jump to navigation

summer breeze Hunyo 24, 2008

Posted by gasti in bakasyon stories, kamalasan.
trackback

ngyari na nga ang dapat mangyari. kahit pa may babalang signal no. 1 dun sa Batangas eh napagpasyahan pa rin naming tumuloy sa beach..syempre sayang naman ang pagpapa-full tank ng tatlong sasakyan, ang mga pagkain na babaunin, ang mga damit na nakaayos na sa maleta, ang magagarang brief, at syempre ang lambat para manghuli ng isda. excited na ang lahat kaya arya na! arya! God Bless our trip.

pumapatak na ang ulan nung umalis kami. madilim ang kalangitan at nakukutuban na naming tama ang sabi ng PAGASA sa paparating na bagyo kaya doble ingat na kaming mga drivers..naging maayos naman ang byahe papunta sa Batangas at may mga eksenang sumisilip ang araw sa ibang lugar na dinaanan namin..sa isip isip ko sana naman eh makaligo kami ng matiwasay sa dagat at makapag enjoy pa rin kahit papano.

after 4 hours of driving sa wakas nakarating din kami. sakto walang ulan (wala pa). habang naglilipat kami ng gamit sa bahay na pansamantala naming titirhan, nagsilusungan na ang mga bata sa dagat. sabik na sabik ang mga chikiting at hindi na nakapaghintay dahil maganda naman talaga ang lugar..katabi lang namin yung La Luz beach resort..tuwang tuwa rin yung ate ko na kasamang nagtampisaw ang bf nya na mas bata pa sa bunso naming kapatid. first time nya kasi makapunta sa beach..after 26 years natupad na rin ang mga pangarap nya..ahehe!

payapa ang alon sa dagat..may mga kasabayan din kami naligo doon…in fact may nag team building pa nga eh! andami nila at ang iingay nila…buti na lang wala pang ulan dito. hindi mo talaga ramdam na may paparating pa lang isang malakas na unos.

gutom na gutom kami nung dumating kaya di muna kami nagsiligo..nilantakan na lang namin ang mga party package na ulam. ang sarap! solb kung solb! unti unti na ring sumisilay ang araw at ang simoy ng hangin sa dalampasigan nakakarelax talaga. parang naaamoy ko na si dyesebel..parang may naaaninag na akong mga sirena sa di kalayuan kaya binilisan ko ang kain at nagmadaling magbihis pangsisid..(di kasi ako marunong lumangoy). maya maya pa lahat na kami ay isa-isang nagpaanod sa dagat…syet! ang lalim pala ng tubig kaya hindi kami makalayo..mga ilang dipa lang ang lalakarin mo at lampas tao na ang lalim nun..well mga dalawang dipa siguro mula sa pampang eh lampas tao na rin kung unano ka.

sinamantala na namin ang pagkakataon nung makakita kami ng isda..parang dilis sila at ang dami kaya nangisda na kami. ayun nga lang ambibilis lumangoy ng mga hinayupak kaya sa loob ng 2 oras ay 2 piraso lang ng isda ang nadagit namin. not bad eh? kung ginawa ko na lang na pain ang sarili ko sa pating baka mas mabilis pa ako makahuli siguro.

umuwi kaming luhaan pagbalik sa pwesto namin at habang naglalakad at napatapat sa mga babaeng kasama sa team-building, may sumigaw ng “uy pogi!”..gusto ko sanang lingunin ang matapang na babaeng nagbitaw ng salitang yun pero hindi ko na nagawa..marami kasi sila at baka pagtawanan ako pag ginawa ko yun..kahit pa alam kong lamang ako ng sampung paligo sa kapatid ko na kasabayan kong naglalakad at kami lang ang dumaraan nung mga oras na yun. siguro kung sumigaw pa sya ng “uy macho!” baka hindi ako nakapagpigil at nilapitan ko sya..para hamunin ng suntukan! gaga ba sya?! naghahanap na sya ng away nun.

pagdating ng hapon, biglang dumilim. at animoy may ipo-ipo na nabubuo sa dagat..ilang sandali pa ay bumuhos ang malakas na ulan. lumaki ang alon at galit na nagsisihampasan sa buhangin. doon na nagsimulang maglabasan ang abnormal…parang nagkaron ng pyesta sa beach at dinumog ng mga taong sabik sa ulan..nakuha pa kamong maglaro ng volleyball kahit pa nililipad na ng hangin ang bola nila. may mga nagpapaanod din..at meron pa ko nakitang nagpicture taking..hanep! ang adik sa picture!

di na kami nilubayan ng ulan hanggang mag umaga. wala na rin naligo samin sa dagat pero yung iba, tuloy pa rin ang ligaya..nakuntento na lang ako manood sa kanila..ninamnam ko ang bawat eksena sa dagat..nagbabakasakaling anurin si dyesebel sa pampang at iuwi ko sa maynila para alagaan sa aming munting aquarium. maaaring ito na kasi ang huli kong pagpunta sa beach this year. ang malas lang binagyo pa. kapangalan pa ng tito ko ang walanghiya. frank you!

naging isang extra challenge ang aming paglalakbay pauwi. andaming lugar na binaha. mga natumbang puno at poste ng meralco. mga malalaking bato na nakahambalang sa kalsada. at sandamakmak na mga usisero’t usisera na nag aantay ng latest chika sa kalsada. naantala rin ang byahe nung mag overheat ang sasakyan kaya sa may laguna na kami naglunch. tinext namin ang kapitbahay sa Marikina at ang sabi eh maswerte pa daw kami dahil nung mga oras na yun..walang kuryente, tubig pati telepono wala rin. well meron namang tubig..tubig baha nga lang. yun pa ang isang problema walang naiwang bantay sa bahay kundi ang 2 aso, 3 isda, at 3 pagong na alaga namin.

mag aalas kwatro na kami nakauwi ng bahay. umuulan pa rin at talaga namang lupaypay ang balikat ko sa pagod. maswerte pa rin kami kahit papano at nagkaron kami ng time makapag enjoy sa dagat. ligtas rin kami lahat nakauwi at nasa ayos pa rin ang kinatitirikan ng bahay. nagulat na lang ako nung makita ko ang mga balita sa tv. andaming namatay sa paglubog ng barko, maraming nawalan ng bahay dahil sa baha, meron ding mga landslide..potek signal no. 3 pa pala sa Metro Manila. kala ko pa naman magiging matiwasay ang weekends..babagyuhin pala.

Mga Puna»

1. kamotenista - Hunyo 24, 2008

hai si pareng frank nga naman oh KJ….sana po nagpalutang-lutang kayo sa gitna ng beach baka sakaling lumabas si Dysebel…kamukha nga lng ni Madam Auring…wahaha

atleast po may bonding moment…

gasti: kung lulutang man ako sa beach, patay nako nun..buti na lang nakapag enjoy rin kahit papano..

2. xienahgirl - Hunyo 24, 2008

ikaw nga agad
ang naisip ko nun
kasi alam ko nagbakasyon kayo
tapos may bagyo
tsk tsk tsk

gasti: hehe! ok naman kami..nagalusan lang ng onti ang mga paa dahil sa talas ng bato sa dagat.

3. rofel - Hunyo 24, 2008

mukhang swerte pa nga kau bosing!
buti na lang at safe kaung nakauwi… ^____^

gasti: swerte talaga dahil humina ang ulan nung linggo kundi stranded talaga kami.

4. Aling Baby - Hunyo 24, 2008

hayyyzz, uu nga nakakalungkot ang ginawa ni frank hmmpft! pero kahit papanu, kahit inulan kayo enjoy pa rin! at shempre naman seyp ang trip pag-uwi. at kahit na indi mo naiuwi si dyesebel, ayus na rin hehehe..:D

gasti: uu nga eh sayang walang huling isda kasi bumabagyo eh..pasaway na frank yan.

5. ayyzzz - Hunyo 24, 2008

tsktsktsk…

minsanang weekend escapade na nga lang, nabagyo pa.

pero buti po at safe kayong nakauwi😀

gasti: uu nga eh! natyempuhan talaga kung kelan may outing…
magalang na bata ka talaga noh?😀

6. jep - Hunyo 24, 2008

huwaw kung ako rin eh magppicture picture din ako.. adik eh.. tagal ko na rin ndi nakakapgbeach eh.. ang swerte niyo kasi kahit papaano nakalusong kau sa dagat at buti nlang ndi pa malakas ang alon naku pag nagkataon.. …

naku nakakainis nga si frank eh.. pati ung pag gagala ko natigil dahil sa kanya hahaha..

gasti: mabuti na lang at hindi ngyari yung “pag nagkataon” na yan…2nd time ko na ito binagyo sa tabing dagat..

7. jhaynee - Hunyo 25, 2008

may trip din akong di natuloy dahil sa tanginang bagyong yan.. sayang ang excitement namin ni honey ko.. hehehe..

pero at least ligtas tayo..

ingatz na lang parati

gasti: hehe! mukha ngang asar na asar ka..napamura ka pa tuloy😀 yaan mo na basta kasama mo si honey mo kahit sa loob lang ng kwarto andun pa rin ang excitement..
ang importante eh ligtas tayo..swerte pa rin kumpara sa ibang kasama sa lumubog na barko.

8. madbong - Hunyo 25, 2008

gasti, asan yung pics nyo? sabik pa naman akong makita kang naka bikini este speedo hehe

gasti: hindi pa rin ako nabigyan ng kopya ng pics eh..saka parang di maganda ipost yung pics😀
yung nakabikini ba? nakakahiya naman. bakat kasi.

9. rakz - Hunyo 25, 2008

kayo naisip ko nun kuya nung anlakas ng ulan nung sat..sabi nyo nga kasi may outing kyo s batangas..hehe..at least nakaligo p din kyo s beach..

sa la luz labas kayo nag-stay?ung kila aling ely?hehehe…

gasti: hehe talaga naisip mo rin ako? tinuloy pa rin namin ang outing..ang saya ng experience kapag binagyo ka sa dagat..nakakatakot nga lang yung hampas ng alon.
hindi kami sa mismong la luz ah sa tabi lang nun..di ko kilala si aling ely.

10. mang BADdoy - Hunyo 25, 2008

sige nga pasilip sa mga chika bebs na nakunan mo dapat yung bastos lang wag na yung wholesome…

buti naman ok kayong nakauwi.. si frank talaga walang pasabi na malakas pala sya!

gasti: wala akong malaswang pic na maipapakita kasi walang ganun dun..search ka na lang sa google maigi pa.

11. rakz - Hunyo 25, 2008

kami din po nung pumunta sa batangas lampas-tao ang alon..dahil may bagyo din nun..pero sa batangas walang ulan..hihi..pero ang sarap! kaya lang puro sugat kmi dahil ang talim nung ibang bato =P dun din po kami sa tabi ng la luz nagstay..mas mura kasi..hehehe..

gasti: haha! baka nga pareho lang tayo ng pinagstay-an na lugar😀 gawa sa kahoy yung tinirhan namin kaya nakakatakot pag binabayo ng malakas na hangin.
nasugatan din talampakan ko dahil sa mga matutulis na bata run.

12. koreanmine - Hunyo 25, 2008

uuy may alaga kang pagong. ako din😀 kaso patay na! Lols😆

ok na din at safe kayo nakauwi at nagsawa na din nmn cguro mata mo sa kakasyt sa mga chiching sa team building😀

gasti: uu 5 nga dati yun eh namatay lang yung 2 soft shelled turtle sa sobrang kadugyutan ng tubig.
uu safe kami nakauwi at safe din ang pamboboso ko kinabukasan ko.

13. rio - Hunyo 25, 2008

tlgang nag beach kahit andyan ang lolo frank?? hehehe
mag iingat ka, gasti=)

gasti: nakakahinayang kasi i-cancel eh buti nga nakapag enjoy pa rin kami.

14. lyzius - Hunyo 25, 2008

asan na ang pichur? ahahaha, send mo ke pareng madbong, sa kanya na lang ako makikikopya…

musta naman ang magandang luv story ni ate mo? di nyo naman ginulpi si bf?

gasti: wala pa nga rin ako kopya ng pics eh di kasi sakin yung camera.
mukhang mabait naman yung bf nya..mukhang totoy kasi.

15. Maldito - Hunyo 26, 2008

Good luck nalang sa amin. Parang End of days na ang Iloilo. Grr..putang frank na yan….makita ko lang talaga yan, which I know impossible…gagawin kong tender loin ang mukha niya!

potah!pers taym in the history ng bahay namin na nawasak siya!

gasti: lagi ngang nasa news ang Iloilo eh..disaster talaga. goodluck sa inyo pati pamilya nyo..lakasan lang ang loob..marami namang handang tumulong dyan. di kayo pababayaan ni Lord.

16. Maldito - Hunyo 26, 2008

bOSSING..ahhaa…natawa ako sa comment mo..daig ko pa si pakyaw nito..ayush!hahaha..ikalat niyo nalang ang pic ng recent post ko para deresto na ang tulong sa city mayor…wag niyong ikalat ang acount number ko kasi tatangalin ko na yun..tama na ang tulong na natanngap ko.

Dinala ko na din ang mga pamilya sa buong barrangay sa budget na binigay ng mga tao dito sa blog. Bumili na din ako ng mga noodles at de lata para sa kanila. Ika nga share the blessings.

Sugod na din ako sa Iloilo sa sabado para tumulong sa mga nasalanta pati na din sa pamilya ko. Kaya mawawala ako mga 4 days..hay…

Potah frank suntukan tayu! Kaya ko to!!

Supermannn!!!!

gasti: hehe! syempre ganun talaga suportahan tayo.. bsta ikakalat ko yang link ng entry mo. sige pards ingat ka sa byahe pauwi..kelangan ka ng pamilya mo doon.

17. MisyeL - Hunyo 26, 2008

si frank talaga napaka KJ, pati pala ikaw binadtrip ng bagyong yan tsk!
sayang ang magagarang brief na dinala mo di mo man lang nagamit lahat.

gasti: uu nga eh akala ko magagamit ko lahat yung 3 for 150 na brief ko. haha! 6 na brief yata ang baon ko.. langya talaga yang si frank!

18. popoy - Hunyo 26, 2008

gasti, kayo lang ang nakakapagsummer sa tagbagyo hahaha. kamusta naman ang maginaw na swimming.

naiinis ako kasi mahaba yung koment ko sau dito kaso ndi pala napublished shet. tsk tsk

gasti: masarap naman magswimming (kung marunong lang sana ako)..puro sisid lang ginawa ko eh..lamig nga!
anong comment naman kaya yun? wala naman ako nakita eh


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: