jump to navigation

im walking on sunshine Hunyo 20, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

wag nyo na pakialaman ang title dahil naglakad talaga ako sa ilalim ng sikat ng araw kanina..maaga pa naman mga 7:30am kaya vitamin d pa yung dumapo sa kutis kong alaga sa papaya soap. presko sa pakiramdam. para lang akong naglalakad sa luneta habang papasok ng opis..i don’t feel any pressure right now…

nakahanda akong ngitian ang bawat babaeng makakasalubong ko. ganyan ako ka-good mood..isasantabi ko muna ang pagkasuplado ko sa mga strangers. magmahalan muna tayo sa araw na ito…ano ba naman yung makipaghalikan ka sa kapwa mo? ng walang malisya. makipag-holding hands habang patawid sa kalsada..magyakapan kapag nagkasalubong..tapos pisilan ng pwet para cool. malamang diretso langit na tayo nyan pagdating ng takdang oras.

pero bago pa ako makalimot..gusto ko pa lang i-congrats si misis sa pagkakapanalo nya ng best employee award. mamaya daw ang awarding ceremony at makakatanggap sya ng trophy at cash prize na rin😀 napakahusay na babae talaga. very dedicated sa work. at ang pinakaimportante eh hindi nya kami pinababayaan kahit busy sya. a good mommy and a loving wife. san ka pa?! (o ayan siguro pwede na to pasakalye mamaya para makahingi ako ng balato hehehe!)

may gusto rin pala akong ipanawagan sa ibang bloggers dyan na walang magawa at naninira ng patalikod. sa anuhan lang masarap ang patalikod na ganyan pero kung ang intensyon mo ay makagawa lang ng isang isyu at may mapagtawanan kayo kahit pa hindi nyo kilala personally yung tao, hindi na maganda yan. mas maganda siguro kung kayo kayo na lang. bahala kayo mag anuhan dyan at walang papansin sa inyo. mas maginhawa pang magblog dahil alam mong wala kang nasagasaang ibang tao. ayos ba yun? kung hindi, lumayas ka sa blog ko. hindi ka kawalan.

gusto ko naman pasalamatan yung mga kalaro ko ng taguan dito. kahit bihira ako makapagblog hop nitong mga nakaraang araw dala ng pagkabusy na may halong katamaran na rin, nakakuha pa rin ako ng higit sa isang daang hits isang araw. kaunti pa lang yan kung ikukupara mo sa iba pero ayos na rin.

syempre mawawala ba ang mga malilibog nating seekers dyan na naghahanap ng mga ito

anyways..hindi naman ako nagblog para sumikat..patago ko pa nga ito ginawa noon. gusto ko lang may mapaglibangan at iwasan ang mga kababuyan sa chatrooms. kita nyo naman hanggang ngyon eh default worpress theme pa rin ang gamit ko. walang ka-effort effort. hindi ko rin magawang pagkakitaan ang pagba-blog kaya hanggang pambubugaw na lang sa kapwa ko bloggers ang napagbalingan ko. ayan sige tingnan nyo sa sidebar ko ang listahan ng mga lalaking tinutukoy ko baka may matipuhan kayo, murang mura na lang..bagsak presyo na. may nagbday pa kahapon. bata pa yang mga yan..sariwang sariwa kakahango lang sa putikan.

at panghuli syempre kaya maganda ang araw ko dahil naghahanda na kami para sa aming pagbabakasyon sa isang beach sa Batangas! woohoo! first time to na kasama lahat ng myembro ng pamilya. overnight stay pa kaya paniguradong sulit ang liguan. on the other hand, masusubukan rin dito ang driving skills ko dahil 3 hours daw ang byahe namin papunta run. goodluck sakin. hehe! masaya to!🙂

iisipin ko pa kung magpopost ako ng mga bakasyon pics namin dito sa blog pagbalik ko. handa na ba akong maghubad muli sa harap ng ibang tao? magkita na kaya kami ni dyesebel? may maiispatan kaya akong naka-bikini sa dako pa roon? at ilang bukol naman at pasa ang matatamo ko kapag nahuli akong nakatingin sa ibang babae? kelangan maging maingat sa bawat kilos at galaw. hehe! it’s time to feel good…

Mga Puna»

1. chell - Hunyo 20, 2008

nakakatuwa ka gasti. u always made my day. kahit di ako blog, complete na araw ko kung nakakabasa ako ng blogs mo. nakalagay na sya parati sa favorites ko. hehehe! thanx much much!

gasti: lamo pakiramdam ko lalo akong pumogi nung nabasa ko yung comment mo. pramis! nakakatuwa ka rin🙂 tnx.
nga pala hindi rin ako blog. tao lang din ako kapareho mo

2. jhaynee - Hunyo 20, 2008

nauna ako.. yahoo!!!

kainggit yung Batangas trip.. tagal ko nang di nakakapag beach..

ingat ka na lang sa mga tinitingnan at bobosohan mo dun.. baka magaya sa 30 seconds ni maldits.. hahaha..

ingatz!!!

gasti: hehe! di mangyayari sakin yung kay maldits..malakas pang amoy ko sa ganyan eh😀
tara sakay na!

3. xG - Hunyo 20, 2008

shet.
pinaparinggan mo ba ako?
hahahaha

tumitira ako ng patalikod
hahaha.

di ko pa rin alam
ang dapat na maging reaksiyon ko
sareeee😐

bakit lahat kayo
nagpupunta sa batangas
ngayong weekend?
baket?
bakit ako iinom lang?
sheesh.

gasti: pano mo nagagawang tumira ng patalikod?😀 hehe! madami kasi beach sa batangas tapos malapit lapit lang ewan ko yung dahilan ng iba. iinom ka? sige kung yan ang paraan mo para makalimot..go! basta siguraduhin mong hindi ihi ang lalaklakin mo ah!

4. linglingbells - Hunyo 20, 2008

naks! may swimming galore ka pa kahit tapos na ang summer!!! kainggit!

di talaga nawawalan ng mga malilibog sa internet noh??!! tsk tsk

gasti: kahit umuulan pa yan mag eenjoy pa rin ako sa beach..hehe! adik ako eh! sarap kaya magpaulan.
sa mga search terms na ganyan sigurado akong estudyante pa sila. halatang hayok sa laman.

5. Jeck - Hunyo 20, 2008

ang badaf ng taytol! wahaha. at sino yang blogger na tinutukoy mo? pagtripan din natin? ang cheap. lols.
hango pala sa putikan a. mas masarap yun, kinky. hahaha

natawa talaga ako sa mga search engine terms, lahat bastos! they found the right blog. ahihihi

gasti: haha! nakakabading ba ang taytol ko sis? wag na nating pag usapan yung mga blogger na ganun dahil aksaya lang ng panahon..
ayos naman ang putikan ah…madulas..hehe! at uu puro bastos nga ang search terms pero at least wala naman ako pinapakitang burat o pekpek dito sa blog ko. bigo pa rin sila! hehe!

6. madbong - Hunyo 20, 2008

ingat sa pagmamaneho parekoy, post ka ng pics ha! yung bago kong post may pic nga pala ako

gasti: uu pards madaling araw ang byahe namin saka 3 yung sasakyan kaya hindi kami pwede magkarerahan. antayan ba. nakita ko na pala yung pics nyo ah! mukhang maginaw pala dyan..gusto ko rin sumakay sa snowmobile.

7. apollo - Hunyo 20, 2008

uy mabuti naman at lalabas ka with your family. saka na muna ang panakaw tingin pag kasama mo si misis. wag mong gayahin c —–. hahaha!

gasti: haha! may blind item ka pa dyan ah! uu hindi naman ako titingin sa iba baka kasi lunurin ako sa dagat pag nagkataon.

8. ellieshe - Hunyo 20, 2008

congratz sa misis mu..hehe..at sino naman yang taong tumitira ng patalikod? nakow’..

nga pla..sama ako sa batangas trip..nyaaaahaha ;-)gudluck sa mahaba habang pagddrive!

gasti: sa totoo lang di ko rin sya kilala..ahehe! buti ka pa nga anlapit mo sa mga beach..kami luluwas pa😀

9. jhaynee - Hunyo 20, 2008

ano ba tong blog mo gas? napapahiya naman ako dito.. kala ko pa naman nauna na ako.. kanina wala pa namang comment na iba.. grrrr…. sa susunod, di nako maglalagay ng nauna ako yahoo… hmp

gasti: sorry na🙂 naka-on kasi ang awaiting moderation ko eh kaya hindi agad nag aapear ang mga comments..wag ka na magalit.

10. rakz - Hunyo 20, 2008

wow..maganda po jan sa batangas! lalo na sa laiya at anilao! talagang kailangan po offpeak pumunta sa beach para mas mura ang rates..hihi..un nga lang matinding dasal ang kailangan para walang ulan =D

galing naman po ng misis nyo! sosyal best employee!

gasti: hehe! hindi lang off-peak ngyon lang kasi pwede ang lahat..ayos lang sakin kahit umulan pa mai-enjoy ko pa rin ang beach.
magaling talaga yun sa pagiging auditor..kadalasan nga eh pati ako napagkakamalan yatang trabaho. ino-audit rin.

11. ayyzzz - Hunyo 20, 2008

nadaan lang po kuya.
haha😀 nakikiusyoso na rin
buti ka pa…
may weekend eskaped! ekzayting!

hehe…

gasti: walang kuya dito! hehe! sige libre daan ngyon..bukas may bayad na.:D

12. April - Hunyo 20, 2008

wow bekeysyon sa batangas! chalap! kakagaling ko lang dun last weekend, team building nga lang pero mas okay sa ‘yo gasti, family time and quality time pa. celebration na rin ni misis! ingat sa trip. wag ka na nga magpost ng pics mo ha? wag na! hindi naman namin gusto makita yun eh. hindi talaga. as in. promise. haha!

gasti: haha! wala naman talaga ako ipapakita pic kasi madidilim lahat ng shots! may mga kasabayan din kami naligo dun at halatang team building ang ginawa nila..

13. Mrs. Gasti - Hunyo 20, 2008

“.tapos pisilan ng pwet para cool. malamang diretso langit na tayo nyan pagdating ng takdang oras.”

TUMPAK! talagang sa langit ka pupulutin kapag nahuli kita, balak pa nman kita bilan ng maganda “shades” ….

maiiwan ka at mag-rent na lang ako ng driver!

gasti: sorry na kasi😦 joke lang yun! pisilan talaga ng pigsa ang tinutukoy ko..

14. wei vines - Hunyo 20, 2008

haha! saya nga makipagtaguan!
at mabuti ka pa may weekend escape…at least, kahit ilang beses ka mag walking on sunshine, dun na sa tabi ng dagat! yey!

gasti: parang tinaguan ako ng sunshine sa Batangas..haha!

15. Aling Baby - Hunyo 20, 2008

nyahahaha!! nakakatawa ka talaga gasti! “sariwang-sariwa kakahango lang sa putikan.” kung anu-anu katatawanan naiisip mo kasi hehe. lagi ako nag-aabang ng mga post mo.

saya sa beach ha! magdala ka ng pantakip sa mata, parang sa kabayo para hindi ka magtamo ng mga pasa at bukol kay mrs. gasti hahaha!!!

gasti: haha! nagsuot ako ng ganyan dati..bumilis ang takbo ko! galing nga eh..kaya lang napapahalinghing ako kaya sablay pa rin..

16. Maldito - Hunyo 20, 2008

at talaga palang on going ang bentahan ng mga sariwang karne dito no?ahahaha…

cge good luck sa batanggas..ako sa cebu yacth club din kami….kaya parteee time na to!!sana ma enjoy mo din ang week end mo..

teka…sino ang tumitira ng patalikod?….indi ako galit…sino ang TANGENANG mga yan?ahhahahaa….

sanay din ako sa mga ganyan..lalo na pag ibat ibat posisyon..para indi naman msakit ang tuhod…paharap naman..lols

gasti: syempre all year round ang bentahan ng karne rito kaya dapat lagi kang nasa kundisyon..
naks partee time na nga! paniguradong mag eenjoy ka rin dun sa pupuntahan mo..nga pala ingat ka na sa isasayaw mo..haha!
easy pards hindi naman sakin ginawa yun eh..hehe! saka di na dapat patulan mga ganun.

17. Maldito - Hunyo 20, 2008

nakalimutan kong sabihin na wag kang mag axe sa batangas..kawawa si misis at si jr gasti if msasali sila sa stampede…

payong kaibigan lang..wag talaga mag axe..ayush?ahaha

gasti: nagpakalayo naman ako bago ako mag spray ng axe eh! hehe! safe pa rin sila😀

18. watusiboy - Hunyo 20, 2008

eto pala ang full version ng axe. ang intense naman ng mga nagsesearch sa blog mo. hehe

gasti: hehe! literal talaga yung mga hinahanap eh noh? mga salitang kanto.

19. napundingalitaptap* - Hunyo 21, 2008

eto malupet>>>>nga pala hindi rin ako blog. tao lang din ako kapareho mo

kasi nalito din ako sa nabasa ko sa sabi nya. . . wahaha…fanalo.

ahaha, hmmm, aba, sikat na sikat ka kasi, kaya may mga vakstaver na sa vuhay mo..ahaha.

>>gasti: walang kuya dito!

wahahahahaha. . .

gasti: uy nagbalik ka! at pundido ka pa rin? anyways hindi naman ako yung tinira patalikod..so meaning hindi ako sikat😀 wala nga sabing kuya dito eh hala sige tuwad!

20. cams - Hunyo 21, 2008

wow congrats kay mrs. gasti! at may family outing pa. eksayting talaga.dalhan mo nalang kami ng buhangin ha.😉 😀

gasti: andaming buhangin sa loob ng sasakyan nung umuwi kami..may mga dahon pa! ipadala ko dyan sa cebu?😀

21. mia - Hunyo 21, 2008

wow batangas. gusto ko tuloy magswimming. kasi naman nagsummer na wala pa rin akong swimming sa beach.. haha..

pede ba paturo sayo magdrive? sayang lang ang lisensya ko e. haha

gasti: diba malapit lang naman kayo dyan sa mga beach? tyempuhan mo lang na walang ulan..baka kasi mag iba yung lasa ng tubig dagat..tumabang.
tungkol naman sa pagdadrive baka basic lang ang maituro ko sayo😀 automatic kasi minamaneho ko eh..ang importante naman hindi ka magugulatin.

22. mang BADoy - Hunyo 21, 2008

kung ganyan ba naman ang makakasalubong mo araw araw sa makati e di na lang mag wowork tatamaby na lang ako sa starbucks at titingnan sila…at pag may chance mag-di dialog ng “Do I know you?” di ba? pede ba yun? ahihihi

pasalubong boss gasti a? pa-burger ka man lang! burger! burger! burger!

gasti: ayun naman ang mga banat ng mga certified palikero! haha! bad ka nga! teka walang burger dun puro balisong!

23. sexy moi - Hunyo 21, 2008

yeysss. beach… masaya ito. pwede ako sumama? pwede po? ha? ha? pwede?

juk! baka awayin mo rin ko sa mga tumitira ng patalikod. hayz.

enjoy kau…🙂

gasti: uu pwede sana kaya lang ngyon ko lang nabasa comment mo eh nakabalik na kami😀
mukha ka namang mabait saka hindi mahilig sa patalikod..

24. ponchong - Hunyo 22, 2008

happy weekend.

sino ba ang mga napapadaan dito sa blog mo na my malaswang kaisipan.

huling hirit ang bakasyon nyo a.

regards!

gasti: di ko alam eh siguro yung mga binebenta ko rin..haha!

25. kamotenista - Hunyo 22, 2008

buti pa kayo “walking on the sunshine”…ako dancing on the sunshine
kasi hindi ako marunong tumawid sa kalsada, sa kalawakan pwede pa..

ayaw mo ng kuya…master!!! nag-over da bakod ako yung isang “for sale” nyo may ka-sparring din..cge pangtirik natin sila ng bandila=)

gasti: wag ka kasi tatawid ng nakapikit. kaya mo yan magtiwala ka lang sa sarili mo. marunong ka naman siguro maglaro ng patintero.
depende siguro sa pagbigkas ng kuya..kung malambing ang boses ayos lang🙂

26. rimewire - Hunyo 22, 2008

hakhak

wlang tatalo sa shayn-shayn sa baytamin d

hakhak

hala ka magkaka hiskin skanser ka

power elyens mistik pors

XXXxx


gasti: naguluhan ako sa lengguwahe mo parang lasing..uy maganda sa katawan ang vitamin d.

27. jep - Hunyo 23, 2008

congrats sa misis mo.. buti nlang at bago pa lang ako sa blog mo kaya hindi ako makarelate sa pinuputok ng butchi mo.. anyways, uso pala yang mga ganyan.. tsk tsk tsk…

gasti: uso talaga yan sa mga taong walang magawa😀 wala akong butchi! pero masarap sana yun.

28. beero - Hunyo 23, 2008

pers of ol, congratz kay mrs. gasti. dapat ikaw naman ang magka-best employee award sa susunod. hehe.

napansin ko nga parekoy. neber mo pang pinalitan blog theme mo ebersins mapadpad ako dito. hehe

gasti: walang kwenta magkaron ng best employee award dito dahil 5 lang kami! alam ko naman sa puso ko na ulirang empleyado ako rito..paminsan minsan🙂
tamad kasi ako mag edit ng theme o kahit header man lang.

29. angel - Hunyo 24, 2008

huwaw, galing naman ni misis mo.. Isa ako sa aabang ng piktyurs..😀

gasti: sayang wala akong ipopost na pics ng outing..

30. R.J. - Hunyo 24, 2008

halu!

sana nga lagi tayong walking on sunshine, para merong pisilan ng pwet. gustu ko yon. hahahaha! pero dito samin, mahirap maglakad under ng sunshine, 45deg Celsius kasi. hihihi. =D

gasti: nasa disyerto ka pala eh..hehe! masusunog balat mo dyan.

31. Maldito - Hunyo 24, 2008

isa lang masasabi ko…umiinit ang ulo ko pag indi ako ang naunang nag cocoment…sabihin ng martial law..pero pohtek….hinahayblood ako!ahahhaa….pesteng awaiting moderation na yan.indi mo alam if pangilan ka..

teka, pacontest ba to na paunahan ng comment?lols

gasti: haha! sino ba kasi nagpauso ng paunahan mag comment? ganyan talaga ang buhay patago..gugustuhin nyo bang makabasa ng mga comments na masakit sa mata pag binasa? ako ayoko kaya ginagawa kong spam.

32. napundingalitaptap* - Hunyo 24, 2008

pundido everyday. . . buhay nga naman. . .

ibang pagkapundi naman. . .

hmmm, KUYA!! wahahahahahhahhahaha! ansayasaya!

gasti: bili ka na kasi ng bagong ilaw para hindi laging pundido yang gamit mo..masakit sa mata yan.
angkulit! sige ka namamalo ako!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: