jump to navigation

macho man Hulyo 10, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

2 lang ang kilala kong macho nung bata ako isa na run syempre ang sikat na wrestler nung 80’s na si

randy “macho man” savage

at ang ikalawa ay ang kapitbahay namin. macho kasi ang ipinangalan sa kanya ng magulang nya potek pasalamat na lang ako at hindi sakin binigay yung pangalan na yun..kung nagkataon asar talo ako sa bawat makikilala ko.

obviously ang macho ay patungkol lang sa hubog ng katawan. so may mga instances rin na matatawag silang hipon. at ano naman ang itatawag mo sa isang lalaking may matipunong pangangatawan, gwapong mukha, ubod ng yaman, napaka-gentleman, very loyal at malaki ang ari? ano pa eh di guni-guni.

you can’t have the best of both worlds ika nga. kaya kung single ka at sobrang pihikan sa lalaki, medyo babaan mo naman sana ang standards mo. ayos lang na magkagusto ka sa iba pero isipin mo na lang na hindi lahat ng gusto ay nakukuha..hindi ikaw si dyesebel. hindi ka rin si lyka. bakit hindi mo subukang magmahal ng isang simpatikong blogger na payat pero gwapo..hindi mayaman pero may marangal na trabaho..bastos ang bibig pero gentleman. mukhang seryoso pero may sense of humor. yung hindi nagsusuot ng pulang brief.

nakarinig ako ng isang usapan ng mga lalaking malalaki ang tyan nang may mapadaang isang machong lalaki na nakahubad sa harap nila.

bondat 1: uy pare tingnan mo yung mamang yun oh ang lakas ng loob maghubad eh wala namang tyan..kadiri kaya!

bondat 2: teka pards parang baliktad yata. naguluhan ako run sa sinabi mo.

bondat 1: eh kasi diba pag wala kang tyan parang hindi ka kumakain.

bondat 2: ahhh okei may point ka.

ang media ang may kagagawan kung bakit naging conscious tayo sa itsura natin. sila ang nagbigay ng standards ng kagandahan. isipin mo na lang kung nakasanayan mo ng makakita ng payat at matabang tao sa paligid mo at for the first time eh nakakita ka ng lalaking bodybuilder malamang ang sabihin mo eh “ang weird naman ng isang to! bukol bukol ang katawan parang hindi tao.”

at kung sa tingin mo ay macho ka talaga, pano ka nakasisigurong ganun din ang tingin ng iba sayo? lalo na kung lasing ka at wala sa wastong katinuan nung mga sandaling naisipan nyong magpakuha ng litrato at ikalat sa internet ang nakaririmarim na larawang gaya nito.

Mga Puna»

1. apollo - Hulyo 10, 2008

naku kadiri din ako, walang tyan saka walang makain. lols!

gasti: pareho lang tayo pards..ako mukha talagang walang makain..haha!

2. rakz - Hulyo 10, 2008

natawa ako dun sa huling picture…hahaha! lupeht ng itsura!

tama ka kuya, kagagawan ng media kung bakit nagkakaroon ng standard para sabihing maganda or guwapo ang isang tao…

gasti: kaya nga cute lang ako eh..hehe! based on my own standards na rin. toinks.

3. jeck - Hulyo 10, 2008

taenang yan. kala ko mga bata sa africa yung mga nasa pektyur. tae talaga. haha.

4. Myk - Hulyo 10, 2008

Kala ko pic natin nung college eh hahaha

gasti: haha! adik wala ako naalalang nagpakuha tayo ng nakahubad…o baka lasing rin ako kaya di ko maalala. syet!

5. Jhaynee - Hulyo 10, 2008

“simpatikong blogger na payat pero gwapo..hindi mayaman pero may marangal na trabaho..bastos ang bibig pero gentleman. mukhang seryoso pero may sense of humor.”

wala ata akong nakitang ganun sa picture.. hehehe

mukha silang “nagsusuot ng pulang brief at umuuwi sa *tooot.”

wahahaha…

hindi ako mapili pero syempre wag naman sana yung walang future.. may magandang trabaho lang ok na..

tapos..

may matipunong pangangatawan, gwapong mukha, ubod ng yaman, napaka-gentleman, very loyal at malaki ang ari

oops! wehehehe..

gasti: haha! oist hindi taga samin yang mga kurimaw na yan ah! at talagang namili ka pa😀 goodluck na lang sa pagpili baka sa bungi mauwi.

6. Jhaynee - Hulyo 10, 2008

pahabol.. bat ang kikay ng pose ng dalawang nasa dulo?

hmmmm…

gasti: sila na ba ang pinagpipilian mo? hehe! resulta ng alak yang ganyang pagposing.

7. lyzius - Hulyo 10, 2008

nyahahaha..ayus! kelan naman kaya maiinlab sa akin ang payat na blogger na may matinong trabaho?

tsk!

gasti: ahehe! siguro kapag nagkakilala na kayo sa personal. teka mahilig ka sa payat?

8. Myk - Hulyo 10, 2008

wala nga ata..di pa kasi uso camera phone nun eh hehe

9. aga - Hulyo 10, 2008

bwakanang! pangfiesta ang dating! ahehehehe
asust🙂

gasti: maki-fiesta ka na rin sa kanila..hehe!

10. xG - Hulyo 10, 2008

kaya kung single ka at sobrang pihikan sa lalaki, medyo babaan mo naman sana ang standards mo.

nasasaktan akoooooo
yung buong paragraph
gusto ko ikowt
potek

wala na ako sa mood😐

gasti: pihikan ka rin at mataas ang standards? sa palagay ko naman hindi. wag mo masyado dibdibin mga sinulat ko🙂

11. wei vines - Hulyo 11, 2008

yeah… media talaga. All forms. Sabi nga ng prof ko eh :
” sinungaling talaga mga adver(tising arts) noh? sabihin ba naman nila na coke adds life pero in reality, daming namamatay sa coke!”

haha! pota!! pustahan… theyre watching too much TV! =p

gasti: hehe uu nga eh! masama rin talaga epekto kapag nasobrahan ka sa panonood ng tv.

12. mang BADoy - Hulyo 11, 2008

nagsusuot ng pulang brief at umuuwi sa *toot >>> anong mali sa pag susuot ng pulang brief though wala akong pula lahat itim? tanga lang!

natawa naman ako dun sa picture san mo nakuha yun hahahah…

akala ko yung hipon sa babae lang yun pala pede rin sa lalake,,,hahahha!

“at ano naman ang itatawag mo sa isang lalaking may matipunong pangangatawan, gwapong mukha, ubod ng yaman, napaka-gentleman, very loyal at malaki ang ari? ano pa eh di guni-guni. ” astig na punchline to magamit nga! hahaha

gasti: hehe! nasasagwaan kasi ako sa pulang brief eh..puti at itim lang meron ako 😀 ayan in-edit ko na baka ma-misinterpret pa ng iba.
yung pic nakuha ko sa isang bastos na site kung saan sila nararapat..

13. naglalambingnacute - Hulyo 11, 2008

bakit hindi mo subukang magmahal ng isang simpatikong blogger na payat pero gwapo..hindi mayaman pero may marangal na trabaho..bastos ang bibig pero gentleman. mukhang seryoso pero may sense of humor. yung hindi nagsusuot ng pulang brief.

hahaha😀 san ko ba matatagpuan yun blogger na yan?

gasti: nakow medyo mahirap hagilapin yang taong yan…nagtatago kasi

14. rio - Hulyo 11, 2008

“at ano naman ang itatawag mo sa isang lalaking may matipunong pangangatawan, gwapong mukha, ubod ng yaman, napaka-gentleman, very loyal at malaki ang ari?”

sagot: Si gasti…hehe

gasti: haha! ayos…parang binobola mo naman ako eh

15. pinoyPSP - Hulyo 11, 2008

hello thx sa pag daan sa blog ko download mo lng lahat ng gusto mo ^_^ po

16. naruto vs son goku (read more) - Hulyo 11, 2008

nice blog idol ko si macho man pero mas gusto ko nun si ultimate warrior

gasti: nagtatalo pa nga isip ko dati kung kanino ako kakampi kay ultimate warrior saka hulkhogan nung naglaban sila..di ko idol yan si macho man pero daming chics nyan.

17. pinoyPSP - Hulyo 11, 2008

down load mo lng lahat ng gusto mo ^_^V

18. Poli - Hulyo 11, 2008

Tangina panalo ‘yung pag-uusap nung dalawang tambay. Hehe. Naalala ko tuloy ‘yung Muchas Grasas segment ng Bubble Gang.

Taenang mga Kurimaw yan o.

gasti: hehe uu nga noh parang sa muchas grasas nga!

19. ayyzzz - Hulyo 11, 2008

macho macho mannn!
si kuya gasti na yan😀

hehe😆

“ayos lang na magkagusto ka sa iba pero isipin mo na lang na hindi lahat ng gusto ay nakukuha..hindi ikaw si dyesebel. hindi ka rin si lyka.”

hindi ako si dyesebel. at hindi rin ako si lyka. dahil si ayyzzz ako. at ang sabi ng nanay ko mas maganda daw ako sa kanila. walang kokontra.

bwahaha😆

pero tama ka po, hindi lahat ng gusto e nakukuha. 😉

gasti: napakabait naman pala ng nanay mo kung ganun..hehe! di naman masamang sumubok eh pero kung sablay tanggapin na lang ng maluwag sa kalooban

20. emoterang nurse - Hulyo 11, 2008

“kaya kung single ka at sobrang pihikan sa lalaki, medyo babaan mo naman sana ang standards mo. ”

—–wahahaha….natawa ko dito…hindi nman mataas ang standard ko pero bakit single ako??

“simpatikong blogger na payat pero gwapo..hindi mayaman pero may marangal na trabaho..bastos ang bibig pero gentleman. mukhang seryoso pero may sense of humor.”

—-san ba may ganito gasti???hindi ko pa nakikita ang ganito sa aking pag blog hop…hahaha

gasti: di ko rin alam kung bakit ka single..tingnan mo na lang sa horoscope ang sagot.
hindi ka pa nakakakita ng ganyang blogger? sus! nabubulagan ka lang siguro..

21. ahkong - Hulyo 12, 2008

ayus yun pics idol ah…. yan ba yung mga bagong Hung-Hanks….LOLs

tama nga si jhaynee, yung dalawa sa dulo….parang….parang…
verde ang mga dugwoooo…..ayyyy !!!!

gasti: hehe! syempre pag lasing lumalabas ang totoong anyo nila.

22. ahkong - Hulyo 12, 2008

langya….nagkamali pa ako ng spelling ng “hunks”….LOLs

23. ponchong - Hulyo 12, 2008

meron akong nalaman lately tungkol sa mga kapatid nating mga itim, ‘yong mga kalahi ni Obama. sa kanila pala status symbol ang pagkakaroon ng malaking katawan mapababae man o lalaki. mas malaki mas better kasi ibig sabihin daw non abundant ang isang tao sa pagkain at healthy daw. at sa babae naman di bale ng mala-elepante ang size nila kasi mas appealing daw sa mga lalaki ang ganon. at take note, di sila basta basta kumakain, talagang lamon.

hmmm…

gasti: magpapasalamat na lang ako at ipinanganak akong pinoy at may fair complexion…

24. R.J. - Hulyo 13, 2008

siguro iyan iyong taga-hanga mo na galit na galit dahil nagpost ka tungkol sa PUP?

gasti: hehe! tama na yung isang entry na nilaan ko sa kagaguhan nya..di ko kilala yang mga lasenggong yan.

25. taps - Hulyo 15, 2008

Yung si macho man, idol ko yan dati lalo na when hulk hogan and randy savage teamed up for tag team championship.

Yung sa huling picture, yan ba yung legion of doom and bushwhackers?

hehehe

gasti: hehe! anlalakikaya ng katawan ng legion of doom saka bushwackers mga adik lang siguro yan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: