jump to navigation

what’s on gasti’s mind? Hulyo 14, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments, to whom it may concern.
trackback

hehe! anong nasa isipan ko? hmmm..

andyan ang pamilya. trabaho. pera. masasarap na pagkain. pagba-blog. pag inom ng alak. pagbabakasyon. pinay scandals. shaved pussy. itsura at pangalan ng soon-to-be-baby. bagong laruan na idadagdag sa koleksyon. wastong nutrisyon sa katawan. pagsasarili. pag iwas sa tukso. pagpapalusot. pagtigil sa pagsusulat ng entries sa blog at maging lurker na lang habangbuhay. pangingibang pugad I mean bansa para doon magtrabaho. makipaglasingan sa mga babaeng hindi pa gaano kakilala para magkaalaman na kung san ako mahina. sa pag inom ba ng alak o sa tukso?..kasalukuyan rin akong nag iisip ng maganda at katanggap tanggap na paliwanag para sa huling nabanggit na sitwasyon.

marami akong pinag iisip na bagay nitong mga nakaraang araw. buti nga sana kung puro kabastusan lang pero hindi..parang namamayat ako lalo sa kakaisip (pero chineck ko timbang ko kahapon di naman nagbago). marami akong gustong gawin pero hindi ko magawa at wag mo na itanong kung bakit hindi dahil ang isasagot ko lang sayo ay “ganyan talaga ang buhay..live it or take it.” anong magagawa ko eh puppet lang ako?

at kung malaman mo man na ikaw ang iniisip ko habang nag aano ako, ano naman ang magiging reaksyon mo nun? at pano ka naman nakasisigurong totoo nga ang mga pinagsasabi ko rito eh hindi mo naman alam ang iniisip ko? mas maganda ang ganun may suspense ba hindi gaya ng napapanood nyo sa tv na kapag may naiisip eh may umiilaw na bumbilya o di kaya ay may nabubuong imahe sa loob ng mala-ulap na drowing. ang hirap nun..wala ka ng lusot!

sana nabiyayaan na lang ako ng ability gaya ng mind reading para maligtas ako sa anumang kapahamakan. malalaman mo pa kung sino ang mga totoo mong kaibigan. malaki rin ang maitutulong nito sa panliligaw. madali mong malalaman kung may pag asa ka ba o wala..saves time and money! makakarami ka pa!😀

nga pala gusto ko rin palang malaman kung ano ang pagkakakilala nyo sakin bilang blogger at sa blog ko na rin. ano bang tumatak sa kukote nyo ng mapadpad kayo rito? gusto ko lang malaman yun lalo na sa mga lurker na hindi pa nagpaparamdam kahit kelan. naisip ko lang yan ngyon kasi nakita kong nasa ika 21-22 pwesto na pala ako sa pa-contest ni pareng badoodles at nawalan na ako ng mala-friendster comment na description dun..ahehe! hindi naman makakaapekto sa ranking ng boto ang description na maibibigay nyo rito at lalong hindi ko babaguhin ang sistema ko ng pagsusulat dahil ganito na ang aking nakagawian.

ang may pinakamaganda at artistic na comment na maibibigay ay maaaring manalo ng isa sa mga sumusunod.

1. isang authographed bench hipster brief na kahuhubad pa lang

2. freshly cut bulbol (trim)

3. 200ml of fresh love juice (frozen)

4. hubad na larawan ng inyong lingkod w/ dedication na ipapadala by snail mail (morgue pic)

5. isang sakong java rice (sinaing na) na ihahatid door to door ng isang java man.

ang cool ng prizes noh? ano pang hinihintay mo dyan? comment na!

Mga Puna»

1. xG - Hulyo 14, 2008

pag iwas sa tukso. pagpapalusot. makipaglasingan sa mga babaeng hindi pa gaano kakilala para magkaalaman na kung san ako mahina. sa pag inom ba ng alak o sa tukso?..kasalukuyan rin akong nag iisip ng maganda at katanggap tanggap na paliwanag para sa huling nabanggit na sitwasyon.

tungkol ba sa akin ito?
hahahaha

ang alam ko lang
magaling ka
nakikita kita sa mga blogroll e
sabi ko baka suplado ito
pero nagkomento pa rin ako
nakita ko nga na idol mo si hener
potek
idol mo yun?
hahahaha

e yung kokote ni hener
baliko
kaibigan ko kasi yun sa totoong buhay
hahaha

basta alam ko suplado
ganung image
di ko maabot e

gasti: tama ka namang suplado ako pero di naman ako nang aaway kaya wala ka dapat ikatakot..teka hindi ko idol si hener ah! kung meron man akong pwedeng maging idol sa blogging yun ay si badoodles. pero pare-parehong kaibigan ang turing ko sa inyo. walang malisya.

2. Maldito - Hulyo 14, 2008

ha ha ha..coolest ang prizes!!pero nakakatakot…iwan ko ba..naninidig balahibo ko sa mga prizes..aha ha ha..

ako nga nasa number 8 na ata…meaning, i plulug in ko na ang blog ko para lang makapasok?ahaha..indi ko pa kasi ginawa yun eh…paspasan na to..bahala na ma assasinate..aha ha ha..

okey lang yun bossing…ang importante eh yung good tyms na nakukuha natin sa blogging..indi man tayu kasali si chuva na yun, ang maganda eh dami tayung naging kaibigan dito..

isa lang masasabi ko,,,cooleest ang blog na to…kaya nga lurker din ako…pero indi din makaya na indi mag comment..ahahah..

isa ka nang haligi ng blogging…

ako naman ang pintuan..

si jeckass ang door mat..

ahahahha..kawawa naman si jex.

gasti: haha! natakot sa mga prizes…yup goodtimes…ang nagpapasaya ng blogging ay ang readers at commentors..lalo na pag galing sa mga lukaret..hehe! anong haligi ng blogging ka dyan? ng tahanan siguro pwede pa. si jeck ayun nag hiatus na..sinamahan si chilli.

3. madbong - Hulyo 14, 2008

parang ayaw ko na magcomment description dahil sa mga premyo mo..hehe

gasti: haha! ayaw mo ba ng prizes? sayang naman…

4. tough-happy girl - Hulyo 14, 2008

Yahoo! 1st time ko mag-comment at 1st din ako now.

Basta ako,since nadiscover ko tong site mo (thru Maldito’s site,hehe),i make it a point everyday na bibisitahin ko sya and tignan if may bago ka ng post. 1st time ko nga lang nag-comment, kasi may prizes eh,haha.

About the topic, tumatak sa isip ko, may lalim kang tao(naks!). May dating yung mga sinusulat mo. May sense of humor and yet andon pa din yung sense ng topic mo. And hanga ako sa tapang mo (gusto mo ba talaga?),hehe. Tsaka nakakatuwa ka kasi you’re so observant, ultimo yung mga pets eh naoobserbahan mo,tapos ang galing mo din mag-relate relate ng mga bagay bagay. Ayan, sobrang papuri na yan,sana naman manalo ako,haha.

Sa pacontest ni badoodles,pwede bang sumali kahit walang blog? Para maboto kita,hehe.

gasti: malaki ang tsansa ng comment na ito na manalo ng prize..hehe! kelangan may blog para makaboto eh yun lang naman ang requirement ni badoodles.

5. Jhaynee - Hulyo 15, 2008

commentadora mo naman talaga ako dito eh…
kaso sa prizes parang kinilabutan ako agad..
parang ayoko na tuloy maglagay dito ng kahit anong maganda at artistic..
baka manalo ako..
kakatakot!!!
hahaha!!!

Actually, walang “tumatak” eh..
Wala nga ring nakatatak hanggang ngayon..
Pero parang dinadala ako dito ng mga elemento ng blogosperyo…
Kahit ayaw ko..
Kahit hindi ko namamalayan…
Kahit di ko alam kung bakit..
Tadhana ba ang pagpabalik balik ko dito?

Char!!!

mwah

gasti: uhhhmm di kaya nagayuma ka lang..haha! bakit ba kayo natatakot sa prizes ko? limited edition pa nga yan.

6. rakz - Hulyo 15, 2008

ang chaka ng prices…hahaha! wag na lang! :p di naman mahalaga ang title in the world of blogging..ang mahalaga masaya ka sa mga pinopost mo at narerelease ung stress mo sa pagbablog..hehehe.saka iba-iba din naman ang standard ng tao para masabing ‘nkakatawa’ ang isang blog..😀

gasti: syempre naman..ang importante talaga ay masaya ka sa ginagawa mo. sabi mo nga depende sa isang tao kung ano naman ang nakakatawa para sa kanya. depende sa kababawan.

7. BADoy - Hulyo 15, 2008

nakakatakot naman ang prizes mo gasti, isa ka sa mga haligi sa blog-o-sphere… diko alam san ako nagsimulang magbasa ng blog siguro kay idol badoodles din.. pareho kayo ng tema na bastos..yun yown!

request ko lang pede bang akin na lang yung isang sakong java rice (sinaing na) na ihahatid door to door ng isang java GIRL… yun na lang sakin kahit yung JAVA GIRL na lang kahit sayo na ang java rice mo…

gasti: may pagnanasa ka sa isang java girl? o sya sya sige kapag nanalo ka papupuntahin ko na lang dyan sa Malaysia.

8. apollo - Hulyo 15, 2008

sa java rice na lang ako pre.. mahal ang bigas ngayon. lols! kinakawawa nyo naman c jeck. haha

gasti: pero wala ka namang iniwang description kaya hindi ka kasama sa pa-raffle. hehe!

9. rofel - Hulyo 15, 2008

aminadong lurker pero minsan nagiiwan din ako ng comment…

ano bang tumatak sa kukote nyo ng mapadpad kayo rito?
-tsempre ung mga malulupet na bitaw nio master, gaya ng…
sa mind reading…saves time and money! makakarami ka pa!

wahehehehe!

side trip: ngaun ko lang napansin ung smiley sa pinakababa

gasti: ikaw nga lagi ko nakikitang bumibisita dito eh..pamilyar ka na sakin..hehe! wag mo na pansinin yung smiley pautot lang ng wordpress yan.

10. ayyzzz - Hulyo 15, 2008

dahil magaling kang magblog!
haydol nga kita..
ndi mo lang alam kya gasti😛..

me winner na ba nong mga prizes mo?

hahaha..parang nakakatakot maging winner…
kaya ndi na rin ako maguumeport sa pagkokoment..
🙂

gasti: hanubayan lahat natakot sa prizes. uu di ko alam na idol mo ko..sigurado ka ba dyan? baka mapariwara ka. lols!

11. Myk - Hulyo 15, 2008

Birthday ko na bukas ano ang regalo mo sa akin?

Yan ay isang heart felt na comment😛

gasti: isang heartfelt na pagbati na lang din ang regalo ko sayo pards…”happy birthday! :p “

12. silvercute - Hulyo 17, 2008

Hay ano ba yang prizes na yan! kakaloka! Kakakilabot!
feling ko holloween na!! hehe!!

gasti: parang pamaskong handog na nga yan eh

13. silvercute - Hulyo 18, 2008

…pamasko?. para sau… kc gusto mo namang:

4. hubad na larawan ng inyong lingkod w/ dedication na ipapadala by snail mail (morgue pic)
– yan ang mapanalunan nila.. haha.!!

gasti: yeah ryt! funny…bakit? patay lang ba ang may karapatang maghubad sa morgue?!
parang – like, kahalintulad. tsk tsk..di ka nag iisip maigi.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: