jump to navigation

ang preparasyon Hulyo 18, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

ngyong araw na ito ang sabi sa hula ng isang poncio pilato na magkakalindol daw sa Pilipinas. ang sabi yata eh atleast magnitude 8.  oh yeah! masaya to! hindi naman sa sabik ako sa sakuna pero maganda ang gising ko kanina. wala namang ngyaring espesyal kagabi or sa kinain kong galunggong na galing ng romblon. basta magaan ang pakiramdam ko ngyon at handa na akong mamatay harapin ang anumang hamon ng buhay.

maaga ako nakarating sa opis. nasa 23rd floor kami kaya kung sakaling lumindol dito eh malamang ito na ang kahuli-hulihang post na magagawa ko. pero dahil maysa-ninja nga pala ako alam kong makakaisip ako ng paraan kapag nagkayugyugan na. ang tanong eh lilindol naman kaya?! at bakit nga ba nagkakaroon ng mga paglindol? isa-isahin natin ang mga posibleng dahilan.

1. pasmado si Lord

2. may paparating na dinosaur

3. nag-jogging ang mga sumo wrestlers

4. may dumadaang traktora

5. dahil sa paghuhukay ng mga bulate

suspetsa ko lang naman yan at wala akong matibay na ebidensyang maipapakita sa inyo. chillax lang! wag kang praning.

nung nasa puberty stage pa lang ako at nag uumpisa pa lang magsitubuan ang mga bermuda grass sa ano ko..panahon ng tagsibol. ang kalimitang ugat ng pagkahilo na nararanasan naming magkaklasmeyt ay ang panonood ng mga babaeng nagsisitakbuhan. masarap rin panoorin ang mga naglalaro ng volleyball kasabay ng pagsigaw nila ng “mine!” at pagyuko ng bahagya (minsan duma-dive pa) sa pagtira ng bola. at kapag nagkatalbugan na, dun na magsisimula ang pagkahilo.

ang pinakamalakas na lindol na naranasan ko ay noong nasa elementarya pa lang ako. di ko na matandaan kung natakot ba ako o natae nung mga sandaling yun pero naalala ko na nag-crack yung building ng school namin at kaming mga bata ay nagtipon tipon sa isang open area at doon naglupasay. sa kabutihang palad, wala naman nabalitang namatay. kinabukasan wala pa ring klase at walang tigil ang pagpapraktis namin ng safety precautions bilang paghahanda naman sa maaaring sumunod pang paglindol. buti naman at hindi na naulit.

sana makatulong sa inyo itong mga tips na ibibigay ko kung sakali mang lumindol ngyon. magtake down notes kayo baka makalimutan nyo..lagi nyong tatandaan. prevention is better than cure.

kumapit sa ano mang bagay na matigas. uu ngyon pa lang maghanap hanap ka na at baka magkaubusan na mamaya ng kakapitan pag nagsimula na ang paglindol. ayain nyong manood ng porn ang officemate/classmate/kaibigan mong lalaki tapos pag tinanong kayo kung bakit at para saan yun..sabihin nyo “basta! wag ka ng mag anu-ano pa dyan..seryosohin mo ang panonood. concentrate!” o kaya pwede ring “watch me! nag-flanax yata ako..let’s get it on!”

magsuot ng pinakamagarang panloob. brief/panty or kung kabilang kayo sa third sex, bahala na kayo kung anong feel nyo kahit pa adult diapers yan basta magara tingnan. makatutulong yan kung sakaling maaksidente kayo at kailanganin nyong maghubad, hindi nakakahiyang ipakita sa harap ng camera ang panloob nyo.

maglasing. kung matatakutin kayo o sadyang praning lang, makabubuti sigurong magpakalasing na lang kayo para hindi nyo maramdaman ang ngyayaring lindol sa paligid.

pumunta sa discohan. sabayan nyo na lang ng pagsayaw ang lindol para ma-enjoy nyo. minsan lang dumating yan kaya dapat cherish every moment. remember every second counts.

mag sex. eh ano kung magpagulong gulong kayo sa sahig? maeenjoy nyo rin yon. ang importante ay malagpasan natin ang sakunang darating na may ngiti sa ating mga labi. kaya kung single ka naman at walang masipingan. try nyo magpunta sa mga massage parlors, bars, ktv, motels, at kung saan saan pang pick-up spots para hindi naman kayo lugi. wag nyo na isipin kung magkano gagastusin nyo. ang importante ay makapagrelax kayo at maging panatag ang inyong kalooban kahit pa may ngyayaring sakuna sa paligid.

basta don’t panic. take your time. makakaraos rin tayo pare-pareho. Mabuhay ang Pilipinas!

nga pala may company outing daw kami bukas dyan sa isang resort sa pampanga. ewan ko lang kung ano meron dun pero ang sabi overnyt saka may lasingan session daw sa gabi kaya sa tingin ko..ok na rin. hehe! hindi naman kasi ako marunong lumangoy kaya malamang mukha na naman akong bisor dun. sana naman this time wala ng bagyo.

Mga Puna»

1. Leyn ♥ - Hulyo 18, 2008

lumindol nga ba?

alas tres na ko nagising e.

gasti: so far 4:30pm na sa relo ko..wala pa naman ako nararamdamang pag uga.

2. har har - Hulyo 18, 2008

baka dahil sa paghuhukay ng mga bulate..😉
last week pa aq ntatakot sa date na ito.. hehe
Panic to the max chever! hehe
binalak q p ng a mgleave ngaun pero wag n lng uwi n lng aq ng maaga pero since nbasa q n tong nisulat mo… matuloy man o hindi eh gagawin q ang isa, dalawa o tatlo sa mga suggestions mo.. bwahahaha

gasti: haha! masyado ka naman kasi nagpapaniwala sa mga manghuhula. mabuti pa nga gawin mo na lang yang suggestions ko..teka alin dun? hehe! ikaw ah!

3. har har - Hulyo 18, 2008

kaw, anu s tingin m pinakamaganda gwin????

gasti: syempre una sa lahat magsuot ng magarang panloob tapos manood ng porn then pumunta sa disco para makipagsayawan tapos uminom ng maraming alak then kapag lasing na saka mag aya ng maa-ano. syempre save the best for last.

4. Yummy Dingding - Hulyo 18, 2008

hahaha LOL. Oo nga noh nakalimutan ko na itong lindol na ito kundi ko nabasa dito ay di ko maaalala LOL. Binalaan na rin ako ng isang ka-ym ko tungkol dyan at natawa lang ako nun sa dahilan niya.. nagkalindol daw kasi sa China nung isang linggo kaya daw may aftershock ngayong friday… ay bonggang bongga pala ang lindol primadonna siya hehe😄.

Pero anyways kahit papano natakot din naman ako.. hehehe. ilang beses na lumilindol na muntik na akong mabagsakan ng kung ano ano e.

Tama ka nga pala LOL. Dahil akoy taga rakista rakista nga ako hehe… minus the emo side na lang LOL. Salamat sa paglagay ng blog ko sa links mo. *heartfelt* LOL

gasti: hehe! wala kang dapat ikatakot mukhang magaling ka pala umiwas eh😀
rakista nga sabi sayo eh! wag ka na lang maglagay ng bangs at eyeliner para hindi halatang emo. lols!

5. har har - Hulyo 18, 2008

nadali mo!!!! nyahaha
un un eh.. expert s ganun ah..😉
alam q n kung knino q lalapit in tyms of trouble :p (joke)

gasti: syempre praktisado eh lols! sige tutulungan kita sa abot ng aking makakaya. haha!

6. har har - Hulyo 18, 2008

ahem.. bgo pa po may iba kang maituro skin, i would like to inform you that i am a girl😉 nyahaha..

gasti: ahehe! matagal ko ng alam na girl ka at grace ang name mo..24 yrs old ka na at taga bulacan. cancer ang zodiac sign mo..balita ko mahilig ka rin daw kay marvin the martian.
ano nga ulit yung gusto mo matutunan?

7. apollo - Hulyo 18, 2008

huwaw! ang antalas talaga ng pang amoy ni idol gasti pagdating sa chika babe. dapat ata kaw ang nanalo sa post ni jeck eh. haha!

gasti: hayaan na nating iba yung nanalo pards kasi fiction lang yun.😀

8. har har - Hulyo 18, 2008

ay hindi m nmn cnabi lahat ng tungkol skin… hahaha
buti d m binanggit ung birthday q.. tsk tsk tsk (wag m n banggitin h)
gusto qng matutunan?? madami😉 hmmm..

gasti: hehe! sige hindi na. pero bakit naman kasi “har har” pa ang pakilala mo dito.
anong subject naman yan?🙂

9. trina labandera - Hulyo 18, 2008

ang lindol ang hinihintay ng mga lalakeng tamad sa kama.

gasti: pero mas madalang pa sa lindol ang bilang ng mga agresibong babae sa kama.

10. Yummy Dingding - Hulyo 18, 2008

hahaha di na nga ako makapagsuklay sa sobrang busy eh mag-eyeliner pa LOL? hehehe di na naman ako nakatulog LOL.

Nood muna ako ng moymoypalaboy ulit para mawala stress ko hehe..

gasti: hehe! mukhang busy ka sa schooling ah! pero parang hindi naman. ayos yang moymoypalaboy vids ang kulit.

11. buzzing flowerpecker - Hulyo 18, 2008

ngayong day pala yun? mabuti na lang wala akong pakialam sa dates..hehe..mabalitaan ko man na lilindol sa x date…eh…at least hindi ako yung praning ang dating.

hehe. masusurprise na lang iguro ako. haha.

gasti: mabuti naman at hindi ka mapapraning.

12. napundingalitaptap* - Hulyo 18, 2008

teka, tungkol sa unang maaaring dahilan, BAKIT NAMAN PO?

seryoso ako sa tanong ko, anu kayang naisip nyo?

dahil ba hawak nya ang mundo, baka nagshshake yun kamay nya, ganyon? ahahaha! hmmmm.

wala nga, nasa bits, este beach kami kanina, medyo di gaanong marami ang mga skim boarders, baka daw may tsunami.

siguro nga, KAYA KALMADO ang tubigdagat. hehe.

gasti: hehe! ganun nga buti nahulaan mo. nag beach ka pala buti nga wala na bagyo ngyon eh.

flyfly!

13. Keiyt - Hulyo 18, 2008

10PM na at wala pa rin yung lindol. Ako rin, handa ako kung ano mang mangyari dapat ngayon araw na ito. Medyo naeexcite ako sa lindol dahil nung minsang lumindol na nasa school ako, hindi ko man lang naramdaman pero halos silang lahat ramdam na ramdam!

Hala, tamang trip ang magpunta sa discohan :)) party people 😛

Enjoy enjoy ang outing.🙂

gasti: ganun talaga ang mga mahilig sa sayawan.bira lang ng bira kahit may sakuna. bakit nga pala hindi mo naramdaman yung lindol nung bata ka pa? baka naman may iba ka pinagkakaabalahan😀

14. ponchong - Hulyo 19, 2008

pumalpak ang hula sa lindol.

di yata nasindak ang mga Plipino sa hulang ito. baka sa susunod huhulaan na uulan ng apoy sa Pilipinas. ggrrr….lagi kong iisipin ang tip #5. laging cherish the moment.

15. neptune - Hulyo 19, 2008

gasti, ganda ng mga disaster preparedness tips mo. meron akong ginawa dyan kahapon, kung ano wag mo na alamin. hehehe… salamat malaking tulong ka sa pagtanggal ng panic😀

atsaka…
hindi naman kasi ako marunong lumangoy kaya malamang mukha na naman akong bisor dun
sana magbeach outfit ka ah. meron kse ako kilalang matandang titser, nag-outing kami naka-uniform pa at leather shoes. punks!

gasti: malakas ang kutob ko na ginawa mo yung iyon..basta yung masarap. hehe!
saya nga eh sumisid lang ako maghapon. saka nakapang swimming attire naman ako syempre

16. mang BADoy - Hulyo 19, 2008

Dear gasti,

mag tback ka sa swimming nyo para naman kapansin pansin ka…hehehe😛

ayus yung makipag sex habang lumilindol atleast dimo ramdam yung pag alog ng lupa…heheheh!

nagmamahal,
mang badoy

gasti: napansin pa rin naman ako kasi nakaumbok yung harap ko. ayos na yun.

17. aga - Hulyo 19, 2008

hay naku sabi nga ni kuya kim, uu tama ung prediksyon kaya lang eh medyo late ng 123years….
bwakanang!
asust!🙂

gasti: napanood ko nga rin yun eh panahon pa daw ng kastila yung lindol..hehe!

18. Jhaynee - Hulyo 20, 2008

hindi ako affected sa prediction na yun.. para lang yang y2k bug.. bluff lang ng tao para may bagong mapagpiyestahan.. haaaay..

tangina naman yung last na suggestion!!!

pagkunyaring tigang ka na, sabihin mo sa partner mo na lilindol at pagbigyan ka na.. acceptable kaya yn???

bwahaha!!!

gasti: kung uto-uto at mapagbigay ang partner mo pwede yun. hehe! parang nagpasikat lang yung manghuhula dito sa Pilipinas eh!

19. Kevin Paquet - Hulyo 20, 2008

Greetings Pinoy!

I’m 17yro Kevin Paquet from Davao City, currently blog hopping!
Can we exchange links? My website is pinoyteens.net
Hoping to know you better and that we’ll have a happy blogging relationship!
If you accept our link exchange request, please comment back on us so that we’ll add you then🙂 [hirap mag monitor ng mga responds sa comments namin sa dami ng blogs na dinalaw ko]

ps: you can also add me on ym if you want: i.believe_11

Salamat po!
We’ll leave on topic comments next time, sorry for this offtopic one, kaya nga naghahanap kami ng link exchanges to also exchange good comments in future ^^,) bow

gasti: salamat rin sa pagbisita rito. next time na lang ako magbloghop kapag hindi na busy. (antok pa ko)

20. winkii - Hulyo 20, 2008

nakakatuwa ka. haha.
dayo ka rin sa palasyo ko.

gasti: tinkiiwiinki? hehe! sige dalaw ako dyan minsan.

21. ayyzzz - Hulyo 20, 2008

wala
namang
lindol na
naganap
a??!

hahaha..

kamusta po ang outing niyo?

gasti: wala nga peke naman kasi talaga yun. ayos yung outing this time wala ng bagyo.

22. har har - Hulyo 21, 2008

ndi nkita ung ni-type q..? ano besh..?

gasti: uhhmm alin naman kaya yun…hmm..

23. har har - Hulyo 21, 2008

ay wala pla..😉
har har ung name q kasi para laging masaya.. tawa un db (engggggggggkkk.. ang pangit ng reason!) hehehe
actually, ni-eendorse q tong site m s mga fwendly fwendz q at mga officemates q..
kpag nilagay q ung name q maxado qng obvious n blog hopping ang pinagkakaabalahan q during office hours..
e aun, mejo nbuking n.. kaw kasi eh.. hehehe🙂 [PEACE!!!]

gasti: ahhh hehe! ayun lang pala yung rason. ayos ah endorser ka rin pala ng blog ko dyan..thanks ah!
buking ka na nga!😀 sige kunyari na lang hindi ko alam.

24. bebenibadoodles - Hulyo 21, 2008

Dapat yang mga kumag na naghuhula ng ganyan eh ibinabaon ng buhay. Tama ba naman na takutin ang lahat ng tao and of all places talaga namang Pilipinas pa yung napag tripan niya.

Sana naman, good news naman ang ihula nila. Hindi man magkatotoo, at least good vibes naman yung na emit nila.

gasti: uu nga eh balak yatang kalabanin sila madam auring. infairness marami nga naniwala sa kanya..ewan ko ba pero ako nung narinig ko yang balitang yan binalewala ko agad.
ayoko rin ng good news na hula tapos hindi magkakatotoo kasi ayoko ma-disappoint eh😀

25. rakz - Hulyo 22, 2008

kasi naman ang pinoy ang daling magpanic…eh kapag sa internet lumaganap ang balita mejo magduda k n dahil andaming pwedeng mag-edit nun. Hehe.

ayos ung mga posibleng dahilan mo kuya ah..walang kabahid-bahid ng siyensiya! haha!

gasti: walang kabahid bahid ng siyensya pero mas kapani-paniwala naman to kesa sa theory of evolution. hehe!

26. snobero23 - Hulyo 22, 2008

galeng mo din magbigay ng suggestions noh..hehe..ayos na rin, gulong2..uy, batiin moko sa bahay ko!

gasti: late mo na yata nabasa kaya malamang hindi mo na nagawa yung suggestions ko. anong meron pala dyan sa bahay mo? teka nga.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: