jump to navigation

baby I can’t fight this feeling Hulyo 25, 2008

Posted by gasti in to whom it may concern.
trackback

di ko alam kung tama ba itong gagawin ko pero wala na kong ibang maisip na paraan para mapansin mo ulit ako. sa totoo lang nahihirapan na rin ako magblog dahil kahit isang entry yata dito ay wala kang nagustuhan. puro galit at sama ng loob na lang dinudulot nito sayo pero ano pa bang pwede ko gawin para pasayahin ang isang babaeng gaya mo? isang napakahirap gawin sa panahong ito ang maging masaya. ang ngumiti na walang halong kaplastikan.

wag mong isiping sinisiraan kita dito sa blog ko. hindi ko magagawa sayo yun dahil alam kong wala kang kalaban laban sakin dito. at sana maintindihan mo kung bakit madalas eh hindi ko ina-approve mga comment mo dahil ayokong mabasa ng ibang pumupunta rito kung ano man ang issues nating dalawa. sa atin na lang yun. kung gusto mo naman gumawa ng blog at doon ako banatan, di kita pipigilan. pero wala akong naiisip na anumang kabutihan na maidudulot nun sa relasyon natin.

I’m sorry to disappoint you. siguro nga hindi ako yung ideal husband mo but I’ll make it up to you. hindi ko man mapantayan ang standards na gusto mo, sisiguraduhin kong maipakita sayo na kelangan mo rin ang isang tulad ko. ayokong gawing dahilan ang katagang “tao lang ako” dahil alam ko ganun ka rin. parehas lang tayo napapagod at wala akong karapatan sabihin sayo na nakakaramdam rin ako ng ganun dahil hindi naman talaga stressful ang work ko kumpara sayo. at hindi ko rin nakakalimutan na buntis ka.

masama rin pala pakiramdam ko dahil sa sipon. naulanan pa ako kahapon pag uwi ko. di ba sabi ko sayo mas mabilis ako magutom kapag meron akong sipon at ayoko umiinom ng gamot kaya tubig at pahinga lang ginawa ko. andami kong nakain kagabi. humiga ako sa kama pagkatapos at di ko namalayan nakatulog na pala ako. bangungot ang naging resulta. nagkaron ng isang aksidente at namatayan tayo ng anak..iiyak na sana ako ng mga oras na yun pero naumpog ako sa pader dahil siguro sa kalikutan ko. syet talaga buti mabait pa rin sakin si Lord at hindi nya hinayaang mag-moment ako. pagdilat ng mga mata ko nakita kong tulog na ang anak natin. naghihilik pa. niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi tapos hindi na ulit ako nakatulog pa.

“aalis na ko” yan pa ang sabi ko sayo kanina bago ko pumuntang ofis. hindi ko alam kung may pakialam ka pa sakin at kung may halaga pa ko sayo. pero sinabi ko lang yun para magpapansin. kahit katiting na pride ay wala na kong tinira sa sarili ko. di na mahalaga yun. ang importante ay maramdaman mo ang presensya ko at maipahiwatig sayo na andito lang ako.

ewan ko kung napapansin mo to nung mga nakaraang araw na isa lang ang kinakanta ko. nagustuhan ko yung kanta simula nung mapanood nating kinanta sa tv nung isang aspiring singer sa Pinoy Dream Academy. sabi mo crush mo na sya..ok lang sakin. gwaping eh mahusay pa kumanta. kaya eto inarkila ko na lang sya para kantahan ka. sana magustuhan mo.

next time na lang ako gawa ng sariling audio file kapag gusto mo na marinig ang boses ko.

Mga Puna»

1. apollo - Hulyo 25, 2008

sweet… samahan mo pre ng bulaklak. ok yan! minsan talaga, kelangang lunukin ng lalake ang pride para sa kanilang minamahal. i hope maayos din yan. Ü

gasti:binilhan ko naman sya ng chicharon bulaklak kahapon ayos na yun. nabilaukan na nga ako sa kakalunok ng pride na yan.

2. xG - Hulyo 25, 2008

aww
magkakaayos rin kayo🙂

3. wei vines - Hulyo 25, 2008

sino to???waaahhhh~~ imposible namang ako😆

4. har har - Hulyo 25, 2008

Ang sweet m nmn..🙂 mgkakaaus din kau..
buntis wife m? sbi nila ganun lng daw tlaga mga buntis, sensitive.
iparamdam m lng n lagi k nanjan for her.

gasti: parang kaluluwang nagpaparamdam nga ako..hindi nakikita.
tnx. nagkaayos na kami

5. MARU - Hulyo 25, 2008

nyahaha may LQ!
buti na lang at naimbento ang blog. kahit papano meron ka nalalabasan ng hinaing mo. pagpasensyahan mo na kaming mga babae, pre.

gasti: uu nga eh talagang nilabasan ako sa entry na to.

6. Elcan - Hulyo 25, 2008

oh diba meron na kong comment, hehehe. sadyang napaka tamad kung mag comment these days eh.lol, sayang din yung mga prize.

7. Maldito - Hulyo 25, 2008

nako naman..nababakla ako sa kanta…..ha ha ha..feel na feel ko din eh…may kasama pang luhod at lagay ng kamay sa puso..lols..

okey lang yan bords…ganyan talaga ang mga babae..kailangan mo ng isang libong lastiko para sa pasensya at pagpakumbaba…marealize nalang nila na mahal natin sila kung nasa 6 feet below the ground na tayu sa subrang pagpakumbaba..

kagaya ng GF ko ngayun..

nagtanong kung mahal ko ba siya…

taenga…indi ako makasagot…

ayun..nagdabog…syetness naman o..ha ha ha

gasti: nabakla nga rin ako sa kanta nya at napaluhod ng hindi ko namamalayan. hehe! bakit naman kasi hindi ka makasagot sa tanong ng gf mo? failed ka tuloy sa oral exam.

8. lilmiz - Hulyo 25, 2008

nakuw, may tampo ba si mrs. gasti? ma-aayos nyo din yan, kung anuman yan🙂 .. sa post mo pa lang, nakaka-awa ka na pakinggan eh ehehe jk pero sana nga bati na kayo para kiss and make-up na, masaya na😀 .. katakot din yan bangungot mo ah, buti bangungot lang, wag kasi matulog ng sobrang busog haha

gasti: naks! nakakaawa…hehe! nakakaantok kasi kapag busog eh.
bati na kami kahit di nya nabasa yung post ko🙂

9. The Gasoline Dude - Hulyo 25, 2008

Maganda nga yung pagkakanta ni Van dyan sa song na ‘yan. Pero mas maganda siguro kung may sarili kang version, at ipaparinig mo sa wifey mo. Hehe. = D

gasti: uhhmm narinig na nya yung version ko pero ayoko lang i-record dahil ayoko ng makagambala pa sa mga ligaw na kaluluwa dito.

10. napundingalitaptap* - Hulyo 26, 2008

ala, ay napakasincere. . .

awwwwwwwwwww(puppy dog eyes)

pakabait lan po. it’s worth the pagpapakabait naman eh. hehe.

buti at okay naman yun batang pinakain mo ng sitsarong plawer dati. . . ayun, ingatan nyo po ang family nyo. blessed ka for having them, alam kong alam mo po yun.

flyfly!

gasti: kung dadagdagan ko pa ang bait ko malamang bukas kunin nako ni Lord.
at talagang naalala mo pa yung tungkol sa sitsarong bulaklak..hehe! ayos naman na kami.

11. chyng - Hulyo 26, 2008

sweetness! konting lambing pa, bibigay din yan.. (–,)

gasti: at bumigay na nga sya🙂
natutuwa ako sa emoticon mo parang ang naughty ng dating.

12. Geisha - Hulyo 26, 2008

may ka sweetan ka rin pala.. kala ko kalokohan lang nasa isip mo! hahahaa😛

gasti: sa totoo lang..90% ng katawan ko ay binubuo ng kasweetan (na may halong kalokohan)

13. Yummy Dingding - Hulyo 26, 2008

(well well nakakainis ang IE nagclose bigla yung window kahit di ko pa naeenter ang comment ko pero here I am haha trying again LOL)

Ohhh.. Nakakalungkot at heartfelt naman ang iyong entry ngayon. Sometimes really its hard to understand women. Haha I know cause I am one LOL. There are times na pag may nagawa kang kamalian di niya sasabihin sa yo kung ano yun. Bahala ka sa buhay mo… Sometimes little things means every thing… I am just to give you hints sana tama LOL.

Or maybe kung wala talaga its just siguro nagiging moody lang or sensitive siya kasi cause of her situation right now. Dont give up dude! I really hope na magkaayos kayo. God Speed!

gasti: hehe! mag-firefox ka na kasi..alam ko na kung ano yung ikina-badtrip nya at sa ngyon ay bati na ulit kami. thanks!🙂

14. menggay - Hulyo 26, 2008

musta na po kAyo ng wife mo??

maayos din yan….

intindihin mo nalang po siya kasi nga nagdadalang bata pala siya…

sana maayos agad kuya….

gasti: ayos na kami..galeng nga eh hindi nya pa nabasa yung entry na to.

15. angel - Hulyo 26, 2008

aww.. sweet naman.. ayos manligaw ulit ha.. hehe

16. ayyzzz - Hulyo 26, 2008

nakz!
sana maging epektib!
tatalab yan kya gasti. manalig ka..😀

paburger ka if ever nagkaayos na kayo..

hehe😀

gasti: mas epektib pa rin ang presensya ko kesa sa entry na to. hehe!
ihanda ang lechon manok!

17. R.J. - Hulyo 26, 2008

sarap ng pakiramdam nyan kapag nagkabati na kayo. hmmmm sarap ng lambutchingan nyan tiyak. ahehehe. =D

gasti: mukhang may pinaghugutan ka dyan sa comment mo ah..hehe! based on experience.

18. mang BADoy - Hulyo 26, 2008

labing labin lang yan gasti! astig yung kanta na LSS ako… hahaha!

gasti: isang linggo ko ring lss yang kanta na yan eh

19. Sexy moi - Hulyo 27, 2008

Sweet naman… Mrs.gasti,patawarin m0 na si mr gasti hehe. Wawa naman sya eh…

gasti: naks! may ganun pa..hehe! salamat! ayos na ulit kami.

20. geran - Hulyo 27, 2008

nakaka-touch naman po kayo..
huhu..super nkakadala, feeling ko nga teary-eyed pa ako weh..
sana maging okey na kayo ng wife mu..

gasti: thanks ah! mukhang ngyon lang kita nakita dito.

21. akosimakoy - Hulyo 27, 2008

hehehe. sana magkaayos din kayo… sana. sana! ui ang galing naman palang kumanta niyang nasa vid… makapanood nga ng PDA. hehehe!

22. madbong - Hulyo 27, 2008

natural lang yan sa mag-asawa parekoy lalu na tesbun. ako nga pinamimigay na ni misis hehe. btw yung educational site na sinabi ko sa iyo dot “eu” na yung extension..

gasti: hehe! ayos ah parang kuting lang na pinamimigay..salamat sa info hindi ko na pala nabalikan yang site na yan.

23. Lyzius - Hulyo 27, 2008

nakupo naman…luvlife din ba gasti?

apir!

gasti: pero simpleng tampuhan lang to kumpara sa hidwaan nyo ng mister mo na mukhang hindi na maaayos.
apir! bati na kami.

24. rakz - Hulyo 28, 2008

naku maramdamin daw po talaga ang mga buntis kuya… suyuin nyo n lang po siyang mabuti. ganun talaga… hehehe. just believe n magkakabati po kayo🙂

magaling po talaga yang mga taga-PDA😀

gasti: hehe! nakita ko nga sa blog mo laging may PDA update sa dulo ng bawat entry. di ako lagi nakakapanood nun kasi nakakatulugan ko.

25. chillidobo - Hulyo 28, 2008

parekoy. naluha ako sa entry mo (utot) sana ngayong linggo na to eh ayos na ang status mo..wag mo na gawing ITS COMPLICATED ang status mo sa friendster (–dahil di ko yon naiintindihan..ingles kc) lol. Wag ka masyadong mag-alala, kayo pa rin habambuhay.

gasti: naluha daw oh! hehe! di ko naman binabago status ko sa friendster eh..si misis ang may kagagawan nun. ina-update nya para sakin.

26. hitokirihoshi - Hulyo 28, 2008

grabe ang entry na ito pamatay! tas sinahugan pa ng sinabawang PDA? youtube wahhhh knorr meaty na… sana magkaayos kayong dalawa, don’t give up!

gasti: sinabawang PDA? amp! ayos na kami pards..

27. dpuge - Hulyo 28, 2008

Sobra namang nakapakadrama ng blog na ito. ramdam na ramdam ko tuloy ang bawat salita na nagpapanginig sa aking kalamnan pero pilit ko itong nilalabanan. naalala ko ang mga nakalipas na medyo maramdamin talaga si misis ng pinagbubuntis pa nya ang aming panganay. lalo pa’t narinig ko ang musikang ito na lalong naantig ang aking puso. pero salamat sa diyos at nalampasan namin ang mga pagsubok na dumaan sa buhay namin. aru!

gasti: napakadrama talaga ng blog na ito sa totoo lang..first time mo noh?
buti naman at nalamapasan mo rin ang pagsubok ng buntis..

28. dpuge - Hulyo 28, 2008

kaya manalig ka lang sa itaas pasaan at magkakaintindihan din kayo. gudluck sa inyo naway malampasan nyo ang pasubok na ito.

29. Salve - Hulyo 28, 2008

nakakalungkot naman. ganyan daw ang mga buntis, mabilis pa sa hangin ng bagyo magbago ang mood.

cool lang, maayos din lahat yan.🙂

gasti: ahehe! uu nga eh ganun ata talaga..
closed na pala ang kasong ito..bati na kasi kami. thanks

30. antuken - Agosto 1, 2008

aba, at may lq. ganyan talaga ang mga girls. pero baliktad tayo. samin naman ni mr. antuken parang ako ikaw. hehehe.

wala naman kami mashadong drama pa. pero mas madalas, sya ang may issues saken kesa ako sa kanya. ilang araw na akong walang matinong pc. di tuloy makabisita ng husay. andami ko tuloy backlog sa mga babasahing posts. hehe.

i’m glad you’ve patched things up with mrs. gasti.

and, hat’s off ako sa mga lalaking tulad mo na nakakapagsulat ng mga ganyang saloobin. hehe.

gasti: thanks! pero alam mo naman siguro na renewable din ang mga alitan noh? nakakapagod na rin.

31. sonnetshaven - Agosto 1, 2008

Hi:) Don’t worry when she gives birth babalik ang dating sya. Noong buntis ako mainitin din ang ulo ko pero I tried my best na maging mabait sa asawa ko kasi napakabait niyang tao at hindi ko kayang saktan ang feelings nya. Pero sa ibang tao mabilis talaga uminit ang ulo ko noon at wala akong pakialam kasi hindi naman sila mahalaga sa akin hehehe:) Pero yung husband ko napaka-importante sa akin:) Hang in there and work it out with your wife:)

32. Jhaynee - Agosto 10, 2008

ansaya magbasa ng post ng husband na nagsesenti..

hehehe..

magagawan ng paraan yan kuya.. kaw pa!! hehehe..

god bless sa binubuntis ni mrs. gasti

33. eggbreaker - Agosto 27, 2008

aww…dpt lng lunukin nyo ang pride nyo..pmpahaba ng hair ng mga gurls un.

crush ko rin si van..hehe


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: