jump to navigation

hinahamon kita Manny Hunyo 30, 2008

Posted by gasti in balitang isports, to whom it may concern.
trackback

una sa lahat, gusto kitang i-congratulate sa pagkakapanalo mo kahapon. champion ka na ngyon sa lightweight category..lupit mo pards! pinataas mo na naman ang morale ng mga pilipino sa buong mundo.

135-145 pounds overnight. balita ko eh nagpigil ka pa sa pagkain nyan pero bakit ako hanggang ngyon 2 pounds per week lang ang kaya ko idagdag ng timbang. tapos overnight stay lang din yung dagdag na bigat sa katawan ko. di na kita ma-reach financially kahit physically hindi na rin..di ko na sasabihin sayo ang kasalukuyan kong timbang dahil ayokong kaawaan mo ako. darating tayo dyan..bigyan mo lang ako ng 2 months training sa wild card gym para makundisyon ko ang sarili ko. sabay tayo mag train ha! di ko kasi alam gagawin ko eh gusto ko sanang gayahin na lang yung routine mo kung pwede..tayo na lang din ang magka-sparring para tipid.

kung magkikita tayo sa personal, mapapansin mong mas malaki ako ng 2 pulgada sayo. may reach advantage din siguro ako sayo. mas maputi rin ako. mas matangos pa ilong ko sayo. malaki rin ang mga kamay ko. pati size ng sapatos lamang ako kaya malamang pati yung ano ko mas malaki sayo pero hindi na natin dapat ikumpara ang mga bagay na walang kinalaman sa pagboboksing.

di naman natin maikakaila na mabilis ka nga at malakas sumuntok. pero may laban siguro ako pagdating sa pabilisan. kung hindi mo naitatanong eh member ako ng patintero team nung second year hayskul. 2nd place lang kami at wag mo ng itanong kung bakit hindi kami nagchampion. at isa pa mas bata ako sayo ng 4 na taon kaya mas fresh ang legs ko sayo..mas makinis rin siguro kaya may tulog ka talaga pag nagharap tayo. I can float like a butterfly but stings like a bee..pabilisan tayong labasan! ano? sige labas mo tapang mo!

nga pala orthodox fighter nga pala ako..ayan ha di na kita pinahirapan mag scout. ako na mismo ang magbibigay ng lahat ng impormasyon patungkol sakin. baka kasi ma-shock ka at hindi mo mapansin ang kamaong tatama sayo..wag mo na masyado ilagan yung kaliwa ko dahil parang suntok babae lang ang kaya gawin nito. pang jab lang ba! minsanan ko lang kasi gamitin to sa pagtiti*** anyways ang gusto ko lang naman sabihin eh malamya yung kaliwang kamay ko. pero ingat ka sa kanan ko marami ng pinatirik na mata yan.

nabasa ko kanina sa isang boxing site na baka sa Nov. 8 na ang next fight mo. ika-cancel ko na lahat ng appointments ko sa araw na yun para matuloy lang ang laban natin. willing din ako tumanggap ng maliit na halaga siguro kahit 500 thousand dollars na lang..discounted price na yan ha! pwede ka pang tumawad kung gusto mo..ganyan ka kalakas sakin. o sya sige na nga kahit pangkape na lang ibayad mo..yung sa starbucks naman ha para sosyal basta sasagutin mo pang-orthopedic ko. deal? laban na!

bago ko nga pala malimutan, exhibition match lang yung ino-offer ko ah! wala naman ako balak agawin yang belt mo kasi di ko type yan..masyado maluwang sakin yan kaya di ko rin masusuot. bale 4 rounds lang din yung laban dahil hanggang dun lang ang kaya ko sa ngyon..saka na natin damihan pag close na tayo. ok lang ba? hinay hinay lang sa pagsuntok ah! alalahanin mong may pamilya rin ako gaya mo at di mo rin siguro nanaising mabansagan kang mamamatay tao. nanonood ka naman siguro ng dragonball Z..isipin mo na lang ako si master pogi (master buten sa english ver.). peace be with you! sa pasko nga pala bday ko ah size 9. thanks! (nike naman sponsor mo diba? pero tumatanggap din ako ng adidas kahit napaglumaan na.)

o sya sige pag isipan mo maigi ang alok ko sayo. txt mo na lang ako kapag nakapag decide ka na. lagi mong tatandaan na kahit ano mangyari idol pa rin kita at nasasabik na akong salubungin ka sa pagbabalik mo sa pinas. libre mo ko sa Embassy😀

credits: image taken from http://www.mannypacquiao.ph

Mga Puna»

1. apollo - Hunyo 30, 2008

ayus! uy pre, baka kailangan mo ng sidekick, pagtulungan natin si manny! lols!

gasti: sige hawakan mo ng maigi para hindi na makapalag.

2. ayyzzz - Hunyo 30, 2008

hahahahahaha😆

di ko mapigilang tumawa…napapatawa na nman ako ng mag-isa..
nagmumuka akong engot.. hahaha😀

nice one, kya gasti😀

gasti: hinay hinay lang iha mauutot ka nyan.

3. antuken - Hunyo 30, 2008

technique para magpataba?
1. chew your food fast. dapat mabilis ka kumain. sabi kse nila (di ko na maalala kung sino) ang sense daw ng pagkabusog natin eh parepareho ang length of time. kunyari 30 mins yung sa yo, so kung mabilis ka kumain, marami ka nang nakain in 30 mins unlike pag mabagal ka, ilang subo pa lang nagagawa mo.
2. dagdag carbs sa diet. yun talaga, parang walang mintis sa pagpapataba.
3. sweets, sweets, sweets — yun nga lang delikado mga ngipin mo neto… hehehe…
4. wala na ako maisip. hehe, yun na lang muna…

gasti: salamat sa mga tips. meron bang in tablets na lang? nakakapagod ngumuya kasi. hehe!

4. MARU - Hunyo 30, 2008

tangina! hanep sa hangover! tawa ako ng tawa dito sa entry mo. amp! lakas ng loob!

gasti: meron na kasi akong medicard kaya lumakas ang loob ko maghamon ng away. lols!

5. popoy - Hunyo 30, 2008

gasti. hahaha. ayos sana mabasa to ni pacquiao. at sana imbitahan mo kami sa katuwaan game nyo hahaha.

P.S.

sarado na ang embassy🙂

gasti: nabalitaan ko nga rin yun eh pero pagbalik ni pacman sa pinas baka buksan nila ulit😀

6. rakz - Hunyo 30, 2008

hahaha! ang tapang mo kuya ah! hahaha! cge pag kayo na maglalaban manonood n ko ng laban ni manny..national anthem lang kasi pinapanood ko s mga laban niya eh..bwahaha!

gasti: ayan sige salamat sa suporta..teka kanino ka nga pala kakampi? haha!

7. jep - Hunyo 30, 2008

ang tindi mo naman… aba ndi mo nga siya pinahirapan sa iyong orthodox stance… haha.. baka pabagsakin ka lang nun, pero ndi ka naman mexicano eh… kaya pwedeng kahit unanimous decision lang hahaha.. ihead butt mo kunwari ndi namin pansin hahaha..

gasti: hehe! kayang kaya ko makipagpatintero kay Manny sa loob ng ring..tapos pag nahuli ko yung ulo nya i-pedigree ko tapos finishing move eh tomb stone pile driver..ay boxing nga pala noh! sige babayagan ko na lang ng 5 beses.

8. BADoy - Hunyo 30, 2008

hahah! congrats manny!

gasti: mabuhay si doc Manny!

9. lyzius - Hunyo 30, 2008

mukhang hindi naman boksing ang hamon mo ke pakyaw..mukhang paramihan lang ng rounds…at talagang hanggang apat lang kaya mo? hmmm, mahina…ahahaha

o sige, pag naglaban na kayo at binigyan ka ng balato, balatuhan mo rin ako.

gasti: boxing ang usapan dito at hindi paramihan ng rounds..mukhang iba yang naiisip mo. hehe!
kelangan magmukha kang biktima ng trahedya para mabalatuhan ka ni Manny.

p.s. saka nga pala pano mo nasigurong hanggang apat lang ang kaya ko kung hindi mo naman ako nasubukan?😀 ibahin mo ko oy! may built-in motolite ata ang ano ko. pangmatagalan.

10. R.J. - Hunyo 30, 2008

bwahahaha! panalo, pabilisan lang pala ng labasan eh may laban din ako diyan. hahaha! natawa ko sa suntok babae eh. hahahaha! ayos. panalo! =D

gasti: haha! sige pagkatapos ko lumaban ikaw naman.

11. napundingalitaptap* - Hunyo 30, 2008

hanaku, bahala ka na nga, GRANDEUR DELUSION, tropa talaga kayo ni boss jeck no, mga pasyente ko. . .wahahaha!

=p

flyfly!

gasti: wala akong sakit kaya hindi pa ako magpapa-check up!
di ka ba napapagod sa paglipad?

12. timogers - Hulyo 1, 2008

Balita ko sarado na ang embassy eh

gasti: uu nga daw! pero pupusta ko mga ilang months lang bubuksan nila ulit yun.

13. batopik - Hulyo 1, 2008

haha! mai sarili palang website si pacquiao.. sana nagbblog din siya para masaya.. hakhak!

hahaha.. sana mabasa toh ni pacquiao. hahahahaha!!!

gasti: meron nga pala syang sariling article sa Inquirrer ata yung “Kumbinasyon” sya nagsusulat nun.
sana nga mabasa nya para maambunan ako ng biyaya.

14. linglingbells - Hulyo 1, 2008

wala namang laban sayo si manny!!! ipupusta ko buong buhay ko, di mananalo sayo yang manny na yan… hahahaha!!

gasti: napakabuti mo lingling! pinataas mo lalo ang morale ko..da best ka!
di nga ipupusta mo buhay mo? haha! angkulit!

15. Jeck - Hulyo 1, 2008

wuhooo! parteh na naman sa embassy!!! pihadong madaming magagandang babae na naman ang isasayaw nya. haha.

congrats kay manny. sa iyo rin gasti diaz! lols

gasti: hindi diaz ang apelyido ko! its H-O-U-T-E-N-C-O (ayan maliwanag)
palagay ko baka bilhin na ni Manny yung Embassy bar…hehe!

16. dadKUMAG - Hulyo 1, 2008

salamat salamat salamat! nagbunga na rin ang pangungulit ko sayo at inadd moko sa blog roll mo!!! salamat pareng gasti!

gasti: parang iba yang link mo? multiply account yan eh

17. shayne - Hulyo 1, 2008

lahat ata ng sinasabi ni antuken, ginagawa ko.. tapos gusto ko pang magpapayat.. pootah!!! hahahaha

pagnilibre ka nya, sama mo na rin naman ako, tapos sabihin mo na lang na foster parent kita.. ayos ba?

hehehe

gasti: foster parent? pupusta ko pag nagtabi tayo posible pang pagkamalan tayong magpinsan.

18. lyingwithclotheson - Hulyo 1, 2008

akala ko ako yung ayz na nagcomment. hahaha

memory gap ako forever! ahahah

tayo nalang suntukan! ahahaha joke!

gasti: haha! nalito rin ako sa inyo eh..tukayo pala.
psensya hindi ako pumapatol sa babae eh….ng suntukan🙂

19. Aling Baby - Hulyo 1, 2008

hehehe…ang kulit mow, sana nga mabasa to ni manny dahil siguro ngayon palang siya “ulit” matatalo ng malupet hahaha!! apat na round lang ang kailangan para mapatumba hehe..gud lak!😀

gasti: uu sapat na ang 4 rounds para mahilo sya sakin kakahabol. haha!

20. napundingalitaptap* - Hulyo 1, 2008

hahaha. . . parang maseryoso yun reply mo, hmmm, nakakatakot, simpri nature ng alitaptap na lumipad, kaya hindi yun napapagod…pundido na nga, tamad pang lumipad, anu ba naman yun….hehe

ngiti ka po.

Gb.

gasti: haha! natakot ka naman..to talaga! naniwala agad🙂 eto nga at dinalhan pa kita ng emergency light. sige na lipad na!

21. FerBert - Hulyo 2, 2008

heavyweight division ako kaya di ko pwedeng patulan si manny.. susuportahan na lang kita.. asahan mo nasa ospital ako pag pumutok na yang kilay mo saka nabali na yang mga bones mo.. pwede mo rin akong gawing nurse para naman hindi na lang ako nakatambay dito sa bahay.. kape lang din ang bayad.. haha.. kahit 3 in 1 na lang..

gasti: pag sinabayan mo yung training routine nya baka pumayat ka rin..try mo🙂 salamat sa offer pards pero sa tingin ko si Manny ang mangangailangan ng matinding gamutan pagkatapos ng laban namin.

22. McRey - Hulyo 2, 2008

Hay naku, laki ulo nanaman si fuck PAC MAN!!!

Hahahah… you know, i know!!! Hehe… kawawa naman si diaz nung bumagsak…

gasti: we all know what he did last summer..hehe! kawawa nga si diaz kahit nung hindi pa sya bumabagsak. andaming sugat at bukol sa mukha eh

23. emoterang nurse - Hulyo 2, 2008

sigurado madaming bloggers mag aantay ng laban nyo…waahahaha…
basta damay mo na ko sa kape sa starbucks…

gasti: sige ba! magpapakape ako pagkatapos ng laban…malamang sa lamay.

24. batopik - Hulyo 2, 2008

da best toh. capricorn ka din ba gaya ko? apir! ang mga capricorn cute! hahaha!😆

gasti: tao ako! tao! hehe! pero capricorn zodiac sign ko. apir!

25. Maldito - Hulyo 3, 2008

si tyson kaya nalang ang hamunin mo? ahhhee..cge…gang rape natin si many…ay gang war pala..lols..

payag daw si manny magsuntukan sayu…basta walang gloves..

ako na ang bagong manager niya..wala na si roch herbal capsule.lols

gasti: gang rape? lols! away kanto lang pala gusto nya eh game rin ako dyan..magdadala ako ng icepick saka sumpak ewan ko lang kung hindi manginig sa takot yan si Manny.

26. aga - Hulyo 3, 2008

whapppakkk! tapang asust! sali mo ako ahehehehe🙂
teka wala ako sa blogroll mo? hmp????

gasti: parang eto na yung pinakamahaba mong comment dito. “asust” lang kasi naalala ko sayo eh! saka nakipag xlinks ka ba sakin noon? parang hindi naman😀

27. koreanmine - Hulyo 3, 2008

nkaka 4 rounds ang kaya mo sa ngayon hmnn :kamotbaba: chin yung baba😀

gasti: buti niliwanag mo. haha! 4 rounds..wala pa ako sa mood nyan.

28. xG - Hulyo 3, 2008

ano ba sasabihin ko
shet
nalimutan ko
hahaha

ayun

ekasi
baka masayang lang
kagwapuhan mo
kapag nakipagsuntukan ka
kay manny
baka naman away kanto lang yan?
hahaha

basta pabalato
kahit ako na lang din ang round girl mo🙂

gasti: naks! ayun naman ang maganda run sa comment mo..haha! pero wag ka mag alala dahil hindi naman ako magugulpi..maawa ka kay Manny.
sure ikaw ang magiging opisyal round girl ng laban namin..ikaw na rin kumanta ng national anthem….ng nakabikini.

29. Geisha - Hulyo 4, 2008

hangtapang!

hamunin mo sya ng englisan! am sure bow sayu yan!😆

gasti: sa palagay ko rin..hehe! pero baka paduguin nya ilong ko pag napikon sya.

30. vin - Hulyo 11, 2008

“wag mo na masyado ilagan yung kaliwa ko dahil parang suntok babae lang ang kaya gawin nito. pang jab lang ba!”

hahaha! i feel you tol.. i feel you… haha!

gasti: you feel me? why? haha! anlabo!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: