jump to navigation

effortless Hulyo 28, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

byernes ng gabi kasalukuyan akong nakikipagboxing kay Muhammad Ali gamit si Pacquiao sa Fight Night rd. 3 nang biglang nagtext si misis. overnight daw sya ang sabi. natuwa naman ako hindi dahil sa wala akong katabi matulog at maluwang ang kamang iikutan ko magdamag pero dahil tinext nya ko..ahihi! yun ay makaraang itext ko sya ng mga limang beses pagkatapos ko isulat ang nakaraang entry ko. anyways na-knockout ko si Muhammad Ali..kung naglalaro rin si pacman ng psp hindi na ako magtataka kung paabutin nya ang timbang nya sa heavyweight division at dun subukan ang kanyang katigasan..at kapag ngyari yun nakatitiyak akong bugbog sarado ang aabutin nya at babalik sa Pilipinas ng naka stretcher..siguro naman sa mga oras na yun ay nakalimutan na nya ang planong pagtakbo bilang congressman sa susunod na eleksyon. dahil sa mga kaganapang ito, medyo nawala ang pokus ko kay misis at nakalimutan ko na rin kung san ko nailagay yung celfon ko.

naparami na naman ang kain ko dahil kare-kare ang ulam. pero this time hindi ako makatulog dahil may inaantay akong text..sasama kasi ako magsundo ng bandang alas dose ng madaling araw. hanggang ngyon kasi di ko pa kabisado ang daan pag magdrive mag isa papuntang ofis nila sa makati kaya kelangan ko pa ng tutorial sa mga kalsada. ilang sandali lang ay nasa tapat na kami ng building nila.

“magtago ka bilis andyan na si ate!” yan ang banat ni hipag sakin. pero pano ko naman gagawin yun sa laki kong to! hindi naman ako papasang stuff toy o magpanggap na unan sa itsura ko. kaya naisip ko na lang magpanggap na tulog. pero nung pumasok na sya sa sasakyan at tumabi sakin sabay sabing “oh himala sumama ka sa pagsundo!” wala akong nabigkas kundi isang malamyang “goodmorning!”.

ang buong byahe ay pinuno ng mga salitang nasusuka, gutom, natatandaan mo na ba yung daan, kaya mo na magsundo, kawawa naman si ano, sino yung crush mong blogger?, wala akong pakialam. kumain muna kami sa nadaanang tres pares sa may marikina bago umuwi. mukhang ok na talaga ang lahat dahil nagshare pa kami sa inorder kong chicken noodle soup at tapsilog. at pag uwi namin sa bahay habang nakahiga sa kama ay pinapanood ko sa kanya yung video na pinost ko sa nakaraang entry ko (sineyb ko kasi sa psp). natuwa naman sya sa tingin ko pero hindi nakaligtas sa mga mata nya ang mga katabing video. “ano yang iba pang mga video na naka-save dyan? patingin nga!”. ayun..huli ang mga pinay scandals na kinolek ko. pero ayos lang at least hindi ako yung nasa video. safe pa rin. binalewala ko na yung mga sinabi nya tungkol sa kabastusan, kamanyakan at kalibugan dahil ang importante ay nagkabati na kami. masaya na rin akong makakatulog at payapa ang isip ko na walang sasakal sakin o puputol ng kaligayahan ko habang kalaliman ng gabi.

kinabukasan ko na lang nalaman na hindi pala nya nabasa yung huling entry ko. hipag ko pa ang nakabasa at yun ang nagsabi sa kanya na merong ganung eksena sa blog ko.

the cold war ends here.

Mga Puna»

1. apollo - Hulyo 28, 2008

congrats pre! you’ve won the war! lols!

2. R.J. - Hulyo 28, 2008

siguro nung pagkatapos nya makita yung mga pinay scandals eh sa scandal na rin ang tuloy. dun na mismo nagtapos ang cold war. =D

gasti: hindi rin.

3. xG - Hulyo 28, 2008

mabuti naman🙂

4. har har - Hulyo 28, 2008

aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh..
kakakilig (wink wink)😉

5. Lyzius - Hulyo 29, 2008

ayus ah…peace and make up na..

6. Maldito - Hulyo 29, 2008

yeah….lupigin sila!!lols..

cold war ends…

pero eto naman ang world war 3…lols..

congrats parekoy,…at maligayang pagbabati sa inyu ng asawa mo..

naks..

papakilig..

pero indi ako kinilig…dahil ako ay isang love grinch..

lols

gasti: haha! love grinch amp! masyado ka yata pihikan eh
wala naman sanang world war 3..end of days na yun.

7. BADoy - Hulyo 29, 2008

buti naman natigil na ang cold war… syempre pagtapos nun isunod mo na ang hot war… twing gabi yun mag hot war kayo ni misis mo…

parang magtuloy tuloy ang ligaya…heheheh!

gasti: hot war? nyek! no comment na lang.

8. Yummy Dingding - Hulyo 29, 2008

hahaha di ikaw ung sinasabi kong hate ko noh ano ka ba😛 although nagtaka ako sa comment mo LOL nakakabaog ang pagkukulong sa bhay??😄

may nakita kasi akong place sa map loco ko na nagviview LOL alam ko na may isang taong nakatira dun na hate na hate ako LOl😄 haha salamat sa pagbounce sa blog ko…

di ako makapagupdate busy sa school hehehe and busy sa pag aayos ng layout LOL

gasti: haha! yun kasi madalas ko ipangtakot sa mga tao dahil sino ba naman gustong mabaog?😀
sa school ka pa nag aayos ng layout? ang sipag naman. goodluck sa paghandle ng mga haters mo.

9. rakz - Hulyo 29, 2008

yiheee!!! bati na sila!!! haha! congratz kuya! kaya sa susunod value ur relationship MORE. para di n siya magtatampo ulit🙂

gasti: uhhhmm sana nga ganun lang kadali..

10. gugmagiatay - Hulyo 29, 2008

naks naman!

11. rimewire - Hulyo 29, 2008

hakhak

buti naman pis na

hakhak

elyens

XXXxx

12. Yummy Dingding - Hulyo 29, 2008

Sensya ngayon ko lang ulit binasa ng mabuti blog mo hehehe… medyo kinilig ako sa eksena niyong mag-asawa hehehe. Kakainspire hehe parang gusto ko tuloy magjowa LOL joke lang.

Good!

Yung haters ko spice lang sila sa buhay ko LOL. Lalo akong ginananahan na asarin sila LOL. Adik.

Sige yun lang.

13. ayyzzz - Hulyo 30, 2008

ayan…😀
bati na sila🙂
yehhh!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: