jump to navigation

tawag ng kalikasan Hunyo 10, 2008

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
trackback

napakaraming ngyari nitong nagdaang araw at masasabi kong naging sulit ang 3 araw na bakasyon ko. pero bago ang aking karanasan magninilay nilay muna ako sa mga balita sa loob at labas ng bansa…

namatay na si rudy “daboy” fernandez. tinanghal na Big Winner si Ejay sa nakaraang pbb teen edition plus. may nanalo na ng jackpot sa LOTTO recently worth 182 million pesos. magtataas na ng singil sa pasahe ang shuttle na sinasakyan ko bukas..45 pesos na daw! pooootah!

anyways naging masaya ang aming pagpunta sa ECOPARK dyan sa may Fairview. maganda pala dun andaming puno (syempre). meron ding swimming pool sa gitna ng kagubatan na parang ang sarap liguan..at mukha ngang marami ang nasasarapan sa parteng yun ng park dahil nakakarinig ako ng mga babaeng nagsisitili at humahalinghing. masarap sanang isipin pero hindi naman yun ang ipinunta ko sa lugar na yun..kasama ko ang pamilya ko at gusto ko lang magrelax. masarap ang simoy ng hangin doon at hindi mo ramdam ang init dahil sa dami ng punong masisilungan. parang picnic grove sa tagaytay ang itsura nya pero hindi lang picnic ang pwede mo magawa doon…meron silang boating kung saan nag ala-bench model akong nagsasagwan paikot sa lawa. nanakit nga ang braso ko dahil sa bara barang pagsagwan eh. wala kang dapat ikatakot sakaling tumaob ang bangka dahil sa lalim nung tubig na 4ft. (siguro naman hindi na bababa ang height mo dyan kung marunong ka ng magblog.) try nyo 100 pesos per bangka in 30 minutes good for 4 adults. pero kung pangingisda ang ikinabubuhay mo, kalimutan mo na yang sinabi ko.

may namataan din kaming paintball area pero hindi namin nasubukan..pati na rin ang slide for life na may kababawan lang naman. meron ding fishing area kung saan maraming namimingwit ng janitor fish tilapia o kung sinuswerte ka baka sirena pa madale mo. may biking area din para sa mga batang sabik at mga dalagang hindi takot madevirginize ng bisikleta..meron din silang service vehicle na libre sakay paikot ng ecopark..pinapaandar daw ng kuryente yun. cool!. ang dami nga lang tao sa bawat lugar na sinabi ko. linggo naman kasi kami pumunta kaya siguro ganun..malamang bumalik ulit kami sa ibang araw.

kahapon naman dahil holiday, pumunta ako kasama ng kapatid at magulang namin sa bahay namin sa San Mateo. 3 weeks na rin kasing walang pumupunta run at baka di namin alam ay wala na pala kaming bahay. pagdating sa lugar..sakto may parang meeting na nagaganap sa clubhouse..para sa mga homeowners. wala ni isa sa mga namataan ko ang kakilala ko. (mga 4 na pamilya lang naman ang nakakasalamuha ko madalas). noon ko lang nakita na marami na pala ang nakatira sa lugar namin. feeling ko nga pugante talaga ako na nagtatago lang sa subdivsion na yun..dire-diretso na lang ako sa bahay namin at hindi na nakihalubilo sa umpukan nila.

ayos buo pa naman ang bahay kahit mukhang binahayan na ng ibon. ang problema lang, pinutulan na pala kami ng tubig! (may utang kaming 539 pesos simula march – present. nakakatamad naman kasi pumunta sa opis nila para magbayad. hello?! walang nakatira sa bahay namin tapos puputulin nila yung tubig. this is injustice!) kamusta naman ang bill namin sa kuryente na nagkakahalaga ng 49.18 pesos..hehe! nakakahiya na sigurong putulin pa nila kuryente namin dahil sa hindi pagbayad ng ganyang halaga. pano naman ako makakapaglinis nyan? duduraan ko na lang yung sahig saka ko pupunasan ng basahan? potek! wala naman akong sapat na inspirasyon para magawa yun kaya nauwi na lang sa pagwawalis ang lahat.

unang araw ng pasukan ngyon at karamihan siguro ng estudyanteng bloggers ay babalik na naman sa lungga nila..balik sa pagiging hiatus. pag igihan nyo ang pag aaral ah! wag kayo masyado magseryoso dahil nakakabaog yan. tama na yung minsanan kayong magbukas ng libro tapos maya maya ng onti nood naman ng porn para hindi kayo antukin. basta masaya maging estudyante.

Mga Puna»

1. MARU - Hunyo 10, 2008

yan sana ang gusto ko puntahan nung nanjan ako…yang ecopark na yan. di bale sa susunod na lang.

ayan….na-rejuvenate ka. blooming siguro aura mo ngayon.

gasti: maganda run..makakapagrelax kayo. medyo maganda nga ang pakiramdam ko ngyon eh🙂

2. apollo - Hunyo 10, 2008

hinay hinay lang din sa porn at baka kayo mabulag. lols!

gasti: hehe! konting ingat lang para hindi tamaan yung mata.

3. koreanmine - Hunyo 11, 2008

hehe, bat b cnasabi na nakaka devirginyz ang pag ba bike😀
(at empre, sa haba ng post mo yun nag napanasin ko no😀 )

gasti: kasi natatatagtag yung ano nyo eh! basta ganun..minsan masarap ding maging bike. joke!😀

4. timogers - Hunyo 11, 2008

Nalala ko yung panahon na nagpapanggap tayong programmer.. titipa ng kaunti tapos magbubukas na ng bote ng alak..magbubukas ng ref hahanap ng makakain.. saka lang tayo matatauhan..
tang ina hindi pala natin bahay ito bwahahaha

gasti: hahaha! para na rin tayong mga boarders dun..saya nga eh!

5. Maldito - Hunyo 11, 2008

2 years from now balik estudayante na din ako..wahhaha…

cguro nandun si dyesable sa may pool….kaya nakakarinig ka ng halinghing..

buti kapa..mukhang makabuluhan ang leisure days mo..ako?pootah..kulang nalang kadenahan sa bahay.indi lumabas kasi walang pera..ampoota!

ako nalang ang titira sa bahay niyo.lol

gasti: hehe! sige dun ka muna sa bahay..kumpleto naman ang gamit dun. pero bawal magpasok ng babae hanggat wala akong pahintulot..:D wala na nga ulit ako pera sa ngyon eh..hehe!

6. kamotenista - Hunyo 11, 2008

kung san nako napapadpad di ko pa rin napupuntahan ang lugar na yan…hmmm mukhang maganda ang lugar

buti ibon lang ang pansamantalang naglilialiw sa bahay nyo…hehe

gasti: madali lang naman hanapin yung lugar..punta ka para ma-experience mo rin.

7. Jeck - Hunyo 11, 2008

tama ka dyan, masarap maging estudyante. gusto ko na ring bumalik sa school. magturo na kaya ako? kaso huli na pala. haha.

gasti: magturok ka na lang mabuti pa..hehe! simula na ng pasukan eh..pwede ka naman part time.

8. rakz - Hunyo 11, 2008

waahh! tagal n naming balak puntahan ung ecopark pero never natuloy..hehehe..never din ako natutong magbike with the same reason na nilagay nyo sa post niyo..haha! ayaw kasi ng tatay ko! haha!

gasti: strict pala ang tatay mo..hehe! mas maigi na daw sa lalaki ka ma-devirginize kesa naman sa pagbibisikleta.

9. ellieshe - Hunyo 11, 2008

balik skul na din ako nextyear..ahehe..miss ko na ang organisasyon at cheating arrangement..hehe…ayuz ang weekends ah…samantalang ako alipin ng ubo at sipon😦 Happy new year!..hehe

gasti: iwasan mo ng mangopya..hehe! bad yun! maysakit ka pa din? ihiga mo na yan.

10. popoy - Hunyo 11, 2008

wawawi meron pala kayong rest haws gasti. ang yaman nyo naman hahaha.

biruin mo dating dinadaanan ko lang yang ecopark na yan ngayon parke na??

dyan din galing yung iniinum nating tubig kayat pangalagaan ang ecopark lamesa ecopark bow.🙂

gasti: hindi kami mayaman..aksidenteng rest house lang yan kasi bumalik kami sa bahay ng parents ko😀
tama! pangalagaan natin ang ecopark para sa susunod na henerasyon.

11. M - Hunyo 11, 2008

Ang sarap naman mag-nature trippings! Mura lang pala yung pasyalan na yun, parang ang sarap talagang magrelax.

Akala ko nga tatanggalin na yan dahil dun sa plano na titirikan ata ng subdivision. Buti naman andyan pa.

gasti: mura lang talaga lalo na kung taga QC ka meron pang discount. nasa loob pa rin naman sya ng subdivision eh pero siguro hindi na nila sisirain yung ecopark.

12. beero - Hunyo 11, 2008

park na may tumitili at humahalinghing? makapunta nga dun. LOL. . balik ka na lang ulit na di kasama family mo.

at sa pag-increase naman ng pamasahe, putcha! nag-increase na rin dito sa min ng .50. sweldo lang naman siguro ang di nagi-increase eh.

anyways, tenks nga pala sa pagbisita mo ulit sa blog ko. ahehe. medyo di ka rin nagparamdam nung mga nakaraang buwan. hehe.

gasti: haha! sige punta ka na masaya dun..nakakarelax😀 nag increease ng 50 cents? oks lang yun..limampiso tinaas agad nung sinasakyan ko eh bale yung pamasahe ko dati na 80 pesos balikan magigiging 90 pesos na..poootah! mag mrt na lang ako pauwi saka sakay ng fx.
pansin ko nga rin eh matagal na pala ako hindi nakapag comment sa blog mo😀 bumibisita naman ako minsan.

13. beero - Hunyo 11, 2008

gusto ko ngang makapunta sa ganyang lugar, yung peace and order, este peace and quiet pala. hehe. huh? ang laki naman increase dyan sa inyo. ok lang yun, ako nga rin minsan di nakakablog-hop sa ibang links sa blogroll ko.

gasti: kups kasi mga driver dun eh kapag gusto nila magtaas, gagawin nila. at laging 5 pesos yun. wala ka naman magagawa.

14. Aling Baby - Hunyo 11, 2008

uy,uy,uuyy…ang sarap naman puntahan nung ecopark na yun!! hexcited na tuloy ako umuwi ng Pinas, ang daming pwedeng puntahan kahit na medyo nagtaas na naman ang pamasahe amp talaga hehehe..

gasti: marami ka naman perang pamasahe eh😀 oks lang yun mura lang naman ang gagastusin mo sa pamamasyal.

15. napundingalitaptap* - Hunyo 11, 2008

wahaha. . . naku, unclassified na aku. . . di na ako estudyante, hindi din ako employed. . .

gayun pa man, dead blogger pa din. heheheehhehehe.

sana nagenjoy kayo ng pamilya mo… mukha naman.

ukol pala sa putol putol dahil sa unbilled tsubanels, hanaku, putol ang globe plan ko, hmmmmm, 1,8K mahigit ang babayaran ko, este nanay ko. . . nakakairita na ang buhay ku, hmfff!

gasti: hehe! nakakainggit naman yang buhay tambay mo😀 naputulan ka rin pala..mag prepaid ka na lang kasi..ako tama na sakin ang 30 pesos per week na load kasi wala naman ako katxt..kadalasan pa nag eexpire na lang ang load ko.

16. V - Hunyo 11, 2008

parang masarap mag date dun sa ecopark. hindi parin ako nakakapunta sa lamesa ecopark hanggang ngayon. tsk. malamig ba kamo? sana wala masyadong lamoks.

gasti: masarap ang hangin dun..walang polusyon at wala ring lamok..hanggang 5pm lang ata yun bukas eh.

17. Nadine - Hunyo 12, 2008

Waah! Ako naman ayoko na magschool! Kakasawa na kaya magaral! Haha!! Kainis! Gusto ko na magwork!! =)

P.S. Grabe nagulat ako sa patay na Rudy Fernandez. Bata pa niya diba? Kainis kasi bawal TFC dito sa apartment namin eh! =(

P.P.S. Chinange ko na pala yung URL ko! =) Link kita ulit ah! =)

gasti: hehe! sabagay nakakasawa naman talaga mag aral pero masarap maging estudyante😀 pag nagtrabaho ka na, hanggang sa pagtanda mo na yun..may times na magsasawa ka naman magwork.
56 yrs old si daboy nung namatay. cancer kasi yung sakit eh. salamat sa paglink..na-update ko na rin yung link mo sakin.

18. kengkay - Hunyo 12, 2008

maganda nga daw dun sa ecopark, sayang di kami natuloy. di bale may sunod pa🙂

gasti: sa palagay ko naman meron ding ecopark dyan sa lugar nyo..hehe! pero try mo pagbalik mo ng pinas..mag eenjoy kayo


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: