? baka naman pwede mo rin akong bigyan kahit 300 pesos dyan..ahehe!

21. McRey - Hunyo 3, 2008

HMay isang bata ang pumasok sa jeep na sinasakyan ko dati… tapos pinunasan yung mga sapatos namin… binigyan namin ng kendi (tinanggap naman na bata) pero nang maabot na nya yung babaeng seksi… sinipa nya at sinabihan ng: “Umalis ka nga dyan…”

Tang ina… uminit ulo namin… lahat ng tao nakatinngin na sa kanya… dedma lang…

Tapos sa overpass sa manggahan…. may lolo ang desente ng suot namamalimos… putcha, wish ko nga na may magbigay sa knaya eh…

tapos may boy piso rin… araw-araw pangmumog niya ang softdrinks… astig!!

Hahaha…

gasti: grabe naman yung batang yun..pulubi na matapobre amputa! naka-experience na rin ako nyan dati eh parang hindi naman talaga sya nagpunas ng sapatos kundi pinadaanan nya lang ng basahan ang mga sapatos namin..walang ka-effort effort tapos ineexpect nya na bibigyan sya..yung isang kabarkada ko lang nag abot ng piso dun sa bata tapos naimbyerna ata ang loko..binato pabalik yung piso tapos sabay talon pababa ng jeep. sarap talaga bangasan ng mukha.

22. karmi - Hunyo 4, 2008

college days. hahaha.. parasite..😛 teka, isa rin pala ako sa mga nanghihingi ng papel.. lol..

gasti: haha! mga pulubi sa classroom.

23. MisyeL - Hunyo 4, 2008

noon natatakot ako sa mga bigla na lang lalapit para manghingi lalo na yung mga may grasa, grasa pa sa damit o katawan. di naman ako sa maarte kaso lang nakakabigla kasi minsan. dito may na-experience na din ako, naglalakad ako tapos bigla may sumalubong sa akin nanghihingi ng pamasahe. nagulat ako tapos sabi ko lang i’m sorry, i don’t have. hahaha! kasi nga ang ayos nya tapos sa canada, may ganun pala kaya takbo ako nun after kasi baka adik pala tapos may sira sa ulo hahaha!

gasti: haha! baka talagang nawalan lang ng pamasahe yun o baka pick up line para makipagclose sayo😀 lahat naman ata ng bansa may pulubi..nakakatakot talaga yang mga baliw..sa mga taong grasa naman, harmless yun.

24. neex - Hunyo 4, 2008

kelangan talaga ng requirements sa nanlilimos? haha. pero may point naman. madami akong nasasalubong na ganyan pag uwi ko mula eskuwela. kaso di ako good boy.

gasti: hindi naman porket hindi ka nagbigay ng lims ay di ka na goodboy..di ka lang siguro good samaritan..ahehe!

25. Brent - Hunyo 4, 2008

Sa totoo lang, paminsan nakakaasar bigyan yung iba na nanlilimos. Kasi kapag binigyan mo ng Piso, sisimangutan ka pa at bibigyan ka pa ng “piso-lang?” look. Siguro akala nila ganun lang kadaling kitain ang piso, dahil sila tatanghod lang at viola! may piso na sila

gasti: uu nga eh parang feeling nila obligasyon mo mamigay ng barya kapag nghingi sila. ni hindi nga marunong magpasalamat.

26. antuken - Hunyo 5, 2008

ako hindi rin nagbibigay sa mga namamalimos. i overheard one pulubi kse ng sabihan ng pulis ng: baket hindi ka gumaya sa isang yun? (tindero ng yosi) nagbabanat ng buto. ang sagot ni pulubi: eh dito laway lang puhunan ko e, walang lugi.
parang na-alibadbaran ako. i agree with jeck. malaki rin ang paghanga ko sa mga nagtitinda ng kung ano-ano sa daan, sa bus, etc. kse sila, kahit maghapong palipat lipat ng bus, ng sasakyan, nakatayo, they make an effort to make an honest living. di tulad ng mga magnanakaw, sanggano at kung ano-ano pang salot sa lipunan. isa pang kinaiinisan ko, yung mga barker ba tawag dun? dito sa laguna, lahat na yata ng daanan mo puro ganyan. tapos hihingi sila ng barya sa jeepney drivers. eh kung tutuusin, kahit hindi sila nagsisigaw, andun naman talaga ang mga pasahero. opinyon ko lang naman yun.🙂

gasti: uu nga marami rin ako nakakasalmuhang barker dati. hindi naman talaga sila kelangan eh pero sige pa rin ng sigaw tapos sabay hingi sa driver..anlalaki pa ng katawan ng mga walanghiya! tapos pag hindi nagbigay yung driver, babantaan na wag ng babalik sa lugar nila dahil bubutasin ang gulong o babasagin yung salamin..naranasan ko dati, binato talaga yung jeep na sinasakyan ko kasi hindi sila nagbigay.

27. ponchong - Hunyo 6, 2008

bossing, may pagkasuplado ka din pala sa personal. di ko din ugali ang magbigay ng limos na yan sa mga humihingi sa kalye. tingin ko kasi tinotolerate sila.

pero kahit nga dito sa geneva meron ding mga pakakak na yan. magkukunyaring pilay at halos lahat ng gimik nila pare-pareho tas kung di ka magbibigay biglang itataas ang saklay na para bang papaluin ka. at pagkababa ng tram, diretso na kung lumakad tas makikita mo yosi lang pala ang bibilhin.

“….kahit anong bilog na kumakalansing galing sa bulsa mo.” — pwedeng tansan din ito?

gasti: uhhmm bakit ka naman magkakaroon ng tansan sa bulsa? hehe! ang sarap batukan ng mga taong nagkukunwari na maykapansanan..mga batugan lang pala!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: