jump to navigation

sinehan Hunyo 16, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

makalipas ang humigit kumulang 2 taon ay nakapasok na ulit ako sa isang malamig at madilim na lugar kung saan ginaganap ang karamihan ng first kiss at kapaan ng mga magsing irog. ang lugar kung saan maraming mapupusok. saan pa kundi sa sinehan.

it’s about time na makapanood na ulit ng pelikula sa sinehan kasama si misis at sa unang pagkakataon naman para sa aming 2 yr old na anak. medyo nag alala pa ko nung una kung pwede na ba talaga manood yung anak namin dahil baka matakot sya sa dilim at laki ng mga animals na makikita nya. gaya nung nakita nya ang malaking palaruan sa loob ng mall na merong nakadisplay na higanteng t-rex..walang pinagkaiba ang itsura nya nung unang beses sya nagpagupit sa barbershop. takot na takot at pinagpapawisan ng malamig. sa isip isip ko..kakayanin kaya nya tumagal ng mahigit isang oras sa loob ng sinehan hanggang matapos ang kabuuan ng pelikula?..sana naman.

ang mahal na talaga manood sa sine ngyon. naalala ko pa dati mga 60 pesos lang ang binayad ko nung pinanood ko ang “balahibong pusa” pero ngyon dumoble na. kaya mas gusto ko ng bumili ng orig vcd eh kahit bagong labas 275 pesos lang..malinaw ang kopya at makakamenos ka kung marami ang myembro ng pamilya mo. magagawa mo pang i-rewind at panoorin ng slow mo ang bawat eksena habang nagkukulong ka sa loob ng kwarto mag isa (makakatulong ito ng malalaki sa panood ng r-18 na pelikula). mas mura din ang coke at chichirya sa tindahan. diba? sulit na sulit ang pera mo. mas kuripot, mas wais.

matapang naglakad si lil gasti papasok ng sinehan. napakatapang na bata at talaga namang nagmana sa daddy nya (ehem!) at nung tumambad na sa musmos nyang mga mata ang napakalaking panda na higit pa sa normal na anyo nito ay di sya natinag..hanggang sa makarating kami ng aming uupuan tahimik lang sya di gaya ng ibang bata run na ang sarap busalan ang bibig dahil sa sobrang dami ng side comments na sinisigaw. panay lang ang subo nya ng french fries at popcorn habang nanonood…hindi umiimik. talagang tutok na tutok ang mata nya sa panonood ng kahayupan. hindi sya natakot o nagyayang lumabas..ganyan talaga sya kapag gusto nya ang pinapanood nya..walang pakialamanan..ninanamnam ang bawat eksena. hanggang sa dumating ang katapusan ng pelikula at nagsibukasan na ang mga ilaw. nakita ko na rin syang ngumiti at panay ang tingala sa kisame para silawin ang sarili. at nung pinatugtog na ang pamosong “low” ng flo rida, nagsimula na naman syang magsasayaw. todo bigay pa kaya nangalay na lang ang mga braso ko sa pagkarga sa kanya. nagsimula ulit dumilim at nagpalabas ng mga coming soon na trailer. ilang sandali pa umpisa na ulit ng palabas.. dun nalang kasi kami umabot sa eksenang na-appoint na si Po bilang dragon warrior kaya kelangan namin umulit. pagtingin ko sa anak ko, tulog na pala. naubusan ng lakas sa pagsayaw. sayang at hindi nya napanood ang mga unang eksena pero alam naman naming lahat na nag enjoy sya. sulit na rin ang binayad namin.

Mga Puna»

1. Myk - Hunyo 16, 2008

wahaha mana din naman sa mga ninong si lil gasti..

2 beses ko napanood ang Kung Fu panda..

“There is no charge for awesomeness and attractiveness”

bwahaha

eto ang bagay na linya para sa akin

“I eat when I’m upset”

gasti: eh kahit naman hindi ka upset eh malakas ka pa rin kumain..haha!

2. Maldito - Hunyo 16, 2008

pers ako!yahoo!!ahhehe..

alam mo bossing..tama ka sa sinabi mo…be practical ka nalang…yung ibabayad mo sa sinehan, ilang movies pa ang mapapanood mo kung bibili k nalang ng dvd or vcd….pirata o indi..

ako ganyan din ang ginagawa ko..atleast comfortable prin kasi nasa bahay ka nalang..bili ka lang ni chichirya atn chicklets solb na ang….btw,,.indi binibili ang chicklets..ahahhha

happe faders day dadi gasti…

gasti: suko nako sa mga pirated copies..sumasakit ulo ko sa panonood nun. solb nako sa mga orig vcd malinaw ang kopya at yung sa chiclets naman..hindi nga sila nabibili pero ginagastusan kaya parang binili mo na rin. lols! hapi fathers day din sayo!

3. madbong - Hunyo 16, 2008

first movie pala ng anak mo. alala ko tuloy yung panganay ko nung nanood kami ng sine. nagyaya magcr, malingat lang ako ng pagzipper sa urinal biglang nawala. bumalik ako sa kinauupuan namin pero wala dun. panic mode kami, yun pala lumabas ng sinehan.

gasti: hehe! kunyari naiihi yun pala eh gusto ng lumabas..buti hindi pa nakalayo.

4. FerBerttp - Hunyo 16, 2008

Yesterday is history, tomorrow is a mystery, but today is a gift. That is why it is called the present.- Oogway

di na rin ako madalas makapanood ng sine.. inaabangan ko na lang yung mga pelikula sa pirates of quiapo..

gasti: antagal ko pinag isipan yang sinabi ni oogway..uu nga naman gift is a present..astig talaga yung pelikula bibili rin ako ng orig vcd nun pag available na.
ingat ka sa mga pirata ngyon baka matyempuhan ka ng OMB team

5. Aling Baby - Hunyo 16, 2008

uu nga tama ka dun sa pagiging praktikal part🙂 pero shempre naman minsan mas maganda pa rin yung manonood ka sa malaking screen tapos dinig mo lahat ng tawanan at sigawan pwera sa mga kahayupan na nagaganap sa dilim hehehe..atlis, na-experience na ni lil gasti ang pag-sine hehe..yung susunod pag seven yirs old na niya diba?😆 magkanu na kaya ang sine nun?

happy tatay’s day sayo!🙂

gasti: haha! basta may maganda palabas na pambata manonood ulit kami ng sine pero baka next year na😀 ayos lang sakin makapanood ako ng mga kahayupan sa dilim..nag aabang talaga ako ng ganun kapag nasa sinehan..hehe! siguro aabot sa 200 pesos ang isang ticket sa sinehan sa year 2012.
salamat sa mga belated na pabati!

6. xG - Hunyo 16, 2008

ay lab panda

po is emo.

ikeee
mana sa ama si litol gasti
hahahaha

madali mapagod sa low
yun e🙂

gasti: hehe! emo dahil ba sa mata na pinalilibutan ng eyeliner..nakakatawa sya anlakas lumamon kapag nalulungkot. sana ganun na lang din ako.

7. lethalverses - Hunyo 17, 2008

happy father’s day parekoy!!!

“there’s no secret ingredient” – lagot ka kay Po pag di mo to ginawang ginintuang aral sa buhay mo hehehe…

gasti: salamat pards..uhhmm ginintuang aral pala yun? hehe! sige na nga.

8. rakz - Hunyo 17, 2008

ang cute niyo po talagang mag-ama! ang sweet! hehehe… ganda po nung kung fu panda noh? napagsabay ung moral lesson at comedy..

mejo mahal n nga po talaga manood sa sinehan ngaun..nakakainis!

gasti: hehe tnx. cute talaga kami syempre mana mana lang yan. maganda talaga yung kung fu panda.
ayun nga lang mahal talaga manood sa sinehan ngyon kaya dapat sulit ang palabas na mapipili mo.

9. Jeck - Hunyo 17, 2008

pers akong magko-comment!!! yahoo!!! ay mali, engot talaga ako, parang si maldits! bwahahahahahahaha!

ganda rin nitong movie na ‘to, na-enjoy namin ni atty. ahihihi

oist, belated happy father’s day pala sa iyo. tatay ka na nga rin pala.

gasti: haha! sinegundahan mo pa yung comment ni maldits..at talaga namang si atty pa pala kasama mo nanood ng kung fu panda..mukha ngang nag enjoy ka sa pelikula😀
salamat pards! happy fathers day na rin in advance..

10. sheldon - Hunyo 17, 2008

okay naman ang mga pirated cd ah!!nakabili nga ako nung isang araw mura lng at malinaw pa…..wag ka lang pahuhuli kay chairman edu..

gasti: swertihan lang kung makahanap ka ng magandang kopya at tama ang subtitle..sumusugal ka talaga pag bibili ka ng pirata..isa pa eh bad yun!😀

11. koreanmine - Hunyo 17, 2008

wow. perstym pala ni lil gasti sa mubihaws. buti at behave c li’lboy mo…

re: 1st kiss at kapaan, empre di ko makakalimutan ang schindler’s list, kasehodang punuan ang lahat ng cinehan, ders always a 1st tym 4 everything! Lols😆

gasti: naks memorable ang pelikula..hehe! uu behave talaga sya..binatang binata na.

12. popoy - Hunyo 17, 2008

naiimagine ko si lil gasti na sumasayaw katulad ng bata sa bibo hotdog commercial.hihihi

mana siguro sau gasti?? hihi

matagal na kong ndi nakakapanuod din sa moviehaws. huling movie ko eh yung TRIP ng star cinema hihihi. jolog pa ko dat time🙂

salamat na lang at may mga piratang nagkalat kaya anytime na gustomong panuorin ang hindi pa showing na film eh mapapanuod mo, kailngan mo lang ng malinaw na mata🙂

gasti: adik din daw ako sumayaw nung bata ako sabi ng nanay ko. ngyon hindi na. anjologs nga ng huling napanood mo..haha! wag ka na makuntento sa kopya ng pirata nakakalabo ng mata yun. nakakabobo pa sa english ang pagbabasa ng subtitle.

13. eilla - Hunyo 17, 2008

ako din babati sau ng hapi fathers day, senxa n po kng l8.. sbi nga nila better than l8 than nevah!!! i Love the Kungfu Panda too… have a blessed day po 2 u🙂

gasti: uy salamat! talagang humabol pa eh noh😀

14. beero - Hunyo 17, 2008

weklam bak sa mobi haus! pinakinggan mo talaga suggestion ko. kaya nga lang di caregiver pinanood nyo. hehe.

“kung saan ginaganap ang karamihan ng first kiss at kapaan ng mga magsing irog.” – lagot! baka maagang matutunan ni lil gasti to! hehe.

gasti: haha! mas gugustuhin ko ng matawa sa pinapanood ko kesa umiyak. para talaga sa anak ko yun kaya namin pinanood..

15. mang tomas - Hunyo 18, 2008

na-astigan ako sa site mo!!! may babasahin na nanaman ako bukas sa opis at naway may matutunan na ga-kulangot na aral sa mga iyung lathala…

kung iyong mararapatin, bigyan mong pansin ang akin latha sa wordpress…

maraming salamat sa astig mo blog pareng gasti…

>> mang tomas pare ni mang tommy

gasti: haha! ga-kulangot naman pala…salamat mang tomas!

16. antuken - Hunyo 18, 2008

waah. di ko pa napapanood to. kung ikaw matagal nang di nakapasok sa sinehan, ako, dito nauubos ang kayamanang nililikap ko (at pagkain-kain sa labas, hehe).

di kse tugma ang sked namin ni fafa. sabagay, nagagawa ko nga manood ng mag-isa. sa sunday siguro, manonood ako. tapos saturday naman, the happening at wanted papanoorin ko. hahaha. movie marathon ito!

belated greetings: happy father’s day. naalala ko lang, someone greeted me happy father’s day last sunday. di ko na sya kinorek kse feeling ko, he wanted to say it para sa tatay ko. cute.

gasti: hehe! adik ka pala sa movies..medyo magastos nga yan pero ang importante eh mag enjoy ka. kikitain mo rin naman ulit yung pera eh.
salamat sa greetings! belated happy fathers day na rin sa tatay mo🙂

17. mnel - Hunyo 19, 2008

true. ang mahal na nga manood ng sine ngayon. pag lumabas ka para i-entertain ang sarili (read: wholesome entertainment) eh mahina ang 500 pesos. pang-gas palang walang-wala na yung 500 mo. kaya ang solusyon namin jan eh download ng movies tapos movie marathon sa bahay. kahit sa bahay lang. ang importante naman eh yung kung sino ang kasama mo. hihi.

gasti: haha! talagang naka-specify pa na wholesome entertainment😀 syempre naman importante pa rin kung sino kasama mo..dapat galante at nanglilibre..hehe!

18. AZRAEL - Hunyo 19, 2008

seryoso naman ang entry mo, ewan ko ba bat tawa ako ng tawa dito. nakaka-relate kase ako lalo na dun sa parteng “balahibong pusa” bwahahaha!

nakikinikinita ko na, pagtagal-tagal yayayain din ako ng anak ko sa sinehan. makulet yun eh, baka masayang ang bayad at pagpatay pa lang ng ilaw maglupasay na at magyaya umuwi lols

gasti: haha! yan pa yung mga panahong pinapalabas pa ang r-18 na pelikula sa SM cinemas..first time ni rica maghubad dyan at box office ata yan😀
magdala ka na lang ng emergency light para hindi maglupasay yung baby mo sa takot..hehe!

19. jhaynee - Hunyo 19, 2008

inadd kita sa blogroll ko ha.. =)

ingatz!

gasti: at bakit mo nga pala ako inadd? hehe! biro lang sige add na rin kita. tnx.

20. jhaynee - Hunyo 20, 2008

ayan.. nabasa ko na.. hehehe.. astiging tatay ka rin pala.. ako di mga magulang ko kasama ko sa first movie ko eh.. mga barkada ko nung grade 4.. hahaha.. maswerte yang anak mo at uso ngayon ang family orientedness.. hehehe..

god bless

gasti: hindi ako nanood ng sine kasama barkada ko nung elementary days..1st yr hayskul na ako nung unang sumabak kami sa sinehan para manood ng bold este cartoons pala..

god bless din syo! dapat hindi nawawala sa uso yang family orientedness..

21. randomdemeanor - Hunyo 23, 2008

wahaw!!! bibo kid pala anak mo ah!!!

gasti: uu parang bibbo hotdog nga sya..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: