jump to navigation

goodmorning yesterday Hunyo 6, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

maaliwalas na ang pakiramdam ko ngyon. wala na sa isip ko ang mga nagdaang trabaho at mga alitan dahil natabunan na ito ng mga pangyayaring nagpaganda sa araw ko. at di ko rin alam kung pano ngyaring bumalik ang gana at bilis ko sa pagkain. mabilis ako magutom at kusang naglalakad ang mga paa ko papunta sa mga kainan. gaya kahapon, wala sa planong napabili ako ng goto sa may tapat ng st. francis square..di ko pa naman ugali magfoodtrip mag isa dahil weird ang pakiramdam nun..ang boring naman ng buhay kung wala ka kausap pero wala na akong pakialam sa sasabihin ng iba. di ko na rin pinansin ang mga malalagkit na tingin ng isang di-tiyak na lalaki sa bawat pagsubo ko ng goto. binilisan ko na lang ang pagsubo at umalis agad ako ng hindi pa umiinom ng kahit ano. hindi rin ganun kasarap yung goto. ngyon lang ako nakakain ng goto na may sahog na chicharon hangin, at laman loob na galing ref..langya! mainit nga yung goto pero yung sahog naman anlamig. misleading kasi yung picture tapos yung title “goto panalo”.

ninanamnam ko pa rin ang bulalo na niluto ng nanay ko kagabi. ang sarap! masakit pa nga ang dila ko ngyon dahil sa pagkakapaso..mahilig kasi akong humigop ng sabaw..yung mainit at kakahango pa lang sa apoy…ahh sarap! idagdag mo pa ang nakuha kong bone marrow nung itaktak ko yung tuhod ng baka..da best! isa pa ngang extra rice pls.

pakiramdam ko ngyon ay kaya ko ng abutin ang inaasam kong lightweight limit. sakto lang para sa height ko…pero marami rami pa talaga akong kakaining bigas. at least ngyon bumalik na ang focus ko sa pagpapataba. ang problema lang, naubos ko na pala ang pera sa wallet ko. kelangan ko na naman magpa-cute kay misis para maambunan ako ng biyaya.

wala akong pera pero masaya ako. pwede naman pala yun eh bakit kelangan ko pa magtrabaho? ahehe! sige na nga para may makain, may pangtustos at may panglustay.

mga naisip ko lang..

  • hindi pa pala ako nakikipag-meet sa kahit sinong blogger in my entire blogging career. di naman siguro required yun para matawag kang blogista.
  • ang huling pelikula na napanood ko sa sinehan ay “300”
  • kaya siguro ako tinuksong bading noong bata ako ay dahil sa pinasusuot saking pekpek shorts na nagpapakita ng aking mapuputi at balingkinitang legs.
  • hindi ako humahalik sa ibang sanggol o bata kahit pa kamag anak ko sila pero hindi lilipas ang isang araw na hindi ko nahalikan sa pisngi ang anak ko..minsan sa lips pa.
  • kung magpapabayad ako sa misis ko ng kahit isandaan piso kada 30 minutong pagmamasahe ko sa kanya, magkakamal ako ng limpak limpak na salapi.
  • wala na palang pinagkaiba ang estado ng sex life ko ngyon sa mga virgin. mapapalad kami.

Mga Puna»

1. beero - Hunyo 6, 2008

di na boring sa kin ang kumain mag-isa. sanay na kasi ako dun. hehe. gaya nga ng sinabi ko sa last post ko, i’m bored yet happy. masaya ako sa kabila ng pag-iisa. bwahaha.

300? ang tagal na nun ah. manood ka naman ng Carregiver. hehe

gasti: nasasayangan ako sa pera kung ang papanoorin ko lang sa sinehan ay drama at tagalog pa. pwede namang hiramin na lang sa video city yan next year. walang pinagkaiba. mas nanaisin ko pang manood ng kung fu panda.

2. rakz - Hunyo 6, 2008

“hindi ako humahalik sa ibang sanggol o bata kahit pa kamag anak ko sila pero hindi lilipas ang isang araw na hindi ko nahalikan sa pisngi ang anak ko..minsan sa lips pa.” — ang sweet naman po nito..hehehehe..

about dun sa pagpapataba mo, may mga tao talagang small built lang ung katawan..kya kahit anong pagpapataba nila, di tumataba..hehehe..pero gudluck sa pagpapataba! sana pantay pagtaba mo..di ung tiyan lang tumataba..hihi..

gasti: siguro naman hindi ako kabilang sa mga taong small built.sana nga tuluy tuloy na to..pero ayoko rin ng malaking tyan kaya hindi ko hahayaang mangyari yun.

3. rofel - Hunyo 6, 2008

fud trip!! yan ang isa sa mga best trip in life…
madalas kong ginagawa yan pag bagong sahod… at least jan nararamdama ko ung pinagpaguran ko… wahehehehe!

gasti: uu nga eh sarap talaga kumain ng mga paborito mo..saka isa pa hindi ako nanghihinayang gumastos pagdating sa masasarap na pagkain.

4. April - Hunyo 6, 2008

nagpekpek shorts ka?? hahaha! woot! chekchi!😀 lumabas na naman ang pagkamalambing (ander) mo sa bullets 4 and 5! hehe!

P.S. nagutom ako sa tuhod ng baka! yum!

gasti: bakit lagi na lang magkasama ang malambing at ander sa comment mo..haha! uu yung mga kapanahunan ng “bagets” ako si bistek.
ang sarap talaga ng bulalo😀

5. linglingbells - Hunyo 6, 2008

ako din, di pa ko nakikipag-meet sa ibang bloggers.. wala lang.. hiya ako eh.. hehe!

ang saya ng fudtrip mo ah!! parang gusto ko tuloy kumain ng bulalo!😀

gasti: hindi naman sa nahihiya ako pero ayoko lang gumastos..haha!

6. kengkay - Hunyo 6, 2008

lab ko rin kumain mag isa, yan ang aking paraan para i spoil ko sarili ko e. ako ang huling movie na napanood ko? my bestfriend’s girlfriend kasama nung mga naka EB ko dyan sa pinas pero bago nun, 2001 pa ako huling nakapasok ng sinehan, waaaaa

gasti: haha! mas malala ka pa pala sakin ate kengks..try mo rin kumain habang nanonood mag isa ng sine😀

7. Maldito - Hunyo 6, 2008

ako ganyan ang ugali ko pag bagong sweldo.nangangayat ako after one week sa sweldo..ahaha..

pareho tayu sa number one..

300?idol ko yan…..mga tetra packs ang abs!sizzle!wahahhaa

at ang last…kakusa na tayu..ahahhaa.

gasti: haha! kakusa ka dyan hindi pa nga daw gumagaling ang chikinini mo sa leeg.
anong panama ni superman sa mga spartans? hehe! kapa at brief lang din pero wala ng stockings na blue.

8. y - Hunyo 7, 2008

sabihin mo sa mga kamag-anak mo ipaampon na lang nila sa akin ang mga sanggol nila tapos ibabalik ko na lang paglaki. haha! ang sweet mo naman sa anak mo. good luck sa pagmamasahe kay misis. minsan hiritan mo ng mamahaling kotse para cute. hehe!

gasti: malamang na mabatukan ako dyan sa hirit na naisip mo.

9. mnel - Hunyo 7, 2008

Ang tagal na ng huling nood mo ng sine! Haha. Last year pa yun ah!

gasti: uu matagal na nga..di ko na nga alam kung magkano bayad ngyon eh

10. neptune - Hunyo 7, 2008

ang huling pelikula na napanood ko sa sinehan ay “300″

maswerte ka pa rin, ang huli kong napanood sa sine spiderman 3. mula ng mabuntis ako at manganak hindi pa ako nakakaapak sa sinehan…hehehhe…

gasti: hehe! siguro ngyon pwede ka na manood..ako nga eh bumibili na lang ng vcd ng mga palabas na gusto ko.

11. Jeck - Hunyo 7, 2008

nagutom ako sa bulalo. haha. parehas pala tayo, pag wala nang pera, kay kumander din ako nagpapaambon e. hahaha. hindi ako mapalad. how sad?😥

gasti: sa tingin ko mas masagana ka kesa sakin😀 nasa leeg ang ebidensya

12. Aling Baby - Hunyo 7, 2008

hindi pa pala ako nakikipag-meet sa kahit sinong blogger in my entire blogging career. di naman siguro required yun para matawag kang blogista. >> bago lang ako sa pagba-blog pero iniisip ko rin na sana maka-meet ko ang mga blogger na katulad nyo. bakit kaya hindi mo subukan kahit minsan na makipag-meet? hehe…shempre naman marami kaming gusto ka makita in person diba?🙂

gasti: hehe! marami? baka hindi na kayo mapadpad dito pag nakita nyo ko sa personal😀

13. madbong - Hunyo 7, 2008

pinagisipan ko yung last line mo na “mapapalad”… ahahaha

gasti: gets mo na yun pards…ahehe!

14. sexy moi - Hunyo 7, 2008

” wala na palang pinagkaiba ang estado ng sex life ko ngyon sa mga virgin. mapapalad kami. ” – napaisip ako dun ah hehe

gasti: pag isipan mo ng maigi dahil babae ka.

15. kamotenista - Hunyo 9, 2008

kakagutom!…gawain ko to pag masama ang loob ko ang ikutin ang mall or kahit anong place para kumain alone…unfortunately, mukhang bbq stick pa rin…=(

gasti: malakas siguro ang metabolism mo pero wag kang susuko. sige ka lang ng kain

16. earthlotus - Hunyo 9, 2008

wahaha.. 300? teka, eto ba ung 300 eb ng with the peyupi kids? haha. ^_6 kewl..amtagal na nun ah. tsk tsk tsk.

yung movie eb na may mga black mcdo na umaaligid kay maruko. (kaso, parang di kita matandaan dun. haha.)

gasti: hindi ako kasama sa eb na yan. syempre misis ko kasama ko😀

17. ifoundme - Hunyo 9, 2008

hehehe! nagseself talk ka rin pala pagkumakain mag isa. kung mag isa parang ang hirap sumubo ng pagkain no? para bang nakatingin ang lahat.

gasti: uu nga eh kaya hindi ako kumakain sa canteen. binibilisan ko na lang din ang kain ko pag mag isa lang.

18. rakz - Hunyo 10, 2008

maganda po ung kung fu panda! as in! nakakaalis ng stress! hehehe..

ayun lang po..bka makuwento ko p dito..maging spoiler p ko..hihihi..

gasti: mukha ngang maganda nung napanood ko yung trailer..sana naman mapanood ko rin.

19. emoterang nurse - Hunyo 10, 2008

nagutom ako sa pagabasa ng tungkol sa bulalo…sarap!!

hindi ko na gets ung last sentence..anu yun?virgin?wahahaha…ang slow koh…wahahaha

gasti: hehehe! sa tingin ko naman alam mo na yung tungkol dyan..nasa legal age ka na🙂

20. beero - Hunyo 10, 2008

haha. di ka rin pala mahilig sa pinoy movies. di ko rin pinanood pero gumawa ako ng post tungkol dun. hehe. bumili pa lang ako ng pirated dvd at may caregiver. panonoorin ko siguro mamaya pagkatapos kong panoorin ang prince caspian. ahehe.

gasti: haha! updated ka pala sa pirated dvd’s tsk tsk..bad yan! tinigilan ko ng manood ng piratang palabas eh masakit kasi sa mata lalo na kung kopya sa sine. inaantay ko na lang lumabas sa orig vcd saka ko bibilhin.

21. lilmiz - Hunyo 10, 2008

mali yung una mo, kasi diba may blog dati si mrs. gasti? ahahaha😛 nood ka ng kung fu panda with pamili, sobrang ganda daw (haha ako din pala di pa nanood😀 ).. kaya ko kumain ng mag-isa pero dapat sa tahimik at di matao na lugar lolz mapili, yung hindi ko kaya ay ang manood ng sine ng mag-isa, weird nun😀

gasti: haha! uu nga noh pero naman..misis ko yun at araw araw ko sya nakikita😀 sana nga sa weekends makapanood pa kami. may mga kaibigan ako na nanonood ng sine mag isa..hehe! ayun tinatabihan daw sila ng bading..

22. mickeybob - Hunyo 10, 2008

hi peepz

23. barquera - Hunyo 11, 2008

“wala akong pera pero masaya ako. pwede naman pala yun eh bakit kelangan ko pa magtrabaho? ahehe! sige na nga para may makain, may pangtustos at may panglustay.”
….. Korekto! kaso ngayon di na rin masaya kahit me pera ka o me trabaho ka dahil liit lang ng kita mo. minsan di pa sapat… 😉

gasti: hindi talaga sasapat ang sweldo kahit kelan..mabilis kasi tumaas ang mga gastusin.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: