jump to navigation

it’s all worth it Agosto 4, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

may mga araw na iniisip ko kung bakit nga ba ako nagba-blog. kung bakit ako nagtyatyagang magsulat at kwentuhan ang mga taong hindi ko naman kaanu-ano. at kung talagang nag eenjoy ba ako sa ginagawa ko.

at sa mga panahon ngyon na malamig, kaliwa’t kanan ang datingan ng mga bagyo at naglalambing ang “elephant” ko, hindi ko na naiisip na magsulat pa ng bagong entry. pero sige na nga babahaginan ko na kayo ng latest chikababe sa buhay ko.

pagkatapos ng isang linggong pagsubok sa katatagan ng inyong lingkod na muntik ng pumutol sa aking kaligayahan, masasabi kong tinitigasan na ulit ako. oops teka lang..wag muna kayo mag anu ano dyan! nakakapanghina naman talaga ang problema sa lovelife kaya ako nanlambot. at hindi rin ako naka-viagra ngyon dahil malakas pa ang resistensya ko. sa katunayan nga eh ginagawa ko pang sampayan ng kumot at kubrekama tong ano ko. ganun katibay yun! anyways..

linggo ng umaga.  ang pinakamagandang araw na sumalubong sakin pagkatapos ng mga bagyo. nalaman kong manonood pala sila misis w/ anak namin na magtatatlong taon pa lang at hipag w/bf nya ng pelikulang “a very special love” sa sine. di ko rin trip yung palabas at sa tingin ko ay sayang lang ang pera kung ganung pelikula ang panonoorin sa sinehan dahil pareho lang ang epekto nun sayo kapag pinanood mo sa vcd o kahit sa tv. di gaya ng mga palabas na hitik sa special effects na mas maa-appreciate mo kung makikita mo sa big screen. gaya na lang ng Matrix, Kingkong, Jurassic park, Transformers. hindi ka lugi sa binayad mo. sa mga pelikulang pinoy naman na napanood ko sa sinehan gaya ng Hibla, Dos Ekis, Balahibong Pusa, at iba pang blockbuster hit nung college days ko ika nga eh solb solb ka rin dahil sa laki ng mga suso at pwet na makikita mo doon. at yung mga ungol ng babae, naka-surround sound system pa! astig! samahan mo pa ng mga eksena sa mga gilid ng sinehan na nagsasagawa ng re-enactment ng pelikula. wala ka ng hahanapin pa!

napag alaman ko rin na death anniversary pala ng lola ko nung july 30 at kelangan pala bumisita kami doon. kaya sumama na lang ako dun kesa naman ako pa ang dalawin ni lola..ang takot ko lang siguro. sinabi ko na lang na susunod ako sa mall pagkatapos ng sementeryo trip namin. napasabak na naman ako sa driving paakyat ng bundok.

pagdating sa sementeryo nabaling ang atensyon ko sa ibang mga lapida. nakiusyoso sa mga patay. nakakapanghinayang kasi yung iba masyado maaga binawian ng buhay..

gasti: tingnan mo to si lourdes, 10 days na lang sana 18th birthday na nya natigok pa.

biglang bumanat si ate..”wala yan dito tingnan mo 10 days lang nabuhay..sobrang baby pa”

hindi naman nagpatalo si bunsong utol…”eto matindi, same day ng pagkapanganak namatay. baka nga hindi man lang nakuhang umiyak nyan eh”

ang gara talaga ng buhay..hindi mo alam kung hanggang kelan ka na lang.

makalipas ang ilang sandali ng pagmumuni-muni sa mga patay ay umalis na rin kami. lumalakas na kasi ang hangin at nagsisimula ng umulan. pagdating naman sa bahay ay naghilamos lang ako at dumiretso naman sa mall. maya-maya pa..

“wer na u? d2 na me.” ganyan ang nabasa kong text sa katabi kong dalaginding na nakatambay. naks! bagets na bagets! sinimulan ko na ring itext si misis para ipaalam na nasa paligid lang ako at nangtsi-tsiks este nagtetext pala. madali ko naman silang natunton sa may bilihan ng laruan. natawa pa ko nung madatnan kong takot na takot ang anak namin sa laruang dinosaur na naglalakad. ang cute nya pa dahil bagong gupit.

ayaw kasi nun magpagupit. pahirapan lagi kapag dadalhin na sa barbershop kaya sinabihan na lang sya na bibilhan ng laruan kapag pumayag. ayun nauto naman. pagkatapos ng pabalik-balik at mahabang pag iikot sa toy store, nakapili din sya ng gusto nya. isang malaking elepante na gawa sa rubber (goma). ewan ko kung bakit yun ang trip nya nung mga oras na yun pero infairness mukhang matibay naman..kahit balibagin nya pa yun ay hindi masisira. medyo may kamahalan nga lang pero hindi mo na maiisip yun kung makikita mong tuwang tuwa ang anak mo. priceless ika nga.

at nung kinagabihan bago matulog, masarap pakinggan ang mga salitang matagal ko ng hindi naririnig…”goodnight! love you” (eto ang tinatawag na icing on the cake)

Mga Puna»

1. apollo - Agosto 4, 2008

and now you can claim the loots of the past war. lols!

gasti: uhhm loots? parang sa mga bday party may lootbag..

2. chillidobo - Agosto 4, 2008

yes naman. the joys of being padre de pamilya!
-ang maexcuse sa mga mushy-mushy tagalog films. (utot)

gasti: hehe! uu nga eh mas gugustuhin ko pang tumambay sa timezone o kaya worlds of fun kesa manood ng ganun.

3. Lyzius - Agosto 4, 2008

ayan..kiss and make up na…hehehe..ayus yan!

gasti: kiss lang ayos na..hehe!

4. Jeck - Agosto 4, 2008

pinanood mo rin ba yung movie ni sarah? ako, nakanood na. bwehehe.

sana may pic yung elepante. bibili rin ako. *inggit*

gasti: haha! pati pala ikaw nanood..ang tanong eh naintindihan mo ba yung istorya?
hindi action figure yung elepante ah! pangbata nga..pero pwede na ring i-display.

5. Maldito - Agosto 4, 2008

madalas ko ding marining yang linya na yan..

sa mga ka one nyt stand..ahahaa…joke

anyways, bago naman ang gusto kong colectahin..mga dragons naman…ayush kasi ang porma..

ang buhay ay ganyan..alam naman siguro ni papa Jesas na kailangan na nila umalis dahil indi naman sila siguro makakatulong dito sa earth…kaya ginawa silang angels..

hmmmm…….contemplate time ah..bwesit..

ayoko ng mga ganito..napa isip ako..

ano ba talaga ang mabuting ginawa ko dito sa earth?

hu hu hu..sabi na nga bang wala eh.

ampootah.

gasti: haha! tinutubuan ka ng ugat dyan sa kaka-one nyt stand mo.
isang mcfarlane dragon lang meron ako (berserker clan). astig nga eh saka ko na dadagdagan pag may trip ulit ako.
ang masasabi ko lang sayo ay marami kang napaliligayang mga babae. kung wala ka, pano na ang malalamig na gabi nila? ryt? hehe!

6. April - Agosto 5, 2008

ang chwit! hehe.. mukang na-ander ka na naman ah at kagabi mo lang narinig ulit ang matamis na gudnyt at ilabyu ni misis.. miss na rin siguro nya ang “elephant”.. hehehe!

gasti: for the record, lagi akong over the top sa kanya ah! hehe! pero sige na nga baka magalit na naman sakin pag nabasa nya to..

7. Leyn - Agosto 5, 2008

pano ba maglambing ang elephant mo.

gasti: uhhhmm…ibubulong ko na lang sayo next time.

8. BADoy - Agosto 5, 2008

over the top pala pero sa mga blog mo underdesaya ka… ganun talaga parating under mga lalaki kundi walang haylabyu sa gabi at di ka papansinin!

gasti: it’s inevitable ika nga kung gusto mo tumagal pagsasama nyo matuto kang magpaubaya. pero hindi ibig sabihin nun na underdesaya ka na.
at isa pa, hindi sa lahat ng oras ay lalaki ang gumagawa ng unang hakbang para makipag anuhan. da best yun!

9. madbong - Agosto 5, 2008

at sigurado akong bumawi hehe dahan-dahan pag tesbun parekoy

gasti: dahan dahan pag lalabas ng bahay sa madaling araw? ahehe!
wala nga eh!

10. roneiluke - Agosto 6, 2008

hahaha! nakakatawang blog! hahaha! cool site…ciao!

gasti: mukhang nasiyahan ka nga…hehe! thanks

11. chyng - Agosto 6, 2008

gib en teyk lang yan.. my boyfren wants that Very Special Love so i bought tickets for it. Kung naintindihan ko yung movie, wag mo na alamin. Basta ang alam ko nasiyahan cia. He gave back the deed by accompanying me sa Ateneo game! Apir! (–,)

gasti: parang baliktad ang hilig nyo ah..ikaw sa basketball sya naman sa romantic film…hehe! ayos!
ok lang kung hindi mo naintindihan yung movie. basta nag enjoy ka🙂 Apir!

12. naglalambingnacute - Agosto 6, 2008

ahahaha… nakakatuwa ka naman mag kwento gasti.. at naglalambing pala ang elephant.. kala kung anong elephant yun!😳

gasti: malambing talaga ang mga elephant lalo na sa umaga

13. popoy - Agosto 6, 2008

tanginiks, ang TAMIS!!! hahahaha.

kala ko kung ano yung elephant link, si chinchan pala hahaha.

alam mo gasti ganyan din kami dati sa sementeryo pag araw ng patay. minsan nga iniisip ko lalo na yung mga kakalibing pa lang yung mga 1 week pa lang sila nalilibing kung ano na itsura nila sa loob? mainit kaya dun? madilim? mga ganung bagay? dyahe naman kasi sa nitso dapat may aircon hahaha. nakakalungkot din talaga isipin na may mga taong ndi man lamang naranasan yung SARAP ng mabuhay. maswerte tayong mga buhay pa dahil nakakaranas man tayo ng paghihirap dahil sa mga krisis ngayon at problema sa bansa eh nakikita naman natin at naliligayahan tayo tuwing makakakita ng tulad ng sa ANAK mo, ang priceless na ngiti nya, ang i labs u ng misis mo? o di ba ang saya saya noh? hahahahaha…

P.S.

Maganda “DAW” ang A VERY SPECIAL LOVE nila sarah girunimu at jangloyd krus. sa DVD ko na lang papanoorin hahaha.

gasti: uu nga! tuwang tuwa nga ako kinwentuhan pagkatapos eh..sulit daw talaga. papanoorin ko rin yun..next year sa vcd. paniguradong yung dvd copy nun ngyon kinopya rin sa sinehan..hehe!

14. roneiluke - Agosto 6, 2008

sige nga..mapanuod nga! haha!

15. rimewire - Agosto 6, 2008

saws

hakhak

anggaleng ng segway ah, bglang nging kamatayan ang topic

hakhak

elyens

XXXxx

16. aga - Agosto 7, 2008

pasaway ka gasti! ahehehehehe🙂
palambing nga rin sa elephant mo!
asust🙂

17. ponchong - Agosto 7, 2008

talagang elephant ang pagkakadescribe.

siguradong tuwang tuwa ang elephant kasi tapos na ang bagyo. makakapagrock ‘n roll na naman.

kadiri talaga pag makarecieve ng text message na tulad ng ganon. inis me sa text u — super jologs!

gasti: hehehe! magwawala na naman si elephant. ang corny nga ng text na ganun pero andami pa ring gumagamit.

18. Nadine - Agosto 7, 2008

GASTI!!! Haha!! Ang cute nung elepante!! Namiss ko tuloy si Shinchan! Haha! =))) Anyways, gusto ko lang sabihin na nagmove nako! =) TC!

gasti: hehe! nagustuhan ko lang si andrew e nung nag dubbing sya kay shinchan.
ok in-update ko na link mo..

19. sexy moi - Agosto 7, 2008

naman ang elephant! hahaha

20. rakz - Agosto 7, 2008

sold out daw tix nung a very special love sa gateway dati..san ka pa! hehehe..
ang sweet naman po nung kuwento mo tungkol sa anak at misis mo…🙂

gasti: haha! ayos ah! box office hit.. pero hindi ko pa rin panonoorin sa sinehan..

21. ayyzzz - Agosto 7, 2008

hahaha..
napaklik din ako sa elephant..

bwahahaha…

gasti: ano ba kasi naisip mo? hehe!

22. LEI - Agosto 8, 2008

naks. tatay na tatay ang dating. hehe. anyway, lahat ng sinabi nio may punto. galing.🙂 hmm.. next time papabili din ako elepante sa ina ko. haha.

gasti: di na bagay sayo mga laruang elepante🙂 iba na lang..

23. Yummy Dingding - Agosto 9, 2008

nakakatawa ka haha elepante amp. anyways mas masaya magkwento sa blog eh hahaha😄

gasti: mas makakatipid ka sa laway pag dito ka nagkwento sa blog kasi di mo na uulit ulitin sa lahat ng friends mo ang istorya mo eh..ipapabasa mo na lang.

24. akosimakoy - Agosto 10, 2008

aysus… hehehe!

25. Jhaynee - Agosto 10, 2008

pag matagal tagal ka nga naman na hindi nakakapagblog, huli ka nga naman talaga sa mga balita..

kakabasa ko lang ng post na nag-away kayo tapos eto na pala’t bati na kayo ulit.. haaay…

heto at nakikicatch up na lang muna ako sa kung ano ang bago sa buhay niyo.. next time na siguro ako magpopost..

ingatz kuya!

gasti: hehe! mukhang busy ka na nga rin eh! ayos lang studies first..malapit ka na maka-graduate. ingats rin!

26. eggbreaker - Agosto 27, 2008

nalito ako sa elephant ah..hehe
npadaan lng po.. ;p


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: