jump to navigation

hirap huminga Hulyo 31, 2008

Posted by gasti in Uncategorized.
trackback

andaming gumugulo sa isip ko. mahirap pag wala ka masabihan. sinalo ng blog ko kahapon ang kabadtripan ko. buti naman. iiwan ko na lang sa entry na yun ang lahat. at ayoko ng magpaliwanag pa.

mag aalas singko na ako nakalabas ng opisina at habang nasa loob ako ng elevator ay nag iisip ako kung saan ako pupunta. kung ano ang sasakyan ko pauwi. kung kakain pa ba ako. nang biglang bumukas ang pinto ng elevator at may pumasok na dalawang lalaki na tantya ko ay mga mensahero. maingay sila at tuwang tuwa na nagkukwentuhan..nang biglang may umalingasaw na mabahong amoy. taenang yan may umutot! ang masaklap pa nyan eh nasa 20th flr pa lang kami. pinigil ko ang paghinga ko sa loob ng humigit kumulang 30 segundo hanggang sa bumukas ang pinto. masasabi kong yun na ang pinakamatagal na 30 segundo sa buong buhay ko. demmet! anong klaseng parusa to?!

sige pa rin ang tawanan ng dalawang kolokoy at nagtuturuan pa kung sino sa kanila ang salarin. mabilis na lang ako naglakad palayo. hindi dahil sa ako yung guilty pero ayoko lang makakita ng masasayang tao sa oras na yun. pagkatapos ko makipagpatintero sa kalsada at sa isip ko kung ano ba talaga ang sasakyan ko pauwi, napagdesisyunan ko ng tahakin ang mas mahabang byahe. para na rin makapag unwind (ano daw? anwaynd? syet!)

pagkabili ko ng ticket papuntang cubao na nagkakahalaga ng sampung piso, tumambay na agad ako sa yellow lane. maya-maya pa may dumaang tren at kahit mabilis pa ang takbo nito ay napagmasdan ko ang mga office girls na nagrerelax sa bandang unahan (for womens, senior citizens and disabled persons only)..sitting pretty at yung iba naman ay parang nagpo-pole dancing (sa isip ko lang naman yun)…aaahh! parang langit siguro ang pakiramdam kapag andun ka..pero paghinto ng tren, laking dismaya ko ng tumambad sa aking harapan ang mga barakong nagsisiksikan sa loob. amoy anghit pa! langyang yan..di na ako nag attempt isiksik pa yung murang katawan ko dun dahil siguradong pipigilin ko na naman ang paghinga ko buong byahe.

dumaan ulit ang isa pang tren at ganun pa rin ang eksena..mga 3 lang siguro ang lumabas at 7 kaming nag aabang sa labas. this time sinubukan kong makisiksik pero wala talaga. gusto ko na sana tumalon at humiga na lang sa mga ulunan nila na parang isang rockstar pero baka kuyugin ako at mabalian ng buto..hmmm tapos pwede nako lumipat sa bandang harapan ng tren dahil disabled na ako. nice idea..pero hindi rin.

nakasakay ako sa sumunod na tren. halos bumigay na yung pintuan sa sobrang sikip namin. wala rin ako makapitan dahil okupado na lahat ng ibang kamay kaya pinatigas ko na lang ang katawan ko na parang troso. pagdating sa may santolan station may isang babaeng pumasok. ayos lang sana kung sexy sya kagaya ko pero hindi! may hawig sya kay majin boo..wasak ang betlogs ko nung mga sandaling isinisiksik nya ang pwetan nya sa harapan ko. hirap na akong huminga.

pagkarating ng cubao ay dali-dali akong lumabas at tyempo namang malapit ang pwesto ko sa elevator kaya hindi na ako nakisiksik pa sa mga tao na bumababa sa escalator. pagkalabas ko ng station ay mabilis ko namang tinahak ang daan papuntang gateway para doon naman sumakay ng fx pauwi ng marikina. marami akong nakasalubong na kolehiyala na pawang mga artistahin. hindi ko alam kung papano nila nagagawang magmukhang fresh kahit pa sinuyod nila ang kadugyutan ng edsa. parang mga anghel na bumaba sa lupa at nagbukas ng coke sabay magtatanong ng “are you from here?”

nakakita rin ako ng masasakyan pero walang bakante sa unahan kaya tumungo ako sa bandang gitna. nagulat pa ako ng makita kong may lalaking nakaabang sa may pinto pagbukas ko pero lumabas rin sya agad at lumipat sa likuran..nakabuo ako ng suspetya na manyak ang isang yun at nag aabang ng babaeng mabibiktima. may dahilan ang paglipat nya at nasisiguro kong may kinalaman yun sa kabastusan. pero ayoko ng lingunin pa sya dahil naaalibadbaran ako sa pagmumukha nya. pinagpatuloy ko na lang ang pagmumuni-muni hanggang sa mapuno na ang fx at lumarga na kami.

walang ipinagbago sa cubao. traffic pa rin at sobrang dami ng tao. nung nasa bandang katipunan na kami, bigla pang umulan..pinikit ko na lang mga mata ko dahil ayokong magpaka-senti. naalala ko tuloy yung commercial ng isang kape..♪♫a cup in hand you know it’s worth your while..♪ tapos may lalapit na seksing babae na mag aalok ng “guys painit muna kayo!” with matching pa-cute smile. parang ang bastos ng dating.

anyways nakarating rin ako sa lugar namin at nagtampisaw sa tubig-baha na naipon sa kalsada. mukha na naman akong basang sisiw pagkarating ng bahay. dumiretso ako sa kwarto at doon nagpalipas ng ilang minutong pamamahinga. ang hirap talaga ng buhay. pinagod ko pa ang sarili ko sa byaheng pinili ko. nakatipid nga ako ng 20 pesos sa pamasahe pero sumakit naman katawan ko. is it worth it? hell no!

…pero uulitin ko to.

Mga Puna»

1. xG - Hulyo 31, 2008

kenbrid🙂

tsk tsk
ganyan na talaga
ang normal na takbo
ng buhay mo

e kung sa unang cart sa mrt
di rin ganun kasaya
minsan
mas barubal pa ang mga babae
hahahahaha

ge
pakasenti ka hanggang gusto mo
free naman yan e🙂

gasti: pakasenti? di na uy! wala naman ako mapapala kung ganun gawin ko.

2. apollo - Hulyo 31, 2008

masayang malungkot ang magcommute sa edsa. daming adventures. buti hindi ka nahipuan ng babae sa mrt. hehe…

gasti: hindi naman ako nahipuan ng babae. pero parang namolestya naman ako ng lalaki.

3. neptune - Hulyo 31, 2008

pero sumakit naman katawan ko. is it worth it? hell no!
…pero uulitin ko to.

may pagkamasokista ka rin no, gasti! naniniwala ka ba sa kumbinasyong pain and pleasure? parang eh!

at ano ginawa mo sa natipid mong bente pesos? libre ka naman ng fishball jan🙂

gasti: uhhhmm depende siguro. baka pag anuhan ayos lang sakin kahit nilalatigo ako habang nakapiring ang mga mata.
yung bente pesos hinulog ko na sa alkansya.

4. Yummy Dingding - Hulyo 31, 2008

ok lang yan blog mo naman ito eh hehehe kahit ibuhos mo lahat ng sama ng loob mo hehehe… kailangan lang talaga mailabas ang negative energies sa katawan,

nakakabadtrip nga ngayon palaging ulan ng ulan… errr. minsan nagkakaSAD ako (seasonal affective disorder) waring nagiging emosyonal pag umuulan LOL. sometimes its making my day worse i am not productive pag umuulan hehe.

currently i am paranoid with all these deadlines hehehe… sige hanggang dito na lang.

gasti: marami talaga nagsesenti kapag umuulan..lalo na kapag nanonood ka ng dramarama sa hapon. nakakatamad rin magkikilos pa.
goodluck na lang sa mga deadlines mo.

5. Leyn - Hulyo 31, 2008

ang senti naman ng post na ‘to.

pwera lang sa dalawang mensahero sa elevator.

kung ano mang bumabagabag sayo, lilipas din yan.😉

gasti: uhhmm wala naman sa intensyon ko magpakasenti. pero hindi kasi ako magaling magtago ng nararamdaman.

6. wei vines - Agosto 1, 2008

…dahil sa mga magagandang chiks?hehe
at pag inulit mo nga, makakatipid ka ng 100 sa isang linggo😀

gasti: kaya lang nakakatamad maglakad papuntang mrt saka sa cubao kapag umuulan. ang hirap magtipid.

7. prinsesa000 - Agosto 1, 2008

dapat hinulaan mo rin kung sino sa dalawa ung umutot.. haha
at least nakatipid ka ng 20 pesos at ang dami mo pang naexperience..
naabutan rin ako ng ulan kahapon at sumakay ng train na parang bagong ligo lang…

sana kung ano man ang gumugulo sa isip mo e matapos na yan.. =)

8. chyng - Agosto 1, 2008

kung alam mo lang na sa tren na pambabae at disabled, puro bunganga naman ng mga nag-aaway-away na babae ang maririnig mo dahil ayaw nilang mabangga o matulak man lang. mga GAGA! edi sana nagcab sila.

oh btw, got this from enricodl.blogspot.com – P62 dapat ang pamasahe from end to end ng MRT pero dahil sa subsidy na binabayaran ng gobyerno, 15feysus nalang ito. huwaw! may napupuntahan pla ang taxes naten!

gasti: ang tataray naman ng mga babae na yun. palagay ko naman mas mabango dun sa pwesto ng pambabae.
marami naman talaga napupuntahan ang taxes natin eh pero marami rin ang naibubulsa ng mga kurakot na pulitiko. ni hindi nga sila makabili ng bagong tren.

9. Maldito - Agosto 1, 2008

sana sinalsak mo ang dambohalang yun!hahaha…para naman mabawasan nh hangin…

ewan ko ba sa pic na yan…mukhang si spomge bob at indi si majin boo ang tingin ko..aahahaha.

shit happens parekoy..

kung ako nga sa kalagayan mo…mas ma eenjoy ko ang buhay ko..they make my life alive….dahil ako ay nabubuhay dhil sakabadtripan ng buhay..kamusta naman yun doraemon?lols

he he he..na mimiss ko na ang marikina..

at ang mga hampas lupang pamilya ko….balang araw duduraan ko ang marikina para malunod sila!!hmmp!

gasti: hehe! dayo ka na kasi dito..pero wag kang durara kasi may multa pag nahuli ka.
andami mo naman palang gusto resbakan.

10. ponchong - Agosto 1, 2008

hanggang dyan pala umabot ang ututan.

wala pa rin palang bago sa cubao kung ganon.

gasti: bukod sa lrt station. wala na.

11. antuken - Agosto 1, 2008

ano nga bang meron sa utot at usong uso ito ngayon? susko, sa opisina ko, ganyan din. mga walang pakundangan na ang mga tao sa pag-utot ngayon. ang masaklap mo pa, ubod ng baho. muntik na nga ako masuka eh. hehe.

masakit sa katawan ang pagco-commute, pero nakakaaliw kse andami mong pwedeng panoorin. i loved commuting in the mrt. when i was working in mandaluyong a few years back, enjoy na enjoy ako pag-aabang sa 5:35am na train ng mrt sa gma station. day in & day out, yun ang sinasakyan ko going to work. ang masaklap eh sumakay ng mrt during rush hour. parusa.

gasti: ang aga mo naman pala sumakay ng mrt kung ganun. wag ka na sasakay pag rush hour sobrang hirap at pasakit ang aabutin mo bago makapasok.

12. elcan - Agosto 1, 2008

Ay oo, sensya na nga pala. di ko mapigilan eh. masyado na naman akong nadala ng emosyun ko. xenxa na rin about dun sa video.

gasti: pati title kinopya mo eh..sige kalimutan mo na yun.

13. rakz - Agosto 1, 2008

di rin po masarap dun sa female area…parang mga lalaki din po kaya ung mga babae dun kung makipaggitgitan! nakaka-trauma! parang mga nagpapanggap lang na babae! hehehe…

mas masarap nga pong maglakad-lakad muna before umuwi sa bahay pag badtrip ka..😀

gasti: pero sa tingin ko naman mas mabango dun sa area na yun.

14. ka bute - Agosto 1, 2008

experience yan dito sa pinas. hehehe.

15. jhaynee - Agosto 1, 2008

parekoy..

sa susunod na ko makikibasa ng mga eklavu mo dito ha

gasti: hehe sige ayos lang…

16. Geisha - Agosto 1, 2008

haaaaaayyy…..
nakakatakot ganyang byahe! buti na lang hindi ko na try ang mag commute ng ganyan kahaba! sa lahat ng ayaw ko, yung makikipagsiksikan sa tren!

insider info lang:
ingat sa pinakalikod ng mrt. madalas maraming nahihipuan dun. dun nangyayari ang kababuyan sa mrt! yes! you got it right! pati mrt na invade na ng mga manyakis na kala mo lalaki bakla pala!

gasti: sinasabi ko na nga ba! kaya parang may kumikiskis sa likuran ko eh…tsk tsk.

17. naglalambingnacute - Agosto 2, 2008

ahahahaha…😀 ano ba naman yan araw mo sadyang mahirap huminga pag ganon.. tapos may amoy anghit pa? daym…

gasti: sinwerte pa rin ako at nakalabas pa ko ng buhay sa mabantot na elevator na yun. natatawa rin ako paglabas kasi andaming nakaabang na sasakay..mga next victims.

18. emoterang nurse - Agosto 3, 2008

pag rush hour,sa mrt mararansan mo yung magugulat ka n lng dhil nakapasok kn pla sa tren dahil ang gagaling manulak nung nasa likod mo…hahaha

teka, ano pala ang mas easy way papuntang marikina galing sa work mo??ahahaha…db yun nman tlga??

gasti: uu talagang balyahan kapag rush hour sa mrt. kawawa ka kung maliit ka.
merong isang ride lang from ortigas to marikina kahit nga galing ka pa makati eh! ayun nga yung mga shuttle service..mas mapapamahal ka nga lang kasi fixed yung price malayo o malapit.

19. duke - Agosto 4, 2008

ok lang sumiksik sa MRT/LRT sa umaga kse bagong ligo pa lahat. pero sa gabi….wag na lang. sari saring amoy. lahat mabaho.

gasti: kahit umaga pa yan pag natyempuhan na rush hour..8-10am..mag aamoy pawis ka rin.

20. BADoy - Agosto 4, 2008

manlibre ka naman boss gasti! pa coke ka naman dyan! may bente ka… naranasan ko din yun may uutot sa escalator tapos lilingon pa kunwari hindi sya yun! potah kayong lahat na nautot sa public place… pigilin nyo naman kahit once lang!

gasti: hehe! ibig sabihin pre hindi ka umuutot sa public place? astig!
sige libre kita ng coke sakto.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: