jump to navigation

act of random kups Hulyo 23, 2008

Posted by gasti in bakasyon stories, muni-muni moments.
trackback

1. may isang nilalang na naman ang nanglimos ng away sakin sa nakaraan kong post. sa mga di makarelate, basahin nyo na lang yung bandang dulo ng comments section dito.

2. pakiramdam ko andito pa sya sa paligid naghahanap ng mahahada.

3. bigla akong sinalang na magpresent kahapon ng boss ko sa mga kliyente. ayos naman wag ko lang daw ugaliing ipasok ang kamay ko sa bulsa dahil baka pagkamalan akong kumakalikot ng ano ko.

4. tumae muna ako bago kumain ng almusal

5. pagkatapos kong kumain at naghahanda ng pumasok sa banyo, bigla namang sumingit ang ate ko at nagtagal ng sampung minuto para jumebs din. halos masuka ako sa baho pagkapasok ko.

6. nagdeklara na pala ng cold war ang misis ko ng hindi ko nalalaman. pakiramdam ko tuloy na para akong isang kriminal na hinatulan ng rape at sinentensyahan ng bitay…kahit pa walang ngyayaring paglilitis.

7. tinatamad na rin ako magpaliwanag

8. naging masaya ang outing namin sa fontana. ngyon lang ulit ako nakaranas magslide after so many years kaya lang badtrip yung amoy ng tubig na lagusan. amoy basang medyas na kahuhubad pa lang ng isang sundalong galing sa madibdibang training.

9. andaming foreigner dun mostly koreans. kami pa ang nagmukhang dumayo sa Pilipinas.

10. nakakita ako ng nag aanuhang mga ibon sa itaas ng puno pagtingala ko…nang diniretso ko naman ang tingin ko nakakita ako ng koreana na naka-pink na bikini at nakatuwad malapit sakin…pumikit na lang ako at nagdasal ng taimtim.

11. dalawa pala yung nakapink na bikini at parehong koreana.

12. anlaki ng kuliti ko sa kaliwang mata.

13. may isang kuha ako na mala-angel locsin sa folded and hung ang dating. ansagwa.

14. andami kong nainom na tubig sa pool.

15. yun lang ang tubig na nainom ko buong sabado…ang iba ay coke,sprite, mudshake,baileys at sanmig light.

16. first time ko makalaro ng boxing at tennis sa wii. napatunayan kong boksingero ako sa past life ko nung i-knockout ko yung isang ofismate ko. masarap sa pakiramdam.

17. tumaas na naman ng limampiso ang putarages na pamasahe ko. 50 pesos na simula ngyon. (15 pesos sa trycycle +100 pesos balikan = masalimuot na buhay)

18. hindi na ako sasakay ng shuttle pauwi! tang ina nila! sasakay na lang ako ng mrt at mag fx sa cubao.

19. nababadtrip ako sa mga babaeng characters ng tekken ang hirap talunin. malayo sa katotohanan.

20. nawalan na ako ng ganang magblog dahil sa hindi ko na maalalang dahilan.

21. wag na kayo magtaka kung may mababasa kayong entries dito na nag aalok ako ng sariwang karne kung ano-ano. ako pa rin ang nag iisang author ng blog na ito at sinisiguro ko sa inyong walang kinalaman rito si inday.

22. mas madali pa magbenta ng katawan sa totoo lang pero gusto ko naman kumita sa marangal na pamamaraan.

Mga Puna»

1. apollo - Hulyo 23, 2008

regarding sa kaso mo sa misis mo pre.. umapila ka na lang gamit ang isang bungkos na rosas.

gasti: hindi nadadaan sa rosas yun pards…at pano ako aapila kung di ko man lang alam ang kaso ko?

2. popoy - Hulyo 23, 2008

“19. nababadtrip ako sa mga babaeng characters ng tekken ang hirap talunin. malayo sa katotohanan.”

mahirap talagang talunin ang mga babae kahit sa totoong buhay. sabihin lang sau nyang…”gusto mong kitilin ko ang sekslayp mo?”
wala talo na ang mga lalaki. hahaha.

buti naman at nakainom ka ng tubig. dont wori may minerals naman yun galing sa ihi. ammonia hahaha.

gasti, hayaan mo yang umaaway sau. bored sya sa buhay. naboring na din syang kurutin ng nail cutter ang mukha nya o kaya naman mag accupuncture gamit ang concrete nail😀

gasti: palibhasa kasi ginagamitan lang tayo ng charm ng mga girls kaya tayo natatalo. haays ewan ko ba sa mga yan at ako pa napagdidiskitahan..nananahimik ako nagtatago rito eh.

3. xG - Hulyo 23, 2008

ang dami kong gusto sabihin
hmm
di ko alam kung ano uunahin ko
at nagouting ka sa fontana?
may koreano?
wow
ano amoy nila?
ahaha

yaan mo
magkakabati rin kayo
ni mrs gasti🙂

gasti: pangit ang mga koreano at walang wow sa kanila. hehe! mas maganda pa rin ang lahing pinoy/pinay. mas mabango rin ng di hamak.
haaays wala nga ako kabati. solo-flight na naman.

4. FerBert - Hulyo 23, 2008

nainggit ako.. may hater ka.. shet! gusto ko din nyan! bwahahahaha

gasti: sige sayo na lang sya..sawa nako mag entertain sa mga ganyan.

5. Yummy Dingding - Hulyo 23, 2008

haha may hater ka din pala LOL. Ako din e nung nakaraan may namasyal sa blog ko… Sa blog ko lang daw siya nakakita ng napakaraming BW LOL.

BW= Bad Words LOL. hahahaha… Paki ba niya LOL.

Yung isa naman sa forums ko kasi may diary din ako dun hahaha. I’ve been active in joining the sites member contribution threads haha sa photoshop I dont knw if shes inggit or what LOL nagmamarunong daw ako LOL. So much of that well well.

Nakakatulong naman sila minsan LOL. Nakakatuwa minsan yung feeling na may naiinis sayo LOL. hahahah.

For my first hater LOL natulungan niya akong bawasan ang pag curse ko LOL. For the second one sumikat ako dahil sa kanya LOL dami nagrequest ng tutorial thread LOL grrr.

Astig di ba LOL.

gasti: hehe malamang yung hater mo bihira magbloghop. andami kayang blogger na palamura at bastos..lols! napakakonserbatibo naman pala ng hater mo. sakin naman mga emeepal eh mga balat sibuyas. iyakin na uhugin pa. congrats naman sayo at natulungan ka rin nila pasikatin ang blog mo..ganun talaga eh di mo maiiwasan bisitahin ng mga kumag.

6. randomdemeanor - Hulyo 23, 2008

“mas madali pa magbenta ng katawan sa totoo lang pero gusto ko naman kumita sa marangal na pamamaraan.”…
bwahahaha…parang may plano ah..heheheh…

musta bossing?!!!…

gasti: uy yani nagbalik ka..hehe! eto ayos naman nagpapalamig lang.

7. sexy moi - Hulyo 24, 2008

naman! si mr gasti… may kaaway nanaman hehe… ganyan daw talga pag sikat inaaway.

20. nawalan na ako ng ganang magblog dahil sa hindi ko na maalalang dahilan. –… wag please… wala na kong babasahin pag bored ako hahaha… ngayon lang yan. sabi mo lang yan…

la lang…nangungulit lang…

gasti: nakakaalis ba ng boredom ang pagbabasa rito? hehe! mas mapapadalas pa nga siguro ako magpost dahil may sponsor ako. hehe!

8. trina labandera - Hulyo 24, 2008

ako din. gusto ko din kumita sa marangal na paraan.
ano daw amoy ng mga koreana? amoy kimchi ba?
sabi efbee, ang kimchi, parang amoy..

gasti: hehe! uu nabasa ko yun sa entry ni efbee.. pero duda ako kung pano nya nalaman yun kung virgin pa sya😀 wala naman akong naamoy na kakaiba sa koreana kasi dumidistansya ako eh.

9. Jeck - Hulyo 24, 2008

19. nababadtrip ako sa mga babaeng characters ng tekken ang hirap talunin. malayo sa katotohanan.

-naglalaro rin ako ng tekken sa psp. sisiw lang naman sila sa akin pag si hwoarang ang gamit ko. no sweat. yung beginner mode lang usapan ha. hahaha.
oist, may nararamdaman akong papalapit na unos dito sa blog mo. wag naman sana. amen.

gasti: sa psp din ako naglalaro. mahirap talunan kapag mataas na yung level syempre puro combo na yun saka salag. badtrip!
papalapit na unos ba? hmmm…the end is near.

10. kengkay - Hulyo 24, 2008

bakit nga ang dami ng korean sa pinas? ako alam ko amoy ng korean kasi ex bf ko koreano, ahahahaha

gasti: uhhmmm amoy jjampong ba? ewan ko ba kung bakit nakikipagsiksikan pa sila dito satin eh! di na nakuntento sa north at south nila.

11. ayyzzz - Hulyo 24, 2008

me kaaway ka na naman?!
hahaha
mahirap talagang maging pogi!
bwahaha..:lol:
kinaiinggitan..
mabuti naman po
at masaya ang naging outing niyo..

sana magkabati na kau ng wifeyy mo..😀

gasti: wala naman akong pinapakitang litrato dito eh kaya malamang hindi kapogian ang dahilan. pero infairness..mahirap nga maging pogi.

12. randomdemeanor - Hulyo 24, 2008

gasti: uy yani nagbalik ka..hehe! eto ayos naman nagpapalamig lang.

..napadaan lng..hehe..namimiss ko blogosperyo eh…pati na blog mo..naks!

gasti: naks! kaytagal mo mang nawala babalik ka rin ang drama..hehe! buti di ka naligaw.

13. ponchong - Hulyo 25, 2008

“6. nagdeklara na pala ng cold war ang misis ko ng hindi ko nalalaman. pakiramdam ko tuloy na para akong isang kriminal na hinatulan ng rape at sinentensyahan ng bitay…kahit pa walang ngyayaring paglilitis.

7. tinatamad na rin ako magpaliwanag”

— bakit kaya laging merong ganito sa married life? at ang tindi ng mga misis, hindi basta basta sumusuko. laging lalaki ang gumagawa ng moves para makipagbati. question: ano dahilan ng cold war?

gasti: ganun talaga ang sistema natin dito sa pinas..ewan ko rin kung bakit pero hinahayaan ko na lang. ang importante maayos namin kung ano mang gusot ang dumating. alam ko na yung dahilan pero di ko na lang ikukwento dito.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: