jump to navigation

mahiwagang timbangan Agosto 27, 2008

Posted by gasti in muni-muni moments.
trackback

Pagminsan nagkakaron ako ng oras para gumawa ng walang kapararakan na bagay gaya ng pagtunganga sa kulungan ng aso at pagmasdan ang 4 na tutang nag uunahan sa pagsunggab ng dede sa kanilang ina, o di kaya ay sa kulungan ng guinea pigs at makipagtitigan sa mga ito na tila ba kauri ka nila. Simpleng buhay..nakakaumay. nakakaawa rin sila kung tutuusin dahil buong buhay nila ay petiks sila. Di gaya ko na minsanan lang..*ehem! At bukod sa panginginain at pakikipag anuhan sa kapwa nila sa araw araw na ginawa ng Diyos samahan mo pa syempre ng pagjebs kung saan maabutan (ang masama pa neto ay nasa loob lang sila ng kulungan kaya lalanghapin nila lahat ng kabahuan sa paligid), ay wala na silang pwedeng magawa pa.

Naalala ko tuloy yung pelikulang “wall e” na pinanood naming kamakailan lang…halos ¾ ata ng pelikula ay puro mga linyang “wall eeeeh at evaaah” lang ang dialogue. hindi na ako nagtaka nung narinig kong naghihilik yung anak ko sa loob ng sinehan. Di nya tuloy nalaman ang moral lesson. Pag sobrang dami ng basura sa earth, sa spaceship na kami titira at sama-sama kaming magiging obese. Pero hindi ko naman pinangarap na mangyari sakin yun.

Ang buhay petiks, nakakataba. Kaya dapat siguro humihilata na ako sa kama sa mga panahon na ito..tapos kusang darating ang rasyon ng pagkain sa kwarto pati mga fresh juice/milk na kakapiga pa lang ng mga nagseseksihang dilag at susubuan ako ng ubas sa bibig habang yung iba ay bigay todong gumigiling sa harapan ko. Goodtimes.

Kelangan rin naman mag ehersisyo. Syempre para gawing maskels ang laman na maidadagdag sa katawan ko kaya naisipan ko naman mag push up (sa harap ng isang magandang binibini na nakahiga naman sa sahig at magsisilbing motivation sa pagtaas at pagbaba)..may mga naisip rin akong kakaibang paraan sa pagsasagawa ng pull-ups, benchpress, sit-ups pero hindi ko na idedetalye pa rito dahil baka mapagkamalan na naman akong manunulat sa tabloid.

Dumaan ang 2 sunod na long weekend na hindi namna ako halos nakapagpahinga dahil maya’t maya kami umaalis at syempre ako ang driver. Di naman ako pwedeng matulog sa byahe at hindi rin ako makakain ng maayos kapag nagmamaneho. Ni hindi ko rin magawang makipagsabayan sa pakikipaglasingan sa kabarkada ko nung umattend ako ng bertdeyan ng anak nya. Pakiramdam ko ay namayat ako lalo dahil sa mga aktibidades at pag iisip ng kung anu-ano nung mga nakalipas na araw kaya napagdiskitahan kong kunin ang timbangan namin para silipin ang ebidensya.

Laking gulat ng mga kapatid ko ng marinig nila at makita ang istatistikang inilabas ng timbangan na inapakan ko.

Gasti: whoah! 134 pounds! Pwede ko na labanan si Pacquiao anumang oras ngyon..bwahahaha!

Older sis na malabo ang mata: uy uu nga noh pano ngyari yun? Sira na yata itong timbangan na binili ko ah!

Bunsong bro: kalokohan yan! Mas mabigat ka na sakin kuya? Di naman halata ah!

Loving wife: eh panong hindi titimbang ng ganyan yan eh karga nya yung anak namin.

at least gumaan ang pakiramdam ko sa nakita ko…

Mga Puna»

1. rakz - Agosto 27, 2008

hahaha! may daya naman pala ung pagtimbang mo kuya..bitbitin daw ba ang anak habang nagtitimbang! haha! akala ko ba naman totoo na..😀

gasti: hehe! mahilig kasi sumama sakin yun eh tinulungan nya lang naman akong ma-achieve ang pinapangarap kong timbang.

2. apollo - Agosto 27, 2008

sabi ng isang reliable source, efter we reach the age of 30. one pound every year daw ang nadagdag sa natural weight natin… kaya masaya pa rin ako kahit payatut at magaan ako. hehe..

gasti: pero ayoko naman mag antay pa ng 30 years para madagdagan ang timbang ko at sigurado akong sa tyan lang naman ang lalaki kapag ganun. mas ok na rin mag exercise.

3. i_k_a_y - Agosto 27, 2008

hahahaha….kakalokah! yung younger bro mo….bading b yun??
ask lng ha!…kakalokah kc term nya eh…hehehehe..

out topic?
bkit po yung “tamang kutob”
eh nkaprotected po??
pang adik lng po b yun?..hahahaha
kc praning eh (tamang kutob) ^_^

gasti: wala naman akong napansing kabadingan sa sinabi nya..sus! sigurado ako barako yun..haha! yun pa!
yung isang entry kelangan protektahan dahil baka mabasa ng hindi dapat makabasa. hehe! nag iingat lang.

4. Maldito - Agosto 27, 2008

ha ha ha…jusko..nag yehey pa naman ako nung malaman ko na nag dagdag timbang ka na..nag supplements ka na kasi..ako nga unti unti na din nagkakatimbang.

para sa kinabukasan natin to..lols..pabayaan mo na ang problema na problemahhin tayu..ahe he he

gasti: hehe! ganun na nga pards…isantabi muna ang problema dahil walang naidudulot na buti yun sa katawan. kelangan na seryosohin ang pagpapatubo ng maskels.

5. eyna - Agosto 28, 2008

kaya ako di na nagtitimbang at mag-aaway lang kami nung timbangan. SINUNGALING sya eh.

pero dati…ang dmi ko na ata nasubukan, mula aerobics, to taebo, ballroom dancing (sa vcd), hanggang sa kung ano anong diet, meron pa binibilang bawat gram na fat na kinain mo at lagi irerecord para control ang fat intake every week (@-@).

gasti: mukhang sineryoso mo talaga ang pagpapayat ah..maganda nga naman sa katawan ang ehersisyo.
nakakadismaya talaga kapag walang ipinagbago ang timbang mo kahit nag exert ka naman ng matinding effort. pero hindi naman ako sumusuko. by December kelangan mag ibang anyo nako.

6. XienahGirl - Agosto 28, 2008

natawa ako kay lovely wife
matatalino na talaga
ang makabagong kababaihan
ng panahon ngayon

tsk tsk
bumalik ka na pala?
sus

7. BADoy - Agosto 29, 2008

talo ka talaga sa wife mo… under de kama… pero masarap maging under at sa top ang babae… heheeh!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: